Share

Chapter 2 [Pagtatanggol]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-03-30 13:04:21

HINDI NIYA MAIPALIWANAG ang kaligayahan na kaniyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

‘Sana totoo na lang ang lahat ng ito..’ Lihim siyang napangiti.

Parang may kung anong tumutukso sa kaniyang yakapin ang senador. Mas pinili na lamang niyang maging behave sa mga bisig nito. Napapapikit siya habang ninamnam ang mabangong amoy na dala nito. Minsan lang siyang maka-experience na tratuhin nang ganoon ng isang lalaki. Pero ang tanong totoo nga ba itong lalaki?

Well, kahit nga si Lucas ay hindi nito nagawa ang katulad ng ginagawa ng senador ngayon. Hindi niya naiwasang maikumpara ito kay Sen. Javier. Hindi katulad nitong senador, guwapo na mabait pa. Nai-imagine niya tuloy ang sarili niya na para siyang nasa loob ng isang fairytale na libro.

‘Isang napakagwapong prinsepe na na-in love sa isang matabang prinsesa..’

Napakurap siya nang bigla siya nitong ibaba.

‘Hindi ako nakapaghanda ‘ron ah,’ pairap niyang bulong sa sarili.

Napatingin siya sa paligid. Nasa corner sila malayo sa mga bisita sa party. Inayos ng senador ang nagusot nitong suit. Hindi maiwasan ni Francesca ang mapasulyap nang pasimple sa mukha ng poging senator.

Napakagat-labi pa siya nang magtamang muli ang paningin nila ng hot at gwapong senador ng bansa na si Sen. Javier Ricardo Carpio. Ang hinahangaan at pinapangarap ng lahat ng kababaihan.

‘Tama nga ang usap-usapan na napakagwapo at napakalakas ng karisma ni senator.’ May kung anong bumugsong damdamin sa puso't isipan niya. ‘Sa kabila ng edad niya, hindi halata sa kaniyang nasa 40's na siya. Kahit pa nga siguro’ng mas bata pa sa ‘kin ay malalaglag panty kapag tinitigan ng Greek god na ito... Hays, sayang lang at may nakapagsabing bakla siya.’ Nadismaya naman siya sa huli.

Pinilit niyang makipagtitigan sa senador. Kahit pa alam niyang natutunaw na siya sa titig nitong animo'y hinuhubaran siya.

“Ano yung sinasabi mo kanina?” kunwaring tanong niya upang hindi siya mahalata.

Kailangan niyang lakasan ang loob lalo pa't kaharap niya ngayon ang heartthrob ng senado. Walang emosyon ang mukha na lumapit ito hanggang sa mapasandal siya sa wall. Unti-unting bumibilis ang pintig ng puso niya nang mga oras na iyon.

“I am Senator Javier Ricardo Carpio and you are?” Napatingin siya sa nakalahad nitong kamay.

Kinabahan siya. Akala niya ay hahalikan siya nito.

‘Assuming..’

Oo nga pala't hindi pa siya nagpapakilala. Nagdadalawang-isip siya kung kakamayan ba ang senador o hindi.

“Francesca Alexandra Barcelona, granddaughter of the Ex-President Gregorio Barcelona,” tugon niya nang tanggapin ang pakikipagkamay nito.

Napapikit siya nang parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan niya mula sa kaniyang palad.

“I wanted to offer you a contract. It's a marriage between you and me.”

‘Ano raw?’

Biglang nagpanting ang tenga niya sa narinig. May kung anong bumara sa kaniyang lalamunan.

“Are you proposing me? Where's the ring?”

Nagsalubong ang kilay nito sa sunud-sunod niyang tanong.

“Sabihin mo nga, naglolokohan ba tayo rito?”

Hindi ito sumagot at tinitigan lamang siya.

“Sige sabihin mo sa ’kin, yung kaninang inangkin mo ‘kong fiancée mo sa harap ng maraming tao. Tapos ngayon kasal naman? Are we playing a game here? Or sadyang nahulog ka na sa ‘kin?”

Muling nagsalubong ang mga kilay nito.

‘Wala ng hiya-hiya ito.. Pakapalan na ng mukha.’

