Ang tensyon sa pagitan nina Elliot at Avery ay lumaki ng husto. Nakaupo sila tabi ang isa't-isa pero mukhang nasa bingit sila ng giyera. Takot na mag-away sila, agad na nagdala si Mrs.Cooper isang buong plato ng sariwang prutas."Kumain na ba kayo ng tanghalian, Madam? Nag-iwan ako ng pagkain para sa'yo."Tinapak ni Avery ang kanyang mga paa at nagmartsa papunta sa kusina. Pinanood siya ni Elliot umalis. Hindi niya matukoy ang mga iniisip ni Avery. Kung galit na galit siya, malamang ay hindi siya mananatili para mag-tanghalian. Pero, ang galit sa mga mata ang imposibleng itanggo na galit siya. Kinaligtaan ni Avery ang kanyang almusal at tanghalian, kaya nagsisimula nang manakit ang tiyan niya sa gutom. Inabot siya ng halos isang oras bago matapos ang kanyang pagkain dahil ang pagkagutom sa kanyang tiyan ang magiging dahilan ng hindi pagkatunaw ng pagkain at ang magdadagdag sa kanya sa kasalukuyang kahirapan. Nang naglakad siya sa kusina, wala na si Elliot sa sala. "
Kung natuluyan nga kagabi si Elliot, masisiguro bang mapaparusahan ang may salarin?Kahit na binayaran ng isang mamamatay tao ang kanyang mga krimen, maibabalik ba nito ang buhay ni Elliot?Syempre hindi. "Hindi kita sinisisi, Elliot...Hindi ko lang agad matanggap kung paano panghawakan ang mga bagay bagay..." sinabi ni Avery sa tono na kasing lambot ng bulak. "Hindi mo kailangang tanggapin. Kailangan mo lang malaman na hindi ako mananakit ng inosente.""Okay.""Magpahinga ka na," sinabi ni Elliot, tapos ay dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ni Avery para makatulog. Balot sa kanyang mga bisig at pinalibutan ng kanyang kakaibang amoy, agad na nakatulong ng mahimbing si Avery. Ala-singko ng hapon, nakatanggap ng tawag si Avery sa pulis para hingin ang kanyang presensya sa istasyon agad agad. Binaba niya ang kanyang telepono at nagmadaling lumabas ng bahay nang hindi sinasabihan si Elliot. Nang makarating siya sa istasyon, agad na bumaling ang tingin niya sa mapulang ma
Marahas na inalis ni Avery ang hawak ni Wanda sa kanyang braso. Nakilala ni niya ang sasakyan ni Elliot at kung sino ang nagmamaneho. Nang bumukas ang pintuan ng sasakyan, lumabas ang gwardya at sumugod patungo kay Wanda. Natakot si Avery na halos paluin niya si Wanda. Nagmadali siya sa tabi ng gwardiya at hinila ito pabalik. "Huwag niyo siyang hawakan! Kakamatay lang ng anak niya. Natural lang na maging emosyonal siya.""Ha...Hula ko na hindi ka pa napapalayas ng pamilyang Foster! Ang galing mo ring mang-akit ng lalaki, 'no?" panunuya ni Wanda. Tinaas ng gwardya ang kanyang kamay at handa nang sampalin si Wanda sa mukha. Pinigilan siya ulit ni Avery at sinabi, "Bumalik ka na sa sasakyan. Papasok ako pagkatapos marinig ang sasabihin niya."Pumukol ng nakakatakot na tingin ang gwardiya kay Wanda, binalaan na huwag hawakan ni daliri si Avery. Nakaramdam ng panginginig si Wanda sa kanyang buto, pero hindi siya magpapagapi rito.Ngayon na patay na ang kanyang anak, kaila
"Opo, Ma. Ako po ito," sagot ni Elliot.Nabilaukan si Avery at nagsimulang umubo ng bayolente. Tinawag niya ng "Ma"! ang nanay niya!"Ito po ang problema. Sinabi ni Avery na parang gusto niyang kumain ng luto mo, pero hindi po madali sa akin na pumunta sa lugar niyo. Iniisip kong magpa-book sa malapit na restaurant, at iniisip ko po kung pwede ka pong pumunta at magluto roon," marahan na sabi ni Elliot sa kalmadong boses. "Sige ba! Ipadala mo lang sa akin kung saan at pupunta agad doon," tugon ni Laura. Gulat na gulat na nakatitig si Avery sa kanya, talagang nahibang sa mga kinikilos niya. "Nahihibang ka ba? Simple ko lang na sinasabi 'yon...Talagang tinawagan mo ang nanay ko para ipagluto ako?!" sigaw ni Avery. "Hindi mo naman siniseryoso talaga ang mga sinasabi ko ah. Anong nangyari sa'yo?""Se-seryosohin na kita mula ngayon," sinabi ni Elliot habang ang kanyang mga mata at boses ay naging seryoso. Isang alon ng init ay bumuhos kay Avery at namula ang kanyang mukha. Paki
