'Anghel ...' Kumislot ng kaunti ang mga pilikmata ni Yi Jinli. Siguro siya ay tulad ng isang anghel sa kanya.Iniligtas niya siya mula sa kailaliman nang siya ay sobrang manhid na hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng buhay.Kung wala siya, siya ay mabubuhay ng walang katuturan lamang."Ano sa palagay mo, Jin?" tanong ni Ling Yiran. Tumingin siya sa salamin pagkatapos subukan ito ngunit hindi siya parang ang sarili.Bagaman hindi ito opisyal na damit-pangkasal, napakaganda nito na napabuntong hininga siya. Marahil ang bawat babae ay nagkaroon ng pagkahumaling sa mga damit sa kasal.Naalala niya noong nakakita siya ng isang babaeng ikakasal na nakasuot ng damit-pangkasal bilang isang bata at naisip na ang kanyang damit ay maganda. Pagkatapos, napaisip siya kung kailan niya maisusuot ang gayong damit at kung ang isang kwentong-adang prinsipe ay darating upang hawakan ang kanyang kamay.Ngayon ... talagang nakilala niya ang kanyang prinsipe!Napatingin si Ling Yiran kay Yi Jinl
"Malaswa?" tinignan ni Qin Lianyi ang suot niyang damit. Ito ay isang uri ng bistida na nakakaba nang kaunti mula sa balikat at ang ibabang parte nito ay maikli sa unahan at mahaba naman sa likod. Ang parteng unahan ay hanggang tuhod ang haba at ang likod naman ay medyo malapit na sa sakong.Medyo lumaki ang dibdib niya dahil sa istilo ng pagkakagawa ng damit na ito. Ang bewang din niya ay maganda ang pagkakaposisyon.Sa madaling salita, ang damit na ito ay nakakalaki ng dibdib at nakakaliit ng bewang.Ganitong hubog ng katawan ang pinapangarap ng mga babae!Tinaas ni Qin Lianyi ang dibdib niya gamit ang kanyang kamay at sinabi nito kay Bai Tingxin, "Hindi ka ba nasesexy-han sa suot ko? Naging mas maganda ang hubog ng katawan ko."Natahimik bigla si Bai Tingxin. Babae... pa ba siya? Pinapakita niya ang kasexy-han niya sa harap nito! Hindi ba niya nakikita na lalaki ang kausap niya?Kahit na mag-syota sila, sa puso niya, kahit kailan ay hindi niya ito itinuring na boyfriend!Sig
Habang nasa daan, humigpit ang pagkahawak nito sa cellphone at namula ang mga mata nito.'Nakalabas na si Lola ng ospital at umuwi na ito para magpagaling. Ang akala ko bumabalik na ulit ang lakas ni Lola, pero paano nangyari 'to?'Yung tawag kanina ay galing sa nurse doon sa ospital. Sinabihan ng lola niya ang nurse na tawagan siya at sabihing nasa ospital ito. Para bang malapit na itong mamatay at may mga oras din na na-cocoma ito. Ang huling hiling ng lola niya ay makita siya bago mamatay!Sabi ng nurse, na-ospital ang lola niya ng tatlong araw, pero sila First Uncle, Second Uncle at Third Aunt ay hindi man lang siya sinabihan!Kung hindi siya tinawagan ng nurse ngayon, hindi niya na kaya makikita ang lola niya sa huling pagkakataon?'Hindi, hindi. Hindi ito ang huling pagkakataong makikita ko si Lola,' paulit-ulit niya itong sinasabi sa loob loob niya, pero ang kamay niya ay nanginginig nang nanginginig habang hawak ang cellphone.Pero, bigla nalang may humawak sa nanginginig
At sa bandang huli, hindi natapos ni Lola ang mga huling salita niya. Naiwang nakabukas ang mga mata at bibig nito, pero hindi na ito humihinga.Natulala si Ling Yiran habang tumutulo ang luha sa mata niya.Ang mga doktor at nurse sa tabi nila ay binigay ang oras ng pagkamatay nito at sinabi kay Ling Yiran, "Nakikiramay kami, Miss Ling."'Nakikiramay..." Ang nag-iisang pamilyang nagmahal sa kanya ay pumanaw na!Sumigaw bigla si Ling Yiran at humiga sa tabi ng mainit init pang katawan ng lola niya habang umiiyak ito.Ang katawan niya... mainit pa, pero hindi na siya humihinga at wala na rin ang tibok ng puso nito. Hindi niya na marinig ang Lola niyang tinatawag siyang Yiran at hindi niya na makita itong nakangiti sa kanya...Umiiyak si Ling Yiran habang nakatayo nang tahimik si Yi Jinli sa tabi niya.Alam niyang marami siyang luhang iiiyak ngayon. Ang lola niya ang nagsilbing gabay sa kanya. Siya din ang naging tagapagtanggol niya nung nawala ang nanay niya.Pero, hindi niya na
