Chapter: Chapter 18 [Pakiramdam] Mahina niyang tinapik sa braso si Francesca upang ipaalam na nakarating na sila ng mansion ngunit hindi ito agad nagising. Nahikayat siyang lapitan at titigan ito sa mukha. Marahan niyang tinanggal ang mahabang hibla ng buhok na nagtatakip sa pisngi nito. Napangiti siya.‘Pumayat ka nga ng kaunti dahil hindi na ganoon kabilog ang iyong pisngi..’ bulong niya rito. ‘Nagpapapayat ka ba?’ dagdag niyang tanong. Sinigurado niyang tama nga ang kaniyang iniisip. Pinisil niya ng bahagya ang pisngi ni Francesca upang malaman kung gaano kalaki ang ibinawas ng taba nito. Ramdam niya sa kaniyang daliri ang lambot ng makinis nitong balat. Ang mala-porselana nitong kutis na siyang nakakadagdag bighani sa tuwing tinititigan ito. Natatangi talaga ang ganda ni Francesca na hindi mapantayan ng karamihan. Ulit niya, hindi nito deserved ang masaktan ng isang walang kwentang lalaki. May kung anong galit ang muling bumugso sa puso niya nang maalala ang pagmumukha ni Lucas. Kaagad niyang binura sa isipan
Last Updated: 2025-04-24
Chapter: Chapter 17 [Kaba]“A-Ano bang pinagsasabi mo? Akala ko ba anytime akong makakauwi sa bahay namin hangga't gusto ko? Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin?” Seryoso at kunut-noong tanong ni Francesca.“Noon ‘yon, nung hindi ko pa alam na mag-isa ka lang sa inyo.” Pilit nitong kinalma ang sarili saka muling sumagot. “May mga kasama ako sa bahay. Nandoon sina Manang Lena.”“Iba pa rin kung nasa poder kita,” agad naman niyang saad.“‘Di ba nga kasal lang tayo sa papel at hindi–”“Kahit na, asawa mo pa rin ako. Dala-dala mo ang apelyido ko hindi ba? Kaya't may karapatan pa rin ako sa ‘yo, hindi iyon nakabase sa kontrata lang,” putol niya sa sasabihin nito. Natigilan si Francesca.“S-Sige na, kung iyan ang gusto mo. Maiwan na kita at may gagawin pa ako,” usal nito nang magtangka itong tumalikod. Mabilis niya itong hinawakan sa braso dahilan para mapahinto si Francesca. Tumingin ito sa kaniyang kamay. Hanggang sa magtama ang kanilang paningin.“A-Ayoko lang masira ang imahe nating dalawa bilang mag-asawa s
Last Updated: 2025-04-22
Chapter: Chapter 16 [Isipan]“Salamat at pumayag kang makipag-dinner,” wika ni Francesca nang makapasok sila sa main door. Ngumiti ito nang bahagya. “Siyempre, nakiusap ka at ang kaibigan mo.” Natahimik siyang naglakad. “Francesca..” Muli itong sumulyap sa kaniya. “Ha?” “Congratulations, suportado kita riyan sa pagpapatakbo mo ng negosyo. Bakit hindi mo nga pala kaagad sinabi sa akin na magbubukas kayo ng resto? May naitulong sana ako,” mahinahon nitong saad. “Ah, hindi na, actually sorpresa talaga iyon.” “Yeah, and you did. That was a good surprise, anyway.” Isinuot nito ang pambahay na sapin sa paa. “You know what, Francesca, you did a great job today. As a reward, magmula ngayon hindi ko na kukwestiyunin ang mga ginagawa mo. Now, that I knew kung ano ang pinagkakaabalahan n'yo ng kaibigan mo. I won't bother you anymore.” Niluwagan nito ang suot na necktie. Why he sounds like her parents? Nalungkot siyang bigla nang maalala ang kaniyang ina at kapatid. Kung nabubuhay lang ang mga ito sigurado si
Last Updated: 2025-04-21
Chapter: Chapter 15 [Hinala]Wala sa isip na idinikit ni Francesca ang kaniyang tainga sa pintuan ng opisina ni Sen. Javier. Nilinaw niya ang kaniyang pandinig. Napasimangot siya nang wala man lang ni isang salita ang kaniyang narinig. Napabuntong hininga siya. Napangiti siya nang mapatingin sa katulong na nakatayo at nakatingin sa kaniya. Bitbit nito ang tray na may lamang dalawang juice at toasted sandwich. She cleared her throat sabay ng pagtayo nang maayos. “Huwag kang maingay,” bulong niya rito bago ito makapasok. Hinawakan niya ang doorknob nang lumabas muli ang katulong upang hindi nito tuluyang maisara ang pinto. May kaunting siwang na sakto lang para masilip ng isang mata ang looban nang hindi nahahalata sa loob. Saka lamang niya narinig nang malinaw ang boses ng mga ito. “Senator, alam mo naman ang masa ngayon ‘di ba? Mainit sa kanila ang mga pangalan ng tatakbong kandidato sa susunod na halalan.” Naalarma siya sa boses ng babae sa loob. ‘Kaanu-ano niya ba ang babaeng ito? In fairness ha, may
Last Updated: 2025-04-20
Chapter: Chapter 14 [Pagdududa]“Nasaan si Francesca?”“Naku, sir, maaga po siyang lumabas. Ang sabi niya nagpaalam na raw po siya sa iyo,” sagot naman ng katulong na nag-serve sa kaniya ng inumin. Napabuntong hininga siya. Sinenyasan niya itong umalis na. Magalang naman itong sumunod. Nang wala na ito sa kaniyang paningin, agad niyang kinuha ang cellphone at chineck kung may mensahe bang mula sa kaniyang inaanak.‘Good morning senator, baka magtaka ka na maaga akong umalis kanina. May pinuntahan lang ako sa Makati kasama si Danica. Uuwi rin ako kaagad,’ basa niya mula sa text ni Francesca. Tiningnan niya ang oras ng pagkakatanggap ng mensahe.‘Quarter to six, masyado namang maaga. Saan naman kaya siya pumunta?’ Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay pinunasan ang bibig saka agad nang tumayo. Naglakad siya at umakyat ng hagdan patungong kwarto. Kailangan na niyang makapaghanda upang hindi siya ma-late. Hindi na niya mahihintay pa si Francesca. Bahala na ito kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay basta ba’t na
Last Updated: 2025-04-19
Chapter: Chapter 13 [Imahinasyon]Malalaki ang pawis ni Francesca habang tumatakbong sampa ng treadmill at habul-habol ang hininga. Pakiramdam niya ay hinahabol siya ng isang malaking aso sa lagay niyang iyon. Pakiramdam niya ay masyado nang mabigat ang kaniyang timbang dahil bihira na lamang siyang mag-exercise sa loob nang isang taon.‘Woohh, this would be a hard thing.. I hate doing this but keep going Francesca, ‘coz one day you’ll be rewarded..’ Noong teenager kasi siya ay maganda naman ang hugis ng kaniyang katawan. Hindi na lingid sa iba na marami rin ang nahulog sa kaniyang alindog noon. Sadyang nagbabago lang talaga ang katawan ng tao kasabay ng takbo ng panahon. Minsan rin siyang naging conscious sa sarili noon, subalit dumating ang panahon na napabayaan niya ito. Hindi na niya nai-maintain pa ang pagkakaroon ng seksing katawan. Lalo pa nung mawala ang kaniyang ina at nakababatang kapatid. Naku, mas lalong napabayaan niya ang sarili. Sa mga panahong iyon, pagkain ang naging stress reliever niya at ang tang
Last Updated: 2025-04-17