Ayaw ni Elliot umuwi, ayaw niya rin pumunta sa team building.Nakita ni Chad na mukhang nasasaktan si Elliot, nagsuggest siya, “Bakit hindi ka magholiday? Saan mo gusto magpunta? Ipagbubook kita ng hotel.”Nag isip saglit si Elliot bago sinabing, “Gusto ko uminom.”Hindi makapagsalita si Chad. Ito ba ang rason kaya umattend si Elliot ng meeting?Makalipas ang isang oras, lasing na si Elliot, gaya ng gusto niya.Matapos siyang ihatid ni Chad pauwi, nakahinga siya nang maluwag. Kahit na masama sa katawan ang pag inom, kung hindi uminom si Elliot hanggang malasing, hindi ito makakatulog.Paglabas sa mansyon ni Elliot, tinawagan ni Chad si Mike. “Wala bang konsensya si Avery? Sinakripisyo ni Mr. Foster ang oras at pera niya pero ano pang iba niyang alam na gawin bukod sa saktan siya?”Gabi na sa Bridgedale ng oras na ‘yon.Hinilot ni Mike ang pagitan ng kilay niya at humikab. “Ano na naman ba ang sinasabi mo na wala namang kasaysayan? Hmm?”“Hindi ba’t nakipaghiwalay si A
Pero, ang sabi ng sumulat ng article ay kagagawan lang ito ni Avery. Ginawa ito para sa pera ni Elliot!Dahil nagsimula si Avery sa Bridgedale, parang pangalawang tahanan na niya ang Bridgedale. Nakidnap siya sa sarili niyang tahanang bansa. Wala ba siyang koneksyon at sariling pera para solusyunan ang problema? Bakit kailangan pang magpalipad ni elliot ng private jet para irescue siya?Sa huli, nagtapon ng isa’t kalahating bilyong dolyar si Elliot para lang bumalik sa Aryadelle mag isa at malungkot.Kaya sa tingin ng sumulat ay niloko ni Avery si Elliot. Hindi lang naloko sa relasyon, kundi pati sa isa’t kalahating bilyong dolyar!Nagtapos sa sarkasmo ang article, sinasabi na ang matalinong tao tulad ni Elliot ay maloloko rin ng isang babae. Kapag gusto ng isang tao na panatilihin ang yaman nila, kailangan nilang lumayo sa babae! Lalo na sa malakas at magandang babae tulad ni Avery dahil dumepende siya sa ibang lalaki para makuha ang yaman niya.Pinublish na rin ng ibang med
Sa Bridgedale.Nakita ni Mike ang article. Hindi niya hinahanap kung anong balita sa Aryadelle. Sinend lang sa kanya ng isa sa higher-ups ng Tate Industries.Dahil tumawag ang media sa Tate Industries at tinatanong kung totoo ba ito.Paano malalaman ng higher-ups ang pribadong buhay ng boss nila? Ang alam lang nila ay pumunta si Avery sa Bridgedale. Hindi nila alam kung anong pinunta niya roon. Hindi rin nila alam na nakidnap ito.Nang makita ni Mike ang balita, galit na galit siya. Matapos uminom ng kape, hindi pa rin siya desidido kung sasabihin niya ba kay Avery ang tungkol dito.Ilang araw nang nagpapahinga si Avery sa bahay. Maliban sa lumalabas para kumain, nasa kwarto lang siya lagi.Kapag lalabas siya para kumain, mas maigi ang emotional state niya kesa noong bago umalis si Elliot.Akala ni Mike ay maigi ang kalagayan niya sa estadong iyon, ayaw niyang maapektuhan ito dahil sa balita.Kapag hindi naayos ‘to, masisira nang tuluyan ang reputasyon niya sa Aryadelle
Sa Aryadelle. Mabilis na lumipas ang mga araw at isang linggo nanaman ang nagdaan. Ika Lunes, maagang pumasok si Elliot sa Sterling Group. Sinalubong siya kaagad ni Chad at sinundan siya hanggang sa makarating siya sa president’s office. “Bakit?” Binuksan ni Elliot ang kanyang laptop at tinignan si Chad. “Mr. Foster, nakapatay ba ang phone mo?” Nahihiyang tanong ni Chad. Kung hindi pa tinanong ni Chad, hindi maalala ni Elliot na naiwanan niya ang kanyang phone. Natulog lang siya buong weekend pero medyo masakit pa rin ang ulo niya ngayon. Kapag kulang sa tulog ang isang tao, normal lang na mahilo sila. Ganun na ganun din ang mangyayari kapag nasobrahan naman.“Mr. Foster, ito kasi ang nangyari.” Nireport ni Chad kay Elliot ang mga nangyari kahapon. Halata sa itsura ni Elliot na hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya. “Ipakuha mo nga ang phone ko sa bodyguard ko.” Pagkalabas ni Chad, nagmamadaling tinignan ni Elliot ang kanyang computer. Sumalubong sakanya ang head
