"Sinabi ko na sa kanya ang tungkol dito sa eroplano," paliwanag ni Mike. "Sa pagkakataon na lumabas ang power kung nasaan siya ay ang magiging senyales na pumunta tayo para iligtas siya. Hahanap siya ng lugar ng pagtataguan tuwing siklaban, at sasagipin natin siya sa oras na tapos na tayong harapin ang mga kalaban!""Kapag hindi natin pinutol ang kuryente nila at nagulo ang internal operation nila, siguradong gagamitin nila si Avery bilang hostage para takutin tayo!"...Sa White Mansion, nawala ang boses ni Avery sa pagkakataong natapos ang video call. Nang tumigil siyang umiyak at pumiglas, nawala ang interes ni David. Ginagawa niya ito para mapasakanya si Avery. Ang paggawa sa kanya bilang babae niya ang tanging paraan para mapanatili niya ito ng maayos!Gumawa siya ng video call dahil nalaman niya na lalaki ni Avery si Elliot. Pagkatapos makita na binastos siya, siguradong hindi na niya gugustuhin si Avery. "Bakit hindi ka na sumisigaw? Hindi mo seryosong iniisip na p
Binalot ni Mike ang mukha niya at humagulgol sa iyak. "Nagsisisi ako! Bakit ko sinabi ang mga masasakit na salitang 'yon sa kanya kagabi?!"Nabalot ng luha ang mga mata ni Elliot sa ala-alang nangyari noong gabing iyon. "Wala siyang magawa at takot. Kahit na hindi agad natin siya mapupuntahan, hindi ko dapat sinabi 'yon! Siguradong napanghihinaan na siya ng loob pagkatapos marinig ang sinabi ko..." nasaktan si Mike sa pagsisisi at hindi na makontrol ang kanyang emosyon. Umangat ang adam's apple ni Elliot sa kanyang lalamunan at namamaos na sabi, "Huwag ka nang umiyak! Tapos mo na bang sirain ang system?"Pinalis ni Mike ang kanyang mga luha, tapos ay sumulyap sa progress bar sa kanyang computer screen."Halos... Matatapos 'to bago mag-tanghali. Masakit ang ulo ko. Anong gagawin ko kapag patay na talaga si Avery?"Walang lakas ng loob si Elliot isipin ang ganoong posibilidad. "Umuwi ka kaya muna at maligo?" Nakita ni Mike ang balbas na tumutubo sa baba ni Elliot at nakita n
"Hindi ka pa kumakain, 'di ba? Gagawa na ako ng tanghalian," sabi ni Mrs. Scarlet, tapos ay naglakad patungo sa kusina. Bumaling si Elliot sa paligid ng bahay. Ito ay isang open layout at ang mga dekorasyon ay minimalistic. Akala ni Layla ay hinahanap niya ang kanyang kwarto, kaya tumakbo siya patungo sa guest bedroom at pinakita sa kanya ang daan. "Pwede kang matulog dito!"Tumugon si Elliot, pero ang naka-frame na litrato sa shelf ang pumukaw sa atensyon niya. Ito ay isang family photo ni Laura at Avery na may hawak hawak na baby sa bawat bisig nila. Tumungo siya sa shelf, kinuha ang litrato at pinagmasdan itong mabuti. Sa kanang sulok sa ibaba ay may nakasulat na "Isang taon na kami!"Ibig sabihin ay isang taon na ang mga bata sa litrato noong kinuha ito. Ang isa sa mga bata ay nakabihis ng smart suit, habang ang isa naman ay nakasuot ng puti, puffy dress at isang tiara sa kanyang ulo... Halata ito na ang mga bata ay isang lalaki at isang babae. Kung ganoon, sila H
Habang lumilipas ang oras, nagsimula nang dumilim ang kalangitan. Biglang nagsimulang umulan. Hindi ito mabigat na pagbagyo, pero sapat na ito para hindi siya maging komportable. "Tapos nang palamigin ang medisina, Miss Tate."Ang boses ang nagpabalik kay Avery sa reyalidad. Tumungo siya sa kahoy ng batya at nilagay ang kanyang kamay sa tubig para tingnan ang temperatura. "Ilagay ang bangkay sa loob!" sabi niya. "Oh... HIndi ba mabubulok ang katawan kapag nilagay natin sa loob?" Hinalang tanong ng assistant ni David. "Mabubuhay mo ba talaga ang patay, Miss Tate?"Tinapunan siya ng malamig na tingin ni Avery at sabi, "Pinagdududahan mo ba ako?""Kuryoso lang ako.""Ito ay isang special concoction," taas noong sabi ni Avery. "Hindi mabubulok ang bangkay."Nang makita ang pagiging seryoso niya, hindi na siyang pinagdudahan ng assistant. Maraming bodyguard ang bumuhat sa bangkay ng babae at nilagay ito sa kahoy na batya. Nakita ni Avery ang iba't ibang antas ng pagkabalisa
