Share

Kabanata 648

At sa bandang huli, hindi natapos ni Lola ang mga huling salita niya. Naiwang nakabukas ang mga mata at bibig nito, pero hindi na ito humihinga.

Natulala si Ling Yiran habang tumutulo ang luha sa mata niya.

Ang mga doktor at nurse sa tabi nila ay binigay ang oras ng pagkamatay nito at sinabi kay Ling Yiran, "Nakikiramay kami, Miss Ling."

'Nakikiramay..." Ang nag-iisang pamilyang nagmahal sa kanya ay pumanaw na!

Sumigaw bigla si Ling Yiran at humiga sa tabi ng mainit init pang katawan ng lola niya habang umiiyak ito.

Ang katawan niya... mainit pa, pero hindi na siya humihinga at wala na rin ang tibok ng puso nito. Hindi niya na marinig ang Lola niyang tinatawag siyang Yiran at hindi niya na makita itong nakangiti sa kanya...

Umiiyak si Ling Yiran habang nakatayo nang tahimik si Yi Jinli sa tabi niya.

Alam niyang marami siyang luhang iiiyak ngayon. Ang lola niya ang nagsilbing gabay sa kanya. Siya din ang naging tagapagtanggol niya nung nawala ang nanay niya.

Pero, hindi niya na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status