"As in? Talagang napakawalang kwentang fiancé ni Lucas. Ngayon naniniwala ka na? Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo ang ginagawang panloloko sa ‘yo ng Lucas na ‘yan,” matinis na saad ni Danica.
Tama ang hinala nito. Noong una ay nagdududa rin naman siya ngunit tinatalo siya ng salitang tiwala. Ayaw naman kasi niyang pag-isipan si Lucas nang masama lalo pa't wala pa naman siyang napapatunayan. Sabi-sabi lamang kasi ang kanyang mga naririnig. Ayaw niya kaagad maniwala dahil wala naman maipakitang ebidensya ang mga taong naninira rito. Kagabi lamang niya harap-harapang nakita ang panloloko nito. Akala siguro ni Lucas ay hindi siya makakapunta sa mga party na kagaya niyon. Kung hindi lamang nagkasakit ang lolo niya at pumunta ng States ang papa niya ay hindi naman makikita ang presensya niya roon. Talagang sinadya iyon ng tadhana. Wala naman kasing lihim ang hindi nabubunyag, ika nga ng karamihan. Kahit pa sabihin niyang walang kwenta si Lucas o hindi niya dapat iyakan ang traydor. Hindi niya maiwasang masaktan lalo pa't hindi siya ganoon katapang pagdating sa usapang pag-ibig. Labis na kahihiyan at kalungkutan ang natanggap niya mula sa lalaking akala niyang magmamahal sa kanya ng tunay at totoo. Na kataksilan lamang ang kayang isukli sa ibinay niyang tunay na pag-ibig. Buti na nga lang at hindi pa man sila naikakasal ni Lucas ay nakita na niya ang tunay nitong pagkatao. Talagang may dahilan ang lahat ng mga nangyayari. “Yes Danica, tama ka. At least nalaman ko nang mas maaga,” usal niya kasabay nang pagpunas ng kanyang sariling luha. “So what's your plan?” Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Actually may hindi pa ako sinasabi sa ‘yo. I'm not sure kung dapat ko bang sabihin sa ‘yo ‘to. But–” naputol ang sasabihin niya matapos marinig at mapanood ang isang balita sa television. Napatakip siya nang bibig nang lumabas ang rumored about sa ginawang pagpapakasal ng kilalang senador sa isang hindi kagandahang babae. ‘I’m not an artist or any celebrity.. Whatsoever. I have my own private life. But yes, inaamin kong nagpakasal nga ako sa babaeng itinakda sa akin ng kapalaran.' Halos lumuwa ang mata niya sa narinig na sagot mula kay Sen. Javier sa katanungan ng media. Sagot na nagpalakas ng kabog sa dibdib niya. “Sino kaya ‘yung maswerteng babae at nagawa niyang mapikot si Sen. Javier? Isipin mo ang sabi sa balita Francesca, ni hindi kagandahan? Ano naman kaya ang hitsura niya? Sigurado akong mas maganda ako roon, ano?” napapailing na lamang na saad ng kaibigang si Danica. Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Paano pa kaya kapag nalaman nito na siya ang tinutukoy sa balita? Ano na lamang kaya ang sasabihin ng kaibigan? May guts pa kaya itong sabihin nito ang ganoong mga bagay sa harapan niya? Totoo naman ang sinasabi ng lahat. Oo hindi siya kagandahan. Isa pa, mataba siyang babae na nakaka-turned off sa mga kalalakihan pero so what? Natawa na lamang siya. ‘I don't care what people thought about me. Anyway, that's not important though, wala na nga silang ambag nakikialam pa sa buhay nang may buhay. ’ tanging bulong na lamang niya sa sarili. Saka na lamang niya siguro sasabihin kay Danica ang tungkol sa bagay na itinatago niya. Kapag handa na siya saka lamang niya aaminin rito ang lahat. Sa ngayon, kailangan na muna niyang i-zip ang bibig niya. ‘Bahala na muna silang manghula tungkol sa ‘kin,’ napapangiti niyang saad sa isipan. ‘This will be interesting,’ dagdag niya pa. May kung anong kapilyuhan ang namuo sa kaniyang isipan nang mga oras na iyon. Lihim siyang napangiti habang pasimpleng sinulyapan si Danica na tahimik lamang na nakatingin sa pinalilinis na paa.Takip-silim na nang makabalik si Francesca sa mansion ni Sen. Javier. Dumaan muna siya sa kanila upang kunin ang ilang mga kagamitan. Ayon sa mga katulong ay hindi pa naman nakakauwi ang senador kaya't nakahinga siya nang maluwag.