Dalawang oras palang ang nakalipas nang mamatay ang lola niya at doon lang dumating ang unang tito, pangalawang tito at pangatlong tita niya sa ospital, isa-isa lang ang pagpunta nila ayon sa abiso ng ospital.Ang lolo naman ni Ling Yiran na si Old Man Lu ay hindi nakapunta dahil hindi rin maganda ang kalusugan nito. Natatakot siya na baka masyado siyang malungkot at lalong lumala ang ang kalagayan niya pag nakita niya ang katawan nito.Hindi alam ni Ling Yiran kung anong mararamdaman ng lola niya sa hindi pagpunta ng lolo niya.Nung nakita nila First Uncle, Second Uncle at Third Aunt si Ling Yiran, ang una nilang sinabi ay dapat si Ling Yiran ang magbayad ng magiging libingan ng lola niya pati na rin ang pagbuburol nito na dapat sana ay nanay niya ang gagawa. Hindi siya makatakas dito!Hindi napigilan ni Ling Yiran ang magalit. Kakamatay lang ng lola niya, pero sila First Uncle, Second Uncle at Third Aunt ay sa pera lang may pakialam!"Bayad?" tanong ni Yi Jinli, na kanina pa nan
Nagsalita si First Uncle at galit na galit ito, "Ikaw, pinakulong mo kami nang matagal. Bakit di ka humingi ng paumanhin at magbayad ngayon? Kung hindi mo 'to gagawin, magdudusa ka.""Hindi lahat ng tao ay kaya akong paghingin ng paumanhin," tamad na sagot ni Yi Jinli.Nalito si Ling Yiran. 'Anong nangyayari? Nung una natatakot pa si First at Second Uncle kay Jin pero pagkatapos ng sinabi ni Third Aunt, nag-iba bigla ang kilos at pananalita nila.'Dahil ba sa nakahanap ng backup ang anak ni Third Aunt na si Sis Lifang?'Pero bigla nitong naalala na si Sis Lifang ay may maliit na negosyo kasama ang asawa niya at hindi naman ito kumikita ng malaki katulad ng ibang residente doon. Anong klaseng backup kaya ang meron siya?"Sige, hindi ka hihingi ng paumanhin, ‘di ba? Kahit na lumuhod ka dyan at magmakaawa, hindi ka makakalusot ng ganun ganun lang!" Matapang na sagot ni First Uncle.Pakiramdam ni Third Aunt ay nanunuod siya ng palabas at sinabi, "Yiran, bilang tita mo, pinapaalalahan
"Kalimutan mo na, Jin. Kakamatay lang ni Lola, ayoko nang guluhin pa siya," sabi ni Ling Yiran.'Sa kabila ng lahat, si Third Aunt ay anak pa rin ni Lola!'Kahit na gaano siya kagalit kay Third Aunt, hindi niya na gusto pang guluhin ang lola niya sa ganitong sitwasyon.Ang gusto niya ay makaalis man lang si Lola nang tahimik."Sige," Mahinahong sumagot si Yi Jinli at binitawan na nito ang kamay ni Third Aunt.Nawalan ng balanse si Third Aunt at napatapak ito patalikod bago siya ulit nakatayo nang maayos.Sumama ang tingin ni Third Aunt kay Ling Yiran habang hawak ang masakit pa nitong kamay at namumutla ang mukha nito. Pero, hindi niya na sinubukan lumapit pa dito katulad ng ginawa niya kanina."Hayop ka, 'pag dumating si Lifang, ikaw ang..."Bago pa siya matapos, may isa pang taong nagsalita at sinabi, "Anong kailangan mo, Ma?"Lumingon si Ling Yiran para tignan ang pinsan niyang si Hua Lifang habang papasok ito.Nakasuot si Hua Lifang ng damit na galing sa bagong koleksyon
Tumingin si Yi Jinli kayla Gu Lichen at Hua Lifang, at parang nagliwanag ang mga mata nito. Kasabay ng bahagyang pag-ngiti, nilagay niya ang kamay sa balikat ni Ling Yiran at sinabi nito kay Gu Lichen, "Hindi ko inaasahang makikita kita dito, Lichen."Lumingon si Gu Lichen kay Yi Jinli. "Hindi kita nakita nang ilang araw."Si Third Aunt, na magsusumbong na sana sa anak niya ng mga hinanakit nito, ay nagulat din dito. At nagtanong ito na para bang wala siyang kaalam alam, "Magkakilala kayo?"At tinignan ulit ni Gu Lichen si Yi Jinli na parang napaisip ito. "Hindi ba nila alam kung sino ka?"Sumagot si Yi Jinli, "Hindi siguro. Hindi naman ako ganun ka sikat katulad mo, pero medyo napapaisip ako. Bakit ka nandito at..." Napatingin ito kay Hua Lifang na nakatayo sa tabi ni Gu Lichen. "Kasama mo ang babaeng ito? Nung sinabi nila na ang babaeng 'to ay may malakas na backup, ikaw siguro ang tinutukoy nila."Nag-iba ang mukha ni Gu Lichen nang mapatingin ulit ito kay Ling Yiran na nakasuo