Share

Kabanata 2746

Biglang umiyak si Layla at hindi siya makapagsalita.

“Anak, tumahan ka. Buhay pa siya si Eric… Sa ngayon.” Hinawakan ni Avery ang kamay ni Layla. “Alam kong in shock ka pa rin sa mga nangyari, pero tapos na ang lahat ng yun.”

Hinawakan ni Layla ng mas mahigpit ang kamay ng kanyang Mommy at tuluyan na nga siyang humagulgol.

Lumapit si Elliot at pinunasan ang mga luha ng anak, “Tahan na, Layla. Ginagawa namin ang lahat para maligtas si Eric kaya wag na wag mong sisisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari kaya wala kang kasalanan.” Sa kabila ng mga sinabi ng kanyang mga magulang, hindi talaga mapigilan ni Layla ang kanyang sarili na umiyak.

“Ako ang may kasalanan… Kung hindi dahil sa akin, wala sana siya bingit ng kamatayan… Ako ang may kasalanan.. Mommy, Daddy, ako ang pumatay sakanya.” Humahagulgol na sabi ni Layla.

Hindi na nakapag salita sina Elliot at Avery. Gustuhin man nilang pagaanin ang loob ni Layla, nirerespeto rin ng mga ito ang pagluluksa anak nila.

Gustuhin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status