Share

Nanny For Hire, Mommy By Choice
Nanny For Hire, Mommy By Choice
Author: Author Lizzy

Chapter 1

Author: Author Lizzy
last update Last Updated: 2025-03-20 13:44:07

Kakauuwi lang ni Estelle mula pag-aayos ng surpresa niya sa long-time boyfriend niyang si Marco. Bukas ang second anniversary nilang dalawa kaya naman gusto niya itong surpresahin at iparamdam sa nobyo kung gaano niya ito kamahal.

Kumunot ang noo niya nang makitang nakabukas ang malaking pintuan sa mansyon, kung saan siya nagtatrabaho bilang yaya ng anak ng bilyonaryong businessman na si Alaric Montserrat.

Bahagya siyang sumilip sa loob, pero mabilis ding napaatras nang makita na nakatayo roon ang si Alaric. He filled the doorway, tall and broad-shouldered, dressed impeccably in a tailored charcoal suit that seemed designed to emphasize his power.

"S-Sir!" Sighap niya sa pagkagulat. "Ano... pong ginagawa mo rito?"

"I was waiting for you. You're late. Kanina pa naghihintay sayo si Azrael." His voice was smooth, deep, like the low hum of thunder on the horizon. "Ayaw niya kumain kung hindi ikaw ang magluluto ng pagkain niya."

Napakagat ng kuko si Estelle sa narinig. Hindi naman niya sinasadya na umuwi ng gabi. "Pasensya na, sir... Natagalan ako sa kakahintay ng jeep. Wala akong masakyan pauwi kaya inabot na ako ng gabi."

"Sana ay tumawag ka rito sa bahay. I can arrange for a driver."

"Naku, hindi na po, sir. Hindi na rin ito mauulit." Mabilis siyang napailing. "Ayaw ko naman abalahin pa ang mga driver dito sa mansyon."

She didn't need his charity. She was here to work, not to be another one of his kept people.

"Azrael is upstairs. He's missed you."

Napangiti naman si Estelle. Tatlong buwan lang ang kontrata niya bilang yaya ni Azrael dahil nag-iipon lang siya ng pera papuntang ibang bansa para roon magtrabaho. Pero isang buwan pa lang niya inaalagaan ang anak ni Alaric ay malapit na ang loob sa kanya ng limang taon na bata.

Ang sabi pa ni Alaric sa kanya noong nag-apply siya rito, wala raw nagtatagal na yaya kay Azrael. Isang linggo pa lang daw ay gusto na umalis dito sa mansyon. Paano ba naman, pilyo ang anak ng boss niya.

Kamuntikan na rin siyang umalis noong bago pa lang siya. Mabuti na lamang at nakuha na niya ang loob ng bata kaya close na close na silang dalawa ngayon.

"Sige po, sir. Pupuntahan ko na siya," wika niya.

But as she moved toward the sweeping staircase, Alaric's voice stopped her.

"Estelle, sandali..."

Napahinto siya at muling tiningnan ang boss niya. Nakalagay ang kamay nito sa bulsa, bahagyang salubong ang magkabilang kilay. Para bang may gusto itong sabihin, pero hindi lang iyon maisatinig.

"Bakit po, sir? May... kailangan ka po ba?"

"I need to talk to you about something," he said finally, his voice low. "It's important. After Azrael goes to bed. Meet me in the office."

Mukhang importante nga ang sasabihin ng boss niya dahil parang nate-tense ito.

Pero ano kaya iyon?

Tinungo na ni Estelle ang kwarto ni Azrael. Naabutan niya ang alaga niya sa na nasa sahig, at gumagawa ng blocks gamit ang mga bricks.

Nang makita siya ni Azrael ay mabilis itong tumayo at tumakbo para lapitan siya. "Estelle!" Lumambitin ito sa bewang niya at mahigpit na kumapit.

Yumuko naman siya para yakapin ito. "Hindi ka raw kumain sabi ng daddy mo, totoo ba?"

"I waited for you," nakaguso nitong sagot.

"Alam ko... Pasensya na, natagalan ako." Hinaplos niya ang pisngi ng alaga, saka hinawi ang kulot nitong buhok palayo sa noo. "Pero andito na ‘ko ngayon."

"Aalis ka ba ulit bukas?"

Dahan-dahang tumango si Estelle sa bata. Araw ng Linggo bukas. Kapag weekend ay rest day niya. Kaya naman sa gabi lang siya nag-aalaga kay Azrael.

"Can I come with you?" tanong ulit nito, nakatingala sa kanya.

"Hindi pwede, baby. Hindi papayag ang daddy mo na lumabas ka. At isa pa, malayo ang pupuntahan ko, mapapagod ka," paliwanag niya sa bata.

