Share

Chapter 2

Author: Author Lizzy
last update Last Updated: 2025-03-20 18:08:44

"Ang ganda! Sigurado ako magugustuhan ni Marco ito!"

Nakangiting pinagmasdan ni Estelle ang naka-arrange na dinner date sa rooftop kung saan siya naroroon ngayon. Ngayon niya isusurpresa ng date si Marco mula sa ipon niyang pera, pero hindi pa nagte-text ang boyfriend niya. Baka nasa trabaho pa ito.

Wala pa man siyang maayos na tulog dahil sa naging pag-uusap nila ni Alaric kagabi, pati na rin sa offer nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung anong gagawin. Hindi pa rin siya makapag-decide kung tatanggapin ba niya iyon.

"Paano naman ako magpapanggap na asawa sa lalaking hindi ko naman mahal?" pagkausap niya sa sarili.

Puyat pa siya sa kakaisip ng mga bagay na iyon, pero hindi niya maramdaman ang antok dahil excited siyang makita ang reaksyon ng boyfriend niya.

Lumipas ang isang oras, tapos na ang working hours ni Marco pero hindi pa rin ito dumadating sa address na binigay niya kung nasaan siya. Naghintay pa siya ng ilang sandali, dahil iniisip niya na baka na-traffic lamang ito. Hanggang sa tatlong oras na siya naroon, pero walang Marco ang dumating kaya pinuntahan na niya ito sa apartment nito.

"Marco?" tawag niya mula sa labas. Kakatok sana siya sa pintuan, pero napansin niyang nakabukas iyon kaya deritso na siya sa loob.

Mga nagkalat na damit ang nakita niya sa sahig. Hindi lang damit ni Marco, kundi maroon ding bra at panty. Ang isang kabiyak na heels ay nasa upuan, at ang isa naman ay nasa ibabaw ng lamesa.

Napasinghap si Estelle sa mga nakita niya. Hindi siya tanga para isipin na wala lang ang mga damit na nakita niya. Malakas niyang itinulak ang pintuan ng kwarto ni Marco, at katulad ng inaasahan niya, naroon ito sa kama nakabalot ng kumot at yakap-yakap ang isang babae.

"Ang mga walanghiya!" sigaw niya at hinila ang kumot.

Nagulat naman si Marco at mabilis na bumangon. Nanlaki ang mga mata nito nang makita si Estelle. Ang babae naman ay mabilis na tumakbo sa banyo para itago ang sarili.

"Gago ka! Kung hindi pa ako pumunta rito, hindi ko pa malalaman na niloloko mo pala ako!" Sumugod si Estelle kay Marco at malakas itong sinampal sa mukha.

"Estelle, sandali lang. Magpapaliwanag ako—"

Pak!

Muli niya itong sinampal at hindi pinatapos magsalita.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Kitang-kita ko na ang lahat! Huwag ka na magpalusot pa!"

"Nadala lang ako! Hindi ko talaga sinasadya!" Sinubukang hulihin ni Marco ang mga braso niya para yakapin siya, pero umatras siya rito palayo. "Estelle, mahal kita! Alam mo yan, mahal kita!"

Gusto niyang maniwala sa mga sinasabi nito, pero hindi niya magawa dahil masakit ang panloloko nito, at nakita pa iyon ng dalawa niyang mga mata.

"Kung talagang mahal mo ako... hindi mo ito gagawin sa akin," mapait niyang sabi at tumulo ang mga luha. "Ayaw na kita makita, Marco. Tinatapos ko na kung anong meron tayo."

Itinapon niya ang kumot sa sahig at tinalikuran ito. Sunod-sunod ang naging paghakbang niya palabas ng apartment at hindi muling nilingon pa si Marco, kahit na ilang beses siya nito tinawag.

Sakay ng taxi ay patuloy siya sa pag-iyak. Bumalik siya sa rooftop kung saan niya dapat susurpresahin ang nobyo niya at ininom ang ang inorder niyang wine na para sana sa kanilang dalawa.

Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Marco. Bago naging sila ay magkaibigan na silang dalawa high school pa lang. Matagal na silang magkakilala at pareho nilang first boyfriend at first girlfriend ang isa't-isa.

"Ma'am, mukhang lasing ka na," wika ng waiter na lumpit sa kanya at pinigilan siyang magsalin ng wine.

"Hindi pa ako lasing. Huwag mo ako pakialaman," sagot niya at tinaboy ang waiter.

Hindi niya alam kung anong oras na, pero halos lahat ng bituin sa kalangitan ay nagpakita na. Nakatingala siya habang umiiyak pa rin.

Tama nga ang sinasabi ng karamihan. Ang first heart break ang pinakamasakit sa lahat.

