“Nakauwi na ako. Kailan ka free? Magkita tayo.” Sabi ni Avery nang sumagot ang tinawagan niya. “Bakit natin kailangang magkita?” Gulat na sagot ng kausap niya. “Akala ko ba interesado ka sa akin? Balita ko nagpunta ka pa raw talaga sa Bridgedale para ipagtanong tanong kung sino ako.” Sarcastic na sagot ni Avery. “Natouch naman ako at dahil dun, ikaw talaga ang una kong tinawagan pagkauwi ko.”“Tumigil ka nga. Pumunta ako sa Bridgedale para bisitahin yung pamilya ko. Natanong lang kita kasi nag akala ko nagkasakit ka noong nabalitaan kong hindi mo kasamang umuwi yung mga anak mo.” Pabalang na sagot ni Zoe. “Ahhhh… sohindi ka pala talaga interesado sa akin kaya alam mong nakauwi na ang mga anak ko ng hindi ako kasama… Hindi naman siguro nagreport sayo ang mga anak ko no?”Hindi alam ni Zoe kung paano siya sasagot.“Magkita tayo mamayang hapon nang makita mo kung gaano ako kalakas.” Hamon ni Avery. “Wala akong pakielam sayo…. Pero sige, kung gusto mo talagang makipag kita, tara
“???” Muntik ng maibuga ni Zoe ang ininom niyang tubig.‘Anong pinagsasabi ng babaeng ‘to na ibalik ko sakanya ang lahat ng binigay sa akin ni Elliot! Sa akin yun! Bakit ko ibabalik sakanya?’“Avery, alam kong desperado kang mabayaran si Elliot kaya mo ‘to ginagawa.” Halatang halata sa boses ni Zoe na nagpapanic siya. “Pero bakit ko naman ibabalik sayo ang binigay niya sa akin?! Pinag hirapan ko yun! Naiintindihan mo ba? Kinita ko yun noong inoperahan ko si Shea…”“Pero hindi naman ikaw ang nag opera kay Shea.” Kalmadong sabat ni Avery. “Sige, kahit 300 Million nalang ang ibalik mo. Sayo na yung butal tutal nagpakahirap ka rin naman diba?!”Sa sobrang gulat ni Zoe, nakanganga lang siya kay Avery at hindi niya alam kung paano siya sasagot. ‘Ano ‘to?! Nababaliw ka na ba, Avery?!’ Isip niya. “Zoe, wala bang nagturo sayo na walang tinatawag na ‘free lunch’? Sarcastic na pagpapatuloy ni Avery. “Sa totoo lang, sobrang bilib ako sa lakas ng loob mo na tanggapin ang perang binigay ni E
Sa Wonder Technologies.Kumukulo ang dugo ni Wanda habang pinapakinggan ang kwento ni Zoe na humagaulgol sa sobrang sama ng loob. “Wala akong ganung halaga sa ngayon! Naparolyo ko na yung pera at kung hindi ka naniniwala sa akin, sasamahan pa kita sa finance department para marinig mo mismo na wala na yang 300 million mo!”“Siyempre sinasabi mo lang yan kasi hindi mo buhay ang nakangit! Wanda, nagmamakaawa ako syao. Parang awa mo na. Anong gagawin mo kapag ikaw ang nasa sitwasyon ko?” Humihikbing sagot ni Zoe. Tumalikod si Wanda at pasinghal na sumagot, “Hindi naman ako baliw na kagaya mo! Hindi mo nga kayang itago yung sarili mong pera! Kung ginamit mo sana yung utak mo, sana nagpakalayo-layo ka nang hindi ka nahanap ni Avery!“Eh diba ikaw ang lumapit sa akin para humingi ng pondo sa kumpanya mo?” Galit na galit si Zoe. Tatlong araw lang ang binigay sakanya ni Avery. Kailangang kailangan niyang makumpleto ang 300 million dahil kung hindi, hindi niya na alam kung anong mangya
Mugtong mugto ang mga mata niya habang tinatawagan ang isang tao na matagal niya ng hindi nakakausap. Pagkasagot na pagkasagot ng nasa kabilang linya, huminga siya ng malalim habang halata naman na sobrang saya ng boses ng kausap niya. “Nagkamali ka ba ng na dial, Doctor Sanford? Halos hindi ko na maalala kung kailan tayo huling nag usap kaya akala ko nakalimutan mo na ako! Hahaha!” Nakakairita para kay Zoe ang tawa ni Chelsea. Matagal na siyang pinapabalik ni Chelsea sa Bridgedale pero hindi siya nakinig… Kung siguro nakinig siya rito, edi sana sobrang tahimik ng buhay niya ngayon pero anong ginawa niya? Noong oras na akala niya ay nakuha niya na si Elliot, siya pa mismo ang nagtaboy kay Chelse! “Anong tinatawanan mo, Chelsea?!” “Ano pa ba? Edi ikaw! Ano? Eliminated ka na no?” Halatang nang aasar ang boses ni Chelsea. “Pwede na kitang tirisin ngayon na parang langgam pero siyempre hindi ko naman ibababa ang sarili ko para sayo! Wag kang mag alala, hindi ako mag aaksaya ng