“In return of what I did a while ago, papayag ka sa gusto kong mangyari,” maawtoridad nitong saad. “Isipin mo ang pagpapahiya sa ‘yo kanina, how could you repay me?”

“Ah, e–” hindi niya alam kung saan hahagilap ng maisasagot.

Nanlaki ang mata niya sa ginawa nitong paglapit nang husto. Halos isang dangkal na lang ang layo sa pagitan ng kanilang mga mukha.

“I don't accept no for an answer,” mariin nitong saad.

Napataas ang kilay niya. Sino ba ito para utusan siya? Isa pa, hindi naman siya ang unang lumapit at humingi ng tulong rito. Bigla lang naman itong dumating ng walang pasabi. Well, deep inside nagpapasalamat pa rin naman siya pero–.

“Alright, let me tell you this. You heard the rumors about me, didn’t you?” Bahagya itong umatras.

Naalala niya ang narinig niyang tsismis tungkol sa senator.

“So, totoo iyon?”

“Be my wife, don't worry it's just a contract marriage. No kisses, no hugs and even no sex involved.” Napalunok siya sa sinabi nito.

‘Aba totoo nga’ng bakla siya? Gagamitin niya pa ako para pagtakpan ang sarili niya? Kung sabihin na lang kaya niya ang totoo? Hindi ‘yung itatago pa.’

“Maliban roon, I will give you money as payment and a treatment as what a wife deserved,” baritonong saad nito.

“Hindi ako pumapayag. Ano ito, ‘yung artistang mag-asawa tapos in the end na-reveal na bading ang husband niya?”

Tumalim ang tingin ni Sen. Javier sa kaniya na parang nangangain nang buo.

“Pati ba naman ikaw, pinag-iisipan mo ako ng ganyan?”

Napalunok siya.

‘Ano ba dapat kong isipin?’

“Mali ba ‘ko sa sinabi ko?”

Nakita niya ang pagpipigil nito.

“Gusto mong gumanti sa ex-fiancé mo hindi ba?”

Napaisip siya.

“S-sige,” agad niyang pagsang-ayon.

May punto si Sen. Javier. Naisip niya ang ex-fiancé niyang si Lucas. Kung tutuusin magagamit rin naman niya talaga ang senador. Ipamumukha niya sa Lucas na iyon na hindi ito kawalan sa buhay niya.

Maliban roon, maipapakita niya rin na kamahal-mahal din siya sa kabila ng appearance niya. Nakita niya kung paano lumiwanag ang mukha ng senator sa sagot niya.

“Tomorrow morning, ipahahatid ko sa bahay mo ang contract. After you signed it, prepare to leave dahil kukunin ka ng driver.” Tatalikod na sana ito nang–.

“T-teka..”

Muli itong lumingon sa kaniya.

“Ahm, patulong naman oh,” malumanay na wika niya.

Tumingin ito sa paa niya. Lumapit ito at muli siyang binuhat hanggang sa parking area. Nagpatuloy ang kakaibang kilig na iyon. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala na ang senador sa paningin niya. Siguro ay uuwi na lamang siya. Kahihiyan lang ang inabot niya sa party’ng iyon.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Papasok na siya ng kotse nang may kung sinong lalaking humatak sa braso niya. Nagulat na lamang siya nang makilala ito.

‘Lucas..’

“Bubuyog nga naman, sinuswerte minsan. Lakas din ng kamandag mo ano, pati ba naman si Sen. Javier? Mahiya ka naman sa hitsura mo.” Duro sa kaniya ni Selina.

“Talaga bang wala ka ng kahihiyan? Pati ba naman bakla pinapatulan mo na ngayon?” ani Lucas habang hindi pa rin siya binibitawan.

Nanlaki ang mga mata nila nang biglang makatikim ng malutong na suntok si Lucas.

