At suot na ni Ling Yiran ang mga damit na 'yun! Para bang hindi naging komportable si Hua Lifang sa nakita niya."Magtitingin pa sana ako ng damit na pangpalit para sa'yo, pero nakapagpalit ka na pala," sabi ni Hua Lifang, pagkatapos ay kumapit siya nang mahigpit sa braso ni Gu Lichen at nagsalita ulit, "Hayaan mong ipakilala ko siya sa'yo Lichen. Siya ay si...""Okay lang, magkakilala na kami," sabi ni Gu Lichen.Ang akala ni Hua Lifang ay si Yi Jinli lang ang kilala ni Gu Lichen, pero kilala din nito si Ling Yiran.Parang biglang nagpanic si Hua Lifang, Pero, napakalma niya din ang sarili. 'Okay lang, ni hindi nga maalala ni Yiran kung anong nangyari nung taong 'yun!'Dahil nahanap siya ni Gu Lichen, ibig sabihin walang sinabing kahit ano si Yiran kay Gu Lichen.Hangga’t kaya niyang magkunwari na siya ang nagligtas kay Lichen nung bata pa ito, hindi pa natin masasabi kung ano ang mangyayari sa kanya.Napatingin si Ling Yiran sa braso ni Hua Lifang na nakakapit sa braso ni Gu L
Tumingin si Hua Lifang kay Gu Lichen at para bang wala ito sa sarili, at nakaramdam siya ng selos. 'Magkakilala si Lichen at Ling Yiran, at mukhang may tinatago at pinipigil si Lichen ngayon.'Posible kaya na si Gu Lichen at Ling Yiran... Hindi, hindi pwede!Mabilis na pinakalma ni Hua Lifang ang sarili niya. 'Siya ang crown prince ng entertainment industry. Paano siya naging interesado sa isang babaeng galing sa kulungan?''Nakadali ng swerte si Ling Yiran dahil nahulog sa kanya si Yi Jinli!'Kahit na, ang nasa isip ni Lichen ay ako ang nagligtas sa kanya nung bata pa siya! Kaya ako ang pinaka-importanteng tao sa puso niya!'Ang kailangan ko nalang gawin ay samantalahin ang pagkakataong ito at hindi hayaang malaman ni Lichen ang totoo!'"Ang swerte ni Yiran na naging boyfriend niya si Yi Jinli. Dumating pa nga si Yiran sa ospital kanina nang nakadamit pangkasal. Ikakasal na ba sila...? Tumigil ang pagsasalita ni Hua Lifang dahil hindi naman nakikinig si Gu Lichen sa kanya. Nakat
"Oo, hindi na magkakaroon ng issue katulad nun. Masaya ako na nakita niya na ang taong matagal niya nang hinahanap," sabi ni Ling Yiran.At hindi na iiyak nang matindi ang lalaking 'yun! Bigla nitong naalala ang pag-iyak ni Gu Lichen sa harap niya nung gabing 'yun.Somehow, there was a tightness in her chest and a dull ache in her head.Napatigil si Ling Yiran, tinaas ang kamay niya, at pinalo palo ang isang parte ng noo niya."Bakit, anong meron?" tanong ni Yi Jinli.Wala naman, parang... bigla lang sumakit yung ulo ko," sagot niya.Sumimangot si Yi Jinli nang tignan niya si Ling Yiran na medyo namumutla. "Mukha kang magkakasakit. Bakit hindi tayo humanap ng lugar na pwede mong tulugan para makapahinga ka saglit?"Sa lugar na 'yun, wala man lang totoong hotel na malapit, ilang motel lang ang meron."Hindi na, ayos lang," sabi ni Ling Yiran. Mabilis lang din nawala ang sakit ng ulo nito habang nagsasalita siya. "Nawala na ang sakit ng ulo ko. Gusto ko nang bumalik doon at makas
May isang taong nakakita kay Ling Yiran nang pumasok ito at sinabi, "Huy, akala ko kamo si Ling Yiran ang may pinakamagandang potensyal sa pamilya niyo. Sinong mag-aakala na kung sino ang matalino at magaling nung bata eh siya ngayon ang bagsak, at si Lifang pala ang pwedeng ipagmalaki ng Lu family?Ang taong yun ay sinusubukang bolahin si Hua Lifang sa pamamagitan ng pagmamaliit kay Ling Yiran, at ito ang gustong ding marining ni Hua Lifang. Ito ay dahil nung mga bata pa sila, lagi silang pinagkukumpara sa isa't isa dahil magkamukha sila at magkalapit ng edad.Nung bata pa sila, si Ling Yiran ang tipo ng estudyante na magaling talaga sa eskwela at nakapasok pa nga ito sa isang prestihiyosong unibersidad, kaya si Hua Lifang ay laging napapahiya pag nakukumpara ito sa kanya.Kaya si Hua Lifang ay gustong gusto na pinupuri at ipinagmamalaki siya sa harap ni Ling Yiran, pero ito ay nung bago pa nila malaman na si Yi Jinli ang boyfriend ni Ling Yiran.Ngayong nalaman na niya kung sino
