Gustong sabunutan ni Estelle ang sarili. Kung hindi sana siya nagpakalasing ay hindi iyon mangyayari.
Huminga siya nang malalim at saka binuksan ang pintuan ng kwarto niya para bumaba sa kusina.
"Why did you say you'll cook if you don't know how, Daddy? Look, the pancakes are black."
"I never said I know how to cook."
Hindi alam ni Estelle kung matatawa ba siya o matatakot nang makitang umuusok na ang kawali. Napansin niyang halos nagiging uling na ang pancake na niluluto ni Alaric.
Dali-dali siyang lumapit at inunahan itong patayin ang kalan. "Malakas ang apoy, sir. Masusunog talaga 'yan."
Nakatayo lang si Alaric, nakakunot ang noo habang nakatingin sa sunog na pancake. "At least it's… crispy?"
Napangiwi si Estelle. "Sir, hindi crispy 'yan. Uling na 'yan."
Si Azrael naman ay natatawang umiling. "Daddy, let’s just order food before you burn down the house."
Napabuntong-hininga si Alaric, halatang hindi sanay sa pagkakamali. "Fine. But you’re still eating my pancakes, Azrael."
"No way!" reklamo ng bata.
Napangisi si Alaric, saka umupo sa upuan na parang walang nangyari, halatang enjoy na enjoy ang bonding sa anak. "Then good luck finding something else to eat, little boy."
Napailing si Estelle bago kinuha ang ibang ingredients. "Ako na lang magluluto."
Tumingin si Azrael kay Alaric. "See, Daddy? You should just let Estelle do everything! She know everything and she's the best in the world!"
Sandali namang napahinto si Estelle sa sinabi ng alaga niya. Iyon ang sinasabi ni Alaric sa kanya na masyado nang attach si Azrael sa kanya.
Tiyak na malulungkot ang bata kapag umalis siya rito sa mansyon.
"Sir, may tao po sa labas. Nagwawala siya at ayaw umalis. Gusto niya raw makausap si Estelle."
Mabilis niyang hinarap ang kasambahay na pumasok sa kusina. "Sino? Anong pangalan?"
"Hindi ako sigurado, pero ang dinig ko ay... Marco? Hindi raw siya aalis kung hindi mo siya kakausapin."
Binitawan ni Estelle ang itlog na hawak niya at lumabas. Nakita niya roon si Marco na hawak-hawak ng dalawang security guard.
"Estelle!" bulalas nito nang makita siya at kumalas sa mga security guard para yakapin siya. "Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis!"
Itinulak niya ito palayo. "Sinabi ko na sayo kahapon na hindi ko kailangan ng paliwanag mo, Marco."
"Estelle, nagawa ko lang naman yun dahil kulang ka sa oras sa akin. Hindi mo naman ako masisisi dahil lalaki lang ako."
Napaatras si Estelle, hindi makapaniwala sa sinabi ni Marco.
Lalaki lang?
Parang gusto niyang matawa sa absurdong palusot nito, pero mas nangibabaw ang sakit at inis sa dibdib niya.
"Kulang ako sa oras sa'yo?" matigas ang tono ng boses niya. "Kaya ang naisip mong solusyon ay saktan ako? Hindi ko alam kung anong klaseng rason 'yan, Marco. Pero kung sa tingin mo, matatanggap ko 'yung ginawa mo dahil lang 'lalaki ka'—nagkakamali ka."
"What's happening here?" seryosong tanong ni Alaric.
"Alam kong boss ka ng girlfriend ko, pero huwag kang makialam dito. Relasyon naming dalawa ito at labas ka rito." Dinuro ni Marco si Alaric.
Ramdam ni Estelle ang bigat ng tingin ni Marco sa kanyng boss. Tahimik naman si Alaric, pero halata sa mukha nito ang inis.
"May... karapatan siyang makialam dito, Marco," kinakabahan man ay buong tapang iyon binigkas ni Estelle.
"Anong ibig mong sabihin mo?" Halatang nalilito si Marco, puno ng pagtataka.
“Ikakasal na ako sa kanya.”
Nanigas ang panga ni Marco. Kita niya ang pagdilim ng ekspresyon nito, halatang hindi makapaniwala sa sinabi niya.
“Ikakasal ka sa kanya?” mahina ngunit mariing tanong nito.