‘Ano ba dapat ang ginagawa ng mga asawa?’ napaisip siya. Naalala niyang hindi nga pala sila magsasama ni Sen. Javier sa iisang kwarto. Napatikhim siya. Pumasok na siya sa guest room.‘I’m not a real wife. Ang totoo I'm just a guest here.’ Napabuntong-hininga siya.Hindi namalayan ni Francesca na nakaidlip na siya kung hindi lamang siya nagising mula sa mga katok sa pintuan. Nagmamadali siyang tumayo at nagbukas ng pinto. Bumungad sa kaniya ang tila nakainom na si Sen. Javier. Seryoso ang mukha nito na nakatitig lamang sa kaniya. Tinanggal niya ang tila bumara sa kaniyang lalamunan. Saka muling inangat ang tingin rito.“G-Good evening, S-senator..” Pumasok ito sa loob.“Do you like here?” Hindi niya mawari kung ano ang ipinahihiwatig nito. Tila siya’y mas
"Good morning, senator,” nakangiting bungad sa kaniya ni Francesca nang magkasalubong sila sa baba ng hagdanan. Napatingin na lamang siya sa kabuuan ng mukha nito. Napaka-blooming, mukhang maganda ang gising. Habang siya naman ay hindi na nakatulog pa matapos magising ng isang kakaibang panaginip. Napahugot na lamang siya nang malalim na hininga.“Morning, have you eaten already?” pagkuwa'y lumakad na siya.“Hmm, hindi pa..” Umiling ito sabay nang pagsunod sa kaniya.Tumingin siya sa suot na relo.‘6 am, anong araw ba ngayon?’ napaisip siya.“Maaga kang nagising,” saad nito. “May lakad ka ba ngayong umaga? Sunday ngayon ah..” Naupo sila sa dining. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap. “Maggo-golf ako this morning kasama sina Benny at Michael. Gusto mong sumama? You can join us if you want.”“Nope, baka magkita kami ni Danica mamaya,” tanggi nito habang sumasandok ng pagkain. Tumango na lamang siya. Hindi pa rin maalis ang tingin sa inaanak.“Senator, bakit?” Napansin niya na nakating
“Anong ginagawa mo rito?” Napasulyap siya sa lalaking pamilyar ang boses. Magkasalubong ang kilay nito habang tinititigan siya. Lumingon siya sa likuran at sa paligid niya upang manigurado kung siya nga ba talaga ang kausap ng senador o hindi. “Sen. Javier, good evening.. Let's have a drink,” ani Danica habang itinataas pa ang baso ng alak. Nagniningning ang mga mata ng kaibigan habang nakatingin kay Sen. Javier. Medyo may tama na rin si Danica. “Oh, a-ano ba ang ginagawa ng nasa bar. ‘D-Di ba umiinom at nag-eenjoy,” mahina at nauutal niya pang sagot. Napatingin si Danica sa kaniya na tila nagtataka. Nanlaking bigla ang kaniyang mga mata nang hawakan siya nito at hilahin. “T-Teka,” protesta niya rito habang napatingin sa kaibigan niya na walang imik habang naguguluhan sa mga nangyayari. Napasunod na lamang ng tingin ang kaibigan niya habang palabas siya ng bar. Nang nasa labas na sila ay saka lamang siya binitiwan ni Sen. Javier. Napahawak na lamang siya sa wrist. Hum
“Si Francesca, gising na ba?”“Maaga po siyang lumabas senator,” sagot ng katulong habang nagliligpit. Agad na napakunot ang kaniyang noo. “Saan daw pumunta?”“Wala pong sinabi senator..”Napabuntong-hininga siya.‘Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ‘yon.’ Kung alam lang niya nang mas maaga ay hindi sana siya mapapasabak sa pakikitungo sa ganyang klase ng babae. Mukhang sasakit ang ulo niya sa inaanak niyang iyon. Napailing na lamang siya habang patuloy sa paglalagay ng palaman sa tinapay. Aalis na lamang siya ay hindi pa rin bumabalik si Francesca.‘Saan ba siya pumunta?’“Sige Manang, pakisabi na lang sa kaniya na–”“Good morning, senator..” Papasok na siya ng kotse nang bumungad sa kaniya ang nakangiting si Francesca. Mukhang kararating lang nito mula sa pagjo-jogging dahil sa suot nito. Sa inis ay mabilis niya itong nahila dahilan para mapasandal ito sa pintuan ng sasakyan niya. Nanlaki ang mata nito sa kaniyang ginawa.“Inisip mo rin ba na may taong nag-aalala sa ‘yo?” tiim-
