Share

Kabanata 217

Malinaw na ginagamit lang ni Zoe si Elliot para umahon.

Imbes na magsumikap na maging isang magaling na doktor, mas gusto niyang maging mayaman ng walang kahirap-hirap.

Higit sa lahat, alam niya naman na hindi siya ganun kagaling at kahit anong gawin niya ay hinding hindi niya mararating ang galing ni Professor Hough.

Alam niya na wala siya masyadong mararating kung mag fofocus siya sa pagiging doktor niya.

Kaya hindi niya na kailangang pag’isipan pa kungmay magtatanong kung gusto niyang pakasalan si Elliot.

Darating ang panahon na titingalain at kaiinggitan siya ng lahat…

HIndi pa man din nag’iinit ang pwet ni Elliot sa pagkakaupo nang biglang tumawag si Ben.

“Huy Elliot, kamusta? Ano nga palang nangyari kanina sa school?”

“Hindi niya dala ang laptop niya kanina. Pakiramdam ko kinuha ni Avery.”

“Ha! Mukhang anak nga talaga yan ni Avery ah! Diba four years old lang siya? Suwail agad ah!” Natatawang sagot ni Ben.

Hindi sumagot si Elliot.

“Eh anong plano mo sa bata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status