‘Sen. Javier..’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 3 [Pagbisita]

    Ang lakas rin ng loob mong sirain ako ano. Talaga bang gusto mong ibaon kita sa hukay nang buhay?!” Kinabahan si Francesca sa maaaring mangyari sa pagitan nina Sen. Javier at Lucas. Uminit na ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Buti na lamang at walang masyadong tao sa kinaroroonan nila. Dahil kung hindi baka malagot sa media ang senator na ito. Hindi na iyon simpleng away lang. Alam niyang nagagalit na ang senator sa kung paano ito tumitig sa ex-fiancé niya. Namumula na rin ang mukha nito nang mga sandaling iyon.“I warned you already, yet you didn't listen. This is what you deserved,” asik ni Sen. Javier. Lalapitan pa sana nito si Lucas pero pinigilan na niya ang senador. Tumingin ito sa kaniyang kamay na patuloy pa rin sa pagkakahawak sa braso nito. Kaagad naman niyang binawi ang kamay niya. Unti-unting huminahon ang senator. Pagkuwa'y pinapasok na siya sa loob ng kotse. Nilingon niya si Lucas na hawak pa rin ang pumutok na labi. Masama ang tingin nito sa kaniya lalung-lalo na k

    Last Updated : 2025-03-30
  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 4 [Kontrata]

    “Si Manang talaga..”“Aba'y kasalanan ko ba kung agaran kang bumaba. Dapat kasi inayos mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa bisita. Nakalimutan mo na ba ang turo sa iyo ng iyong ina?” Napapikit siya.‘Hays, nakakahiya naman..’ Nagdadalawang-isip tuloy siya kung haharap pa ba sa bisita o hindi na. Okay lang sana siguro kung babae, hindi e, lalaki na senator pa. Napabuntong-hininga na lamang siya. Tumayo siya at humarap sa salamin.“Sino ba kasi ‘yung makisig at gwapong bisita mo?” Tiningnan niya ito sa reflection. Nagpatuloy siya sa pagsusuklay ng buhok.“Fiancé ko.” Napakagat-labi siya. May kung anong kiliting dumaloy sa katawan niya.“H-ha? Hindi naman siya si Lucas ah,” nalilitong saad ni Manang Lena. Tinakpan niya ng dalawang daliri ang bibig ng kaniyang yaya. Pagkatapos ay muling humarap sa salamin at naglagay ng manipis na cherry lipstick.“Huwag na huwag mong babanggitin uli ang pangalan ng cheater na iyon, Manang. He's a jerk. He doesn't deserve my love and my beauty.”

    Last Updated : 2025-03-30
  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 5 [Kasal]

    Tinitigan si Francesca ng uncle nitong mayor. Tila binabasa ang pagkatao niya. Hindi na lamang niya pinansin iyon. Sinimulan na nito ang seremonyas. Kinakabahan man ay pilit niyang pinapasok sa isipan na hindi iyon makatotohanan. ‘Ayon nga sa kasulatan, ‘di ba? Kontrata lang.’ She smirked again. Mababasa sa mukha ng mayor ang kaplastikan. Alam naman niyang hindi siya nito gusto para sa pamangkin. Kahit pa ganoon ang appearance niya ay matalino rin naman siya para makilatis ang taong totoo at hindi. ‘Huwag ako mayor, masyado kang mapanghusga.’ Mataray niya itong tinapunan ng tingin saka pangiting lumingon kay senator. “Francesca, ayos ka lang?” “H-Ha? O-Oo naman.” Mabilis lamang ang ginawang wedding ceremony. Ano naman ang inaasahan niya wala namang mangyayaring ‘You may kiss the bride’. ‘Duh?’ Nang matapos ay nagpaalam na sila sa mga ito. Isinama na siya ng senator sa mansion nito. “Feel at home,” saad nito. ‘Ang bilis naman..’ Nitong isang araw lang single pa siya ngayo

    Last Updated : 2025-03-30
  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 6 [Kalungkutan]

    Sa isang mahabang mesa ay pasimpleng sinusulyapan ni Francesca ang noo'y tahimik na kumakain na si Sen. Javier. Mabagal ang ginagawa nitong pagsubo. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya habang tinititigan ang bawat paggalaw ng malaki at may katulisan nitong adam’s apple. Sabay siyang napapalunok sa tuwing lumulunok ito. Para siyang nananaginip lamang na kasalo na niya ngayon sa hapagkainan ang naririnig lamang niya noon na kahit suplado ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihang netizens. Ni hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay bigla niyang naging asawa sa papel ang senador. Ano ba ang bagyong dumating at ngayo'y nasa harap na niya ito? Kasabay sa pagkain at kasama sa iisang bubong? Maliban roon ay nakatali pa siya sa isang kontrata na may kung anu-anong kasunduan. Maging iyon ay lingid sa kaalaman ng kaniyang lolo at ama na nasa States sa ngayon. Noon, tahimik lamang siya sa kaniyang pribadong buhay. Ngayon kakaiba na at kailangan niyang mag-adjust. Inisip na laman