“Sabi na nga ba’t may ugnayan kayong dalawa ni Sen. Javier. Francesca ha, akala ko ba si Lucas lang ang traydor sa inyong dalawa..” Napatikhim pa ito. “I had no time for explanation Danica.. Come on, we gotta go..” Hinila niya si Danica kaya't napasunod na lamang ito. Wala siyang panahon para makipagkwentuhan sa kaibigan patungkol sa kanilang dalawa ng senator. Saka na lamang niya ipaliliwanag ang lahat dito kapag meron ng pagkakataon. “Manang, we have to go. Magpapaliwanag na lang ako sa susunod kong balik.” Nagmamadali niyang tinungo ang labas matapos magpaalam kay Manang Lena. “Francesca, wait, saan ba tayo pupunta?” nakaismid na tanong ni Danica. Walang anu-anong binuksan niya ang pintuan sa backseat ng kotseng nakaparada sa garahe. Sumilay ang ngiti sa labi ng kaibigan. “Hmm, ba’t hindi mo agad sinabi.” Kusa na itong pumasok sa loob. Papasok na rin sana siya kasunod nito nang marinig niya ang maawtoridad na boses ng senador. “Dito ka,” sabay silang napalingon sa s
Malalaki ang pawis ni Francesca habang tumatakbong sampa ng treadmill at habul-habol ang hininga. Pakiramdam niya ay hinahabol siya ng isang malaking aso sa lagay niyang iyon. Pakiramdam niya ay masyado nang mabigat ang kaniyang timbang dahil bihira na lamang siyang mag-exercise sa loob nang isang taon.‘Woohh, this would be a hard thing.. I hate doing this but keep going Francesca, ‘coz one day you’ll be rewarded..’ Noong teenager kasi siya ay maganda naman ang hugis ng kaniyang katawan. Hindi na lingid sa iba na marami rin ang nahulog sa kaniyang alindog noon. Sadyang nagbabago lang talaga ang katawan ng tao kasabay ng takbo ng panahon. Minsan rin siyang naging conscious sa sarili noon, subalit dumating ang panahon na napabayaan niya ito. Hindi na niya nai-maintain pa ang pagkakaroon ng seksing katawan. Lalo pa nung mawala ang kaniyang ina at nakababatang kapatid. Naku, mas lalong napabayaan niya ang sarili. Sa mga panahong iyon, pagkain ang naging stress reliever niya at ang tang
“Nasaan si Francesca?”“Naku, sir, maaga po siyang lumabas. Ang sabi niya nagpaalam na raw po siya sa iyo,” sagot naman ng katulong na nag-serve sa kaniya ng inumin. Napabuntong hininga siya. Sinenyasan niya itong umalis na. Magalang naman itong sumunod. Nang wala na ito sa kaniyang paningin, agad niyang kinuha ang cellphone at chineck kung may mensahe bang mula sa kaniyang inaanak.‘Good morning senator, baka magtaka ka na maaga akong umalis kanina. May pinuntahan lang ako sa Makati kasama si Danica. Uuwi rin ako kaagad,’ basa niya mula sa text ni Francesca. Tiningnan niya ang oras ng pagkakatanggap ng mensahe.‘Quarter to six, masyado namang maaga. Saan naman kaya siya pumunta?’ Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay pinunasan ang bibig saka agad nang tumayo. Naglakad siya at umakyat ng hagdan patungong kwarto. Kailangan na niyang makapaghanda upang hindi siya ma-late. Hindi na niya mahihintay pa si Francesca. Bahala na ito kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay basta ba’t na
