Sa Aryadelle. Mabilis na lumipas ang mga araw at isang linggo nanaman ang nagdaan. Ika Lunes, maagang pumasok si Elliot sa Sterling Group. Sinalubong siya kaagad ni Chad at sinundan siya hanggang sa makarating siya sa president’s office. “Bakit?” Binuksan ni Elliot ang kanyang laptop at tinignan si Chad. “Mr. Foster, nakapatay ba ang phone mo?” Nahihiyang tanong ni Chad. Kung hindi pa tinanong ni Chad, hindi maalala ni Elliot na naiwanan niya ang kanyang phone. Natulog lang siya buong weekend pero medyo masakit pa rin ang ulo niya ngayon. Kapag kulang sa tulog ang isang tao, normal lang na mahilo sila. Ganun na ganun din ang mangyayari kapag nasobrahan naman.“Mr. Foster, ito kasi ang nangyari.” Nireport ni Chad kay Elliot ang mga nangyari kahapon. Halata sa itsura ni Elliot na hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya. “Ipakuha mo nga ang phone ko sa bodyguard ko.” Pagkalabas ni Chad, nagmamadaling tinignan ni Elliot ang kanyang computer. Sumalubong sakanya ang head
Noong nakita ni Mike kung gaano kaseryoso ang mukha ni Avery, nag aalangan siyang natanong, “Wag mong sabihin sa akin na plano mong ibalik sakanya ang pera? Avery! Wala tayong ganun!” Sinundan ito ng isnag malalim na buntong hininga. “Magkano ang pera natin?” Nanlaki ang mga mata ni Mike sa sobrang gulat. “Aba malay ko! Ikaw ang boss! Bakit hindi mo alam kung magkano ang pera natin!”Sa totoo lang, hindi rin ito masyadong pinagtuunan ni Avery ng pansin. Biglang binago ni Avery ang topic. “Mauna na kayong umuwi ng mga bata sa Aryadelle. Susunod nalang ako. Ah.. hindi pa ba kayo mahuhuli sa flight? Kailangan niyo na atang umalis.”Kung may nakakaintindi sa bawat kilos ni Avery, si Mike na yun kaya sinubukan niyang kumbinsihin ito, “Avery, sigurado ako na hindi si Elliot ang nag release nito sa press. Sinabi sa akin ni Chad na kagagawan daw ‘to ng mga kalaban niya. Alam kong apektado ka. Yung isa’t-kalahating bilyon, barya lang yun kay Elliot pero wala tayo nun! Wag mo ng masyadon
Biglang humigpit ang hawak ni Elliot sakanyang phone. Mula sa pagiging mag ex, ngayon ay mayroon na silang utang sa isa’t-isa. Nakakatawa man pero at least kahit papaano ay may koneksyon pa rin sila.Hindi nagreply si Elliot. Ano naman kung hindi siya pumayag? Hindi rin naman makikinig sakanya si Avery.Pagkalipas ng fifteen minutes, muling tumunog ang kanyang phone. Nang tignan niya ang screen, galing ito sa banko. Nagpadala si Avery sa personal account niya ng 155 million. May kasama rin itong note na nakasulat ‘repayment’. Biglang kumunot ang noo ni Elliot. Sa tingin niya ay sinend ni Avery sakanya ang lahat ng perang meron ito. …Matapos maipadala ni Avery ang pera, ilang minuto rin siyang nakatitig sakanyang phone. Hindi nagreply sakanya si Elliot. ‘Nabasa niya kaya?’‘Hay.. bahala na nga! Nasend ko na ang message. Sigurado naman ako na mababasa niya yun mamaya kung may ginagawa man siya ngayon.’Kalalagay lang ni Avery ng kanyang phone sa bag niya nang may bigla si
‘Kailan ko ba pinilit si Avery na magbayad sa akin? Siya yun! Siya yung namimilit sa sarili niyang magbayad!’“Sa tingin mo ba hiningian ko siya ng pera?” Noong sinabi ito ni Elliot, medyo nanginginig pa ang boses niya. Paulit-ulit na umiling si Chad. “Alam kong hindi mo siya hiningian… ang akin lang ay baka pwede mo siyang sabihan na wag ka ng bayaran..”“Sa tingin mo ba makikinig siya sa akin?” Sarcastic na tanong ni Elliot.Nagulat si Chad. “Sinabihan ka ba ni Mike na kausapin ako tungkol dito?” Kumunot ng sobra ang noo ni Elliot. Umiling si Chad. “Sinabi niya nga sa akin na wag ko na daw sabihin sayo. Ako lang ang may gusto…kahit pa alam kong wala rin naman akong magagawa. Para sa akin, at least alam mo ang nangyayari sa kanya at kung may gusto kang gawin, magagawa mo. Kung sakali mang hindi siya makinig, hindi ka niya pwedeng sisihin bandang huli.”“Naiintindihan ko. Sige na, makakaalis ka na.”Walang pakielam si Elliot kung sisihin man siya ni Avery balang araw, ang ma