Tumalikod si Azrael at sumampa sa kama, nagpangalumbaba. Bakas ang lungkot sa mukha.

Sinundan niya ito at isinandal sa dibdib niya. "Babalik din naman ako agad. Hindi na ako magpapagabi."

Lumiwanag ang mukha nito, ngayon ay nakangiti na. "Talaga? Uuwi ka rin agad dito?"

"I promise." Itinaas niya ang kamay para mangako. "Gusto mo ba basahan kita ng paborito mong kwento?"

"Yes, I want!"

Kinuha ni Estelle ang librong paborito ni Azrael at nagsimulang magbasa. Habang nagbabasa, naramdaman niyang mahigpit na humawak ang munting kamay ni Azrael sa kanya, parang natatakot na baka bigla siyang mawala.

"Estelle..." bulong nito, mahina na dahil sa antok. "Pwede ka bang... maging mommy ko?"

The words hit her like a punch to the chest, stealing her breath. Napahinto siya sa narinig mula sa bata, kumirot ang puso niya.

Nanatili siyang nakaupo, hindi makagalaw, habang paulit-ulit na umuulit sa isip niya ang inosenteng tanong ng bata. Alam niyang hindi pa nito lubos na nauunawaan ang sinasabi, pero ramdam niya ang pangungulila sa boses nito.

"Azrael... hindi mo ako pwede maging mommy," mahina niyang sagot sa batang ngayon ay nakapikit na. "Pero hangga't narito ako sa mansyon ay aalagaan kita at mamahalin."

Matapos niyang pagmasdan ang natutulog na si Azrael ay lumabas na si Estelle sa kwarto ng bata at tinungo ang office ni Alaric.

Huminga siya nang malalim bago marahang kumatok at itinulak ang pinto.

Nakatayo si Alaric sa tabi ng bintana, nakatingin sa madilim na hardin. Wala na ang jacket nito, at nakatupi ang manggas ng puting polo, kita ang matitigas nitong braso. Iba ang aura nito ngayon—hindi kasing pormal ng mga lumipas na araw.

"Sir, narito na po ako," anunsyo niya at isinarado ang pintuan.

Dahan-dahang humarap si Alaric. Walang mabasa sa mukha nito, pero may tensyon sa paligid na hindi maipaliwanag. Saglit silang natahimik, at halatang pinag-iisipan pa ni Alaric ang sasabihin kay Estelle.

"I need your help with something... unconventional," pagbabasag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Kumunot ang noo ni Estelle. "Ano po yun?"

Lumapit si Alaric sa desk, isinandal ang sarili habang nakatawid ang mga braso. Matamang tinitigan ng seryoso si Estelle.

"Alam kong mahal mo ang anak ko..." Malalim na panimula nito. "Nakikita ko kung paano mo siya pahalagahan na hindi nagawa ng iba niyang yaya noon. Kaya naman minahal ka rin ng anak ko. Pero sa sitwasyon ngayon, Azrael needs more than a nanny, Estelle. He needs stability... a mother figure. And I believe... you're the best person to give him that."

Namilog ang mga mata ni Estelle at hindi alam kung ano ang isasagot sa boss niya.

Ilang minuto lang ay si Azrael ang nagtatanong sa kanya kung pwede ba siya maging mommy nito. Ngayon naman ay ang ama ng alaga niya.

"S-Sir Alaric..."

Pinutol ni Alaric ang pagtutol na gagawin niya bago pa niya iyon masabi.

"I'm not asking you just to be his mother, Estelle." His voice was calm, measured. "Gusto ko rin siyang bigyan ng masaya at kompletong pamilya. So I'm also asking you to marry me."

Her mind went blank. For a second, she was sure she'd misheard him. "A-Ano po...?"

"A contract marriage, Estelle." His eyes never left hers. "Just for two years. Dalawang taon lang... kahit sa maikling panahon ay gusto ko maramdaman ng anak ko na magkaroon siya ng pamilya. It would be purely business. Nothing more."

The words echoed in her mind and yet they made no sense.

"Seryoso ka ba talaga, sir...?" Mahina ang boses niya, parang hindi sigurado kung totoong tinanong niya 'yon.

"I'm serious, Estelle." Bumitiw si Alaric mula sa mesa at lumapit sa kanya. Lumakas ang presensya nito sa loob ng silid, dahilan para mapaatras siya nang bahagya. "Azrael adores you. Alam mong komportable na siya sa'yo, na parang ikaw na rin ang sinasandalan niya. I want to give him that, pero ayokong magkaroon ng—" Saglit itong natigilan, parang naghahanap ng tamang salita. "Complications."

