“Karatapatan kong malaman yun!” Mangiyak-ngiyak sa galit ang mga mata ni Elliot habang nagsasalita. “Ako pa rin ang tatay kahit na hindi mo matanggap.”“Alam mo naman na ngayon, diba?” Sagot ni Avery na parang wala lang nangyari.“Ngayon nalang, pero hindi pa rin ikaw ang nagsabi! Nasaan ang lab reports?!” Utos ni Elliot. “Walang lab report.” Medyo sumasakit na ang kamay ni Avery sa higpit ng pagkakahawak ni Elliot, kaya sinubukan niyang mag pumiglas. “Bitawan mo ako!” “Bakit lab reports?!” Niluwagan ni Elliot ang pagkakahawak niya kay Avery pero hindi niya pa rin ito binitawan ng tuluyan. Sa puntong yun, hindi na kayang manindigan pa ni Avery na itago ang katotohanan kaya sinabi na niya ang totoo. “Nag screening ako sa Bridgedale kaya tinext lang nila sa akin yung resulta.” “Oh patingin ng message!” Sigaw ni Elliot . Wala siyang balak na tumigil hanggat hindi nakikita ng mga mata niya mismo ang message na sinasabi ni Avery.Sakto, noong sandali ring yun, tapos ng kumain sin
“Sinasabi mo ba sa akin na kinita mo yung 3000 million na yun ng ilang linggo lang? Bakit ba ayaw mong ipaliwanag sa akin kung paano mo kiniti yun?” Sa tuwing aatras si Avery, aabante si Elliot hanggang sa makarating sila sa kama. “Bakit ba kailangan ko pang sabihin sayo kung paano ko kinita yun? May karapatan ka sa bata, pero hindi mo ako kontrolado?!” Inirapan ni Avery si Elliot at tinulak ang dibdib nito ng malakas. “Kailangan kitang imonitor para sa baby!” Nakatitig si Elliot sa mga mata ni Avery at base sa tono ng boses niya, sobrang desidido talaga siyang malaman ang totoo. “Ibig sabihin, hanggat dinadala mo ang anak ko, may kontrol ako sayo.”Naiinis si Avery sa sinabi ni Elliot pero may punto naman ito at alam niyang hindi siya titigilan nito kaya sumagot siya ng kalahating totoo, “Kinita ko yun sa isang pasyente na inoperahan ko.”Ang 300 million na pinagtatalunan nila ay ang bayad na binigay ni Elliot kay Zoe na dapat naman talaga ay sakanya sa dalawang surgery na ginaw
Alam ni Avery na sobrang nasaktan niya si Elliot kaya hindi siya makapag salita. Iniisip nito na may relasyon silang dalawa ni Eric, at kung siya rin naman siguro si Elliot ay masasaktan din siya. Ano ba namang ordinaryong relasyon ang hahayaan ng isang lalaki na itago ng babae ang card nito… Noong nag uumpisa palang sila ni Elliot, kahit kailan, hindi niya tinanggap ang card nito. Noong nakita niya na umiiyak si Elliot, pakiramdam niya ay para siyang sinasakal kaya nagpapanic siyang nagpaliwanag. “Eliiot…pinatago niya lang sa akin yung card niya… Hindi ko ginalaw yung laman niyan…”“Talaga?” Humigpit ang hawak ni Elliot sa card. “Kung ganun, ako na ang magbabalik nito sakanya.”Pagkatapos magsalita, dinampot ni Elliot ang hanger sa sahig, at naglakad palabas. Pagkabukas niya ng pintuan, sumalubong sakanya sina Mike at ang mga bata. Tinignan niya lang ang mga ito at nagdire-diretso siyang bumaba ng hagdan.“Mommy, inaway ka ba niya?” Tumakbo si Layla papunta kay Avery at sobra
‘Grabe! Akala mo talaga sobrang tinong lalaki niyan. Paano niya nagawa yun?!’‘Mukha naman talaga siyang nanakit ng kahit sino! Sino kaya yung babaeng sinampal niya?’‘Ano naman kung nanakit siya? Mayaman pa rin siya at kung ako ang tatanungin, kahit pa siguro mamatay tao siya ay papakasalan ko pa rin siya!’‘Ew! Kung ako siguro yung sinampal niya, sobrang madedepress ako!’‘Sino ba kasi yung babae? Infairness kahit naka side view siya, parang ganda niya pa rin ha!’…Pagkatapos magshower ni Avery, uminom siya ng folic acid at muli siyang humiga sa kama, pero dahil halos buong maghapon siyang natulog kanina, hindi pa siya inaantok kaya kinuha niya ang kanyang phone para mag browse. Binuksan niya ang chat group ng mga dating niyang kaklase sa University. Mukhang may mainit na chismis na pinag uusapan ang mga ito. ‘Actually, akala ko nga si Tammy noong una kong tingin!’‘Nako kamukha niya lang yan pero imposibleng si Tammy yan! Untouchable kaya si Tammy!’‘Kung tama ang pagkaka