Wala sa isip na idinikit ni Francesca ang kaniyang tainga sa pintuan ng opisina ni Sen. Javier. Nilinaw niya ang kaniyang pandinig. Napasimangot siya nang wala man lang ni isang salita ang kaniyang narinig. Napabuntong hininga siya. Napangiti siya nang mapatingin sa katulong na nakatayo at nakatingin sa kaniya. Bitbit nito ang tray na may lamang dalawang juice at toasted sandwich. She cleared her throat sabay ng pagtayo nang maayos. “Huwag kang maingay,” bulong niya rito bago ito makapasok. Hinawakan niya ang doorknob nang lumabas muli ang katulong upang hindi nito tuluyang maisara ang pinto. May kaunting siwang na sakto lang para masilip ng isang mata ang looban nang hindi nahahalata sa loob. Saka lamang niya narinig nang malinaw ang boses ng mga ito. “Senator, alam mo naman ang masa ngayon ‘di ba? Mainit sa kanila ang mga pangalan ng tatakbong kandidato sa susunod na halalan.” Naalarma siya sa boses ng babae sa loob. ‘Kaanu-ano niya ba ang babaeng ito? In fairness ha, may
Mahina niyang tinapik sa braso si Francesca upang ipaalam na nakarating na sila ng mansion ngunit hindi ito agad nagising. Nahikayat siyang lapitan at titigan ito sa mukha. Marahan niyang tinanggal ang mahabang hibla ng buhok na nagtatakip sa pisngi nito. Napangiti siya.‘Pumayat ka nga ng kaunti dahil hindi na ganoon kabilog ang iyong pisngi..’ bulong niya rito. ‘Nagpapapayat ka ba?’ dagdag niyang tanong. Sinigurado niyang tama nga ang kaniyang iniisip. Pinisil niya ng bahagya ang pisngi ni Francesca upang malaman kung gaano kalaki ang ibinawas ng taba nito. Ramdam niya sa kaniyang daliri ang lambot ng makinis nitong balat. Ang mala-porselana nitong kutis na siyang nakakadagdag bighani sa tuwing tinititigan ito. Natatangi talaga ang ganda ni Francesca na hindi mapantayan ng karamihan. Ulit niya, hindi nito deserved ang masaktan ng isang walang kwentang lalaki. May kung anong galit ang muling bumugso sa puso niya nang maalala ang pagmumukha ni Lucas. Kaagad niyang binura sa isipan
“A-Ano bang pinagsasabi mo? Akala ko ba anytime akong makakauwi sa bahay namin hangga't gusto ko? Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin?” Seryoso at kunut-noong tanong ni Francesca.“Noon ‘yon, nung hindi ko pa alam na mag-isa ka lang sa inyo.” Pilit nitong kinalma ang sarili saka muling sumagot. “May mga kasama ako sa bahay. Nandoon sina Manang Lena.”“Iba pa rin kung nasa poder kita,” agad naman niyang saad.“‘Di ba nga kasal lang tayo sa papel at hindi–”“Kahit na, asawa mo pa rin ako. Dala-dala mo ang apelyido ko hindi ba? Kaya't may karapatan pa rin ako sa ‘yo, hindi iyon nakabase sa kontrata lang,” putol niya sa sasabihin nito. Natigilan si Francesca.“S-Sige na, kung iyan ang gusto mo. Maiwan na kita at may gagawin pa ako,” usal nito nang magtangka itong tumalikod. Mabilis niya itong hinawakan sa braso dahilan para mapahinto si Francesca. Tumingin ito sa kaniyang kamay. Hanggang sa magtama ang kanilang paningin.“A-Ayoko lang masira ang imahe nating dalawa bilang mag-asawa s
“Salamat at pumayag kang makipag-dinner,” wika ni Francesca nang makapasok sila sa main door. Ngumiti ito nang bahagya. “Siyempre, nakiusap ka at ang kaibigan mo.” Natahimik siyang naglakad. “Francesca..” Muli itong sumulyap sa kaniya. “Ha?” “Congratulations, suportado kita riyan sa pagpapatakbo mo ng negosyo. Bakit hindi mo nga pala kaagad sinabi sa akin na magbubukas kayo ng resto? May naitulong sana ako,” mahinahon nitong saad. “Ah, hindi na, actually sorpresa talaga iyon.” “Yeah, and you did. That was a good surprise, anyway.” Isinuot nito ang pambahay na sapin sa paa. “You know what, Francesca, you did a great job today. As a reward, magmula ngayon hindi ko na kukwestiyunin ang mga ginagawa mo. Now, that I knew kung ano ang pinagkakaabalahan n'yo ng kaibigan mo. I won't bother you anymore.” Niluwagan nito ang suot na necktie. Why he sounds like her parents? Nalungkot siyang bigla nang maalala ang kaniyang ina at kapatid. Kung nabubuhay lang ang mga ito sigurado si