Sinunod ni Ling Yiran ang mga rekomendasyon sa internet at in-order ang kanilang pagkain. Nang dumating ang kanilang pagkain, hindi lamang ang mga pagkain ng mga bata ang gawa sa lahat ng uri ng mga cute na cartoon characters, kundi pati na rin ang pagkain ng mga matatanda. Gayunpaman... Sumulyap si Ling Yiran kay Yi Jinli sa kanyang tabi. Suot niya ang kanyang terno at kurbata habang ang buhok ay nakasuklay paatras. Mukha siyang isang tipikal na piling tao sa lipunan na handang pumunta lahat ng uri ng pagdiriwang at pagpupulong. Gayunpaman, nasa harapan ngayon ni Yi Jinli ang mga pagkain na gawa sa cartoon characters. Kitang-kita ang kaibahan nito sa suot ni Yi Jinli kaya’t hindi mapigilan ni Ling Yiran na matawa. “Anong nakakatawa?” tanong ni Yi Jinli. “Wala, ano... Uh, hindi pa kita nakikitang kumain ng cartoon meal noon, at tsaka ‘yong pink na baboy sa cartoon meal na kinakain mo ay si Peppa Pig.” Paliwanag ni Ling Yiran. Tumawa ng marahan si Yi Jinli, pero kung tutuusi
Gayunpaman, ang lahat ng iyon ay labis lamang ng kanyang inaasahan. Pagkatapos maglaro ng halos kalahating oras, sinulyapan ni Ling Yiran ang oras at nakita niyang oras na pala upang ibalik na si Lil Yan. Kinarga niya ito at bumalik kay Yi Jinli. “Tapos na kayo?” tanong ni Yi Jinli nang nakataas ang kilay. “Medyo nasobrahan. Kung hindi natin ibabalik si Lil Yan ngayon ay mag-aalala na si Sis Zhuo.” Sabi ni Ling Yiran. Pagkatapos, tumingin siya sa namumulang mukha ni Lil Yan. Sumenyas siya at nagsalita, “Nagustuhan ba ni Lil Yan dito?” Agad-agad namang tumango si Lil Yan. “Kung ganoon, dadalhin ulit kita rito sa susunod.” Ani Ling Yiran. Tumango ulit si Lil Yan. Napangisi ito kay Ling Yiran, binalot ng kanyang mga braso ang baywang ni Ling Yiran habang ang maliit na ulo nito ay kumikiskis sa tiyan upang magpakita ng giliw. Hindi napigilan ni Yi Jinli ang pagsimangot. Tinaas niya ang kanyang kamay at kinarga si Lil Yan patungo sa tabi ni Ling Yiran. Pinuwesto niya si Lil Ya
Gayunpaman, si Zhuo Qianyun ay natauhan din kalaunan. Humakbang siya upang kunin ang kanyang anak mula kay Yi Jinli at sinabi, “Salamat. Dalhin ko muna si Lil Yan sa silid.” Pagkatapos, kinuha ni Zhuo Qianyun si Lil Yan sa kanyang mga bisig at tumungo sa silid sa likod ng maliit na restaurant. Nakita ito ni Ling Yiran at sinabi kay Yi Jinli, “May sasabihin lang ako kay Sis Zhuo. Bigyan mo ako ng isang minuto.” Pagkatapos, sumunod si Ling Yiran sa kung saan pumunta si Zhuo Qianyun at Lil Yan. Nang pumasok si Ling Yiran sa silid, inilagay ni Zhuo Qianyun si Lil Yan sa kama. Hinila niya ang kubrekama at marahang tinakpan ang kanyang anak. “Salamat sa pag-aalaga kay Lil Yan ngayon, Yiran.” Pinasalamatan ni Zhuo Qianyun si Ling Yiran. Kinagat ni Ling Yiran ng marahan ang kanyang labi at tumingin ng diretso kay Zhuo Qianyun, at sabay sabi, “Nagkita kami ni Ye Wenming ngayon, Sis Zhuo.” Nanigas ng bahagya si Zhuo Qinayun nang narinig ang pangalang ‘Ye Wenming,’ at namutla ang kany
Nang umalis si Ling Yiran, tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na na natutulog pa rin ng mahimbing at itinaas niya ang kanyang kamay upang hawakan ang batang mukha ni Lil Yan gamit ang mapait na ekspresyon. Iniisip niya ang mga sandaling tinanong siya nito kung nasaan ang kanyang ama gamit ang sign language. Nasabi na niya lahat ng pinakamalalang kasinungalingan sa kalangitan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya pananatilihing panindigan ang mga kasinungalingang ito. Gayunpaman, hindi niya masabi kay Lil Yan ang katotohanan kung nasaan ang kanyang ama. Ano ang sasabihin niya? Sasabihin ba niya na ang kanyang ama ay lumapit lamang sa kanyang ina na may malisya mula pa sa simula? Sasabihin ba niya na sumigaw ang kanyang ina sa kanyang ama ng, “Paano kung dala-dala ko ang iyong anak?” Pero, malamig lamang na sinabi ng lalaking iyon ay, “Ipalaglag mo. Sino ka para dalhin ang anak ko?” Alam ba ni Lil Yan na mula pa sa simula ay hindi umaasa ang kanyang ama na magkakar