"Nasaan si Avery Tate?!" sigaw ni David. "Mga walang kwenta! Hanapin niya siya at dalhin sa akin!"Agad nagsimulang maghanap ang mga bodyguard at ang assistant para hanapin si Avery. Nakatayo lang siya sa batya at hindi gumagalaw. Paanong bigla na lang siya nawala?Inilawan ng assistant ang bangkay na nakababad sa batya, at nabitawan niya ang phone sa sahig. "May multo! Multo!"Dumadaloy ang dugo palabas sa gilid ng mga mata at labi ng bangkay. Mukha itong buhay na patay at nakakatakot ito!Lumipad ang assistant sa takot. Tinapat ng mga bodyguard ang mga ilaw nila sa mukha ng bangkay. Walang sumigaw, pero agad silang nagsimulang tumakbo sa silid. "Sir! Mayroong kumpol ng mga helicopter sa labas!"Nang nakarating ang assistant sa unang palapag at nadiskubre ang kung ano sa labas, mas lalo siyang natakot!Pinangngalaiti ni David ang mga ngipin niya, tapos ay tinaas ang kanyang baril at nagsimulang barilin ang ulo ng bangkay. Nagsimulang masira ang ulo ng bangkay haban
Agad napuno ng nakakatakot na aura ang mga mata ni Elliot!Mabilis na tinama ng doktor ang kanyang sarili at sinabi, "Hindi ko sinasabing patay na siya. Posibleng gulat siya pagkatapos mawalan ng maraming dugo. Ahem, maaring isa itong hypovolemic shock!"Kumurap ang pilikmata ni Elliot habang humuhugot ng malalim na hininga. Hinawakan niya ng mahigpit si Avery sa kanyang mga braso na parang gusto niyang higupin ito ng sarili niyang katawan. Ilang sandali, nakarating ang helicopter sa ospital, at agad dinala si Avery sa emergency room. Habang nakatayo si Elliot sa labas ng pinto ng emergency room, parang may pumindot ng pause button sa kanya. Na parang ang buong puso at katawan niya ay tuyong sinisipsip!Anong gagawin niya kapag may nangyaring masama kay Avery?Tumunog ang phone niya, ginagambala ang mahirap niyang iniisip. Kinuha niya ang kanyang phone at sinagot ito. "Kamusta si Avery?! Nakita ko na si Grimes!" masayan sabi ni Mike. "Gagong matandang 'yon! Alam kong tata
Syempre, pipiliin ni Elliot si Avery. Hindi niya gustong isuko ang bata, pero wala na siyang ibang magagawa. Halos apat na buwang taon na ang bata. Kung hindi nangyari ang aksidenteng ito, makikita nila kung anong itsura ng bata sa susunod na maternity check-up!"Sige, Mr. Foster, paki-pirmahan po itong risk disclosure form." Kumuha ng form ang doktor at pinasa ito sa kanya. "Dapat po bang i-anesthetized ang pasyente para sa bullet removal surgery? Makakaapekto sa bata ang anesthesia. Kung iniisip mong buhayin ang bata, pwede nating kalimutan ang anesthesia para sa pasyente.""Hindi ba 'yon magiging masakit ng sobra!" halatang gustong buhayin ni Elliot ang bata, pero habang inisiip ang opera ng walang anesthesia, siguradong masasaktan ng sobra si Avery!"Oo, magiging masakit ito, pero lilipas din ito kalaunan," sabi ng doktor. "Sobrang mahina na siya ngayon, hindi ko gustong magdusa siya sa isa pang sakit." Pakiramdam ni Elliot ay nawasak nang pira-piraso ang puso niya. Wasak ang
Natigilan si Avery!Kung hindi lang sa galos sa kamay niya, baka tumalon na siya sa kama. "Anong asawa? Hindi ako kasal! Walang may karapatang magdesisyon sa buhay ng anak ko!"Dahil sobrang nabalisa si Avery, agad humingi ng tawad ang doktor, "Miss Tate, pasensya ka na. Totoong hindi sinabi ni Mr. Foster na asawa mo siya, sinabi niya na siya ang tatay ng anak na dinadala mo.""Kahit siya ang tatay ng bata, wala siyang karapatang gawin 'yon!" Nawala na ito ni Avery. Tumutulo ang mga luha. Patuloy siyang binabantayan ni Elliot buong gabi. Sa umagang iyon, pinalitan siya ni Mrs. Scarlet para makapagpahinga siya. Hindi na dapat siya tinawagan ni Mrs. Scarlet para istorbohin siya, pero wala siyang magawa kundi gawin iyon, base sa estado ni Avery sa pagkakataong iyon. Pagkatapos gumawa ng tawag ni Mrs. Scarlet kay Elliot, tinulak ni Mike ang pinto at pumasok. "Avery, gising ka na rin sa wakas!" tumungo si Mike sa kama niya at umupo. Kumuha siya ng isang pirasong tissue at pinunas
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan