"Nasaan si Avery Tate?!" sigaw ni David. "Mga walang kwenta! Hanapin niya siya at dalhin sa akin!"Agad nagsimulang maghanap ang mga bodyguard at ang assistant para hanapin si Avery. Nakatayo lang siya sa batya at hindi gumagalaw. Paanong bigla na lang siya nawala?Inilawan ng assistant ang bangkay na nakababad sa batya, at nabitawan niya ang phone sa sahig. "May multo! Multo!"Dumadaloy ang dugo palabas sa gilid ng mga mata at labi ng bangkay. Mukha itong buhay na patay at nakakatakot ito!Lumipad ang assistant sa takot. Tinapat ng mga bodyguard ang mga ilaw nila sa mukha ng bangkay. Walang sumigaw, pero agad silang nagsimulang tumakbo sa silid. "Sir! Mayroong kumpol ng mga helicopter sa labas!"Nang nakarating ang assistant sa unang palapag at nadiskubre ang kung ano sa labas, mas lalo siyang natakot!Pinangngalaiti ni David ang mga ngipin niya, tapos ay tinaas ang kanyang baril at nagsimulang barilin ang ulo ng bangkay. Nagsimulang masira ang ulo ng bangkay haban
Agad napuno ng nakakatakot na aura ang mga mata ni Elliot!Mabilis na tinama ng doktor ang kanyang sarili at sinabi, "Hindi ko sinasabing patay na siya. Posibleng gulat siya pagkatapos mawalan ng maraming dugo. Ahem, maaring isa itong hypovolemic shock!"Kumurap ang pilikmata ni Elliot habang humuhugot ng malalim na hininga. Hinawakan niya ng mahigpit si Avery sa kanyang mga braso na parang gusto niyang higupin ito ng sarili niyang katawan. Ilang sandali, nakarating ang helicopter sa ospital, at agad dinala si Avery sa emergency room. Habang nakatayo si Elliot sa labas ng pinto ng emergency room, parang may pumindot ng pause button sa kanya. Na parang ang buong puso at katawan niya ay tuyong sinisipsip!Anong gagawin niya kapag may nangyaring masama kay Avery?Tumunog ang phone niya, ginagambala ang mahirap niyang iniisip. Kinuha niya ang kanyang phone at sinagot ito. "Kamusta si Avery?! Nakita ko na si Grimes!" masayan sabi ni Mike. "Gagong matandang 'yon! Alam kong tata
Syempre, pipiliin ni Elliot si Avery. Hindi niya gustong isuko ang bata, pero wala na siyang ibang magagawa. Halos apat na buwang taon na ang bata. Kung hindi nangyari ang aksidenteng ito, makikita nila kung anong itsura ng bata sa susunod na maternity check-up!"Sige, Mr. Foster, paki-pirmahan po itong risk disclosure form." Kumuha ng form ang doktor at pinasa ito sa kanya. "Dapat po bang i-anesthetized ang pasyente para sa bullet removal surgery? Makakaapekto sa bata ang anesthesia. Kung iniisip mong buhayin ang bata, pwede nating kalimutan ang anesthesia para sa pasyente.""Hindi ba 'yon magiging masakit ng sobra!" halatang gustong buhayin ni Elliot ang bata, pero habang inisiip ang opera ng walang anesthesia, siguradong masasaktan ng sobra si Avery!"Oo, magiging masakit ito, pero lilipas din ito kalaunan," sabi ng doktor. "Sobrang mahina na siya ngayon, hindi ko gustong magdusa siya sa isa pang sakit." Pakiramdam ni Elliot ay nawasak nang pira-piraso ang puso niya. Wasak ang
Natigilan si Avery!Kung hindi lang sa galos sa kamay niya, baka tumalon na siya sa kama. "Anong asawa? Hindi ako kasal! Walang may karapatang magdesisyon sa buhay ng anak ko!"Dahil sobrang nabalisa si Avery, agad humingi ng tawad ang doktor, "Miss Tate, pasensya ka na. Totoong hindi sinabi ni Mr. Foster na asawa mo siya, sinabi niya na siya ang tatay ng anak na dinadala mo.""Kahit siya ang tatay ng bata, wala siyang karapatang gawin 'yon!" Nawala na ito ni Avery. Tumutulo ang mga luha. Patuloy siyang binabantayan ni Elliot buong gabi. Sa umagang iyon, pinalitan siya ni Mrs. Scarlet para makapagpahinga siya. Hindi na dapat siya tinawagan ni Mrs. Scarlet para istorbohin siya, pero wala siyang magawa kundi gawin iyon, base sa estado ni Avery sa pagkakataong iyon. Pagkatapos gumawa ng tawag ni Mrs. Scarlet kay Elliot, tinulak ni Mike ang pinto at pumasok. "Avery, gising ka na rin sa wakas!" tumungo si Mike sa kama niya at umupo. Kumuha siya ng isang pirasong tissue at pinunas