    Last Updated : 2025-04-04
  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 7 [Lihim]

    "As in? Talagang napakawalang kwentang fiancé ni Lucas. Ngayon naniniwala ka na? Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo ang ginagawang panloloko sa ‘yo ng Lucas na ‘yan,” matinis na saad ni Danica. Tama ang hinala nito. Noong una ay nagdududa rin naman siya ngunit tinatalo siya ng salitang tiwala. Ayaw naman kasi niyang pag-isipan si Lucas nang masama lalo pa't wala pa naman siyang napapatunayan. Sabi-sabi lamang kasi ang kanyang mga naririnig. Ayaw niya kaagad maniwala dahil wala naman maipakitang ebidensya ang mga taong naninira rito. Kagabi lamang niya harap-harapang nakita ang panloloko nito. Akala siguro ni Lucas ay hindi siya makakapunta sa mga party na kagaya niyon. Kung hindi lamang nagkasakit ang lolo niya at pumunta ng States ang papa niya ay hindi naman makikita ang presensya niya roon. Talagang sinadya iyon ng tadhana. Wala naman kasing lihim ang hindi nabubunyag, ika nga ng karamihan. Kahit pa sabihin niyang walang kwenta si Lucas o hindi niya dapat iyakan ang traydor. Hind

    Last Updated : 2025-04-06
  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 8 [Panaginip]

    Takip-silim na nang makabalik si Francesca sa mansion ni Sen. Javier. Dumaan muna siya sa kanila upang kunin ang ilang mga kagamitan. Ayon sa mga katulong ay hindi pa naman nakakauwi ang senador kaya't nakahinga siya nang maluwag.‘Ano ba dapat ang ginagawa ng mga asawa?’ napaisip siya. Naalala niyang hindi nga pala sila magsasama ni Sen. Javier sa iisang kwarto. Napatikhim siya. Pumasok na siya sa guest room.‘I’m not a real wife. Ang totoo I'm just a guest here.’ Napabuntong-hininga siya.Hindi namalayan ni Francesca na nakaidlip na siya kung hindi lamang siya nagising mula sa mga katok sa pintuan. Nagmamadali siyang tumayo at nagbukas ng pinto. Bumungad sa kaniya ang tila nakainom na si Sen. Javier. Seryoso ang mukha nito na nakatitig lamang sa kaniya. Tinanggal niya ang tila bumara sa kaniyang lalamunan. Saka muling inangat ang tingin rito.“G-Good evening, S-senator..” Pumasok ito sa loob.“Do you like here?” Hindi niya mawari kung ano ang ipinahihiwatig nito. Tila siya’y mas

    Last Updated : 2025-04-07
  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 9 [Selebrasyon]

    "Good morning, senator,” nakangiting bungad sa kaniya ni Francesca nang magkasalubong sila sa baba ng hagdanan. Napatingin na lamang siya sa kabuuan ng mukha nito. Napaka-blooming, mukhang maganda ang gising. Habang siya naman ay hindi na nakatulog pa matapos magising ng isang kakaibang panaginip. Napahugot na lamang siya nang malalim na hininga.“Morning, have you eaten already?” pagkuwa'y lumakad na siya.“Hmm, hindi pa..” Umiling ito sabay nang pagsunod sa kaniya.Tumingin siya sa suot na relo.‘6 am, anong araw ba ngayon?’ napaisip siya.“Maaga kang nagising,” saad nito. “May lakad ka ba ngayong umaga? Sunday ngayon ah..” Naupo sila sa dining. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap. “Maggo-golf ako this morning kasama sina Benny at Michael. Gusto mong sumama? You can join us if you want.”“Nope, baka magkita kami ni Danica mamaya,” tanggi nito habang sumasandok ng pagkain. Tumango na lamang siya. Hindi pa rin maalis ang tingin sa inaanak.“Senator, bakit?” Napansin niya na nakating