Noong nakita ni Mike kung gaano kaseryoso ang mukha ni Avery, nag aalangan siyang natanong, “Wag mong sabihin sa akin na plano mong ibalik sakanya ang pera? Avery! Wala tayong ganun!” Sinundan ito ng isnag malalim na buntong hininga. “Magkano ang pera natin?” Nanlaki ang mga mata ni Mike sa sobrang gulat. “Aba malay ko! Ikaw ang boss! Bakit hindi mo alam kung magkano ang pera natin!”Sa totoo lang, hindi rin ito masyadong pinagtuunan ni Avery ng pansin. Biglang binago ni Avery ang topic. “Mauna na kayong umuwi ng mga bata sa Aryadelle. Susunod nalang ako. Ah.. hindi pa ba kayo mahuhuli sa flight? Kailangan niyo na atang umalis.”Kung may nakakaintindi sa bawat kilos ni Avery, si Mike na yun kaya sinubukan niyang kumbinsihin ito, “Avery, sigurado ako na hindi si Elliot ang nag release nito sa press. Sinabi sa akin ni Chad na kagagawan daw ‘to ng mga kalaban niya. Alam kong apektado ka. Yung isa’t-kalahating bilyon, barya lang yun kay Elliot pero wala tayo nun! Wag mo ng masyadon
Biglang humigpit ang hawak ni Elliot sakanyang phone. Mula sa pagiging mag ex, ngayon ay mayroon na silang utang sa isa’t-isa. Nakakatawa man pero at least kahit papaano ay may koneksyon pa rin sila.Hindi nagreply si Elliot. Ano naman kung hindi siya pumayag? Hindi rin naman makikinig sakanya si Avery.Pagkalipas ng fifteen minutes, muling tumunog ang kanyang phone. Nang tignan niya ang screen, galing ito sa banko. Nagpadala si Avery sa personal account niya ng 155 million. May kasama rin itong note na nakasulat ‘repayment’. Biglang kumunot ang noo ni Elliot. Sa tingin niya ay sinend ni Avery sakanya ang lahat ng perang meron ito. …Matapos maipadala ni Avery ang pera, ilang minuto rin siyang nakatitig sakanyang phone. Hindi nagreply sakanya si Elliot. ‘Nabasa niya kaya?’‘Hay.. bahala na nga! Nasend ko na ang message. Sigurado naman ako na mababasa niya yun mamaya kung may ginagawa man siya ngayon.’Kalalagay lang ni Avery ng kanyang phone sa bag niya nang may bigla si
‘Kailan ko ba pinilit si Avery na magbayad sa akin? Siya yun! Siya yung namimilit sa sarili niyang magbayad!’“Sa tingin mo ba hiningian ko siya ng pera?” Noong sinabi ito ni Elliot, medyo nanginginig pa ang boses niya. Paulit-ulit na umiling si Chad. “Alam kong hindi mo siya hiningian… ang akin lang ay baka pwede mo siyang sabihan na wag ka ng bayaran..”“Sa tingin mo ba makikinig siya sa akin?” Sarcastic na tanong ni Elliot.Nagulat si Chad. “Sinabihan ka ba ni Mike na kausapin ako tungkol dito?” Kumunot ng sobra ang noo ni Elliot. Umiling si Chad. “Sinabi niya nga sa akin na wag ko na daw sabihin sayo. Ako lang ang may gusto…kahit pa alam kong wala rin naman akong magagawa. Para sa akin, at least alam mo ang nangyayari sa kanya at kung may gusto kang gawin, magagawa mo. Kung sakali mang hindi siya makinig, hindi ka niya pwedeng sisihin bandang huli.”“Naiintindihan ko. Sige na, makakaalis ka na.”Walang pakielam si Elliot kung sisihin man siya ni Avery balang araw, ang ma
Kinuha ni Elliot ang mainit na kape na nasa lamesa niya at uminom. Medyo mapait ang pagkakatimpla nito, hindi nalalayo sa nararamdaman niya. ‘Hindi ito ang unang beses na ginawa ‘to ni Avery. Palagi nalang sarili niya ang iniisip niya. Paano naman ako? Hindi niya ba naisip na nasasaktan din ako? Mula noong mag divorce kami, wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ako.’Sa elite class sa Central University. May isang kaklaseng lalaki si Hayden na lumapit sakanya dala-dala ang baon nito.“Hayden, yung nasa balita ngayon na babaeng nangscam kay Elliot Foster ng isa’t kalahating bilyon ay nanay mo, diba?” Daniel ang pangalan ng lalaking lumapit kay Hayden at dahil mataba ito, tinatawag itong Fat Dan ng lahat. “Hindi scammer ang Mommy ko!” Galit na galit na sagot ni Hayden. “Alam ko naman! Kung totoo mang scammer ang Mommy mo, lagot siya kay Elliot Foster. Pero… okay naman ang Mommy mo diba? Nasa bahay niyo lang siya?”“Nasa ibang bansa ang Mommy ko.”Inayos ni Fat Dan ang