‘Sabay talaga sila ng birthday? Grabe namang coincidence yun.’Hinawakan ni avery ang kamay ni Hayden at sabay silang naglakad palabas ng classroom. Pero pagkarating nila sa may pintuan, biglang may isang matangkad na lalaki ang humarang sa daanan nila. Nakasuot si Elliot ng itim na coat. Hindi sigurado ni Avery kung siya lang ba pero parang pumayat ito sa paningin niya. Medyo nag’alangan siya noong una pero bandang huli ay nagdesisyon siyang batiin ito, pero noong magsasalita na siya, biglang tumakbo si Shea papalapit kay Elliot at yumakap. “Kuya, ito ang cake mo!” Nang marinig ni Avery ang sinabi ni Shea, gulat na gulat siya. ‘Kuya? Bakit tinawag ni Shea na kuya si Elliot?’Halatang halata sa mukha ni Avery na naguguluhan siya sa nangyayari. Naramdaman ni Shea na nakatitig sakanya si Avery kaya tinignan niya rin ito pabalik. Nang makita niyang nakakunot ang noo nito, natakot siya. Gusto niya sanang alukin si Avery ng cake pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin
Hindi man nagpasabi ang mga ito na pupunta ngayong araw. Dahil kung sakali, hindi rin naman papayag si Elliot. Hindi sanay si Shea na makakita ng ibang tao at alam niyang matatakot lang ang kapatid niya.Nagmamadaling tumayo si Rosalie para salubungin si Shea. Abot-tenga ang ngiti niya at gusto niya sanang yakapin si Shea. Pero humarang si Elliot, “Mommy, bakit hindi man lang kayo nagpasabing pupunta kayo?”“Ngayon ang–Nagdala ako ng cake.” Pautal-utal na sagot ni Rosalie. “Alam ko dapat nagsabi muna ako sayo, pasensya na kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko…Gusto niyang makita si Shea.Nang marinig ni Shea ang boses ni Rosalie, magkahalong kaba at pagtataka ang naramdaman niya. Nakita ni Rosalie na sumisilip si Shea habang nakatago sa likuran ni Elliot. “Shea, hindi ka naman natatakot sa akin diba?” Sobrang hinahon na tanong ni Rosalie. Biglang yumuko si Shea at napahawak ng mahigpit sa damit ni Elliot. Nang maramdaman yun ni Elliot, hinawakan niya ang kamay ni Shea pa
Abot-tenga ang ngiti ni Avery.Five years ago, ang kanyang stepmother at ang nakababatang kapatid nito na si James, ay nagnakaw ng tumataginting na Three Hundred million ng Tate Industries. Sa sobrang luho nito, nawala ng parang bula ang mga ninakaw nito at ngayon sinusubukan nanaman nito ang swerte nito sa Tate Industries… ‘Yun ang akala niya dahil hindi na three hundred million ang makukuha niya, kundi ang hagupit ng batas.’Si Officer Boyd, ang pulis na naka assign sa kaso na ‘to, ang tumawag sakanya para ibalita na pabalik na ng bansa si James. Sa kasalukuyan, may grupo na ng mga pulis na nag’aabang sakanya sa airport at sa oras na mag land siya, aarestuhin siya kaagad. Ilang taon ‘tong hinintay ni Avery kaya sobrang saya niya. Kahit nang matapos na ang tawag, hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha niya at gusto niya sanang tawagan ang mga kaibigan niya para ibalita ito pero alas tres palang ng umaga kaya kailangan niyang kumalma. Lumabas siya sa kwarto niya para bumaba sa
Nang marinig ni Avery ang tanong ni Elliot, medyo nahimasmasan siya. ‘Akala niya ba aamin ako porket lasing ako?’ ‘Aha! Nagkakamali ka Elliot Foster!’ Oo nakainom siya pero beer lang yun at hindi wine. Malinaw pa rin ang isip niya. Hindi sumagot at natulog. Imbes na sagot, paghinga ni Avery ang narinig ni Elliot. Napangiti nalang siya habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Wala siyang balak na ibaba dahil ngayon nalang ulit ito tumawag sakanya at hindi niya alam kung mauulit pa ‘to. Pagsapit ng alas otso ng umaga, nagmamadaling bumangon si Avery. Sobrang sama ng panaginip niya… panaginip na nagpaalala sakanya noong araw na namatay ang kanyang daddy.Dahil dun at sa naging pagkalugi noon ng Tate Industries, nagpalaboy sila ng mommy niya. Tandang tanda niya na may isang beses na halos mamatay na siya sa uhaw pero wala silang kahit sincong duling.Pawis na pawis at hinihingal siya nang magising. Huminga siya ng malalim at sinabi sakanyang sarili,, “Tapos na yun, Avery