    Last Updated : 2025-04-08
  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 10 [Pag-uwi]

    “Anong ginagawa mo rito?” Napasulyap siya sa lalaking pamilyar ang boses. Magkasalubong ang kilay nito habang tinititigan siya. Lumingon siya sa likuran at sa paligid niya upang manigurado kung siya nga ba talaga ang kausap ng senador o hindi. “Sen. Javier, good evening.. Let's have a drink,” ani Danica habang itinataas pa ang baso ng alak. Nagniningning ang mga mata ng kaibigan habang nakatingin kay Sen. Javier. Medyo may tama na rin si Danica. “Oh, a-ano ba ang ginagawa ng nasa bar. ‘D-Di ba umiinom at nag-eenjoy,” mahina at nauutal niya pang sagot. Napatingin si Danica sa kaniya na tila nagtataka. Nanlaking bigla ang kaniyang mga mata nang hawakan siya nito at hilahin. “T-Teka,” protesta niya rito habang napatingin sa kaibigan niya na walang imik habang naguguluhan sa mga nangyayari. Napasunod na lamang ng tingin ang kaibigan niya habang palabas siya ng bar. Nang nasa labas na sila ay saka lamang siya binitiwan ni Sen. Javier. Napahawak na lamang siya sa wrist. Hum

    Last Updated : 2025-04-09

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 18 [Pakiramdam]

    Mahina niyang tinapik sa braso si Francesca upang ipaalam na nakarating na sila ng mansion ngunit hindi ito agad nagising. Nahikayat siyang lapitan at titigan ito sa mukha. Marahan niyang tinanggal ang mahabang hibla ng buhok na nagtatakip sa pisngi nito. Napangiti siya.‘Pumayat ka nga ng kaunti dahil hindi na ganoon kabilog ang iyong pisngi..’ bulong niya rito. ‘Nagpapapayat ka ba?’ dagdag niyang tanong. Sinigurado niyang tama nga ang kaniyang iniisip. Pinisil niya ng bahagya ang pisngi ni Francesca upang malaman kung gaano kalaki ang ibinawas ng taba nito. Ramdam niya sa kaniyang daliri ang lambot ng makinis nitong balat. Ang mala-porselana nitong kutis na siyang nakakadagdag bighani sa tuwing tinititigan ito. Natatangi talaga ang ganda ni Francesca na hindi mapantayan ng karamihan. Ulit niya, hindi nito deserved ang masaktan ng isang walang kwentang lalaki. May kung anong galit ang muling bumugso sa puso niya nang maalala ang pagmumukha ni Lucas. Kaagad niyang binura sa isipan

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 17 [Kaba]

    “A-Ano bang pinagsasabi mo? Akala ko ba anytime akong makakauwi sa bahay namin hangga't gusto ko? Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin?” Seryoso at kunut-noong tanong ni Francesca.“Noon ‘yon, nung hindi ko pa alam na mag-isa ka lang sa inyo.” Pilit nitong kinalma ang sarili saka muling sumagot. “May mga kasama ako sa bahay. Nandoon sina Manang Lena.”“Iba pa rin kung nasa poder kita,” agad naman niyang saad.“‘Di ba nga kasal lang tayo sa papel at hindi–”“Kahit na, asawa mo pa rin ako. Dala-dala mo ang apelyido ko hindi ba? Kaya't may karapatan pa rin ako sa ‘yo, hindi iyon nakabase sa kontrata lang,” putol niya sa sasabihin nito. Natigilan si Francesca.“S-Sige na, kung iyan ang gusto mo. Maiwan na kita at may gagawin pa ako,” usal nito nang magtangka itong tumalikod. Mabilis niya itong hinawakan sa braso dahilan para mapahinto si Francesca. Tumingin ito sa kaniyang kamay. Hanggang sa magtama ang kanilang paningin.“A-Ayoko lang masira ang imahe nating dalawa bilang mag-asawa s

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 16 [Isipan]

    “Salamat at pumayag kang makipag-dinner,” wika ni Francesca nang makapasok sila sa main door. Ngumiti ito nang bahagya. “Siyempre, nakiusap ka at ang kaibigan mo.” Natahimik siyang naglakad. “Francesca..” Muli itong sumulyap sa kaniya. “Ha?” “Congratulations, suportado kita riyan sa pagpapatakbo mo ng negosyo. Bakit hindi mo nga pala kaagad sinabi sa akin na magbubukas kayo ng resto? May naitulong sana ako,” mahinahon nitong saad. “Ah, hindi na, actually sorpresa talaga iyon.” “Yeah, and you did. That was a good surprise, anyway.” Isinuot nito ang pambahay na sapin sa paa. “You know what, Francesca, you did a great job today. As a reward, magmula ngayon hindi ko na kukwestiyunin ang mga ginagawa mo. Now, that I knew kung ano ang pinagkakaabalahan n'yo ng kaibigan mo. I won't bother you anymore.” Niluwagan nito ang suot na necktie. Why he sounds like her parents? Nalungkot siyang bigla nang maalala ang kaniyang ina at kapatid. Kung nabubuhay lang ang mga ito sigurado si

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 15 [Hinala]

    Wala sa isip na idinikit ni Francesca ang kaniyang tainga sa pintuan ng opisina ni Sen. Javier. Nilinaw niya ang kaniyang pandinig. Napasimangot siya nang wala man lang ni isang salita ang kaniyang narinig. Napabuntong hininga siya. Napangiti siya nang mapatingin sa katulong na nakatayo at nakatingin sa kaniya. Bitbit nito ang tray na may lamang dalawang juice at toasted sandwich. She cleared her throat sabay ng pagtayo nang maayos. “Huwag kang maingay,” bulong niya rito bago ito makapasok. Hinawakan niya ang doorknob nang lumabas muli ang katulong upang hindi nito tuluyang maisara ang pinto. May kaunting siwang na sakto lang para masilip ng isang mata ang looban nang hindi nahahalata sa loob. Saka lamang niya narinig nang malinaw ang boses ng mga ito. “Senator, alam mo naman ang masa ngayon ‘di ba? Mainit sa kanila ang mga pangalan ng tatakbong kandidato sa susunod na halalan.” Naalarma siya sa boses ng babae sa loob. ‘Kaanu-ano niya ba ang babaeng ito? In fairness ha, may

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 14 [Pagdududa]

    “Nasaan si Francesca?”“Naku, sir, maaga po siyang lumabas. Ang sabi niya nagpaalam na raw po siya sa iyo,” sagot naman ng katulong na nag-serve sa kaniya ng inumin. Napabuntong hininga siya. Sinenyasan niya itong umalis na. Magalang naman itong sumunod. Nang wala na ito sa kaniyang paningin, agad niyang kinuha ang cellphone at chineck kung may mensahe bang mula sa kaniyang inaanak.‘Good morning senator, baka magtaka ka na maaga akong umalis kanina. May pinuntahan lang ako sa Makati kasama si Danica. Uuwi rin ako kaagad,’ basa niya mula sa text ni Francesca. Tiningnan niya ang oras ng pagkakatanggap ng mensahe.‘Quarter to six, masyado namang maaga. Saan naman kaya siya pumunta?’ Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay pinunasan ang bibig saka agad nang tumayo. Naglakad siya at umakyat ng hagdan patungong kwarto. Kailangan na niyang makapaghanda upang hindi siya ma-late. Hindi na niya mahihintay pa si Francesca. Bahala na ito kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay basta ba’t na

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 13 [Imahinasyon]

    Malalaki ang pawis ni Francesca habang tumatakbong sampa ng treadmill at habul-habol ang hininga. Pakiramdam niya ay hinahabol siya ng isang malaking aso sa lagay niyang iyon. Pakiramdam niya ay masyado nang mabigat ang kaniyang timbang dahil bihira na lamang siyang mag-exercise sa loob nang isang taon.‘Woohh, this would be a hard thing.. I hate doing this but keep going Francesca, ‘coz one day you’ll be rewarded..’ Noong teenager kasi siya ay maganda naman ang hugis ng kaniyang katawan. Hindi na lingid sa iba na marami rin ang nahulog sa kaniyang alindog noon. Sadyang nagbabago lang talaga ang katawan ng tao kasabay ng takbo ng panahon. Minsan rin siyang naging conscious sa sarili noon, subalit dumating ang panahon na napabayaan niya ito. Hindi na niya nai-maintain pa ang pagkakaroon ng seksing katawan. Lalo pa nung mawala ang kaniyang ina at nakababatang kapatid. Naku, mas lalong napabayaan niya ang sarili. Sa mga panahong iyon, pagkain ang naging stress reliever niya at ang tang

