At sa bandang huli, hindi natapos ni Lola ang mga huling salita niya. Naiwang nakabukas ang mga mata at bibig nito, pero hindi na ito humihinga.Natulala si Ling Yiran habang tumutulo ang luha sa mata niya.Ang mga doktor at nurse sa tabi nila ay binigay ang oras ng pagkamatay nito at sinabi kay Ling Yiran, "Nakikiramay kami, Miss Ling."'Nakikiramay..." Ang nag-iisang pamilyang nagmahal sa kanya ay pumanaw na!Sumigaw bigla si Ling Yiran at humiga sa tabi ng mainit init pang katawan ng lola niya habang umiiyak ito.Ang katawan niya... mainit pa, pero hindi na siya humihinga at wala na rin ang tibok ng puso nito. Hindi niya na marinig ang Lola niyang tinatawag siyang Yiran at hindi niya na makita itong nakangiti sa kanya...Umiiyak si Ling Yiran habang nakatayo nang tahimik si Yi Jinli sa tabi niya.Alam niyang marami siyang luhang iiiyak ngayon. Ang lola niya ang nagsilbing gabay sa kanya. Siya din ang naging tagapagtanggol niya nung nawala ang nanay niya.Pero, hindi niya na
Dalawang oras palang ang nakalipas nang mamatay ang lola niya at doon lang dumating ang unang tito, pangalawang tito at pangatlong tita niya sa ospital, isa-isa lang ang pagpunta nila ayon sa abiso ng ospital.Ang lolo naman ni Ling Yiran na si Old Man Lu ay hindi nakapunta dahil hindi rin maganda ang kalusugan nito. Natatakot siya na baka masyado siyang malungkot at lalong lumala ang ang kalagayan niya pag nakita niya ang katawan nito.Hindi alam ni Ling Yiran kung anong mararamdaman ng lola niya sa hindi pagpunta ng lolo niya.Nung nakita nila First Uncle, Second Uncle at Third Aunt si Ling Yiran, ang una nilang sinabi ay dapat si Ling Yiran ang magbayad ng magiging libingan ng lola niya pati na rin ang pagbuburol nito na dapat sana ay nanay niya ang gagawa. Hindi siya makatakas dito!Hindi napigilan ni Ling Yiran ang magalit. Kakamatay lang ng lola niya, pero sila First Uncle, Second Uncle at Third Aunt ay sa pera lang may pakialam!"Bayad?" tanong ni Yi Jinli, na kanina pa nan
Nagsalita si First Uncle at galit na galit ito, "Ikaw, pinakulong mo kami nang matagal. Bakit di ka humingi ng paumanhin at magbayad ngayon? Kung hindi mo 'to gagawin, magdudusa ka.""Hindi lahat ng tao ay kaya akong paghingin ng paumanhin," tamad na sagot ni Yi Jinli.Nalito si Ling Yiran. 'Anong nangyayari? Nung una natatakot pa si First at Second Uncle kay Jin pero pagkatapos ng sinabi ni Third Aunt, nag-iba bigla ang kilos at pananalita nila.'Dahil ba sa nakahanap ng backup ang anak ni Third Aunt na si Sis Lifang?'Pero bigla nitong naalala na si Sis Lifang ay may maliit na negosyo kasama ang asawa niya at hindi naman ito kumikita ng malaki katulad ng ibang residente doon. Anong klaseng backup kaya ang meron siya?"Sige, hindi ka hihingi ng paumanhin, ‘di ba? Kahit na lumuhod ka dyan at magmakaawa, hindi ka makakalusot ng ganun ganun lang!" Matapang na sagot ni First Uncle.Pakiramdam ni Third Aunt ay nanunuod siya ng palabas at sinabi, "Yiran, bilang tita mo, pinapaalalahan
"Kalimutan mo na, Jin. Kakamatay lang ni Lola, ayoko nang guluhin pa siya," sabi ni Ling Yiran.'Sa kabila ng lahat, si Third Aunt ay anak pa rin ni Lola!'Kahit na gaano siya kagalit kay Third Aunt, hindi niya na gusto pang guluhin ang lola niya sa ganitong sitwasyon.Ang gusto niya ay makaalis man lang si Lola nang tahimik."Sige," Mahinahong sumagot si Yi Jinli at binitawan na nito ang kamay ni Third Aunt.Nawalan ng balanse si Third Aunt at napatapak ito patalikod bago siya ulit nakatayo nang maayos.Sumama ang tingin ni Third Aunt kay Ling Yiran habang hawak ang masakit pa nitong kamay at namumutla ang mukha nito. Pero, hindi niya na sinubukan lumapit pa dito katulad ng ginawa niya kanina."Hayop ka, 'pag dumating si Lifang, ikaw ang..."Bago pa siya matapos, may isa pang taong nagsalita at sinabi, "Anong kailangan mo, Ma?"Lumingon si Ling Yiran para tignan ang pinsan niyang si Hua Lifang habang papasok ito.Nakasuot si Hua Lifang ng damit na galing sa bagong koleksyon
