Nang makita ni Laura na pumasok si Avery sa pintuan, nagmamadali siyang tumayo mula sa sofa para salubungin ito.“Avery, nag dinner ka na ba?” “Mommy, may nakita ka bang pulang kahon?” Nagmamadaling hinagis ni Avery ang kanyang bag sa sofa at natataranta siyang dumiretso sa kwarto ng kambal. “Pulang kahon?” Nag’aalalang sinundan ni Laura si Avery, “Parang wala naman akong napansin. Bakit?”“May nawawalang ganun si Elliot. Chineck niya ang surveillance footage at wala siyang nakita. Pero noong pumunta kami sa mansyaon, hinack ni Hayden ang mga surveillance camera nila kaya hindi maiwasan ni Elliot na isiping baka si Hayden ang kumuha.” Paliwanag ni Avery. “Grabe naman siya para pagbintangan si Hayden!” Galit na sagot ni Laura. Bakas sa mga mata ni Avery ang sobrang pag’aalala nang tumingin siya kay Laura, “Mommy, alam kong hindi yun kayang gawin ni Hayden, pero nitong mga nakaraang araw kasi kahit ako ginugulat din ni Hayden sa mga ginagawa niya eh.”Napabuntong hininga nalan
“Hindi po.” Kalmadong sagot ni Hayden. “Totoo ba yan?” Muling tanong ni Avery. “Hindi po talaga.” Sa pagkakataong ito, medyo naging emosyunal si Hayden. Nang maramdaman yun ni Avery, hindi na siya nagtanong muli dahil ayaw niya namang maramdaman ng mga anak niya na hindi siya naniniwala sa mga ito. Hinawakan ni Hayden ang kamay ni Layla at sabay silang pumasok sa kwarto nila para ilagay ang mga gamit nila. Pagkasarado ng pintuan at matapos siguraduhing walang nakasunod sakanila, nagmamadaling bumulong si Layla, “Hayden, bakit ka nagsisinungaling? Hindi tayo dapat nagsisinungaling kay Mommy.”Sa totoo lang, hindi naman nagsinungaling si Layla. Hindi lang niya sinabi noon pero ngayong nagtatanong na ang kanyang mommy, wala siyang intensyong itago yun. “Sigurado ako na nababaliw na ngayon si Elliot kakahanap sa kahon na yun. Naisip mo ba na kapag binalik natin yun ngayon, pag’iinitan niya lang tayo kaya hayaan mo siyang mamatay kakahanap jan.” Walang emosyong sagot ni Hayden.
“Mas maganda siguro kung wag ka na munang pumunta. Sa pagkakaalam ko nandoon din si Shea, baka magkagulo lang.” Nag’aalalang sabi ni Tammy. “Ano bang nangyari kay Elliot? Sabi ni Jun, hindi naman daw tungkol sa trabaho. Hindi ba tungkol sa inyo yun?” Umupo si Avery at huminga ng malalim, “Masyado mo naman ata akong na overestimate, Tammy. Ni hindi nga siya umiyak noong nag divorce kami kaya sa tingin ko hindi naman ako ganun ka importante sakanya.” “Eh anong nangyari? Mas lalo naman sigurong hindi yun dahil kay Zoe diba?” Hindi maisip ni Tammy kung ano ang posibleng dahilan. “Balita ko pa napapadalas daw ang pagpunta niya sa mansyon ng mommy niya. Nako… yung matandang yun, sobrang galinv mag imbento ng kwento.”Parang nasasanay na si Avery sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Zoe na nakafugtong sa pangalan ni Elliot. Kung noon, nasasaktan siya, ngayon parang wala nalang… Siguro tanggap niya ng hindi talaga sila para sa isa’t-isa, at kung darating man ang araw na ikakasal ang
“Ano Chad? Ang ganda ng drone namin no?” Tanong ni Mike sabay kagat sa mansanas na hawak niya. Tinignan ni Chad si Mike. Noong una, may halong inis pero habang tinititigan niya ito, narealize niya na hindi naman pala ito sobrang sama kagaya ng iniisip niya. ‘Infairness… gwapo siya ah.’“Sakto lang. Kung ako sayo, wag ka masyadong mayabang kasi sa tingin ko kailangan pa ng improvement ng mga drone niyo.”“Ohhh pero Sterling Group mismo ang nagsasabi na ito ang best drone na nagamit niyo. Wag ka mag’alala, mas gagalingan pa namin.”“Good luck nalang sainyo!”“Grabe ang ganda ng moon!” Nakangiting sabi ni Mike habang nakatingala sa kalangitan. Tumingin din si Chad sa buwan at tumungo bilang pagsang’ayon. “Wag na tayong mag’away.” Tumingin si Mike kay Chad. “Malay mo maging magkatrabaho tayo ulit balang araw.”Pinilit ni Chad na pagaanin ang usapan, “Mukhang nag enjoy ka sa pera ng boss ko ah.”“Meh! Mas marami kaming galanteng kliyente sa abroad no!” “Talaga ba? Baka naka
