Share

Kabanata 589

Hinatid ni Chad si Avery sa office ni Elliot at binigyan ito ng isang baso ng maligamgam na tubig. “May gusto ka bang kainin?”

“Wala naman. Salamat. Sige na, bumalik ka na sa ginagawa mo. Okay lang ako dito.”

“Wala naman akong gagawin ngayon kaya sasamahan nalang muna kita.” Nakangiting sagot ni Chad.

Kinuha ni Avery ang baso at uminom ng tubig.

“Avery, nabalitan ko na nasampal daw ni Mr. Foster si Tammy kahapon. Hmm… magpapaliwanag ako! Hindi naman nasampal ni Mr. Foster si Tammy dahil gusto niyang ipagtanggol si Chelsea, may mga nasabi kasi si Tammy na hindi na rin tama. Tinawag niyang walang kwenta si Mr. Foster at tama lang daw na nakipag hiwalay ka…”

Tumingin lang si Avery kay Chad.

Kaya biglang nagpanic si Chad at nagmamadaling nagpatuloy, “Um…Naipaliwanag naman na ni Mr. Foster kay Jun ang nangyari..”

“Alam mo? Habang mas pinagtatanggol mo siya, mas nagagalit ako sayo.” Walang emosyong sagot ni Avery bago niya ilapag ang baso.

Marami pa sanang gustong sabihin si Cha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status