Ayaw sanang tanggihan ni Mrs. Cooper, pero kailangan, “Ah.. Shea, ang sabi kasi ng doktor, kailangan mo daw magpahinga ng kalahating buwan. Wala pa ngang isang linggo kang naooperahan eh. Kpaag naglaro tayo sa labas, magagalit si Master Elliot sa akin.” Nagtatakang tinignan ni Shea si Mrs. Cooper. “Sinong Master Elliot.”“Elliot Foster,” Natigilan ng ilang segundo si Mrs. Cooper bago siya nagpatuloy, “Ano bang tawag mo sakanya?” Hindi sumagot si Shea at pagkalipas ng ilang sandali, tinuro niya ang bintaya. “Gusto kong maglaro”Hindi na alam ni Mrs. Cooper kung anong isasagot niya kay Shea kaya tinawag niya si Zoe. HIndi nagtagal, dumating si Zoe. “Shea, gusto mo bang maglaro sa labas?” Nakangiting bati ni Zoe. “Pwede kitang ilabas, okay lang ba na naka wheelchair ka? Baka kasi mahilo ka kapag pinilit mong maglakad.” Gusto lang naman talagang lumabas ni Shea para magpahangin. Tumungo si Shea kaya dali-daling kinuha ni Mrs. Cooper ang wheelchair na ginamit noon n
Nahulog ang sepilyo na nasa kamay ni Avery sa sahig. Kahit si Tammy aynagulat at nabitawan ang dalang bag ng almusal nang nakita niya si Mike.Buti na lang, mabilis na umakto si Mike at sinalo ang bag ng almusal."Avery, ito ba ang matalik na kaibigan mo?" Tanong ni Mike nang magulo angbuhok.Pagkatapos 'non, binuksan niya ang bag ng almusal, kinuha ang pancake, atdinala ito sa kanyang bibig. Maya-maya, kumuha pa siya ng isa pang pancakeat gustong ipakain ito kay Avery, "Hindi na masama, nagustuhan mo ba?"Nakita ni Avery ang gulat na ekspresyon ni Tammy at dali dali niyangtinulak si Mike sa kanyang kwarto."Tammy, sandali lang. Umupo ka muna," sabi ni Avery kay Tammy.Maya maya, nanumbalik si Tammy sa kanyang ulirat. Humugot siya ng malalimna hininga at kinuha ang kanyang phone at nagpadala ng mensahe kay Jun.Tinext ni Tammy si Jun, "Diyos ko! Alam talaga ni Avery kung paano magsaya.May kasama siyang gwapong lalaki at magkasama silang naninirahan!"Sumagot si Jun, "Sin
Hindi na niya kailangang sayangin ang lakas niya para turuan ng leksyon siCole. Pero, ibang istorya ito kung si Elliot naman ang pagdidiskitahan niHayden.Simula nang matagumpay na pinanghimasok ni Hayden ang cyber security ngkompanya ni Elliot, gumastos ng malaking halaga ng pera si Elliot paramaglagay ng isang malaking firewall. Ngayon ay hindi na kayang pasukin niHayden ang firewall.Abala ang Tito Mike niya sa Tate Industries at wala siyang oras paratulungan si Hayden. Sa huli, tiningnan na lang ni Hayden ang larawan niElliot at mabagal na tinatanggal ang panghihinayang niya.Iisa na lang ang estudyante sa silid-aralan, si Hayden. Kung saan, maydalawang guro ang tinitingnan siya sa silid-aralan, ang isang guro aynagbabantay sa kanya at ang isa naman ay responsable sa pagtuturo.Nagtuturo ang guro sa harapan habang si Hayden naman ay suot ang kanyangheadphones at naglalaro sa kanyang computer. Bagay na bagay.Biglang isang anino ang nagpakita sa labas ng silid. Nakita
Nang makarating si Elliot sa eskwelahan, dali-dali niyang hinawakan ang mgabraso ni Shea at maingat na tinapik ang likod niya habang nakikita angnamamagang mga mata ni Shea."Huwag ka nang umiyak, Shea," alu ni Elliot.Sumakit ang ulo ni Shea dahil sa sobrang pag-iyak. Pagkatapos niyangmarinig ang boses ni Elliot, nakaramdam siya ng ginhawa at sumandal sadibdib ni Elliot habang nagsisimulang bumalik sa dati ang mga emosyon niya.Pagkatapos ng ilang sandali, nakatulog siya.Kinarga siya ni Elliot sa kama at hiniga siya rito. Pagkatapos ay lumabassiya ng kwarto. Kailangan niyang hanapin si Hayden para malaman kung anoang nangyari. Maya-maya, nakarating siya sa silid-aralan ni Hayden.Nakita ng mga guro si Elliot na paparating at umalis sa silid. Sa gayon,sina Elliot at Hayden na lang ang natira sa silid-aralan.Tumungo si Elliot at tumayo sa harap ni Hayden. Nakita ni Hayden napaparating siya at nagsimulang ligpitin ang kanyang mga libro sa backpackniya."Hayden Tate, kila