Mas bumilis ang tibok ng puso ni Estelle. "Complications? You mean real feelings? Ayaw mo magmahal ulit kaya papasok ka sa contract marriage?"

"Yes." Hindi man lang siya nag-atubili. Diretsahan. "This isn't about love. Hindi ko yun kailangan. It's about providing Azrael a family."

Napasinghap si Estelle, sinusubukang intindihin ang alok ng boss niya. Hindi lang dahil hindi niya inaasahan—kundi dahil sobrang absurd. Sino ba namang nag-aalok ng kasal nang ganito? Mas lalo na, sino ang papayag?

"Pero, sir... You really think marrying me is going to solve all your problems?" May halong panunuya ang boses niya.

"I think it will solve my son's problems." Kalma lang si Alaric, pero matigas ang tono. "Kailangan niya ng mother figure, at ikaw, ganon ang ginagawa mo sa kanya ngayon. Itinuturing mo siyang parang... anak mo."

Napailing si Estelle, halos mapatawa sa sinabi ng boss niya. "Paano naman ako, sir? Anong mapapala ko rito?"

Saglit na katahimikan. Tinitigan siya ni Alaric, parang sinusukat kung paano siya sasagutin. "Financial security. Comfort. Anything you want, Estelle. Kahit anong hilingin mong kapalit sa akin ay ibibigay ko sayo. Kaya kong doublehin ang kikitain mo sa pagtatrabaho sa abroad kung papayag ka." Hindi nagbabago ang ekspresyon nito. "Kapalit nun, titira ka rito bilang ina ni Azrael... bilang asawa ko. Hanggang matapos ang kontrata."

Napaatras siya, ramdam ang bigat ng sitwasyon. "Paano ko magagawang maging asawa sayo, sir? Hindi kita gusto... hindi mo rin naman ako gusto, di ba? May boyfriend rin po ako." Napailing pa siya.

"Hindi natin kailangan matulog sa isang kama, Estelle," mabilis na sagot ni Alaric. "Hindi ko sisirain ang relasyon na meron ka..."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa sarili niyang braso. "At kapag natapos ang kontrata? Ano'ng mangyayari kay Azrael kapag umalis ako, sir?"

"Maiintindihan niya," sagot nito, diretso. Pero sa isang iglap, may sumilay na kung anong emosyon sa mga mata nito—hindi siya sigurado kung alin. "Matibay siyang bata. Ihahanda natin siya para doon."

Napailing si Estelle, hindi makapaniwala. "At paano naman ang negosyo mo, sir? Paano ang buhay mo? Hindi ba mapapansin ng tao kung bigla ka na lang... nagkaroon ng asawa?"

"People will believe what I tell them. No one will question it, and if they do, we can handle it. I'll make sure everything appears legitimate."

Napakagat siya ng labi, ramdam ang bigat ng alok na ito. Lahat sa kanya sumisigaw na umalis, na huwag magpadala. Pero isang bahagi ng sarili niya—ang bahaging matagal nang pagod sa kakalaban sa buhay—ay natutuksong tanggapin ang seguridad na inaalok nito.

At si Azrael... Hindi niya kayang talikuran ang batang iyon.

"K-Kailangan ko... munang pag-isipan, sir..." Hindi niya siguradong sabi matapos ang pananahimik.

Tumalikod siya at lumabas ng office, parang tinatangay ng ipo-ipo ang isip niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 2

    "Ang ganda! Sigurado ako magugustuhan ni Marco ito!"Nakangiting pinagmasdan ni Estelle ang naka-arrange na dinner date sa rooftop kung saan siya naroroon ngayon. Ngayon niya isusurpresa ng date si Marco mula sa ipon niyang pera, pero hindi pa nagte-text ang boyfriend niya. Baka nasa trabaho pa ito.Wala pa man siyang maayos na tulog dahil sa naging pag-uusap nila ni Alaric kagabi, pati na rin sa offer nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung anong gagawin. Hindi pa rin siya makapag-decide kung tatanggapin ba niya iyon."Paano naman ako magpapanggap na asawa sa lalaking hindi ko naman mahal?" pagkausap niya sa sarili.Puyat pa siya sa kakaisip ng mga bagay na iyon, pero hindi niya maramdaman ang antok dahil excited siyang makita ang reaksyon ng boyfriend niya.Lumipas ang isang oras, tapos na ang working hours ni Marco pero hindi pa rin ito dumadating sa address na binigay niya kung nasaan siya. Naghintay pa siya ng ilang sandali, dahil iniisip niya na baka na-traffic lamang it

    Last Updated : 2025-03-20
  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 3