Akmang iinom pa siya ulit sa wine glass niya, nang may umagaw non sa kanya.

"Ano ba! Sinabi na ngang hindi pa ako lasing!" inis niyang singhal at tiningala ang waiter.

Pero ang mukha ng boss niyang si Alaric ang nakita niya. O baka namamalik mata lang siya.

"Stop. You're drunk," matigas na sabi nito.

Hindi siya namamalikmata. Si Alaric nga ang nasa harapan niya.

"Sir... nandito ka rin?" natatawang tanong niya, halatang lunod na sa alak. "Iinom ka rin po ba?"

Sa halip na sagutin siya at hinila siya nito patayo at inakay. "Ang sabi mo ay may importante kang lakad. Maglalasing ka lang pala."

Kumapit si Estelle sa braso ni Alaric at isinandal ang ulo dahil pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya.

"Importante talaga yun, sir! Surprise anniversary dinner dapat yun! Tapos niloko lang ako ng siraulo kong boyfriend!" Parang bata niyang sumbong sa boss niya.

Sinulyapan siya nito at huminto sa paglalakad. "He cheated on you?"

Tumango si Estelle at pinunas ang luha sa pisngi.

"Then it's not your loss. It's his," sabi nito nang walang pag-aalinlangan.

Binuksan ni Alaric ang pintuan ng passenger seat at ipinasok siya sa loob at naupo naman ito sa driver seat.

Hindi na niya alam kung anong sunod na nangyari. Naalimpungatan na lang siya nang marinig ang boses ni Azrael at maramdaman na karga siya ng malalaking braso.

"Is she drunk, Daddy?" curious na tanong ni Azrael habang pinagmasdan si Estelle.

"Yes, she is. Go to your room," sagot ng ama, bahagyang bumuntong-hininga.

"But what about Estelle? Will she be okay?" nag-aalalang tanong ng bata, hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan.

"I'll handle her. Go now. It's bedtime already," madiing sabi nito, tinapik ang balikat ng anak bilang hudyat na umalis na.

"Sir, pati ba naman ikaw, sinasabing lasing ako," reklamo ni Estelle, bahagyang sumimangot.

"Yeah, right. You're not drunk, Estelle. You're just full of alcohol," tugon nito, sinabayan ng mahinang iling habang pinagmamasdan ang kanyang namumungay na mga mata.

Marahan siya nitong ibinaba sa kama niya at nagbuntonghininga. "Matulog ka na."

Mabilis na bumangon si Estelle at umiling. Pasuray-suray siyang naglakad papunta sa pintuan, muntik pa matumba. Mabuti na lamang at naroon si Alaric para hawakan siya.

"Papatulugin ko pa si Azrael, sir," giit ni Estelle, pilit na pinapanatili ang tuwid na tindig. 

"But you're drunk. Huwag na makulit, Estelle. Kaya ni Azrael matulog mag-isa," sagot ni Alaric, sinulyapan siya nang may halong inis at pag-aalala.

Inihiga ni Alaric si Estelle sa kama, ngunit nang akmang babangon siya, agad siyang pinigilan ng boss niya . Sa hindi inaasahang kilos, nadulas si Alaric at natumba, tuluyang bumagsak sa ibabaw niya.

Napaungol si Estelle sa bigat ng katawan ni Alaric, ang init nito agad niyang naramdaman sa manipis na tela ng kanyang damit. Lasing man, hindi niya naiwasang mapansin ang lapit ng mukha ni Alaric sa kanya... masyadong malapit, masyadong nakakaakit.

Napatitig siya sa labi nito, bahagyang nakabuka at para bang inaanyayahan siyang tikman. Hindi niya napansin dati, pero ngayon… napagtanto niyang kissable lips pala ang boss niya. Napalunok siya, lalo na nang mapansin niyang titig na titig din ito sa kanya.

"Estelle…" Mahina at mababa ang tinig ni Alaric, bahagyang paos, na parang may bahid ng pagpipigil.

Naramdaman niyang kumilos ito, pero hindi siya umatras. O baka hindi niya lang kayang umatras. Lasing siya, oo, pero hindi niya matatanggi ang sensasyong bumalot sa kanya sa presensya ni Alaric

Ramdam niya ang bawat paghinga nito, ang init ng hiningang dumadampi sa pisngi niya. Napakagat-labi siya, hindi sigurado kung dahil sa epekto ng alak o sa tensyong namamagitan sa kanila.

Nagtagal ang titig ni Alaric sa kanya, at bago pa siya makapag-isip ng matino, naramdaman niya ang dahan-dahang pagdampi ng labi nito sa kanya. Malambot. Mainit. Delikado.

