Pagdating nila sa hotel, wala pa ring update mula sa rescue team.Agad namang hinikayat ni Avery ang kanyang mga anak na kumain, ngunit nakita ni Ivy ang kanyang namumulang mga mata at ang pagod sa kanyang mukha na hindi niya maitago. Mom, gising ka na pala sa mga oras na ito, 'di ba? Kailangan mong alagaan ang iyong sarili "."Alam ni Avery na hindi siya maaaring magsinungaling sa kanila at umamin, "Sinubukan ko, ngunit hindi ako makatulog.""Ngunit kailangan mong." Nais imungkahi ni Ivy na uminom si Avery ng mga pampatulog, ngunit hindi niya ito ginawa dahil alam niyang may mga side effect."Mom, bakit hindi ka muna bumawi ng tulog pagkatapos ng hapunan? Pupunta kami ni Ivy sa bundok." Si Robert din, ay hindi natutulog nang mahigit isang araw, ngunit bata pa siya, at hindi ito gaanong nakaapekto sa kanya."Sasama ako. Kung walang updates, babalik ako," ani ni Avery. "Kukunin ko rin and iyong ama para bumalik rin.. Wala pa siyang tulog."Nawalan agad ng gana sina Robert at Ivy.
Kumuha si Elliot ng isang pirasong tinapay at kinagatan ito bagi siya tumingin kina Ivy at Robert, “Malamig dito. Pumasok na kayo sa loob ng tent.”“Daddy, hindi naman kami giniginaw. Nasa tuktok pa ba ng bundok si Layla?” Nag aalalang tanong ni Robert habang nakatingin sa rescue team na nasa taas ng bundok. “Oo, nandoon pa siya.” Sagot ni Hayden. “Robert, sige na. Pumasok na kayong dalawa sa tent.”Hindi na nagmatigas si Robert at inalalayan si Ivy na pumasok sa loob ng tent. “Hayden, Daddy, promise hindi ako giniginaw,” Pagpupumilit ni Ivy, na walang ibang gusto kundi ang makita na ulit si Layla. Pero patuloy itong hinila ni Robert papasok. “Ivy, napansin mo ba na parang biglang dumami ang mga puting buhok ni daddy? Nakita ni Robert ang bunbunan ni Elliot noong tumayo siya sa likod nito. “Hindi naman ganun karami ang puti niyang buhok dati diba? Parang lalong dumami mula noong nawala si Layla.”Hindi napapansin ni Ivy ang buhok ng kanyang ama.Hindi napansin ni Ivy
Nang marinig yun Avery, bigla niyang nabitawan ang hawak niyang bag. Sumagot si Hayden ng may mas malakas na bosesn, “Eh si Layla? Nakita niyo ba siya? Magkasama silang dalawa kaya baka nanjan lang siya sa malapit!” Maingat na binuhat ng rescue team si Eric at doon nga nila nakita si Layla na di hamak na mas natabunan ng yelo. “Nahanap na rin namin siya Mr. Tate! Nahanap na po namin ang kapatid niyo!” Sigaw ng isang rescue team. Pero dahil nanginginig na rin sa sobrang lamig ang mga kamay ng rescuer, hindi nito masigurado kung may pulso pa ba si Layla. Buhay pa si Layla pero dahil hindi siya gumagalaw at sobrang lamig din, natatakot ang rescue na magbigay ng false alarm. Sobrang hina ng paghinga ni Layla. Mr. Tate… Hindi ko masigurado kung buhay pa siya!” “Ibaba niyo na sila!” Sigaw ni Hayden. Noong oras na yun, gustong gusto ng umakyat ni Hayden para salubungin si Eric at Layla pero hindi niya kaya. Hindi siya sanay sa mga ganung klase ng outdoor activity kaya kumu
Tama… Ang mga salitang binitawan ni Ivy ay nagbigay ng malaking pag asa kay Avery. Kung talagang determinado ang isang doktor na patay na ang pasyente, hindi na ito mag aaksaya ng panahon para buhayin pa ito. Kapag nawalan na ng pulso at dilated na ang mga mata, hindi na ito mag aatubiling dalhin pa sa emergency room ang pasensyente at iaannounce na nila itong dead on arrival. Noong sandali ring yun ay biglang nag tumunog ang phone ni Hayden. May sinend mga sinend na picture sakanya si Mike. Kasama si Mike sa rescue team na nakahanap kina Layla at Eric at sinend niya lang kay Hayden ang picture ng dalawa noong nahanap na nila ang mga ito. Ngayon lang sila nakababa ng bundok kaya ngayon lang din siya nagkaroon ng signal at yun agad ang una niyang ginawa. Pag click ni Hayden sa mga picture, nakita niya na sobrang pula ng mga pisngi ni Eric at kapansin-pansin na naka t-shirt lamang ito. “Hindi naman siguro siya aakyat ng bundok ng naka t-shirt lang, diba?” Pag swipe ni Hayden sa