    Gustong sabunutan ni Estelle ang sarili. Kung hindi sana siya nagpakalasing ay hindi iyon mangyayari.Huminga siya nang malalim at saka binuksan ang pintuan ng kwarto niya para bumaba sa kusina."Why did you say you'll cook if you don't know how, Daddy? Look, the pancakes are black.""I never said I know how to cook."Hindi alam ni Estelle kung matatawa ba siya o matatakot nang makitang umuusok na ang kawali. Napansin niyang halos nagiging uling na ang pancake na niluluto ni Alaric.Dali-dali siyang lumapit at inunahan itong patayin ang kalan. "Malakas ang apoy, sir. Masusunog talaga 'yan."Nakatayo lang si Alaric, nakakunot ang noo habang nakatingin sa sunog na pancake. "At least it's… crispy?"Napangiwi si Estelle. "Sir, hindi crispy 'yan. Uling na 'yan."Si Azrael naman ay natatawang umiling. "Daddy, let’s just order food before you burn down the house."Napabuntong-hininga si Alaric, halatang hindi sanay sa pagkakamali. "Fine. But you’re still eating my pancakes, Azrael.""No way!

    Last Updated : 2025-03-20

Latest chapter

  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 3

    Gustong sabunutan ni Estelle ang sarili. Kung hindi sana siya nagpakalasing ay hindi iyon mangyayari.Huminga siya nang malalim at saka binuksan ang pintuan ng kwarto niya para bumaba sa kusina."Why did you say you'll cook if you don't know how, Daddy? Look, the pancakes are black.""I never said I know how to cook."Hindi alam ni Estelle kung matatawa ba siya o matatakot nang makitang umuusok na ang kawali. Napansin niyang halos nagiging uling na ang pancake na niluluto ni Alaric.Dali-dali siyang lumapit at inunahan itong patayin ang kalan. "Malakas ang apoy, sir. Masusunog talaga 'yan."Nakatayo lang si Alaric, nakakunot ang noo habang nakatingin sa sunog na pancake. "At least it's… crispy?"Napangiwi si Estelle. "Sir, hindi crispy 'yan. Uling na 'yan."Si Azrael naman ay natatawang umiling. "Daddy, let’s just order food before you burn down the house."Napabuntong-hininga si Alaric, halatang hindi sanay sa pagkakamali. "Fine. But you’re still eating my pancakes, Azrael.""No way!

  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 2

    "Ang ganda! Sigurado ako magugustuhan ni Marco ito!"Nakangiting pinagmasdan ni Estelle ang naka-arrange na dinner date sa rooftop kung saan siya naroroon ngayon. Ngayon niya isusurpresa ng date si Marco mula sa ipon niyang pera, pero hindi pa nagte-text ang boyfriend niya. Baka nasa trabaho pa ito.Wala pa man siyang maayos na tulog dahil sa naging pag-uusap nila ni Alaric kagabi, pati na rin sa offer nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung anong gagawin. Hindi pa rin siya makapag-decide kung tatanggapin ba niya iyon."Paano naman ako magpapanggap na asawa sa lalaking hindi ko naman mahal?" pagkausap niya sa sarili.Puyat pa siya sa kakaisip ng mga bagay na iyon, pero hindi niya maramdaman ang antok dahil excited siyang makita ang reaksyon ng boyfriend niya.Lumipas ang isang oras, tapos na ang working hours ni Marco pero hindi pa rin ito dumadating sa address na binigay niya kung nasaan siya. Naghintay pa siya ng ilang sandali, dahil iniisip niya na baka na-traffic lamang it

  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 1

    Kakauuwi lang ni Estelle mula pag-aayos ng surpresa niya sa long-time boyfriend niyang si Marco. Bukas ang second anniversary nilang dalawa kaya naman gusto niya itong surpresahin at iparamdam sa nobyo kung gaano niya ito kamahal.Kumunot ang noo niya nang makitang nakabukas ang malaking pintuan sa mansyon, kung saan siya nagtatrabaho bilang yaya ng anak ng bilyonaryong businessman na si Alaric Montserrat.Bahagya siyang sumilip sa loob, pero mabilis ding napaatras nang makita na nakatayo roon ang si Alaric. He filled the doorway, tall and broad-shouldered, dressed impeccably in a tailored charcoal suit that seemed designed to emphasize his power."S-Sir!" Sighap niya sa pagkagulat. "Ano... pong ginagawa mo rito?""I was waiting for you. You're late. Kanina pa naghihintay sayo si Azrael." His voice was smooth, deep, like the low hum of thunder on the horizon. "Ayaw niya kumain kung hindi ikaw ang magluluto ng pagkain niya."Napakagat ng kuko si Estelle sa narinig. Hindi naman niya sin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status