Para bang hindi na mahalaga para sa kanya kung gaano kamahal ng dalawang tao sa larawan ang isa’t-isa, wala na itong magagawa sa kanya. Iniisip niya kung sumuko na ba talaga siya. Ngayon, gusto na lamang niyang protektahan ang kanyang anak at ang kanyang pamilya! ... Matapos umalis ni Ling Yiran sa maliit na restaurant at bumalik sa Yi Residence ng may mabigat na puso, sinabi ni Yi Jinli, “Iniisip mo pa rin ba ang tungkol kay Lil Yan?” Tumango si Ling Yiran. “Hindi gusto ni Sis Zhuo na mahanap siya ni Ye Wenming. Sinasabi ni Sis Zhuo kay Lil Yan na nasa langit na ang kanyang ama. Pero mayroon nang kinakasama si Ye Wenming. Kung ako iyon, magpapakalayo at hindi ko nang gugustuhin na makita siya ulit.” Napakunoot ang kilay ni Yi Jinli sa lahat ng sinabi ni Ling Yiran. Maaring hindi para sa kanya ang mga sinabi niya, pero siya, na nakikinig, ay sineryoso ito. “Ito ba ay dahil... Dinala niya si Zhuo Qianyun sa bilangguan noon?” tanong ni Yi Jinli. Si Yi Jinli lamang ang nakak
“Sige, ipinapangako ko na lagi mo akong makikita.” Ang kanyang banayad na tinig ay umalingawngaw sa hangin. Hinehele ang bawat simoy ng hangin na nakapapawi sa kanyang habag na puso. Tumungo siya at diretsong tiningnan ang mga mata ni Ling Yiran. “Talaga? Hindi ka nagsisinungaling?”“Oo, totoo ang mga sinabi ko,” aniya, sino ba siya upang gumawa pa ng anumang bagay na makakasakit sa kanya? Siya lang naman ang lalaking mahal na mahal siya ng sobra. Hindi siya si Ye Wenming, at hindi sila tutulad sa buhay nina Ye Wenming at Sis Zhuo. “Sabihin mo sa akin na mahal mo ako at hindi mo kakayaning hindi ako makita,” sabi ni Yi Jinli sa napapaos na boses. Ang kanyang mga mata ay kumikinang at punong-puno ng pag-asam at pananabik.Minsan talaga ay namamangha si Ling Yiran sa hitsura ng mga mata nito, nararamdaman niya na parang siya lamang ang mundo niya. Gaano ba siya kamahal ng lalaking ito? Kung sa una, nag-aalinlangan siya sa kanyang pagmamahal, ngayon ay natitiyak na niyang totoo
“Pinaparamdam sa akin ng trabaho na ‘to na kaya kong suportahan ang aking sarili,” sabi ni Ling Yiran. Kumislap ang mga mata ni Yi Jinli nang marinig niya ito. Ngumiti siya at sinabi, “Ihahatid kita sa trabaho mo ngayon.” Habang nagsasalita siya, hinalikan niya si Ling Yiran sa noo, pagkatapos ay hinila ang kumot na nagtatakip sa kanya bago umalis ng kama. “Ah!” nagpakawala ng isang mahinang sigaw si Ling Yiran at agad-agad tumalikod. Nakita... niya. Nakita niya ngayon lang! Napangiti si Yi Jinli sa nahihiyang itsura ni Ling Yiran. Nakita niya na sobrang cute ng reaksyon nito. “Bakit, hindi mo ba gusto?” Tumalikod si Yi Jinli, ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa magkabilang panig ng manipis na kumot ni Ling Yiran habang ang kanyang mainit na hininga ay humahaplos sa kanyang mukha. Namula ang mukha ni Ling Yiran. Sobrang lapit niya kaya nalilito siya kung saan titingin. “Oo... Pasensya na.”“Bakit ka humihingi ng tawad?” Itinaas ni Yi Jinli ang kanyang kamay at kinuha ang
Sa pagdaan ng mga taon, ang nakatagong peklat ay naging mababaw at mababaw, ngunit nanatili ito roon.Sa teknolohiya ngayon, kaya niyang piliin na ipatanggal ang peklat sa pamamagitan ng high-tech na pamamaraan, pero hindi niya ginawa. Para bang ipaalala sa kanyang sarili ang isang bagay na naging dahilan nito. Kung ang kanyang ina ang pinagmulan ng kanyang kawalan ng kapanatagan sa relasyon, paano pa siya? Mababa rin ang tingin ni Ling Yiran sa kanyang sarili. Dahil sa pagtataksil ni Xiao Ziqi, natatakot din siya sa pag-ibig. Minsan niyang naisip na mabuhay ng mag-isa buong buhay niya. Ngayon, si Yi Jinli ang nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng seguridad at ang nagturo sa kanya na magmahal ulit. “Bakit? Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?” Tumingala si Yi Jinli sa tamang oras lamang upang mahuli niya ang hugis almond na mga mata ni Ling Yiran. Ang paraan ng pagtingin ni Ling Yiran sa kanya ay may pagkabalisa na halo-halong lungkot at awa, pati na rin ang iba pang mga emosyon n