Share

Kabanata 565

Kinuha ni Elliot ang mainit na kape na nasa lamesa niya at uminom. Medyo mapait ang pagkakatimpla nito, hindi nalalayo sa nararamdaman niya.

‘Hindi ito ang unang beses na ginawa ‘to ni Avery. Palagi nalang sarili niya ang iniisip niya. Paano naman ako? Hindi niya ba naisip na nasasaktan din ako? Mula noong mag divorce kami, wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ako.’

Sa elite class sa Central University.

May isang kaklaseng lalaki si Hayden na lumapit sakanya dala-dala ang baon nito.

“Hayden, yung nasa balita ngayon na babaeng nangscam kay Elliot Foster ng isa’t kalahating bilyon ay nanay mo, diba?” Daniel ang pangalan ng lalaking lumapit kay Hayden at dahil mataba ito, tinatawag itong Fat Dan ng lahat.

“Hindi scammer ang Mommy ko!” Galit na galit na sagot ni Hayden.

“Alam ko naman! Kung totoo mang scammer ang Mommy mo, lagot siya kay Elliot Foster. Pero… okay naman ang Mommy mo diba? Nasa bahay niyo lang siya?”

“Nasa ibang bansa ang Mommy ko.”

Inayos ni Fat Dan ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status