Napasinghap si Estelle, pero hindi siya lumayo. Hindi rin siya umatras nang lumalim ang halik, nang ang simpleng dampi ay naging mapanuksong paghagod ng labi ni Alaric sa kanya. Lasing siya, pero ramdam niya ang bawat galaw nito—kung paano marahang hinaplos ng palad ng lalaki ang kanyang pisngi, paano ito bumaba sa kanyang leeg, nag-iiwan ng init sa bawat pulgadang dinaraanan.

"Sir…" Napasinghap siya nang maramdaman ang malamyos na s****p nito sa kanyang balat, isang banayad ngunit mariing tanda ng pag-aangkin.

"Call me Alaric," mahinang tugon ng lalaki habang dinidiinan ang katawan sa kanya, mas pinapalapit pa ang sarili.

Bago pa niya namalayan, gumapang ang kamay ng lalaki sa kanyang hita, bahagyang hinimas ang makinis na balat doon bago ipinasok sa ilalim ng kanyang suot. Nagdulot iyon ng matinding kilabot, isang halo ng kaba at pananabik, at hindi niya alam kung paano pipigilan ang sarili. O kung gusto niya pa bang pigilan.

"You're so warm, Estelle," bulong ni Alaric sa kanyang tainga, mababa at puno ng pagnanasa. "And I want to feel every inch of you."

Muling bumalik ang labi nito sa kanya. Tumugon siya sa halik, sa bawat haplos, sa bawat paggalaw ng kanilang katawan na unti-unting nagiging isa.

Nagising si Estelle sa mahinang paggalaw sa tabi niya. May mainit na bisig na nakayakap sa kanya, at ang init ng katawan ni Alaric ay nakadikit pa rin sa kanya mula sa magdamag. Napasinghap siya, biglang nagising ang diwa.

Pero bago pa siya makagalaw, isang maliit na boses ang narinig niya mula sa may pintuan.

"Daddy? Estelle?"

Nanlaki ang mata ni Alaric at agad na nagmulat. Halos sabay silang napatingin sa direksyon ng pinto—at nandoon si Azrael, nakatayo, nakatingin sa kanila ng walang malay na inosenteng ekspresyon.

"Did you sleep together?" inosenteng tanong ng bata, habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Halos sabay nilang binawi ang yakap sa isa't isa, parehong napalayo nang bahagya. Muntik pang mahulog si Estelle sa kama sa pagmamadaling lumayo, habang si Alaric naman ay napalunok, halatang nag-iisip ng mabilis na sagot.

"Azrael—uh…" nag-ayos si Alaric ng upo, pilit na nagpapanatili ng composure. "It's not what it looks like."

Hindi kumbinsido ang bata. "Then what is it?"

Nagkatinginan sina Estelle at Alaric, parehong hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Halos sabay din silang bumangon, pareho pa ring naguguluhan at hindi makatingin ng diretso sa bata.

"Ano kasi… uh… maaga pa, di ba?" pilit na ngiti ni Estelle, halatang kinakabahan. "Dapat tulog ka pa."

"Pero gising na ako," walang malay na sagot ni Azrael. "And I saw you. So… did you?"

Napahawak si Estelle sa noo, habang si Alaric naman ay mabilis na tumayo mula sa kama, nag-ayos ng suot at pilit na bumalik sa pagiging composed.

"Let's go eat breakfast, anak," mabilis na alok ni Alaric, halatang gustong ilihis ang usapan. "I’ll make pancakes." 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 3

    Gustong sabunutan ni Estelle ang sarili. Kung hindi sana siya nagpakalasing ay hindi iyon mangyayari.Huminga siya nang malalim at saka binuksan ang pintuan ng kwarto niya para bumaba sa kusina."Why did you say you'll cook if you don't know how, Daddy? Look, the pancakes are black.""I never said I know how to cook."Hindi alam ni Estelle kung matatawa ba siya o matatakot nang makitang umuusok na ang kawali. Napansin niyang halos nagiging uling na ang pancake na niluluto ni Alaric.Dali-dali siyang lumapit at inunahan itong patayin ang kalan. "Malakas ang apoy, sir. Masusunog talaga 'yan."Nakatayo lang si Alaric, nakakunot ang noo habang nakatingin sa sunog na pancake. "At least it's… crispy?"Napangiwi si Estelle. "Sir, hindi crispy 'yan. Uling na 'yan."Si Azrael naman ay natatawang umiling. "Daddy, let’s just order food before you burn down the house."Napabuntong-hininga si Alaric, halatang hindi sanay sa pagkakamali. "Fine. But you’re still eating my pancakes, Azrael.""No way!

