Share

Kabanata 590

Hindi inaasahan ni Chelsea na hanggang kahuli-hulihan ay ipagtatanggol pa rin ni Elliot si Avery. Pakiramdam niya ay sobrang napahiya siya kaya bigla siyang umiyak sa harapan ni Elliot.

Nagmamadali namang pumasok si Chad para hilain palabas si Avery.

“Hindi ko alam kung bakit biglang sumulpot si Chelsea. Ihahatid na kita sa baba.” Nahihiyang paliwanag ni Chad.

“Okay lang.” Hinawi ni Avery ang kamay ni Chad at naglakad siya papunta sa elevator.

Nabigla lang talaga siya. Sinadya niya si Elliot sa Sterling Group para lang sana komprontahin ito sa nangyari kay Tammy. Hindi niya naman plinano na sampalin ito. Oo, pinilit siya ni Elliot, pero hindi pa rin dapat siya pumayag!

Kilala niya si Elliot na mabilis uminit ang ulo kaya nga palagi silang nag aaway, pero kahit kailan, hindi siya napag buhatan nito ng kamay.

Paglabas niya ng elevator, dumiretso siya sa sasakyan niya at nag drive pabalik sa Tate Industries.

Habang nasa highway, tumawag si Tammy na sinagot niya naman kaagad.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status