Sa restaurant, nilapag ni Laura ang mga naluto nang mga ulam sa lamesa. "Halika muna rito sandali, Avery," tawag ni Laura sa kanyang anak. Sinunod ni Avery ang kanyang ina at naglakad patungo sa banyo. "Nag-away ba kayo ni Elliot?" tanong ni Laura."Halata po ba?" sagot ni Avery, walang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Ito ay dahil ilang beses na siyang nadismaya kaya namanhid na lang siya. "Oo. Mukha kayong mag-aswa na nasa dulo na ng diborsyo," sabi ni Laura. "Ang itsura ng iyong mukha ay eksakto sa iyong ama at mukhang ito yung panahon pumunta kami para pirmahan ang mga papeles sa diborsyo."Hindi mapigilan ni Avery ang mapait niyang tawa. "Hindi namin pinag-usapan ang paghihiwalay. Ito ay...Tungkol lamang sa pagkakaroon ng anak...Hindi naman mapag-usapan ang tungkol dito.""Sa tingin ko nga. Hindi pa rin ba siya handang magkaanak? Sinabi niya ba kung bakit?"Umiling si Avery at sinabi, "May depresyon siya. Sa tuwing iniisip ko ang tungkol doon, sinasabihan k
Gumagaling ng maayos ang mga paa ni Elliot, at nakakagalaw na siya ng mas malaya gamit ang tungkod. Bumangon siya sa kama at naglakad patungo sa aparador para pumili ng damit na susuotin niya ngayon araw. Karamihan sa mga damit niya ay may matingkad kulay. Kumunot ang noo niya habang kinukuha ang kadiliman sa kanyang aparador. Naglakad palayo si Elliot sa kanyang aparador nang wala siyang mapiling sang-ayon na damit tapos ay tinawagan niya si Chad. "Chad, gusto ko ng matingkad na kulay na suit.""Sige po, Sir. Naghahanap ka po ba ng kaswal o pormal na suit?"Kaswal.""Masusunod. Kukuhain ko na agad," sabi ni Chad. "Maiba tayo, ang taga-disenyo ng alahas na sinabi mong kontakin ko ay natapos na ang ginuhit niyang hinihingi mo. Pinadala ko ang mensahe sa'yo. Maari na nilang ituloy iyon sa oras na sumang-ayon ka sa guhit.""Sige," sagot ni Elliot. Binaba niya ang tawag, tapos ay pumasok siya sa kanyang silid at binuksan ang computer. Ang paparating na New Year's Eve ay a
Walang epekto si Avery sa mga sinabi ni Tammy. Totoo na ang relasyon niya kay Elliot ang pinaka-boring sa lahat. Tulad noong nakaraang linggo, ginugol nila ang buong oras sa bahay. Kung hindi nagbabasa ng libro si Elliot sa sala ay nagta-trabaho naman siya sa kanyang silid. Si Avery, sa kabilang banda, ay kung hindi gumagawa ng thesis ay nagbabasa naman sa sala kasama siya. Nasa ibang lenggwahe ang libro ni Elliot na hindi maintindihan ni Avery. Binabasa ni Avery ang libro ni Professor Hough sa neurolohiya. Sigurado siya na wala ring maintindihan si Elliot doon, kaya pakiramdam niya ay pantay lang sila."Ang ganda nito. Binigay ba ito ng boyfriend mo?""Oo! Regalo niya 'nong pasko. Nakaukit din diyan ang pangalan ko!""Pwede kang magpagawa ng alahas na may libreng ukit na hindi bababa sa sampung bucks," mapresyong sinabi ni Avery. "Hindi mo na dapat iniisip ito!"Hindi iyon inisip ni Tammy. "Ang tungkol lang naman sa pag-ukit, masaya lang ako na may binigay siya sa
Nakatali ang buhok ni Avery sa isang simpleng pusod, at nakabihis ng asul na denim jacket sa ilalim ng mahabang puting bestida. Dala ang gitara sa kanyang mga kamay, umupo siya sa mataas na upuan na nakapwesto sa gitna ng entablado. Inayos niya ang mic sa harap niya, dumilim ang ilaw sa paligid, at naiilawan siya ng ilaw ng spotlight na nakatutok sa kanya. Ang melodiya pagkalabit niya sa kanyang gitara ay nagsimulang umalingawngaw sa buong bulwagan, kasunod ang kanyang mala-anghel na pagkanta. Ang tingin niya ay partikular na hindi hinanap ang kahit na sino sa mga tao, pero ramdam niya ang pares ng mga mata na mariin siyang pinapanood. Pinikit ni Avery ang kanyang mga mata at tinuon ang sarili sa kanyang palabas. Pagkatapos noon, lumiwanag ang entablado at ang makulay na alon ng mga talulot ng bulaklak ay lumutang pababa mula sa dingding. Naging sabik ang mga tao, sabay sabay na humiyaw. Minulat ni Avery ang kanyang mga mata, kumibot ang makapal niyang pilik-mata.Ang