Hindi agad nakasagot si Estelle. Alam niyang hindi magiging madali ang pagkombinsi kay Marco, pero wala na siyang balak umatras. Muli siyang tumingin kay Alaric, na nanatiling tahimik ngunit naroon din ang pagkagulat sa mukha.
"Oo," sagot niya sa wakas, pilit pinatatag ang sarili. "Ikakasal na ako kay Alaric."
Napabuntong-hininga si Marco, halatang pilit inuunawa ang narinig. “Estelle, hindi mo kailangang gawin ‘to—”
"Hindi ko ito ginagawa para lang sa kung sino," putol niya, pinipigil ang panginginig ng kanyang tinig. "Pinili ko si Alaric dahil ito ang tama para sa akin."
Tahimik na pinagmasdan siya ni Marco, para bang hinahanap ang katotohanan sa mga mata niya. Pero bago pa ito muling makapagsalita, narinig niya ang malamig na tinig ni Alaric.
"You heard her," mahinahong pero matigas nitong sabi. "Respect her choice."
Nagtagpo ang tingin ng dalawang lalaki. Ramdam ni Estelle ang tensyon sa pagitan nila, pero sa huli, walang nagawa si Marco kundi tanggapin ang sinabi niya.
"Ayan ang gusto mo? Sige, sana ay huwag mong pagsisihan," galit nitong sabi at saka naglakad paalis.
"You've thought about it?" tanong ni Alaric nang mawala na sa paningin nila si Marco.
Nagbuntonghininga si Estelle at dahan-dahang tumango. "Tinatanggap ko na ang alok mo sir. Magpapakasal na ako sayo."
Alaric's expression didn't change, but there was a flicker of something in hiseyes-relief, maybe.
"Good. We'll begin preparations immediately."
"But we need to be clear about a few things, sir. This is for Azrael. Ayokong magsinungaling sa kanya, at ayokong magpanggap na iba ang sitwasyon natin. Kailangan nating maging honest sa kanya—at least sa kung ano'ng kaya niyang maintindihan."
"Of course," sangayon na sagot ni Alaric. "Si Azrael ang priority."
"And, sir... we need boundaries," dagdag ni Estelle, ramdam ang bilis ng tibok ng puso niya habang sinasabi iyon. "Sana ay... hindi na maulit ang nangyari kagabi. I'm not your property."
Bahagyang tumalim ang tingin ni Alaric sa sinabi niya, pero tumango ito. "I won't go near you... without your permission."
Hindi siya sigurado kung naniniwala siya rito nang buo, pero wala na siyang lakas makipagtalo. Napagdesisyunan na niya, at wala nang atrasan.
Ang relasyon niya kay Marco ang isa sa nagpipigil sa kanya na pumayag sa alok ni Alaric. Pero ngayong wala na sila ni Marco ay sa tingin nama niya tama ang naging desiyon niya. At isa pa, mas malaki ang matutulong niya sa pamilya niya.
Matapos ilatag ang buong plano ay ipinaalam nina Estelle at Alaric kay Azrael ang tungkol sa kasal nilang dalawa. Tuwang-tuwa naman ang bata at nagtatalon pa.
Sa isang araw ay lilipad sila papunta sa boracay para roon idaos ang kasal. Ngayon naman ay nasa kompanya si Alaric para asikasuhin ang business nito sa ilang araw na mawawala sila.
Habang nagluluto si Estelle sa kusina, biglang pumasok si Azrael, hawak ang isang laruan na mistulang bagong-bago pa. May excitement sa mukha ng bata habang inilalapit ito sa kanya.
"Tingnan mo, Mommy!" masiglang sabi nito. Simula ng sabihin nila ni Alaric sa bata na ikakasal na sila ay Mommy na ang tawag nito sa kany. "May nagbigay sa akin nito kanina!"
Saglit siyang napahinto sa paghahalo ng niluluto at lumingon kay Azrael. "Talaga? Sino naman ang nagbigay?"
Bahagyang nag-isip ang bata bago sumagot. "Isang magandang babae. Sabi niya, para daw sa akin ito. Pero mas maganda ka pa rin!"
Bahagyang kumunot ang noo ni Estelle. Wala namang ibang bisita ngayon, at siguradong walang tauhan sa mansyon ang basta-bastang mamimigay ng laruan kay Azrael. Lumabas siya ng kusina at sumilip sa paligid, pilit hinahanap kung may ibang tao sa labas. Ngunit wala siyang nakita. Tahimik ang buong bakuran, at tila walang sinumang dumaan.