Habang pinapakinggan kung paano magalit si Wanda, sobrang saya ni Avery.“Sa tingin mo, paano mo naman gagawin yun?” Pang’asar niyang sagot. “Dalawa lang naman yan eh. Kasabwat ka niya o kinunsinti mo siya. Kahit ano dun, damay ka. Isa pa, hindi ka na ba talaga nahihiya? Sobrang laki ng ninakaw niyo sa amin tapos may gana ka poang tumawag sakin?” “Dahil sayo, namatay si Cassandra! Hindi pa kita nasisingil dun!”“Oh… Sino pa? Sino pang mga namatay sa pamilya niyo? Isisi mo na sa akin kaya lahat? Sa tingin mo ba ako pa rin yung dating Avery na pwede mong apak apakan? Wanda, matagal ka ng talo. Noong hindi mo ako napatay five years ago!”Walang emosyon pero sobrang nakakapanindig balahibo ng tono ng boses ni Avery. Tama… ibang iba na talaga siya sa Avery five years ago. Galit na galit na pinutol si Wanda ang tawag. Hindi niya palalampasin ang ginawa ni Avery at hindi siya papayag na matalo dito kaya agad-agad, nag book siya ng flight pabalik sa Aryadelle.Ang headline noong hapon
Kung tooo na may mga taong pinanganak na performer, isa na si Eric dun. Sa tuwing nasa entablado ito, kuhang kuha nito ang puso ng lahat. Noong gabing yun, sabay ng pumunta sina Avery at Wesley sa venue na nireserve ni mike.“Wesley, wag kang mag’alala. Puro kaibigan lang namin ni Mike ang mga invited kaya wag kang mahihiya ah.” Nakangiting sabi ni Avery habang naglalakad sila papasok ng hotel. “Gusto lang talaga naming icelebrate ang pagkakahuli kay James kasi ang tagal ng sumasakit ng ulo ko dahil dun.”“Oo, nabanggit mo nga yan noon.” Nakangiting sagot ni Wesley. “Halatang halata na iba ang saya mo ngayon.”Nagpatuloy silang maglakad hanggang sa makarating sila sa event hall at hindi pa man din sila nakakapasok sa loob nang biglang matigilan si Avery. ‘Ha? Sino ‘tong mga to? Tama ba ‘tong pinuntahan namin? Pero–si Mike yun. Oo, sigurado ako na buhok niya yun!’ Isip ni Avery. Nang makita ni Mike si Avery, masaya itong lumapit. “Avery! Buti naman at nandito ka na! Welcome, We
“Hinila siya ni Elliot doon oh.” Tinuro ni Mike kung saan niya nakitang pumunta ang dalawa. Nang tignan ni Avery ang direksyon na sinasabi ni Mike, nakita niya sina Elliot at Wesley na isnag lamesa. May mga bodyguard na nakapalibot sakanila at may mga bote ng alak sa lamesa. Mukhang nagiinuman lang ang dalawa. Galit na galit si Avery.Alam niya kung gaano kahina ang alcohol tolerance ni Wesley kaya sigurado siyang hindi ito tatagal sa ganun karaming alak!“Ha! Parehong amateur! Sige nga.. Tignan natin kung sino ang unang babagsak sakanila.” Natatawang sabi ni Mike.Naalala ni Avery na hindi rin mahilig uminom si Elliot. “Avery, hayaan mo lang silang mag contest jan!” Pagpapatuloy ni Mike habang tinatapik ang balikat ni Avery. Naiinis na hinawi ni Avery ang kamay ni Mike. “Kasalanan mo ang lahat ng ‘to!”“Bakit ako? Si Chad! Wag ka mag’alala, next time sasabihin ko sakanya na siya lang talaga ang invited.”“Wala ng next time!” Nag walk out si Avery at pumunta siya kay Tammy.
“Okay… dahil stepmother pa rin kita, bibigyan kita ng hanggang bukas para makapag isip.” Pagkatapos magsalita, tuluyan ng lumabas si Avery. Samantalang sa loob ng event hall, halatang lasing na sina Elliot at Wesley kahit kaunti palang ang naiinom nila. “Mr. Brook, balita ko may secret student daw si Professor Hough, kwentuhan mo naman ako ng tungkol dun.” Tanong ni Elliot habang nilalagyan ng laman ang wine glass ni Wesley. Lasing na lasing na tinignan ni Wesley si Elliot. “Saan mo naman narinig yan Mr. Foster?”Nakipag toast si Elliot kay Wesley, “Sasagutin mo lang naman ng oo o hindi, Mr. Brook eh”Uminom si Wesley ng bahagya at sumagot, “Pasensya ka na. Hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol dun. Pagdating kay Professor Hough, lahat ng impormasyon ay hindi pwedeng maidisclose.”“Patay naman na si Professor Hough! Isa pa, ano namang nakakahiya dun. Ibig sabihin nga ay sobrang galing niya!”“Eh paano kung yung mismong taong yun ang ayaw magpakilala?”Abot-tenga ang nagging n
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan