Natigilan si Avery!Kung hindi lang sa galos sa kamay niya, baka tumalon na siya sa kama. "Anong asawa? Hindi ako kasal! Walang may karapatang magdesisyon sa buhay ng anak ko!"Dahil sobrang nabalisa si Avery, agad humingi ng tawad ang doktor, "Miss Tate, pasensya ka na. Totoong hindi sinabi ni Mr. Foster na asawa mo siya, sinabi niya na siya ang tatay ng anak na dinadala mo.""Kahit siya ang tatay ng bata, wala siyang karapatang gawin 'yon!" Nawala na ito ni Avery. Tumutulo ang mga luha. Patuloy siyang binabantayan ni Elliot buong gabi. Sa umagang iyon, pinalitan siya ni Mrs. Scarlet para makapagpahinga siya. Hindi na dapat siya tinawagan ni Mrs. Scarlet para istorbohin siya, pero wala siyang magawa kundi gawin iyon, base sa estado ni Avery sa pagkakataong iyon. Pagkatapos gumawa ng tawag ni Mrs. Scarlet kay Elliot, tinulak ni Mike ang pinto at pumasok. "Avery, gising ka na rin sa wakas!" tumungo si Mike sa kama niya at umupo. Kumuha siya ng isang pirasong tissue at pinunas
Nagsalita si Avery, “Gusto ko na umalis dito sa ospital.”Hindi na siya ininis ni Elliot. Tumalikod siya at hinanap ang doktor.“Miss Tate, kung mapilit ka, pwede ka na madischarge, pero kailangan mo pa rin magpacheck up. Kung ayos na ang lahat, ididischarge kita agad.”Sumunod, matapos ang sunod sunod na checkup, pinayagan na siya ng doktor umalis. Nang makauwi, kinulong niya ang sarili sa kwarto. Bago madischarge, nagpaultrasound siya. Pinakita nito na mas maliit ng dalawang linggo ang bata kaysa sa kung anong dapat na laki nito.Mula nang dumating siya sa Bridgedale, huminto sa pagdevelop ang bata. Hindi magandang senyales ito. Sinuhestiyon ng doktor na ipalaglag ang bata pero hindi matanggap ni Avery ang resultang ito.“Bakit hindi natin siya ihanap ng therapist!” Kausap ni Mike si Elliot sa sala. “Sabi ng doktor ay hindi siya ganyan dahil sa bata. Sa tingin ko tama ang doktor. Lahat ng nangyari sa kanya kay David Grimes ay sapat na para masira ang mentalidad.”Lumingon
"Noong sinabi ng doktor sa akin na ipalaglag ang bata, walang sinabi si Elliot. Kahit walang sabihin si Elliot, ibig saihin pa rin 'non na taktika siyang pumayag na isuko ang bata."Humugot ng malalim na hininga si Avery at mapait na nagpatuloy, "Siya ang ama ng bata, paano niya walang pusong tinrato ang sariling anak niya?"Ilang sandali bago makasagot si Mike, "Marahil, nakikinig siya sa mga doktor.""Hindi siya kailanman nakikinig sa mga doktor. Noong may sakit siya, iinom siya at maninigarilyo kung kailan niya gusto. Ang taong katulad niya, maliban na lang kung hindi labag sa kalooban niya, kung hindi, walang makakakuha ng atensyon niya." Nanginig ang mga pilikmata ni Avery. Paos ang boses niya. "Malinaw na ayaw niya sa hindi malusog naming anak!""Avery, huwag mo siyang pag-isipan ng masama. Hindi dapat ako nagsasalita sa problema ng ibang tao, pero totoong nasa puso ka niya." Gustong iwasan ni Mike ang usapan ng mga anak. "Alam ko." Singhot ni Avery. Galing sa ilong ang kan
Paglabas ng inpatient unit, naghanap si Mike sa paligid pero hindi niya nakita kahit saan si Avery. Naghihinagpis niyang tinipa ang numero ni Elliot. "Elliot! Pumunta ka sa ospital! Nawawala si Avery!"Nagmadaling lumabas si Elliot palabas ng mansyon. "Anong nangyari?""Kinausap siya ng pribado ng mommy ni Wesley. Sigurado ako na may sinabing masakit na salita si Sandra kay Avery!" tumayo si Mike sa malawak na bakuran ng ospital at luminga sa paligid. "Kasalanan ko 'to! Kausap ko si Wesley sa silid niya, kaya siguradong umalis siya!"Mahigpit na kumunot ang noo ni Elliot. "Hindi pa siya nakakalayo. Bantayan mo ang entrance ngayon!"Lumabas si Avery sa elevator at walang malay na naglakad sa outpatient building. Maraming mga upuan doon. Pagod siya, kaya humanap siya ng upuan at umupo. Sa paligid niya ang mga pasyente o ang kanilang mga pamilya! Nandoon ang mag-asawa dala dala ang may sakit nilang anak para ipatingin sa mga doktor. "Sinabi ko na ayoko sa bata, pero nagpumilit k
Nakita ni Avery ang basang mga mata ni Elliot. Gusto niyang sabihing hindi. Hindi ganoon ang ibig niyang sabihin. Gayunpaman, biglang tumayo si Elliot at umalis sa harapan niya. Padabog niyang sinarado ang pinto sa tabi niya!Hindi pumunta sa driver's seat si Elliot. Tumayo siya sa labas ng sasakyan, kinuha ang phone, at gumawa ng tawag. Tahimik na nakatingin si Avery sa kanya. Nasa pagitan nila ang pinto ng sasakyan, ngunit mukhang hindi mawaring puwang ang nasa pagitan nila. Sinabi ni Elliot na sa puso ni Avery, mas importante ang bata kaysa sa kanya. Paano niya nagawang ikumpara sila pareho? Mahina ang bata, syempre, mas lalo niyang po-protektahan ang bata. Sinabi ni Elliot na walang tiwala si Avery sa kanya. Iyon ay parang wala rin siyang tiwala sa kanyang sarili. Hindi nagtagal, dumating si Mike. Nakita ni Avery na nag-uusap ang dalawa sa labas ng sasakyan. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila. Mabilis na tinanggap ni Mike ang susi ng sasakyan mula k
Kinabukasan, pumunta si Shea sa Kwarto ni Avery upang magpaalam, “Avery, aalis na ako. Magpagaling ka. Kapag magaling ka na, bumalik ka sa Ayradelle!”Natatakot siyang maistorbo ito kaya hindi na siya nagtagal pa roon at mabilis na umalis sa kwarto ni Avery.Inimulat ni Avery ang mata niya at tinignan ang kwarto. Dismayado siya.Alas otso ng umaga, isang Golfstream G650 private jet ang umalis mula sa Bridgedale Capital Airport. Patungo ito sa Aryadelle Capital Airport.Matapos ang halos sampung oras na biyahe, dahan-dahang bumaba ang jet sa Aryadelle Capital Airport.Alas sais ng umaga ang oras sa Aryadelle. Bumalik si Wesley kasama nila.“Mr. Foster, salamat po sa paghatid sa amin sa bahay,” Pagpapasalamat ni Sandra kay Elliot.Sumagot si Elliot, “Walang anuman.”“Kikilos na kami!” sabi ni Sandra.Lumunok si Elliot. Matapos ang sandaling pagdadalawang isip, nagsalita siya, “Mrs. Brook, ‘wag mong sisihin si Avery sa mga injury ni Wesley. Hindi niya sinabi sa akin na s
Ayaw ni Elliot umuwi, ayaw niya rin pumunta sa team building.Nakita ni Chad na mukhang nasasaktan si Elliot, nagsuggest siya, “Bakit hindi ka magholiday? Saan mo gusto magpunta? Ipagbubook kita ng hotel.”Nag isip saglit si Elliot bago sinabing, “Gusto ko uminom.”Hindi makapagsalita si Chad. Ito ba ang rason kaya umattend si Elliot ng meeting?Makalipas ang isang oras, lasing na si Elliot, gaya ng gusto niya.Matapos siyang ihatid ni Chad pauwi, nakahinga siya nang maluwag. Kahit na masama sa katawan ang pag inom, kung hindi uminom si Elliot hanggang malasing, hindi ito makakatulog.Paglabas sa mansyon ni Elliot, tinawagan ni Chad si Mike. “Wala bang konsensya si Avery? Sinakripisyo ni Mr. Foster ang oras at pera niya pero ano pang iba niyang alam na gawin bukod sa saktan siya?”Gabi na sa Bridgedale ng oras na ‘yon.Hinilot ni Mike ang pagitan ng kilay niya at humikab. “Ano na naman ba ang sinasabi mo na wala namang kasaysayan? Hmm?”“Hindi ba’t nakipaghiwalay si A
Pero, ang sabi ng sumulat ng article ay kagagawan lang ito ni Avery. Ginawa ito para sa pera ni Elliot!Dahil nagsimula si Avery sa Bridgedale, parang pangalawang tahanan na niya ang Bridgedale. Nakidnap siya sa sarili niyang tahanang bansa. Wala ba siyang koneksyon at sariling pera para solusyunan ang problema? Bakit kailangan pang magpalipad ni elliot ng private jet para irescue siya?Sa huli, nagtapon ng isa’t kalahating bilyong dolyar si Elliot para lang bumalik sa Aryadelle mag isa at malungkot.Kaya sa tingin ng sumulat ay niloko ni Avery si Elliot. Hindi lang naloko sa relasyon, kundi pati sa isa’t kalahating bilyong dolyar!Nagtapos sa sarkasmo ang article, sinasabi na ang matalinong tao tulad ni Elliot ay maloloko rin ng isang babae. Kapag gusto ng isang tao na panatilihin ang yaman nila, kailangan nilang lumayo sa babae! Lalo na sa malakas at magandang babae tulad ni Avery dahil dumepende siya sa ibang lalaki para makuha ang yaman niya.Pinublish na rin ng ibang med