Hindi tinigilan ni Hayden ang pagkagat hanggang sa malasahan na siyang dugosa kanyang bibig....Alas kwatro ng hapon. Sinabihan ng paaralan si Avery na may kinagat siHayden at kailangan niyang pumunta sa paaralan.Hindi maintindihan ni Avery. Si Hayden lang ang tanging estudyante sakanyang klase. Dahil wala siyang kahit na sinong kaklase, sino angkakagatin niya? Ang mga guro ba ang nakagat niya? Dahil sa posibilidad nanasa isip niya, agad na sinara ni Avery ang computer at kinuha ang kanyangmga susi.'Bakit kakagatin ni Hayden ang guro niya? Kahit na may hindi silapagkakaunawaan ng guro, hindi dapat siya gumawa ng karahasan.' Patuloy nainiisip ni Avery.Naalala niya na mabait na bata si Hayden. Kailan pa siya nagbago?Puro trabaho na lang ang inaatupag ni Avery at kahit papaano ay hindi naniya napapansin ang dalawang anak niya. Nagdesisyon siya kausapin ngmasinsinan ang dalawa mamayang gabi.Matapos makarating sa paaralan, humingi ng tawad ang guro kay Avery, "MissTa
"Huwag mo akong hawakan!" Sigaw ni Hayden.Agad binalik ang pagkakasuot ng kanyang sumbrero.Nagulat si Mrs. Cooper nang sumigaw si Hayden sa kanya.Nakatitig sina Elliot at Shea kay Hayden habang si Shea ay natatakot dahilsa pagsigaw ni Hayden. Si Elliot naman ay napahinto dahil ito ang unangpagkakataon niyang makita ang buong mukha ni Hayden. Nakita na rin angpagkakatulad niya sa mukha ni Hayden."Kaya mo bang punasan mag-isa?" Tanong ni Mrs. Cooper pagkatapos pigain angtuwalya at binigay ito kay Hayden, "May pawis sa mukha mo. Mas komportablepagkatapos mo punasan 'yan."Kinuha ni Hayden ang tuwalya at binato ito pabalik sa palanggana.Dahil mainitin ang ulo ni Hayden, kinuha ni Mrs. Cooper ang palanggana atumalis."Kung hindi mo sasabihin sa akin kung paano mo nakilala si Shea at kungbakit kayo nag-away, huwag mo nang isipin na makakauwi ka ngayon sa inyongayong gabi," bumalik ang ulirat ni Elliot at binantaan si Hayden.Nagbingi-bingian si Hayden at tumungo sa pintu
Ala singko pa lang ng umaga. Hindi niya inaasahan na nandito na agad angkanyang ina!Kahit na sinasabi palagi ng kanyang ina na ampon siya, alam niyang labisang pagmamahal ng kanyang ina sa kanya."Hayden!" Nakita ni Avery ang kanyang anak na nakaupo sa pasimano kasamaang mga naglalakihang lalaki sa tabi niya. Napuno ng luha ang kanyang mgamata.Nang marinig ang boses ni Avery, tumayo si Elliot sa sofa at tumungo sapintuan.Hindi pinigilan ng mga gwardya si Avery.Natuklasan nila kung gaano kamahal ni Elliot ang babaeng ito.Kahit na dati niyang asawa ito ngayon, wala pa rin siyang pinagkaiba saibang babae na nakilala ni Elliot.Nakita ni Elliot si Avery na buhat-buhat si Hayden habang namumula angkanyang mga mata, tumingin siya na parang minaltrato ang anak niya."Avery, mag-usap tayo."Bumulusok si Avery, "Anong karapatan mong dalhin si Hayden dito sa bahaymo?! May permisyon ka ba? Labag sa batas ang ginawa mo!"Kumunot ang noo ni Elliot, "Hindi ko siya sinaktan! Gus
Nang narinig siya ni Avery, umismid siya."Anong ibig mong sabihin sa lalaking iyon? May pangalan siya." Pagtatama niAvery sa kanya, "Pwede bang magpakita ka naman ng kaunting respeto?"Sinabi ni Elliot, "Respeto? Respeto ba ang sinasabi mo? Magkasama na bakayo ng lalaking 'yon bago tayo maghiwalay, nagpakita ka ba respeto saakin?""Linawin natin. Pumirma ako sa divorce natin 'nong apat na taon na angnakalilipas. Ayaw mong pirmahan ang mga 'yon!""Hangga't hindi pa ako pumipirma, legal pa rin ang kasal natin. Paano monagawang lokohin ako?!" Bulalas ni Elliot sa kanya.Nakita ni Avery kung gaano ka-seryoso ang itsura niya, halos makumbinsisiya nito na niloko niya si Elliot!"Kailan ko pa inamin na kasama ko siya bago ng divorce natin?" napatigil siAvery, "Haka-haka mo lang ang lahat ng 'yan! Kung gusto mong paghinalaanang sarili mo na niloko ka, huwag mo akong sisihin!"Humugot ng malalim na hininga si Elliot para ikalma ang sarili, "Kungganoon, anong pangalan niya?""B