Nagsalita si Avery, “Gusto ko na umalis dito sa ospital.”Hindi na siya ininis ni Elliot. Tumalikod siya at hinanap ang doktor.“Miss Tate, kung mapilit ka, pwede ka na madischarge, pero kailangan mo pa rin magpacheck up. Kung ayos na ang lahat, ididischarge kita agad.”Sumunod, matapos ang sunod sunod na checkup, pinayagan na siya ng doktor umalis. Nang makauwi, kinulong niya ang sarili sa kwarto. Bago madischarge, nagpaultrasound siya. Pinakita nito na mas maliit ng dalawang linggo ang bata kaysa sa kung anong dapat na laki nito.Mula nang dumating siya sa Bridgedale, huminto sa pagdevelop ang bata. Hindi magandang senyales ito. Sinuhestiyon ng doktor na ipalaglag ang bata pero hindi matanggap ni Avery ang resultang ito.“Bakit hindi natin siya ihanap ng therapist!” Kausap ni Mike si Elliot sa sala. “Sabi ng doktor ay hindi siya ganyan dahil sa bata. Sa tingin ko tama ang doktor. Lahat ng nangyari sa kanya kay David Grimes ay sapat na para masira ang mentalidad.”Lumingon
"Noong sinabi ng doktor sa akin na ipalaglag ang bata, walang sinabi si Elliot. Kahit walang sabihin si Elliot, ibig saihin pa rin 'non na taktika siyang pumayag na isuko ang bata."Humugot ng malalim na hininga si Avery at mapait na nagpatuloy, "Siya ang ama ng bata, paano niya walang pusong tinrato ang sariling anak niya?"Ilang sandali bago makasagot si Mike, "Marahil, nakikinig siya sa mga doktor.""Hindi siya kailanman nakikinig sa mga doktor. Noong may sakit siya, iinom siya at maninigarilyo kung kailan niya gusto. Ang taong katulad niya, maliban na lang kung hindi labag sa kalooban niya, kung hindi, walang makakakuha ng atensyon niya." Nanginig ang mga pilikmata ni Avery. Paos ang boses niya. "Malinaw na ayaw niya sa hindi malusog naming anak!""Avery, huwag mo siyang pag-isipan ng masama. Hindi dapat ako nagsasalita sa problema ng ibang tao, pero totoong nasa puso ka niya." Gustong iwasan ni Mike ang usapan ng mga anak. "Alam ko." Singhot ni Avery. Galing sa ilong ang kan
Paglabas ng inpatient unit, naghanap si Mike sa paligid pero hindi niya nakita kahit saan si Avery. Naghihinagpis niyang tinipa ang numero ni Elliot. "Elliot! Pumunta ka sa ospital! Nawawala si Avery!"Nagmadaling lumabas si Elliot palabas ng mansyon. "Anong nangyari?""Kinausap siya ng pribado ng mommy ni Wesley. Sigurado ako na may sinabing masakit na salita si Sandra kay Avery!" tumayo si Mike sa malawak na bakuran ng ospital at luminga sa paligid. "Kasalanan ko 'to! Kausap ko si Wesley sa silid niya, kaya siguradong umalis siya!"Mahigpit na kumunot ang noo ni Elliot. "Hindi pa siya nakakalayo. Bantayan mo ang entrance ngayon!"Lumabas si Avery sa elevator at walang malay na naglakad sa outpatient building. Maraming mga upuan doon. Pagod siya, kaya humanap siya ng upuan at umupo. Sa paligid niya ang mga pasyente o ang kanilang mga pamilya! Nandoon ang mag-asawa dala dala ang may sakit nilang anak para ipatingin sa mga doktor. "Sinabi ko na ayoko sa bata, pero nagpumilit k
Nakita ni Avery ang basang mga mata ni Elliot. Gusto niyang sabihing hindi. Hindi ganoon ang ibig niyang sabihin. Gayunpaman, biglang tumayo si Elliot at umalis sa harapan niya. Padabog niyang sinarado ang pinto sa tabi niya!Hindi pumunta sa driver's seat si Elliot. Tumayo siya sa labas ng sasakyan, kinuha ang phone, at gumawa ng tawag. Tahimik na nakatingin si Avery sa kanya. Nasa pagitan nila ang pinto ng sasakyan, ngunit mukhang hindi mawaring puwang ang nasa pagitan nila. Sinabi ni Elliot na sa puso ni Avery, mas importante ang bata kaysa sa kanya. Paano niya nagawang ikumpara sila pareho? Mahina ang bata, syempre, mas lalo niyang po-protektahan ang bata. Sinabi ni Elliot na walang tiwala si Avery sa kanya. Iyon ay parang wala rin siyang tiwala sa kanyang sarili. Hindi nagtagal, dumating si Mike. Nakita ni Avery na nag-uusap ang dalawa sa labas ng sasakyan. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila. Mabilis na tinanggap ni Mike ang susi ng sasakyan mula k