Share

Kabanata 484

Pagkalipas ng halos kalahating oras, nakauwi si Avery.

Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay at lumapit kay Elliot. Sa sobrang pagpapanic niya, hindi na siya nakapag palit sa kanyang tsinelas.

“Nasaan si Hayden? Bakit mag isa ka lang?”

Sasagot pa lang sana si Elliot nang biglang manlaki ang mga mata ni Avery noong nakita ang damit ni Elliot.

“Anong nangyari sa damit mo?”

Sobrang gusot ng damit ni Elliot at sa likod nito ay may parte pa na napunit.

Mayroon din itong kagat na halatang malalim.

“Kinagat ka ba ni Hayden?”

“Hindi, sumabit lang ako. Nagkulong siya sa kwarto niya.”

“Ah… okay sige. Sisilipin ko muna siya. Hintayin mo ako dito, babalik ako.” Pagkatapos, nagmamadaling umakyat si Avery.

Lumapit si Mike kay Elliot at tinignan ang sugat nito. “Haay. Grabe naman yang ginawa ni Big H sayo! Parang kinagat ka ng aso!”

Tinignan ni Elliot si Mike ng diretso sa mga mata at walang prenong sinabi, “Mike, anak ko ba si Hayden?”

G
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status