Bumalik ang tingin niya sa laruan na hawak ni Azrael, at doon niya napansin ang paper bag na pinaglagyan nito. May nakaimprentang maliit na initials sa gilid—M.F.
May kung anong kumurot sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag, pero may nararamdaman siyang hindi maayos tungkol dito.
Hindi siya mapakali kaya agad niyang pinuntahan ang Mayordoma ng mansyon na si Marissa. Inabutan niya itong naggugupit ng mga malalagong halaman at inaalis ang tuyong mga dahon.
"Manang, may itatanong po sana ako," panimula niya habang nilalapitan ang matanda.
Tumingala ito at pinunasan ang pawisang noo. "Ano 'yon, hija?"
Humugot siya ng hininga bago ipinakita ang paper bag. "May dumalaw po ba rito o may kapamilyang may initials na M.F?"
Bahagyang nag-isip ang matanda bago umiling. "Wala akong kilalang may ganyang initials na dumadalaw dito."
Napakunot ang noo ni Estelle. "Sigurado po kayo? Wala po kayong kilalang M.F na may koneksyon sa mansyon?"
Biglang nagliwanag ang mukha ng matanda na tila may naalala. "Ah! M.F... Ang kilala ko lang na may ganyang initials ay ang dating asawa ni Sir Alaric—si Marissa Flores."
Para bang biglang lumamig ang paligid ni Estelle sa narinig.
"D-Dating asawa...?" Hindi ba't patay na ang dating asawa ni Alaric?
Tumango ang Mayordoma habang dinadakot ang mga dahon. "Oo. Pero matagal nang ayaw marinig ni Sir Alaric ang pangalan niya rito sa mansyon. Galit na galit pa rin siya sa babaeng 'yon. Para kay sir, patay na si Marissa. Ganon din naman ang alam ni Azrael."
"B-Bakit po?" Lalong naging matindi ang kaba ni Estelle.
Lumingon-lingon muna ang matanda sa paligid, waring tinitiyak na walang ibang makakarinig sa kanila, bago bumulong. "Nahuli ni Sir Alaric na may ibang lalaki si Marissa. Dalawang taon pa lang si Azrael noon. Sa sobrang galit niya, agad siyang nag-file ng divorce at pinalayas ito. Simula noon, mahigpit niyang ipinagbawal na lumapit si Marissa kay Azrael."
Napalunok si Estelle, lalo na nang marinig ang kasunod na sinabi ni Marissa.
"Ang huling balita ko, nasa ibang bansa na siya. Tatlong taon na ring walang nakakaalam kung nasaan siya."
Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Estelle sa paper bag na hawak niya. May malamig na pakiramdam na gumapang sa kanyang katawan.
Kung si Marissa Flores nga ang nagbigay ng laruan kay Azrael, ibig sabihin… bumalik na ito.
At ang tanong—para kay Azrael lang ba? O para kay Alaric rin?
Kakauuwi lang ni Estelle mula pag-aayos ng surpresa niya sa long-time boyfriend niyang si Marco. Bukas ang second anniversary nilang dalawa kaya naman gusto niya itong surpresahin at iparamdam sa nobyo kung gaano niya ito kamahal.Kumunot ang noo niya nang makitang nakabukas ang malaking pintuan sa mansyon, kung saan siya nagtatrabaho bilang yaya ng anak ng bilyonaryong businessman na si Alaric Montserrat.Bahagya siyang sumilip sa loob, pero mabilis ding napaatras nang makita na nakatayo roon ang si Alaric. He filled the doorway, tall and broad-shouldered, dressed impeccably in a tailored charcoal suit that seemed designed to emphasize his power."S-Sir!" Sighap niya sa pagkagulat. "Ano... pong ginagawa mo rito?""I was waiting for you. You're late. Kanina pa naghihintay sayo si Azrael." His voice was smooth, deep, like the low hum of thunder on the horizon. "Ayaw niya kumain kung hindi ikaw ang magluluto ng pagkain niya."Napakagat ng kuko si Estelle sa narinig. Hindi naman niya sin