Tumingin si Yi Jinli kayla Gu Lichen at Hua Lifang, at parang nagliwanag ang mga mata nito. Kasabay ng bahagyang pag-ngiti, nilagay niya ang kamay sa balikat ni Ling Yiran at sinabi nito kay Gu Lichen, "Hindi ko inaasahang makikita kita dito, Lichen."Lumingon si Gu Lichen kay Yi Jinli. "Hindi kita nakita nang ilang araw."Si Third Aunt, na magsusumbong na sana sa anak niya ng mga hinanakit nito, ay nagulat din dito. At nagtanong ito na para bang wala siyang kaalam alam, "Magkakilala kayo?"At tinignan ulit ni Gu Lichen si Yi Jinli na parang napaisip ito. "Hindi ba nila alam kung sino ka?"Sumagot si Yi Jinli, "Hindi siguro. Hindi naman ako ganun ka sikat katulad mo, pero medyo napapaisip ako. Bakit ka nandito at..." Napatingin ito kay Hua Lifang na nakatayo sa tabi ni Gu Lichen. "Kasama mo ang babaeng ito? Nung sinabi nila na ang babaeng 'to ay may malakas na backup, ikaw siguro ang tinutukoy nila."Nag-iba ang mukha ni Gu Lichen nang mapatingin ulit ito kay Ling Yiran na nakasuo
Sa Shen City siya nakatira nung mga nakaraang araw kasama si Gu Lichen, kaya malamang, mas alam niya kung anong meron sa pangalang Yi Jinli!Si Yi Jinli pala... ang boyfriend ng pinsan niya!'Diba nakulong na dati si Ling Yiran? Paano siya nakahanap ng boyfriend na katulad niya?'Hindi lang si Yi Jinli, pero... pati si Hua Lifang ay napatingin kay Gu Lichen na nasa tabi nito. Napakalma niya ang sarili niya at pilit na ngumiti. "Ikaw pala si Mr. Yi! Yiran, bakit 'di mo sinabi sa'min na si Mr. Yi Jinli ang boyfriend mo nung dinala mo siya dati? Baka isipin ng iba na hindi tayo magkakilala."Biglang nagsalita si Third Aunt habang nakangiti, "Huy, Yiran, maswerte ka at naging boyfriend mo si Mr. Yi. Makakapahinga nang tahimik ang lola mo kung nalaman niya 'to. Mga kuya ko, bakit nakatayo lang kayo dyan? Bilisan niyo at humingi kayo ng tawad kay Yiran! Hindi maganda ang ginawa niyo sa kanya dati!"Nag-iba bigla ang ugali ni Third Aunt.Nagtinginan sila First Uncle at Second Uncle. Par
At suot na ni Ling Yiran ang mga damit na 'yun! Para bang hindi naging komportable si Hua Lifang sa nakita niya."Magtitingin pa sana ako ng damit na pangpalit para sa'yo, pero nakapagpalit ka na pala," sabi ni Hua Lifang, pagkatapos ay kumapit siya nang mahigpit sa braso ni Gu Lichen at nagsalita ulit, "Hayaan mong ipakilala ko siya sa'yo Lichen. Siya ay si...""Okay lang, magkakilala na kami," sabi ni Gu Lichen.Ang akala ni Hua Lifang ay si Yi Jinli lang ang kilala ni Gu Lichen, pero kilala din nito si Ling Yiran.Parang biglang nagpanic si Hua Lifang, Pero, napakalma niya din ang sarili. 'Okay lang, ni hindi nga maalala ni Yiran kung anong nangyari nung taong 'yun!'Dahil nahanap siya ni Gu Lichen, ibig sabihin walang sinabing kahit ano si Yiran kay Gu Lichen.Hangga’t kaya niyang magkunwari na siya ang nagligtas kay Lichen nung bata pa ito, hindi pa natin masasabi kung ano ang mangyayari sa kanya.Napatingin si Ling Yiran sa braso ni Hua Lifang na nakakapit sa braso ni Gu L
Tumingin si Hua Lifang kay Gu Lichen at para bang wala ito sa sarili, at nakaramdam siya ng selos. 'Magkakilala si Lichen at Ling Yiran, at mukhang may tinatago at pinipigil si Lichen ngayon.'Posible kaya na si Gu Lichen at Ling Yiran... Hindi, hindi pwede!Mabilis na pinakalma ni Hua Lifang ang sarili niya. 'Siya ang crown prince ng entertainment industry. Paano siya naging interesado sa isang babaeng galing sa kulungan?''Nakadali ng swerte si Ling Yiran dahil nahulog sa kanya si Yi Jinli!'Kahit na, ang nasa isip ni Lichen ay ako ang nagligtas sa kanya nung bata pa siya! Kaya ako ang pinaka-importanteng tao sa puso niya!'Ang kailangan ko nalang gawin ay samantalahin ang pagkakataong ito at hindi hayaang malaman ni Lichen ang totoo!'"Ang swerte ni Yiran na naging boyfriend niya si Yi Jinli. Dumating pa nga si Yiran sa ospital kanina nang nakadamit pangkasal. Ikakasal na ba sila...? Tumigil ang pagsasalita ni Hua Lifang dahil hindi naman nakikinig si Gu Lichen sa kanya. Nakat