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 12 [Pagmamatigas]

    “Sabi na nga ba’t may ugnayan kayong dalawa ni Sen. Javier. Francesca ha, akala ko ba si Lucas lang ang traydor sa inyong dalawa..” Napatikhim pa ito. “I had no time for explanation Danica.. Come on, we gotta go..” Hinila niya si Danica kaya't napasunod na lamang ito. Wala siyang panahon para makipagkwentuhan sa kaibigan patungkol sa kanilang dalawa ng senator. Saka na lamang niya ipaliliwanag ang lahat dito kapag meron ng pagkakataon. “Manang, we have to go. Magpapaliwanag na lang ako sa susunod kong balik.” Nagmamadali niyang tinungo ang labas matapos magpaalam kay Manang Lena. “Francesca, wait, saan ba tayo pupunta?” nakaismid na tanong ni Danica. Walang anu-anong binuksan niya ang pintuan sa backseat ng kotseng nakaparada sa garahe. Sumilay ang ngiti sa labi ng kaibigan. “Hmm, ba’t hindi mo agad sinabi.” Kusa na itong pumasok sa loob. Papasok na rin sana siya kasunod nito nang marinig niya ang maawtoridad na boses ng senador. “Dito ka,” sabay silang napalingon sa s

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 11 [Tagumpay]

    “Si Francesca, gising na ba?”“Maaga po siyang lumabas senator,” sagot ng katulong habang nagliligpit. Agad na napakunot ang kaniyang noo. “Saan daw pumunta?”“Wala pong sinabi senator..”Napabuntong-hininga siya.‘Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ‘yon.’ Kung alam lang niya nang mas maaga ay hindi sana siya mapapasabak sa pakikitungo sa ganyang klase ng babae. Mukhang sasakit ang ulo niya sa inaanak niyang iyon. Napailing na lamang siya habang patuloy sa paglalagay ng palaman sa tinapay. Aalis na lamang siya ay hindi pa rin bumabalik si Francesca.‘Saan ba siya pumunta?’“Sige Manang, pakisabi na lang sa kaniya na–”“Good morning, senator..” Papasok na siya ng kotse nang bumungad sa kaniya ang nakangiting si Francesca. Mukhang kararating lang nito mula sa pagjo-jogging dahil sa suot nito. Sa inis ay mabilis niya itong nahila dahilan para mapasandal ito sa pintuan ng sasakyan niya. Nanlaki ang mata nito sa kaniyang ginawa.“Inisip mo rin ba na may taong nag-aalala sa ‘yo?” tiim-

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 10 [Pag-uwi]

    “Anong ginagawa mo rito?” Napasulyap siya sa lalaking pamilyar ang boses. Magkasalubong ang kilay nito habang tinititigan siya. Lumingon siya sa likuran at sa paligid niya upang manigurado kung siya nga ba talaga ang kausap ng senador o hindi. “Sen. Javier, good evening.. Let's have a drink,” ani Danica habang itinataas pa ang baso ng alak. Nagniningning ang mga mata ng kaibigan habang nakatingin kay Sen. Javier. Medyo may tama na rin si Danica. “Oh, a-ano ba ang ginagawa ng nasa bar. ‘D-Di ba umiinom at nag-eenjoy,” mahina at nauutal niya pang sagot. Napatingin si Danica sa kaniya na tila nagtataka. Nanlaking bigla ang kaniyang mga mata nang hawakan siya nito at hilahin. “T-Teka,” protesta niya rito habang napatingin sa kaibigan niya na walang imik habang naguguluhan sa mga nangyayari. Napasunod na lamang ng tingin ang kaibigan niya habang palabas siya ng bar. Nang nasa labas na sila ay saka lamang siya binitiwan ni Sen. Javier. Napahawak na lamang siya sa wrist. Hum

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status