”Daddy, babantayan ko si Mommy.” Sabi ni Ivy habang inililipat ang isang upuan sa tabi ng kama ni Avery. Bagamat wala ng malay ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ni Avery. Alam ni Elliot na sobrang pinagsisisihan nito na pinigilan nito noon si Layla na magkagusto kay Eric. Kung sumang ayon lang siguro siya noon sa relasyon ng dalawa ay malamang kasal na ang mga ito ngayon. Hindi rin siguro pupunta ang mga ito sa Cambrode, kung saan naaksidente ang mga ito. Tinigan ni Elliot si Ivy. “Sige, sabihan mo ako kapag nagising na ang Mommy mo.”“Opo. Sabihan niyo rin po ako kapag nakalabas na si Layla sa emergency room.”"Sige."Medyo matagal ang paglipas ng mga oras kaya hindi namalayan ni Ivy na nakatulog na pala siya matapos niya punasan ang mga luha ni Avery. Sobrang daming tumatakbo sa isip niya kaya hindi niya alam kung ano bang dapat niyang unahin Bandang huli, ang pinaka gusto niya lang na mangyari ay ang malamang ligtas na sina Layla at Eric. Sa oras na
Pagkagising ni Ivy, nagulat siya na na nakahiga na siya sa kama at nandoon din si Robert, “Robert, Robert! Paano ako ang natutulog dito? Nasaan si Mommy? Anong oras na?” “Nine o’clock na. Nakita ko kasi kahapon na nakatulog ka na sa pagod sa pagbabantay kay Mommy kaya nag book rin ako ng isa pang kwarto para sayo.”“Gising na ba si Mommy?” Bumangon si Ivy at kumpara kahapon, di hamak na mas masigla na ang katawan niya ngayon. Bukod sakanyang Mommy, naalala niya rin sina Eric at Layla. “Si Layla at Uncle Eric? Kamusta sila?”“Stable na si Layla pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Si Uncle Eric naman… buhay pa siya pero nasa kritikal na kondisyon pa rin siya hanggang ngayon. Ang sabi ng mga doktor ay wala raw may kayang gumamot sakanya dito kaya naghahanda na si Hayden na ibyahe siya papunta sa Bridgedale. Niligtas ni Uncle Eric ang buhay ni Layka kaya ganun nalang din ang ginagawang pagsukli ni Hayden para sakanya…”Doon lang nakahinga ng maluwag si Ivy. Nagpap
Biglang umiyak si Layla at hindi siya makapagsalita. “Anak, tumahan ka. Buhay pa siya si Eric… Sa ngayon.” Hinawakan ni Avery ang kamay ni Layla. “Alam kong in shock ka pa rin sa mga nangyari, pero tapos na ang lahat ng yun.”Hinawakan ni Layla ng mas mahigpit ang kamay ng kanyang Mommy at tuluyan na nga siyang humagulgol. Lumapit si Elliot at pinunasan ang mga luha ng anak, “Tahan na, Layla. Ginagawa namin ang lahat para maligtas si Eric kaya wag na wag mong sisisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari kaya wala kang kasalanan.” Sa kabila ng mga sinabi ng kanyang mga magulang, hindi talaga mapigilan ni Layla ang kanyang sarili na umiyak. “Ako ang may kasalanan… Kung hindi dahil sa akin, wala sana siya bingit ng kamatayan… Ako ang may kasalanan.. Mommy, Daddy, ako ang pumatay sakanya.” Humahagulgol na sabi ni Layla. Hindi na nakapag salita sina Elliot at Avery. Gustuhin man nilang pagaanin ang loob ni Layla, nirerespeto rin ng mga ito ang pagluluksa anak nila. Gustuhin
’Daddy, pwede po ba akong pumasok sa loob ng kwarto ni Layla?” Gusto no Ivy na nasa tabi siya ni Layla kapag nagising ito. Tumango si Elliot. "Ivy, sa tingin ng Mommy mo, kami ang may mali dahil kung hindi sana namin sila tinutulan, baka hindi nila kinailangang tumakas at hindi rin sila maaksidente.”“Daddy, sa tingin ko ay wala naman talagang may mali dito dahil kung ang lahat ng bagay ay kaya palang mapredict, edi sana wala ng mga aksidente o kalamidad.”Sobrang gumaan ang loob ni Elliot sa naging sagot ni Ivy. “Daddy, alam po namin na tungkulin niyong gabayan kami na gumawa ng mga tamang desisyon, pero hindi naman ibig sabihin nun ay kailangan mo ng maging perpekto. Lahat ng tao ay nagkakamali at walang kahit sinuman ang makakaligtas doon. Pero ito lang po ang tatandaan niyo, isa po kayong magaling na ama at nagpapasalamat kami na ikaw ang Daddy namin.”Niyakap ni Elliot si Ivy, “Anak, maraming salamat sa pagiging maintindihin mo.”“Daddy, alam ko rin po na hinding hindi m