‘Sabay talaga sila ng birthday? Grabe namang coincidence yun.’Hinawakan ni avery ang kamay ni Hayden at sabay silang naglakad palabas ng classroom. Pero pagkarating nila sa may pintuan, biglang may isang matangkad na lalaki ang humarang sa daanan nila. Nakasuot si Elliot ng itim na coat. Hindi sigurado ni Avery kung siya lang ba pero parang pumayat ito sa paningin niya. Medyo nag’alangan siya noong una pero bandang huli ay nagdesisyon siyang batiin ito, pero noong magsasalita na siya, biglang tumakbo si Shea papalapit kay Elliot at yumakap. “Kuya, ito ang cake mo!” Nang marinig ni Avery ang sinabi ni Shea, gulat na gulat siya. ‘Kuya? Bakit tinawag ni Shea na kuya si Elliot?’Halatang halata sa mukha ni Avery na naguguluhan siya sa nangyayari. Naramdaman ni Shea na nakatitig sakanya si Avery kaya tinignan niya rin ito pabalik. Nang makita niyang nakakunot ang noo nito, natakot siya. Gusto niya sanang alukin si Avery ng cake pero hindi niya alam kung paano niya sasabihin
Hindi man nagpasabi ang mga ito na pupunta ngayong araw. Dahil kung sakali, hindi rin naman papayag si Elliot. Hindi sanay si Shea na makakita ng ibang tao at alam niyang matatakot lang ang kapatid niya.Nagmamadaling tumayo si Rosalie para salubungin si Shea. Abot-tenga ang ngiti niya at gusto niya sanang yakapin si Shea. Pero humarang si Elliot, “Mommy, bakit hindi man lang kayo nagpasabing pupunta kayo?”“Ngayon ang–Nagdala ako ng cake.” Pautal-utal na sagot ni Rosalie. “Alam ko dapat nagsabi muna ako sayo, pasensya na kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko…Gusto niyang makita si Shea.Nang marinig ni Shea ang boses ni Rosalie, magkahalong kaba at pagtataka ang naramdaman niya. Nakita ni Rosalie na sumisilip si Shea habang nakatago sa likuran ni Elliot. “Shea, hindi ka naman natatakot sa akin diba?” Sobrang hinahon na tanong ni Rosalie. Biglang yumuko si Shea at napahawak ng mahigpit sa damit ni Elliot. Nang maramdaman yun ni Elliot, hinawakan niya ang kamay ni Shea pa
Abot-tenga ang ngiti ni Avery.Five years ago, ang kanyang stepmother at ang nakababatang kapatid nito na si James, ay nagnakaw ng tumataginting na Three Hundred million ng Tate Industries. Sa sobrang luho nito, nawala ng parang bula ang mga ninakaw nito at ngayon sinusubukan nanaman nito ang swerte nito sa Tate Industries… ‘Yun ang akala niya dahil hindi na three hundred million ang makukuha niya, kundi ang hagupit ng batas.’Si Officer Boyd, ang pulis na naka assign sa kaso na ‘to, ang tumawag sakanya para ibalita na pabalik na ng bansa si James. Sa kasalukuyan, may grupo na ng mga pulis na nag’aabang sakanya sa airport at sa oras na mag land siya, aarestuhin siya kaagad. Ilang taon ‘tong hinintay ni Avery kaya sobrang saya niya. Kahit nang matapos na ang tawag, hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha niya at gusto niya sanang tawagan ang mga kaibigan niya para ibalita ito pero alas tres palang ng umaga kaya kailangan niyang kumalma. Lumabas siya sa kwarto niya para bumaba sa
Nang marinig ni Avery ang tanong ni Elliot, medyo nahimasmasan siya. ‘Akala niya ba aamin ako porket lasing ako?’ ‘Aha! Nagkakamali ka Elliot Foster!’ Oo nakainom siya pero beer lang yun at hindi wine. Malinaw pa rin ang isip niya. Hindi sumagot at natulog. Imbes na sagot, paghinga ni Avery ang narinig ni Elliot. Napangiti nalang siya habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Wala siyang balak na ibaba dahil ngayon nalang ulit ito tumawag sakanya at hindi niya alam kung mauulit pa ‘to. Pagsapit ng alas otso ng umaga, nagmamadaling bumangon si Avery. Sobrang sama ng panaginip niya… panaginip na nagpaalala sakanya noong araw na namatay ang kanyang daddy.Dahil dun at sa naging pagkalugi noon ng Tate Industries, nagpalaboy sila ng mommy niya. Tandang tanda niya na may isang beses na halos mamatay na siya sa uhaw pero wala silang kahit sincong duling.Pawis na pawis at hinihingal siya nang magising. Huminga siya ng malalim at sinabi sakanyang sarili,, “Tapos na yun, Avery