“Sinampal ko si Chelsea ng malakas. Nabigla lang ako kanina, pero alam mo? Kung babalikan ko yung mga nangyari kanina, mas lalakasan ko pa yung sampal ko sakanya hanggang sa tumilapon siya. Masyado siyang nagfifeeling na may ari ng Sterling Group. Sino ba siya sa inaakala niya?!” Hindi alam ni Avery kung anongisasagot niya. Aminado siya na may kasalanan si Tammy pero bakit kailangan pang mangielam ni Elliot kung si Chelsea naman pala ang kaaway nito. “At yung g*g*ng Elliot na yun. Hindi ko rin siya mapapatawad at alam ko naman na wala siyang pakielam!” Tinignan ni Tammy si Avery at medyo mas kalmadong sinabi, “Avery, sa amin lang ‘to ni Elliot. Labas ka na dito kaya pabayaan mo na. Nasampal niya ako kasi may mga nasabi rin akong masasakit sakanya. Alam ko naman na hindi yun dahil sa pinagtatanggol niya si Chelsea.”“Hindi na mahalaga kung ano ang mga nasabi mo sakanya, Tammy. Hindi ka niya dapat sinampal. Sinakal niya rin si Hayden noon kaya hanggang ngayon, galit na galit pa rin
Hinatid ni Chad si Avery sa office ni Elliot at binigyan ito ng isang baso ng maligamgam na tubig. “May gusto ka bang kainin?” “Wala naman. Salamat. Sige na, bumalik ka na sa ginagawa mo. Okay lang ako dito.”“Wala naman akong gagawin ngayon kaya sasamahan nalang muna kita.” Nakangiting sagot ni Chad. Kinuha ni Avery ang baso at uminom ng tubig. “Avery, nabalitan ko na nasampal daw ni Mr. Foster si Tammy kahapon. Hmm… magpapaliwanag ako! Hindi naman nasampal ni Mr. Foster si Tammy dahil gusto niyang ipagtanggol si Chelsea, may mga nasabi kasi si Tammy na hindi na rin tama. Tinawag niyang walang kwenta si Mr. Foster at tama lang daw na nakipag hiwalay ka…”Tumingin lang si Avery kay Chad. Kaya biglang nagpanic si Chad at nagmamadaling nagpatuloy, “Um…Naipaliwanag naman na ni Mr. Foster kay Jun ang nangyari..”“Alam mo? Habang mas pinagtatanggol mo siya, mas nagagalit ako sayo.” Walang emosyong sagot ni Avery bago niya ilapag ang baso. Marami pa sanang gustong sabihin si Cha
Hindi inaasahan ni Chelsea na hanggang kahuli-hulihan ay ipagtatanggol pa rin ni Elliot si Avery. Pakiramdam niya ay sobrang napahiya siya kaya bigla siyang umiyak sa harapan ni Elliot. Nagmamadali namang pumasok si Chad para hilain palabas si Avery.“Hindi ko alam kung bakit biglang sumulpot si Chelsea. Ihahatid na kita sa baba.” Nahihiyang paliwanag ni Chad. “Okay lang.” Hinawi ni Avery ang kamay ni Chad at naglakad siya papunta sa elevator. Nabigla lang talaga siya. Sinadya niya si Elliot sa Sterling Group para lang sana komprontahin ito sa nangyari kay Tammy. Hindi niya naman plinano na sampalin ito. Oo, pinilit siya ni Elliot, pero hindi pa rin dapat siya pumayag!Kilala niya si Elliot na mabilis uminit ang ulo kaya nga palagi silang nag aaway, pero kahit kailan, hindi siya napag buhatan nito ng kamay. Paglabas niya ng elevator, dumiretso siya sa sasakyan niya at nag drive pabalik sa Tate Industries. Habang nasa highway, tumawag si Tammy na sinagot niya naman kaagad.
Nilagay ni Avery sa posisyon niya si Elliot. Kung sakaling siya ang sinampal ni Elliot kanina, sigurado siya na kamumuhian niya na ‘to habambuhay at baka nga umabot pa siya sa punto na ipalaglag niya nalang nang tuluyan ang bata.Habang iniisip niya ‘to, lalong lumalakas sakanya na baka nga sa pagkakataong ito ay tuluyan na siyang tigilan ni Elliot. Makalipas ang isang linggo, nagkita sila ni Tammy sa isa sa pinaka mahal na restaurant na malapit. Magaling na ang pisngi ni Tammy at kagaya ng pangako niya, gusto niyang ilibre si Avery. Gusto sana niyang isama nito ang mga bata, pero naunahan siya ni Wesley. Sinundo nito ang mga bata para may makalaro si Shea. “Avery, hindi ka naman ginulo ni Elliot no?” Nag aalalang tanong ni Tammy. “Mhm.” Sagot ni Avery habang namimili ng pagkain. Pagkasabi niya order niya, pinasa niya naman kay Tammy ang menu. “Ang nabalitaan ko, hindi daw siya lumalabas sakanila.” Hindi napigilan ni Tammy na matawa habang nagkwekwento. “Hindi naman na talag