Share

Kabanata 276

“Hinila siya ni Elliot doon oh.” Tinuro ni Mike kung saan niya nakitang pumunta ang dalawa.

Nang tignan ni Avery ang direksyon na sinasabi ni Mike, nakita niya sina Elliot at Wesley na isnag lamesa. May mga bodyguard na nakapalibot sakanila at may mga bote ng alak sa lamesa. Mukhang nagiinuman lang ang dalawa.

Galit na galit si Avery.

Alam niya kung gaano kahina ang alcohol tolerance ni Wesley kaya sigurado siyang hindi ito tatagal sa ganun karaming alak!

“Ha! Parehong amateur! Sige nga.. Tignan natin kung sino ang unang babagsak sakanila.” Natatawang sabi ni Mike.

Naalala ni Avery na hindi rin mahilig uminom si Elliot.

“Avery, hayaan mo lang silang mag contest jan!” Pagpapatuloy ni Mike habang tinatapik ang balikat ni Avery.

Naiinis na hinawi ni Avery ang kamay ni Mike. “Kasalanan mo ang lahat ng ‘to!”

“Bakit ako? Si Chad! Wag ka mag’alala, next time sasabihin ko sakanya na siya lang talaga ang invited.”

“Wala ng next time!” Nag walk out si Avery at pumunta siya kay Tammy.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status