Tinitigan si Francesca ng uncle nitong mayor. Tila binabasa ang pagkatao niya. Hindi na lamang niya pinansin iyon. Sinimulan na nito ang seremonyas. Kinakabahan man ay pilit niyang pinapasok sa isipan na hindi iyon makatotohanan.
‘Ayon nga sa kasulatan, ‘di ba? Kontrata lang.’ She smirked again. Mababasa sa mukha ng mayor ang kaplastikan. Alam naman niyang hindi siya nito gusto para sa pamangkin. Kahit pa ganoon ang appearance niya ay matalino rin naman siya para makilatis ang taong totoo at hindi. ‘Huwag ako mayor, masyado kang mapanghusga.’ Mataray niya itong tinapunan ng tingin saka pangiting lumingon kay senator. “Francesca, ayos ka lang?” “H-Ha? O-Oo naman.” Mabilis lamang ang ginawang wedding ceremony. Ano naman ang inaasahan niya wala namang mangyayaring ‘You may kiss the bride’. ‘Duh?’ Nang matapos ay nagpaalam na sila sa mga ito. Isinama na siya ng senator sa mansion nito. “Feel at home,” saad nito. ‘Ang bilis naman..’ Nitong isang araw lang single pa siya ngayon kasal na. ‘Buhay nga naman, hindi mo inaasahan,’ nasabi na lamang niya sa sarili. “May tanong ako,” saad niya nang maglakad pasunod rito. “Ano ‘yon?” Naupo ito sa swivel chair. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng den nito. Saka muling tumingin kay Sen. Javier. “Kailangan pa rin ba nating magsama sa iisang kwarto?” curious niyang tanong. Gusto niyang makasiguro para naman alam niya kung ano ang dapat niyang gawin. “Good question, ayaw ko sana pero kailangan, e.” He closed his hands and leaned on the desk. Napalunok siya. Kung siya ang tatanungin ay mas prefer niyang huwag itong makasama sa iisang silid. Para hindi masira ang kanilang agreement. “Baka kasi biglang dumating ang parents ko. Sinabi kong kasal na ako. Baka magtaka sila kung bakit nasa kabilang silid ka.” Tumango siya. Sabagay may punto nga naman ang senador. Naalala niyang bigla ang kaniyang lolo. Hindi pa nga pala niya nasasabi ang tungkol dito. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa loob ng pouch. “How about you? Ayaw mo bang magsama tayo sa iisang silid?” “H-Ha?” Bakit ba nito ibinabalik sa kaniya ang katanungan? Is Sen. Javier teasing her? Napalunok siya. Naalala niyang muli ang lolo niya. Kailangan niya nga pala itong tawagan. “Ahm, saglit lang. I have to call grandpa, excuse me.” Nagmamadali siyang nagtungo sa balkonahe. Mabilis niyang nai-dial ang numero nito. Bakit ba kasi nakalimutan niyang magpaalam sa lolo niya? ‘Grandpa, please answer the phone.’ ‘The number you have dialled is– Pinatay niya ang tawag. Naisip niyang tumawag sa telepono nila sa bahay. “Naku hija, hindi ba nasabi ng lolo mo sa iyo kagabi na maaga ang flight niya? Bumyahe siya kanina nang 6 am.” Natigilan siya sa sinabi ni Manang Lena. Tulog pa pala siya kanina nang umalis ang lolo niya patungong airport. Ni hindi man lang siya nito ginising para naman makapagpaalam. Napabuntong-hininga na lamang siya. ***** Huminga si Javier nang malalim at ipinilig ang kaniyang ulo. ‘This would be a long day..’ Nagpadala siya sa galaw ng swivel chair. Hanggang sa naramdaman niya ang vibration ng kaniyang cellphone. Nag-popped up sa screen ang numero ng kaniyang ina. “Yes Mama, hello?” “Javier Ricardo, ano ba itong naririnig ko na pinakasalan mo raw ang iyong inaanak?!” galit ang boses na wika ng kaniyang ina. Nanlaki ang kaniyang mga mata. “Ano? Sino ang may sabi sa ‘yo n’yan?” kunut-noo niyang tanong. “It doesn't matter Javier, paano mo naatim na gawin ang bagay na iyan? Ninong ka ni Francesca, isa pa senator ka. Gusto mo talagang sirain ang image mo bilang magaling na senator ng bansa?” Tila ba narindi siya sa mga sinabi ng ina. Napatitig siya sa wall at napaisip. Paano iyon nalaman ng kaniyang ina? Hindi naman niya sinabi rito kung sino ang pinakasalan niya. Muling pumasok sa isipan niya ang alaala dalawang dekada na ang nakararaan. ‘Naku, hindi ako makararating sa binyag Fatima. Pero ilista mo pa rin ang pangalan ko riyan. Magbibigay na lamang ako para sa inaanak ko. Ano nga uli ang pangalan niya?’ ‘Francesca Alexandra Barcelona..’ bulong niya sa sarili. Muli siyang nagbalik sa kasalukuyan. Paano niya pa magagawa ang kaniyang mga binabalak? Kung ngayon pa lang ay may nakakaalam na ng kaniyang inililihim. ‘Hindi dapat kumalat ang tungkol rito.’ Nasapo na lamang niya ang kaniyang noo. Tumayo siya at iniwan ang ginagawa. Kailangan niya ng sariwang hangin para makapag-isip nang maayos. Nadatnan niya sa balkonahe ang tahimik na si Francesca. Nakatingin ito sa malayo. Nakapamulsa siya habang pinagmamasdan ito. ‘Maganda ka, Francesca. May lahing espanyol at mestisa. Hindi lang nila makita lalo na ng ex-fiancé mo ang mala-anghel mong kagandahan. Mas napapansin nila ang masyado mong katabaan,’ litanya niya sa isipan. Nung makita niya kung paano napahiya si Francesca sa party ay parang dinurog ang puso niya. Hindi niya maatim na makita itong luhaan sa harap ng mga tao. Alam niyang awa ang bumugso sa damdamin niya nang mga panahong iyon. Kaya't tama lang ang ginawa niya sa dalawang traydor na bumastos sa inaanak niya. “Kanina ka pa r’yan?” Tila bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ni Francesca. “No, I just want to tell you that food is ready. K-Kung nagugutom ka pwede ka nang kumain.” Nakaramdam siya ng kaunting kaba. “Hindi mo ba ako sasabayan? Wala sa agreement na hindi tayo sabay kumain.” “Ah, yeah. Sure, mauna ka na. Susunod ako.” Pasimple siyang sumandal sa balusters. “Nope, sabay tayo.” Napatingin siya rito. “Maliban sa baka maligaw ako e baka maubos ko rin ‘yung pagkaing nakahain sa mesa.” Pinalobo pa nito ang pisngi. She smirked. Ang cute tuloy nitong tingnan sa ayos. “Katakawan mo,” nasabi na lamang niya. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok sa loob. Wala siyang nagawa kundi ang mapasunod na lang rin. “Huwag kang magpabigat. Ang laki mo kayang lalaki.” Lihim na lamang siyang napangiti. Hinila niya ito pabalik dahilan para mapasubsob ito sa dibdib niya. Tinitigan niya ang mukha nitong nanlalaki ang mata sa gulat. “H-Hindi ba s-sabi mo bawal ang y-yakap?” Narinig niyang nauutal na tanong nito. Mas lumapad ang kaniyang ngiti. “Assuming, hindi naman ako nakahawak sa ‘yo.” Ipinakita niya pa na nakataas ang dalawa niyang kamay. Sumimangot ito. Humakbang siya paabante dahilan para maiwan at mapasunod na lamang sa kaniya si Francesca.Sa isang mahabang mesa ay pasimpleng sinusulyapan ni Francesca ang noo'y tahimik na kumakain na si Sen. Javier. Mabagal ang ginagawa nitong pagsubo. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya habang tinititigan ang bawat paggalaw ng malaki at may katulisan nitong adam’s apple. Sabay siyang napapalunok sa tuwing lumulunok ito. Para siyang nananaginip lamang na kasalo na niya ngayon sa hapagkainan ang naririnig lamang niya noon na kahit suplado ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihang netizens. Ni hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla niyang naging asawa sa papel ang senador. Ano ba ang bagyong dumating at ngayo'y nasa harap na niya ito? Kasabay sa pagkain at kasama sa iisang bubong? Maliban roon ay nakatali pa siya sa isang kontrata na may kung anu-anong kasunduan. Maging iyon ay lingid sa kaalaman ng kaniyang lolo at ama na nasa States sa ngayon. Noon, tahimik lamang siya sa kaniyang pribadong buhay. Ngayon kakaiba na at kailangan niyang mag-adjust. Inisip na lamang
“BRO, HOW ARE YOU?” Napalingon si Sen. Javier sa pinagmulan ng boses. Lumapit ang dalawa niyang barkadang sina Benny at Michael. Javier gave them a toast. Ang dalawang ito lang ang malalapit niyang kaibigan since college days. “Guess about the rumors we heard?!” Napabuntong-hininga siya. “Yeah, iyan rin ang panunukso sa ’kin ng ka-batchmates ko nitong reunion namin,” malamig niyang sagot. “So, ano ang balak mo sa issue’ng iyan?” concerned na tanong ni Benny. Natahimik siya at napasandal na lamang. “Alright, we have a dare. Make sure na gagawin mo ito. Just to shut the rumors.” He smirked. Ano na naman kayang kalokohan ang pumasok sa isipan ng mga ito? “Hanap ka ng babaeng fit sa panlasa mo ngayong gabi rito sa party. Ano game?” Napailing siya. Hindi niya type ang mga babaeng mayayaman. Ang totoo, simula nang mawala sa buhay niya ang kaniyang highschool sweetheart ay nawalan na siya ng ganang umibig pang muli. Maraming babaeng nagtangkang lumapit at lumandi sa kaniya suba
HINDI NIYA MAIPALIWANAG ang kaligayahan na kaniyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.‘Sana totoo na lang ang lahat ng ito..’ Lihim siyang napangiti. Parang may kung anong tumutukso sa kaniyang yakapin ang senador. Mas pinili na lamang niyang maging behave sa mga bisig nito. Napapapikit siya habang ninamnam ang mabangong amoy na dala nito. Minsan lang siyang maka-experience na tratuhin nang ganoon ng isang lalaki. Pero ang tanong totoo nga ba itong lalaki? Well, kahit nga si Lucas ay hindi nito nagawa ang katulad ng ginagawa ng senador ngayon. Hindi niya naiwasang maikumpara ito kay Sen. Javier. Hindi katulad nitong senador, guwapo na mabait pa. Nai-imagine niya tuloy ang sarili niya na para siyang nasa loob ng isang fairytale na libro.‘Isang napakagwapong prinsepe na na-in love sa isang matabang prinsesa..’ Napakurap siya nang bigla siya nitong ibaba.‘Hindi ako nakapaghanda ‘ron ah,’ pairap niyang bulong sa sarili. Napatingin siya sa paligid. Nasa corner sila malayo sa mga
Ang lakas rin ng loob mong sirain ako ano. Talaga bang gusto mong ibaon kita sa hukay nang buhay?!” Kinabahan si Francesca sa maaaring mangyari sa pagitan nina Sen. Javier at Lucas. Uminit na ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Buti na lamang at walang masyadong tao sa kinaroroonan nila. Dahil kung hindi baka malagot sa media ang senator na ito. Hindi na iyon simpleng away lang. Alam niyang nagagalit na ang senator sa kung paano ito tumitig sa ex-fiancé niya. Namumula na rin ang mukha nito nang mga sandaling iyon.“I warned you already, yet you didn't listen. This is what you deserved,” asik ni Sen. Javier. Lalapitan pa sana nito si Lucas pero pinigilan na niya ang senador. Tumingin ito sa kaniyang kamay na patuloy pa rin sa pagkakahawak sa braso nito. Kaagad naman niyang binawi ang kamay niya. Unti-unting huminahon ang senator. Pagkuwa'y pinapasok na siya sa loob ng kotse. Nilingon niya si Lucas na hawak pa rin ang pumutok na labi. Masama ang tingin nito sa kaniya lalung-lalo na k
“Si Manang talaga..”“Aba'y kasalanan ko ba kung agaran kang bumaba. Dapat kasi inayos mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa bisita. Nakalimutan mo na ba ang turo sa iyo ng iyong ina?” Napapikit siya.‘Hays, nakakahiya naman..’ Nagdadalawang-isip tuloy siya kung haharap pa ba sa bisita o hindi na. Okay lang sana siguro kung babae, hindi e, lalaki na senator pa. Napabuntong-hininga na lamang siya. Tumayo siya at humarap sa salamin.“Sino ba kasi ‘yung makisig at gwapong bisita mo?” Tiningnan niya ito sa reflection. Nagpatuloy siya sa pagsusuklay ng buhok.“Fiancé ko.” Napakagat-labi siya. May kung anong kiliting dumaloy sa katawan niya.“H-ha? Hindi naman siya si Lucas ah,” nalilitong saad ni Manang Lena. Tinakpan niya ng dalawang daliri ang bibig ng kaniyang yaya. Pagkatapos ay muling humarap sa salamin at naglagay ng manipis na cherry lipstick.“Huwag na huwag mong babanggitin uli ang pangalan ng cheater na iyon, Manang. He's a jerk. He doesn't deserve my love and my beauty.”
Sa isang mahabang mesa ay pasimpleng sinusulyapan ni Francesca ang noo'y tahimik na kumakain na si Sen. Javier. Mabagal ang ginagawa nitong pagsubo. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya habang tinititigan ang bawat paggalaw ng malaki at may katulisan nitong adam’s apple. Sabay siyang napapalunok sa tuwing lumulunok ito. Para siyang nananaginip lamang na kasalo na niya ngayon sa hapagkainan ang naririnig lamang niya noon na kahit suplado ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihang netizens. Ni hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla niyang naging asawa sa papel ang senador. Ano ba ang bagyong dumating at ngayo'y nasa harap na niya ito? Kasabay sa pagkain at kasama sa iisang bubong? Maliban roon ay nakatali pa siya sa isang kontrata na may kung anu-anong kasunduan. Maging iyon ay lingid sa kaalaman ng kaniyang lolo at ama na nasa States sa ngayon. Noon, tahimik lamang siya sa kaniyang pribadong buhay. Ngayon kakaiba na at kailangan niyang mag-adjust. Inisip na lamang
Tinitigan si Francesca ng uncle nitong mayor. Tila binabasa ang pagkatao niya. Hindi na lamang niya pinansin iyon. Sinimulan na nito ang seremonyas. Kinakabahan man ay pilit niyang pinapasok sa isipan na hindi iyon makatotohanan. ‘Ayon nga sa kasulatan, ‘di ba? Kontrata lang.’ She smirked again. Mababasa sa mukha ng mayor ang kaplastikan. Alam naman niyang hindi siya nito gusto para sa pamangkin. Kahit pa ganoon ang appearance niya ay matalino rin naman siya para makilatis ang taong totoo at hindi. ‘Huwag ako mayor, masyado kang mapanghusga.’ Mataray niya itong tinapunan ng tingin saka pangiting lumingon kay senator. “Francesca, ayos ka lang?” “H-Ha? O-Oo naman.” Mabilis lamang ang ginawang wedding ceremony. Ano naman ang inaasahan niya wala namang mangyayaring ‘You may kiss the bride’. ‘Duh?’ Nang matapos ay nagpaalam na sila sa mga ito. Isinama na siya ng senator sa mansion nito. “Feel at home,” saad nito. ‘Ang bilis naman..’ Nitong isang araw lang single pa siya ngayo