"Ang ganda! Sigurado ako magugustuhan ni Marco ito!"Nakangiting pinagmasdan ni Estelle ang naka-arrange na dinner date sa rooftop kung saan siya naroroon ngayon. Ngayon niya isusurpresa ng date si Marco mula sa ipon niyang pera, pero hindi pa nagte-text ang boyfriend niya. Baka nasa trabaho pa ito.Wala pa man siyang maayos na tulog dahil sa naging pag-uusap nila ni Alaric kagabi, pati na rin sa offer nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung anong gagawin. Hindi pa rin siya makapag-decide kung tatanggapin ba niya iyon."Paano naman ako magpapanggap na asawa sa lalaking hindi ko naman mahal?" pagkausap niya sa sarili.Puyat pa siya sa kakaisip ng mga bagay na iyon, pero hindi niya maramdaman ang antok dahil excited siyang makita ang reaksyon ng boyfriend niya.Lumipas ang isang oras, tapos na ang working hours ni Marco pero hindi pa rin ito dumadating sa address na binigay niya kung nasaan siya. Naghintay pa siya ng ilang sandali, dahil iniisip niya na baka na-traffic lamang it
Gustong sabunutan ni Estelle ang sarili. Kung hindi sana siya nagpakalasing ay hindi iyon mangyayari.Huminga siya nang malalim at saka binuksan ang pintuan ng kwarto niya para bumaba sa kusina."Why did you say you'll cook if you don't know how, Daddy? Look, the pancakes are black.""I never said I know how to cook."Hindi alam ni Estelle kung matatawa ba siya o matatakot nang makitang umuusok na ang kawali. Napansin niyang halos nagiging uling na ang pancake na niluluto ni Alaric.Dali-dali siyang lumapit at inunahan itong patayin ang kalan. "Malakas ang apoy, sir. Masusunog talaga 'yan."Nakatayo lang si Alaric, nakakunot ang noo habang nakatingin sa sunog na pancake. "At least it's… crispy?"Napangiwi si Estelle. "Sir, hindi crispy 'yan. Uling na 'yan."Si Azrael naman ay natatawang umiling. "Daddy, let’s just order food before you burn down the house."Napabuntong-hininga si Alaric, halatang hindi sanay sa pagkakamali. "Fine. But you’re still eating my pancakes, Azrael.""No way!
"Ang ganda! Sigurado ako magugustuhan ni Marco ito!"Nakangiting pinagmasdan ni Estelle ang naka-arrange na dinner date sa rooftop kung saan siya naroroon ngayon. Ngayon niya isusurpresa ng date si Marco mula sa ipon niyang pera, pero hindi pa nagte-text ang boyfriend niya. Baka nasa trabaho pa ito.Wala pa man siyang maayos na tulog dahil sa naging pag-uusap nila ni Alaric kagabi, pati na rin sa offer nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung anong gagawin. Hindi pa rin siya makapag-decide kung tatanggapin ba niya iyon."Paano naman ako magpapanggap na asawa sa lalaking hindi ko naman mahal?" pagkausap niya sa sarili.Puyat pa siya sa kakaisip ng mga bagay na iyon, pero hindi niya maramdaman ang antok dahil excited siyang makita ang reaksyon ng boyfriend niya.Lumipas ang isang oras, tapos na ang working hours ni Marco pero hindi pa rin ito dumadating sa address na binigay niya kung nasaan siya. Naghintay pa siya ng ilang sandali, dahil iniisip niya na baka na-traffic lamang it
Kakauuwi lang ni Estelle mula pag-aayos ng surpresa niya sa long-time boyfriend niyang si Marco. Bukas ang second anniversary nilang dalawa kaya naman gusto niya itong surpresahin at iparamdam sa nobyo kung gaano niya ito kamahal.Kumunot ang noo niya nang makitang nakabukas ang malaking pintuan sa mansyon, kung saan siya nagtatrabaho bilang yaya ng anak ng bilyonaryong businessman na si Alaric Montserrat.Bahagya siyang sumilip sa loob, pero mabilis ding napaatras nang makita na nakatayo roon ang si Alaric. He filled the doorway, tall and broad-shouldered, dressed impeccably in a tailored charcoal suit that seemed designed to emphasize his power."S-Sir!" Sighap niya sa pagkagulat. "Ano... pong ginagawa mo rito?""I was waiting for you. You're late. Kanina pa naghihintay sayo si Azrael." His voice was smooth, deep, like the low hum of thunder on the horizon. "Ayaw niya kumain kung hindi ikaw ang magluluto ng pagkain niya."Napakagat ng kuko si Estelle sa narinig. Hindi naman niya sin