Ang notification ay galing sa bangko na nagsasabing may pumasok na 300 million sa account niya. “Avery, balita ko ikaw ang nakipag break sakanya sa pagkakataong ‘to. Hmm sa tingin ko ginagawa niya ‘tong mga ‘to dahil nahihirapan siyang maka move on sayo.” Hula ni Tammy. Masaya si Avery dahil sa 300 million na nakuha niya nang ganun kadali. “Bahala siya sa buhay niya.” Kumuha siya ng saging sa fruit basket, binalatan ito at inabot kay Tammy. Kabaliktaran naman si Tammy. Hindi siya natutuwa. “Bakit ba hindi na talaga nawala-wala sa eksena yang Chelsea na yan! Ang tagal ko ng hindi narinig ang pangalan niya kaya nakalimutan ko ng nagtatrabaho pa nga pala siya sa Sterling Group! Infairness ha! Sobrang tiyaga niya.”Mabigat talaga ang loob ni Avery kay Chelsea kahit noon pa pero medyo matagal na rin noong huling beses silang nagkita. “Ano ka ba! Mas mahal pa nga ata ni Chelsea si Elliot kaysa sa akin.” Natatawang sagot ni Avery. “Noong nalaman niyang ayaw ni Elliot na magkaroon n
“Chad, dineactivate ba ni Elliot yung account niya?” Tanong ni Avery.HIndi rin alam ni Chad kaya nagulat siyang sumagot, “Ah… hindi ko alam kasi wala naman siyang sinasabi sa akin. Bakit? Hindi ka makapag transfer sakanya?” Tumungo si Avery.“Sige, itatanong ko sakanya bukas sa office.” Nahihiyang sagot ni Chad. “Baka naman ayaw niya ng tanggipin yung pera mo?”“Alam mo patawa siya! Anong gusto niyang mangyari? Habambuhay na may utang sakanya si Avery?” Naiinis na sabat ni Tammy. “Ano ba kasing meron sakanila ni Chelsea? Sabi ni Jun nakita niya raw na magkasama sila ni Elliot noong nakaraan ah.”Biglang pinagpawisan ng malamig si Chad. “....Sa tingin ko…. Magkatrabaho? Medyo matagal na rin silang magkasama kaya kahit dati pa naman kumakain na rin talaga sila…”“Sinong niloloko mo?! Sabi sa akin ni Jun, nilalagyan daw ni Chelsea ng pagkain yung plato ni Elliot at itong magaling mong amo naman ay tinatanggapn din yung pagkain! Ganun ba ang magkatrabaho?!” “Tammy! Bakit ba kaila
Naghintay si Elliot kung masasabihin si Avery pero halos dalawang segundo na itong hindi nagsasalita kaya hindi niya napigilan. “Avery!” Ramdam na ramdam sa boses niya ang sobrang pagaalala.Narinig niya na ilang beses itong huminga ng malalim kaya lalo siyang kinabahan. “Avery, humiga ka muna kung masama yung pakiramdam mo.”Hindi natuwa si Avery sa sinabi ni Elliot kaya naiinis siyang sumagot, “Hindi ko kailangan ng pag aalala mo!” Hindi naman na siguro kailangang ikwento sakanya ni Elliot kung gaano kagaling si Chelsea.“Hindi ako sayo nag aalala! Sa anak ko!” Sobrang humigpit ang hawak ni Elliot sakanyang phone sa sobrang galit. “At bakit? Kasi hindi ko pa siya pinapalaglag?” Sarcastic na tanong ni Avery. “Avery Tate! Bakit ba kung anu-anong lumalabas jan sa bunganga mo?!”Walang ideya si Avery kung gaano na kababa ang tingin ngayon ni Elliot sa sarili nito sa lahat ng mga nasabi at nagawa niya rito. Noong araw na nalaman nito na magkakaanak sila, sobrang saya at exci
“Tinanggap ko yung offer kasi masaya ako kapag kasama ko si Shea. Isa pa… huli na noong nalaman ko na binigyan pala ni Elliot ng malaking halaga ng pera yung mga magulang ko.” “Wag mong tatanggihan yung bayad niya kapag nag offer siya sayo.” Nakangiting sagot ni Avery.Umiling si Wesley. “Sinabihan ko nga yung mga magulang ko na idonate yung pera. Ayoko naman na para niya akong ginawang charity. Parang sobrang kawawa naman ako pag ganun at ayoko ng ganung pakiramdam.” “Sigurado naman ako na hindi ganun ang tingin niya sayo, Wesley.”Ngumiti si Wesley at kalmadong sumagot, “Alam ko naman yun. Hmm Avery, kung naipagtatanggol mo siya sa harap ko, bakit hindi mo kayang kumbinsihin yung sarili mo na hindi siya masamang tao?” “Ha?” Nahihiyang sagot. “Para sa akin lang ha. Hindi magandang ideya na nakipag hiwalay ka kay Elliot. Buntis ka at kailangan mo ng taong aagapay sayo.” Tinitigan ni Wesley si Avery at nagpatuloy, “Sa lahat ng nangyari, hindi ka pa rin ba naniniwalang mahal ka