    Last Updated : 2025-03-20
  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 1

    Kakauuwi lang ni Estelle mula pag-aayos ng surpresa niya sa long-time boyfriend niyang si Marco. Bukas ang second anniversary nilang dalawa kaya naman gusto niya itong surpresahin at iparamdam sa nobyo kung gaano niya ito kamahal.Kumunot ang noo niya nang makitang nakabukas ang malaking pintuan sa mansyon, kung saan siya nagtatrabaho bilang yaya ng anak ng bilyonaryong businessman na si Alaric Montserrat.Bahagya siyang sumilip sa loob, pero mabilis ding napaatras nang makita na nakatayo roon ang si Alaric. He filled the doorway, tall and broad-shouldered, dressed impeccably in a tailored charcoal suit that seemed designed to emphasize his power."S-Sir!" Sighap niya sa pagkagulat. "Ano... pong ginagawa mo rito?""I was waiting for you. You're late. Kanina pa naghihintay sayo si Azrael." His voice was smooth, deep, like the low hum of thunder on the horizon. "Ayaw niya kumain kung hindi ikaw ang magluluto ng pagkain niya."Napakagat ng kuko si Estelle sa narinig. Hindi naman niya sin

    Last Updated : 2025-03-20

Latest chapter

  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 3

    Gustong sabunutan ni Estelle ang sarili. Kung hindi sana siya nagpakalasing ay hindi iyon mangyayari.Huminga siya nang malalim at saka binuksan ang pintuan ng kwarto niya para bumaba sa kusina."Why did you say you'll cook if you don't know how, Daddy? Look, the pancakes are black.""I never said I know how to cook."Hindi alam ni Estelle kung matatawa ba siya o matatakot nang makitang umuusok na ang kawali. Napansin niyang halos nagiging uling na ang pancake na niluluto ni Alaric.Dali-dali siyang lumapit at inunahan itong patayin ang kalan. "Malakas ang apoy, sir. Masusunog talaga 'yan."Nakatayo lang si Alaric, nakakunot ang noo habang nakatingin sa sunog na pancake. "At least it's… crispy?"Napangiwi si Estelle. "Sir, hindi crispy 'yan. Uling na 'yan."Si Azrael naman ay natatawang umiling. "Daddy, let’s just order food before you burn down the house."Napabuntong-hininga si Alaric, halatang hindi sanay sa pagkakamali. "Fine. But you’re still eating my pancakes, Azrael.""No way!

  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 2

    "Ang ganda! Sigurado ako magugustuhan ni Marco ito!"Nakangiting pinagmasdan ni Estelle ang naka-arrange na dinner date sa rooftop kung saan siya naroroon ngayon. Ngayon niya isusurpresa ng date si Marco mula sa ipon niyang pera, pero hindi pa nagte-text ang boyfriend niya. Baka nasa trabaho pa ito.Wala pa man siyang maayos na tulog dahil sa naging pag-uusap nila ni Alaric kagabi, pati na rin sa offer nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung anong gagawin. Hindi pa rin siya makapag-decide kung tatanggapin ba niya iyon."Paano naman ako magpapanggap na asawa sa lalaking hindi ko naman mahal?" pagkausap niya sa sarili.Puyat pa siya sa kakaisip ng mga bagay na iyon, pero hindi niya maramdaman ang antok dahil excited siyang makita ang reaksyon ng boyfriend niya.Lumipas ang isang oras, tapos na ang working hours ni Marco pero hindi pa rin ito dumadating sa address na binigay niya kung nasaan siya. Naghintay pa siya ng ilang sandali, dahil iniisip niya na baka na-traffic lamang it

  • Nanny For Hire, Mommy By Choice    Chapter 1

    Kakauuwi lang ni Estelle mula pag-aayos ng surpresa niya sa long-time boyfriend niyang si Marco. Bukas ang second anniversary nilang dalawa kaya naman gusto niya itong surpresahin at iparamdam sa nobyo kung gaano niya ito kamahal.Kumunot ang noo niya nang makitang nakabukas ang malaking pintuan sa mansyon, kung saan siya nagtatrabaho bilang yaya ng anak ng bilyonaryong businessman na si Alaric Montserrat.Bahagya siyang sumilip sa loob, pero mabilis ding napaatras nang makita na nakatayo roon ang si Alaric. He filled the doorway, tall and broad-shouldered, dressed impeccably in a tailored charcoal suit that seemed designed to emphasize his power."S-Sir!" Sighap niya sa pagkagulat. "Ano... pong ginagawa mo rito?""I was waiting for you. You're late. Kanina pa naghihintay sayo si Azrael." His voice was smooth, deep, like the low hum of thunder on the horizon. "Ayaw niya kumain kung hindi ikaw ang magluluto ng pagkain niya."Napakagat ng kuko si Estelle sa narinig. Hindi naman niya sin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status