Kinuha ni Elliot ang mainit na kape na nasa lamesa niya at uminom. Medyo mapait ang pagkakatimpla nito, hindi nalalayo sa nararamdaman niya. ‘Hindi ito ang unang beses na ginawa ‘to ni Avery. Palagi nalang sarili niya ang iniisip niya. Paano naman ako? Hindi niya ba naisip na nasasaktan din ako? Mula noong mag divorce kami, wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ako.’Sa elite class sa Central University. May isang kaklaseng lalaki si Hayden na lumapit sakanya dala-dala ang baon nito.“Hayden, yung nasa balita ngayon na babaeng nangscam kay Elliot Foster ng isa’t kalahating bilyon ay nanay mo, diba?” Daniel ang pangalan ng lalaking lumapit kay Hayden at dahil mataba ito, tinatawag itong Fat Dan ng lahat. “Hindi scammer ang Mommy ko!” Galit na galit na sagot ni Hayden. “Alam ko naman! Kung totoo mang scammer ang Mommy mo, lagot siya kay Elliot Foster. Pero… okay naman ang Mommy mo diba? Nasa bahay niyo lang siya?”“Nasa ibang bansa ang Mommy ko.”Inayos ni Fat Dan ang
Parehong nagulat sina Hayden at Mike! “Big H….wag mo munang ibenta yan. Sa tingin ko mas lalaki pa yan.” Napalunok nalang si Mike habang pinapaalalahanan si Hayden."Okay."“Wag mo munang sabihin sa Mommy mo ang tungkol dito. Baka himatayin siya kapag nalaman niya ‘to.”“Isesend ko nalang sayo tapos ikaw ang magsend sakanya.”“Sige…. Teka kumain muna tayo.” Binuhat ni Mike si Hayden. Pinipilit niyang kumalma pero sa isip-isip niya ay sobrang namangha at nainggit siya rito dahil sa edad niyang yun, hindi niya pa siya kumikita ng ganun kalaki! Sa Bridgedale. Pagkatapos operahan ang tatay ng isang kliyente, inimbitahan siya nito na kumain sa isang hotel. “Doctor Tate, kilala mo ba si Zoe Sanford?”Biglang bumigat ang pakiramdam ni Avery pero hindi siya nagpahalata. “Hindi masyado. Bakit?” “Kasi ilang beses niya ng kinukulit yung kaibigan ko tungkol sayo. Sa tingin ko nalaman niya na may kontak tayo sa isa’t-isa. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ka niya pinapaimbestigahan ku
“Mhm,” Sagot ni Avery. “Ah. Medyo under-developed kasi yung baby mo.” Natigilan ng sandali ang doktor bago ito nagpatuloy, “Nabanggit mo na hindi ka nakapag pacheck up sa schedule mo two weeks ago diba?”“Oo. Bakit?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery habang naghihintay sa sagot ng doktor. Kung hindi na talaga kinaya ng baby niya, ano pa nga bang magagawa niya? Kailangang niyang tanggapin anumang mangyari.“Dala mo ba yung sonogram mo noong huli mong check up?” Ibinaba ng doktor ang ultrasound sensor at binigyan si Avery ng tissue. Kinuha ni Avery ang tissue. Pagkatapos, kinuha ang sonogram na nasa loob ng kanyang bag at ibinigay sa doktor. Tinignan ito ng maigi ng doktor bago ito magpatuloy, “Medyo mabagal ang pagdevelop ng baby mo, pero kung ikukumpara sa nakaraan, lumaki naman siya. Kung gusto mong mabuhay ang batang ‘to, kailangan mong alagaan ang sarili mo. Wag kang masyadong magpapakapagod at kumain ka ng mga masusustansyang pagkain. Okay pa sa ngayon ang bata kay
“Nakauwi na ako. Kailan ka free? Magkita tayo.” Sabi ni Avery nang sumagot ang tinawagan niya. “Bakit natin kailangang magkita?” Gulat na sagot ng kausap niya. “Akala ko ba interesado ka sa akin? Balita ko nagpunta ka pa raw talaga sa Bridgedale para ipagtanong tanong kung sino ako.” Sarcastic na sagot ni Avery. “Natouch naman ako at dahil dun, ikaw talaga ang una kong tinawagan pagkauwi ko.”“Tumigil ka nga. Pumunta ako sa Bridgedale para bisitahin yung pamilya ko. Natanong lang kita kasi nag akala ko nagkasakit ka noong nabalitaan kong hindi mo kasamang umuwi yung mga anak mo.” Pabalang na sagot ni Zoe. “Ahhhh… sohindi ka pala talaga interesado sa akin kaya alam mong nakauwi na ang mga anak ko ng hindi ako kasama… Hindi naman siguro nagreport sayo ang mga anak ko no?”Hindi alam ni Zoe kung paano siya sasagot.“Magkita tayo mamayang hapon nang makita mo kung gaano ako kalakas.” Hamon ni Avery. “Wala akong pakielam sayo…. Pero sige, kung gusto mo talagang makipag kita, tara