Share

Kabanata 262

Samantalang si Elliot naman na nasa kabilang linya ay biglang natahimik.

Naiilang na binigay ni Chad kay Avery ang kanyang phone. Niloud speaker ni Avery para marinig ng lahat.

“Hello, Mr. Foster.”

Nang marinig ni Mike kung gaano ka pormal na bumati si Avery, gusto niyang humalakhak pero pinilit niyang pigilan, samantalang si Chad naman ay hindi makapagsalita.

Walang balak na magpatalo si Elliot kaya binati niya rin si Avery ng may mas pormal na tono, “Hello, Miss Tate.”

agulat si Avery.

Nagpipigil ng tawang kinuha ni Mike ang kanyang baso at uminom ng tubig. Kinuha rin ni Chad ang kanya, pero narealize niya na wala pala itong laman.

“Gusto ko lang sanang iexplain sayo ang sitwasyon namin kasi ayaw ko namang isipin mo na ginigipit ka namin.” Pinilit ni Avery na kumalma at makipag usap kay Elliot bilang kliente. “Sigurado ako na alam mong kakaumpisa palang ng company namin diba? Kaya sa totoo lang kulang pa ang equipment at mga tao namin at dahil dun, imposibleng mafulfill n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status