”Daddy, babantayan ko si Mommy.” Sabi ni Ivy habang inililipat ang isang upuan sa tabi ng kama ni Avery. Bagamat wala ng malay ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ni Avery. Alam ni Elliot na sobrang pinagsisisihan nito na pinigilan nito noon si Layla na magkagusto kay Eric. Kung sumang ayon lang siguro siya noon sa relasyon ng dalawa ay malamang kasal na ang mga ito ngayon. Hindi rin siguro pupunta ang mga ito sa Cambrode, kung saan naaksidente ang mga ito. Tinigan ni Elliot si Ivy. “Sige, sabihan mo ako kapag nagising na ang Mommy mo.”“Opo. Sabihan niyo rin po ako kapag nakalabas na si Layla sa emergency room.”"Sige."Medyo matagal ang paglipas ng mga oras kaya hindi namalayan ni Ivy na nakatulog na pala siya matapos niya punasan ang mga luha ni Avery. Sobrang daming tumatakbo sa isip niya kaya hindi niya alam kung ano bang dapat niyang unahin Bandang huli, ang pinaka gusto niya lang na mangyari ay ang malamang ligtas na sina Layla at Eric. Sa oras na
Pagkagising ni Ivy, nagulat siya na na nakahiga na siya sa kama at nandoon din si Robert, “Robert, Robert! Paano ako ang natutulog dito? Nasaan si Mommy? Anong oras na?” “Nine o’clock na. Nakita ko kasi kahapon na nakatulog ka na sa pagod sa pagbabantay kay Mommy kaya nag book rin ako ng isa pang kwarto para sayo.”“Gising na ba si Mommy?” Bumangon si Ivy at kumpara kahapon, di hamak na mas masigla na ang katawan niya ngayon. Bukod sakanyang Mommy, naalala niya rin sina Eric at Layla. “Si Layla at Uncle Eric? Kamusta sila?”“Stable na si Layla pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Si Uncle Eric naman… buhay pa siya pero nasa kritikal na kondisyon pa rin siya hanggang ngayon. Ang sabi ng mga doktor ay wala raw may kayang gumamot sakanya dito kaya naghahanda na si Hayden na ibyahe siya papunta sa Bridgedale. Niligtas ni Uncle Eric ang buhay ni Layka kaya ganun nalang din ang ginagawang pagsukli ni Hayden para sakanya…”Doon lang nakahinga ng maluwag si Ivy. Nagpap
Biglang umiyak si Layla at hindi siya makapagsalita. “Anak, tumahan ka. Buhay pa siya si Eric… Sa ngayon.” Hinawakan ni Avery ang kamay ni Layla. “Alam kong in shock ka pa rin sa mga nangyari, pero tapos na ang lahat ng yun.”Hinawakan ni Layla ng mas mahigpit ang kamay ng kanyang Mommy at tuluyan na nga siyang humagulgol. Lumapit si Elliot at pinunasan ang mga luha ng anak, “Tahan na, Layla. Ginagawa namin ang lahat para maligtas si Eric kaya wag na wag mong sisisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari kaya wala kang kasalanan.” Sa kabila ng mga sinabi ng kanyang mga magulang, hindi talaga mapigilan ni Layla ang kanyang sarili na umiyak. “Ako ang may kasalanan… Kung hindi dahil sa akin, wala sana siya bingit ng kamatayan… Ako ang may kasalanan.. Mommy, Daddy, ako ang pumatay sakanya.” Humahagulgol na sabi ni Layla. Hindi na nakapag salita sina Elliot at Avery. Gustuhin man nilang pagaanin ang loob ni Layla, nirerespeto rin ng mga ito ang pagluluksa anak nila. Gustuhin
’Daddy, pwede po ba akong pumasok sa loob ng kwarto ni Layla?” Gusto no Ivy na nasa tabi siya ni Layla kapag nagising ito. Tumango si Elliot. "Ivy, sa tingin ng Mommy mo, kami ang may mali dahil kung hindi sana namin sila tinutulan, baka hindi nila kinailangang tumakas at hindi rin sila maaksidente.”“Daddy, sa tingin ko ay wala naman talagang may mali dito dahil kung ang lahat ng bagay ay kaya palang mapredict, edi sana wala ng mga aksidente o kalamidad.”Sobrang gumaan ang loob ni Elliot sa naging sagot ni Ivy. “Daddy, alam po namin na tungkulin niyong gabayan kami na gumawa ng mga tamang desisyon, pero hindi naman ibig sabihin nun ay kailangan mo ng maging perpekto. Lahat ng tao ay nagkakamali at walang kahit sinuman ang makakaligtas doon. Pero ito lang po ang tatandaan niyo, isa po kayong magaling na ama at nagpapasalamat kami na ikaw ang Daddy namin.”Niyakap ni Elliot si Ivy, “Anak, maraming salamat sa pagiging maintindihin mo.”“Daddy, alam ko rin po na hinding hindi m