Natulala si Ling Yiran kay Yi Jinli. Ilang saglit lang, sinabi nito, "Kung ganon, siguro masyado na akong maraming pinagdaanan... Para lang makilala ka at mahulog din ako sa'yo. Siguro kung hindi ko naranasan ang mga ‘to, baka hindi tayo magkakilala at maging ganito ngayon."Kung hindi siguro siya nakulong, baka kinasal na siya kay Xiao Zigi at nanatiling abugado. Pero, baka hindi niya pa rin makasundo ang Xiao family pagkatapos nilang ikasal.Syempre, posible din na hindi niya pinakasalan si Xiao Zigi dahil sa pagkontra ng mga magulang nito.Baka hindi niya din makilala si Yi Jinli nung gabing gusto siyang ipakasal ng mga tito niya at hindi niya rin ito madadala sa bahay nila.Siguro hindi talaga sila magtatagpo ng landas na parang dalawang tuwid na linyang hindi magkakonekta. Para bang kinilig at natuwa si Yi Jinli sa sinabi nito. Dahan-dahan niyang niyakap si Ling Yiran, sinubsob ang mukha niya sa leeg nito, at inamoy ang katawan nito. "Oo, baka nga... naranasan mo 'yun lahat
Tinatanong ni Gu Lichen ang sarili, 'Ano 'tong tinitignan ko? 'Di ba si Hua Lifang na nga ang taong matagal kong hinahanap?'Ang taong sumalba sa buhay niya ay si Hua Lifang, at base sa imbestigasyon niya, si Hua Lifang ay nahirapan sa buhay nitong mga nakaraang taon. Ang kailangan niyang gawin ay alagaan si Lifang nang maayos at bigyan si Lifang ng magandang buhay kapalit ng pagsalba nito sa kanya.Pero, pagkatapos niyang mahanap si Lifang, pakiramdam niya ay hindi pa rin siya kumpleto at para bang may nawala sa kanya."Anong tinitignan mo, Lichen?" nagsalita si Hua Lifang.Lumingon si Gu Lichen para tignan si Hua Lifang na papunta sa kanya. Nilapitan niya ito at sinabi, "Wala naman, uuwi na din ako. Tawagan mo nalang ako kung magkaproblema man dito.""Uuwi ka na ba ngayon?" Parang ayaw pa ni Hua Lifang na umuwi ito. "Gabing-gabi na. Bakit hindi ka nalang dito matulog at bukas ka na umuwi. May mga kwarto pa namang bakante dito na pwede mong tulugan.""Hindi na, okay lang. May mg
Napakagat ng labi si Hua Lifang. "Kung hindi ba kita niligtas, hindi ka magiging mabait sa'kin?"Ang gusto lang naman niya ay sagutin siya ng hindi, pero parang biglang nag-iba ang tingin nito sa kanya galing sa mala-phoenix niyang mata.Kalmado lang ang tingin ng lalaking ito sa kanya na parang nakatingin sa hindi niya kakilala.Para bang may kirot na naramdaman si Hua Lifang at gustong niyang bawiin ang sinabi niya. "Gusto... Gusto ko lang naman na maging mabait ka sa'kin hindi lang dahil niligtas kita, kundi dahil... Dahil sa iba pang rason..." nanginginig itong nagsalita."Sige na, wag ka na masyado mag-isip. Gumagabi na masyado, kaya kailangan mo nang magpahinga nang maaga," sabi ni Gu Lichen.Habang nagsasalita siya, binuksan niya ang pinto at bago siya pumasok ng kotse nagsalita bigla si Hua Lifang sa likod niya at sinabi, "Ingat ka pauwi, Chenchen!"Nagulat si Gu Lichen nang marinig niya ang salitang 'Chenchen'. Pumasok bigla sa isip niya yung araw na merong isang batang b
Pinakita ng mga painting na ito ang mga imahe tulad ng pagpasan sa kanya pababa ng burol o ang pag-aalaga nito sa kanya sa kakahuyan.Nung panahong 'yun, ang isa't isa lang ang inaasahan nila.Sa unang pagkakataon, naisip niya na sa sobrang importante ni Hua Lifang ay baka hindi niya kayaning mabuhay nang wala siya.May isa lang na kakaiba sa mga painting na 'to.Hindi siya painting ng isang bata, kundi mukha ng isang dalaga. Ang babae sa painting ay nakangiti nang bahagya. Ang mala-almond niyang mata ay napakasimple lang at napakaamo, pero ang mga taong nakakakita nito ay nagagandahan dito. Para bang kapag tinitigan ka ng ganung mata ay makakalma ka pero parang di ka rin mapapakali.Tumayo si Gu Lichen sa harap ng painting, tinititigan niya ang taong nasa painting gamit ang kanyang mala-phoenix na mata. Para bang nakita sa mga mata niya ang sakit ng pinagdaanan nito.Kung andito lang si Ling Yiran, malalaman niyang siya ang taong nasa painting!"Bakit hindi siya ikaw?" rinig an
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at