Halos hindi na makapagsalita si Layla sa kakaiyak kaya kumuha si Ivy ng tissue at pinunasan ang mga luha nito. "Huwag kang umiyak, Layla. Pareho kayong okay... pareho kayong buhay! Malapit ka nang ma-discharge at magiging okay din si Uncle Eric," sabi ni Ivy. "Hindi na mauulit ang ganitong trahedya. Kapag gumaling na si Uncle Eric, hindi na magiging tutol ang mga magulang natin sa ideya ng pagpapakasal ninyo."“Wag ka ng umiyak, Layla. Ang mahalaga ay pareho na kayong okay…pareho kayong buhay! Malapit ka nang ma-discharge at sigurado ako na magiging okay na din si Uncle Eric," pagpapanatag ni Ivy. "Isa pa, hindi na ulit mangyayari ang ganitong trahedya at sa oras na gumaling na si Uncle Eric, hindi na ulit tututol sina Mommy at Daddy sa relasyon niyo.”"Ivy, malakas talaga ang kutob ko na hindi maganda ang kalagayan niya..." Siya ang huling nakasama ni Eric noong naaksidente sila kaya maging siya ay nawalan na rin ng pag asa na mabubuhay pa ‘to. “Binigay niya sa akin ang jacket ni
Ang ibig sabihin ng ECMO ay Extracorporeal Membrane Oxygenation, at isa itong makina na ginagamit para sa mga pasyenteng may malalang problema sa puso at baga.Kapag hindi na kinakayang mag-function nang normal ng puso at baga ng isang pasyente, gagamit ng doktor ang ECMO machine para tulungan ang pasyente na ma-circulate ang kanyang dugo at hangin. Kumbaga, ginagamit ang makina na ito upang mapanatili ang pagtibok ng puso ng isang pasyente. Nakakatulong ito sa pagpapanatili ng buhay ng pasyente, pero sobrang mahal din nito kaya hindi ito kaya ng ordinaryong tao.Kahit na may sapat na pera si Eric na panggastos, maituturing pa rin itong isang malaking sugal dahil walang kasiguraduhan na kayang bumuhay ng makinang ito dahil pansamantalang pagpapatibok ng puso lang ang kasiguraduhin na naibibigay nito Ibig sabihin, si Eric ay magiging isang lantang gulay. Siguradong masasaktan si Layla sa oras na malaman nuya yun. Naghahanap ng impormasyon si Ivy tungkol sa term at naging tah
Lumapit si Layla kay Ivy. "Ivy, umuwi ka na! Marami ka nang oras na nasayang sa pag-aalaga sa akin.""May tutor naman ako, Layla. Gusto kitang samahan.""Okay na ako," sagoti ni Layla at tumingin kay Robert. "Robert, samahan mo na si Ivy umuwi. Kailangan niyong pumasok sa school."“Sasamahan ka muna namin kahit mga ilang araw pa.” Sagot ni Robert. "Okay lang ako. Isa pa, kasama ko naman sina Mommy, Daddy at Hayden."“Sige.” Hindi na nagmatigas pa si Robert. “Pero sasama pa rin kami sa Bridgedale kasi gusto rin naming makita si Uncle Eric.”Hindi na kumontra si Layla.Sumakay ang apat sa kanilang pribadong jet at makalipas ang sampung oras ay nakarating na rin sila sa Bridgedale.Pagkarating na pagkrating ni Layla ay nagaalalang lumapit si Avery at tinitgnan ito mula ulo hanggang paa. "Mommy, okay na talaga ako. Medyo nanghina lang ako noong una pero dahil tatlong araw na rin naman akong nakapag pahinga, sobrang maganda na ang pakiramdam ko.," sabi ni Layla. "Kumusta na
"Sumakay na kayo sa private jet, sasamahan ko muna dito si Layla. Robert, ikaw na ang bahala kay Ivy ah. Hindi ko sigurado kung kailam ako makakauwi.” Bilin ni Elliot. Nakatayo sa tabi nila si Ivy habang kinakausap ni Elliot si Robert."Aalagaan ko pong mabuti si Ivy," sagot ni Robert."Magpahinga muna kayo para makabiyeha na kayo kaagad bukas.” Gusto ni Elliot na makapag pahinga ng maayos ang dalawa para naman hindi pagod na pagod ang mga ito bukas. “Tawagan mo amo kapag may nangyari at sasabihin niyo ang lahat sa akin.”"Opo, Daddy."Tumingin si Elliot kay Ivy at sinabi, “Ivy, wag ka na masyadong mag alala. Bastam mag focus ka lang sa pag aaral mo at sa oras na medyo mas gumaan na ang sitwasyon dito, uuwi ako kaagad.”Tumango si Ivy at sinabing, "Diba nagsabi ang doktor na kuhaan natin si Layla ng psychologist Layla?"“Itatanong ko rin muna yan kay Layla at pag uusapan namin ng Mommy mo.”Tumango si Ivy. "Daddy, ang dami mo ng puting buhok." Nakatayo si Ivy malapit kay Elli