Bilang isang taong nahuhumaling sa itsura at gustong gusto ang idolo na ito ngayon at magmahal ng iba bukas, seryoso siya sa bawat isa sakanila!Isa siyang matapat na tagahanga kapag nababaliw siya sakanyang mga idolo at gumagastos talaga ng pera para makapunta sa mga concerts at autograph sessions ng mga ito.Minsan, kung kakayanin, pumupunta pa siya sa mga celebrity fan meetings.Syempre, karamihan sa mga ito ay nangyari bago ang insidente ni Ling Yiran. Pagkatapos ng insidente ni Yiran, hindi siya masyadong nabibighani sa mga ito. Bukod sa pagpunta sa trabaho, nakapokus lang ang lahat ng enerhiya niya sa pagtulong sakanyang bestfriend para mabaliktad ang kaso.Dahil dito, yung mga videos ng concerts, signings at fan meetings ay katumbas ng isang magandang alaala ng kanyang kabataan.Pero ngayon, lahat na ng alaala na ito ay…wala na?!“Anong nangyari sa mga videos ng events ng mga idolo ko?!” Sigaw ni Qin Lianyi, habang lumilingon ang kanyang ulo papunta kay Bai Tingxin at tinin
Umuwi na si Qin Lianyi, siya ay nalilito pa rin nang bahagya. Sila na ba talaga ni Bai Tingxin? Nag isip siya nang marami pang posible na paraan para maghiganti sakanya na kaya niyang ipatupad, pero hindi niya naisip ang ganitong bagay!Wala siya masyadong karanasan sa pakikipagdate. Siya yung tipong sumusunod lang sa agos ng relasyon. Kung hindi man nagkatuluyan, marami namang siyang backup, ang kanyang mga iniidolo sa drama.Pero, ang problema ay… gusto niyang mahulog ang loob niya sakanya.Ang mahulog ang loob sakanya pagkatapos ay hihiwalayan niya ito? Hindi napigilang magkamot ng ulo si Qin Lianyi. Kung hindi man sila magkatuluyan, pwede naman siyang magkunwari na nahulog na ang kanyang loob dito pagkatapos ng ilang buwan nang pangliligaw at magpanggap na nasaktan siya kapag hiniwalayan siya? Para matapos na ang lahat nang ito.Lumalim ang paghinga ni Qin Lianyi sa pag iisip nito. Sinong mag aakala na ang una niyang relasyon ay sa ganito magsisimula?Subalit, mas maganda na i
Paglabas ng kompanya pagkatapos ng interview, hindi mapigilan ni Ling Yiran na maramdaman ang pagkabigo.Akala niya kaya niyang lampasan ito at handa pa ring magtrabaho bilang isang rider kahit walang basic na sahod na mayroon sa ibang kompanya, pero kahit ganun, hindi pa rin siya natanggap.Malapit nang magtanghali, nakakita ng maliit na restaurant si Ling Yiran sa gilid ng kalsada at bumili ng isang bowl ng noodles na nagkakahalagang $10. Eto na ang pinaka murang bowl ng noodles sa restaurant.Meron din lumang telebisyon sa tindahan. Pinalabas ang balita sa TV at eto ang replay ng balita kahapon. Nakinig si Ling Yiran sa una, para marinig niya ang pagbanggit ng isang pamilyar na kumpanya.Eto ang… ang kompanya na una siyang ininterview para sa rider job. Ito rin ang kanilang boss na tinawagan si Yi Jinli at sinabi ang tungkol sakanya noong ininterview ito.Nauna nang sinabi ni Yi JInli na nais niyang tanggalin ang kompanya.Ngayon, ang sabi ng balita ay ang kompanya ay may hi
“Ay..hindi naman po..hindi naman niya po ako iniistorbo. Ang cute nga po ng anak ninyo.” Sabi ni Ling Yiran. “Pero, sa tingin ko po ay gusto niya ng noodles. Kanina niya pa po ito tinititigan.”“Kapag binigyan mo siya ng noodles, maaari niyang kainin ito o hindi. Gusto niya lang ang maging masaya.” Sabi nung babae at sinimulan sensyasan ang bata gamit ang kanyang dalawang kamay.Natigilan si Ling Yiran at agad na napansin kung ano ang ginagawa ng babae. Sign Language!“Siya ay….” Sabi ni Ling Yiran.Sabi nung babae, “Hindi siya nakaririnig, pero may mga alam na siyang sign language, kaya nakakaintindi na siya ng mga simpleng sensyas.”Sabi ng babae at dahan dahang patuloy na sinabi na, “Humingi ka ng pasensya kay Ate.” Habang sumesenyas.Pagkatapos, nakita ni Ling Yiran ang munting lalaki na tumungo na parang pinaparating ang kanyang paghingi ng pasensya.Hindi mapigilan na haplusin ni Ling Yiran ang ulo ng munting bata. Napakabata pa nito, pero hindi na siya nakaririnig. Ang la
“Oo nga pala, ang pangalan ko ay Zhuo Qianyun. Pwede mo akong tawagin na Ate Zhuo. Ikaw, anong pangalan mo?” tanong ng boss.“Hi, Ate Zhuo! Ako po si Ling Yiran, pwede mo ako tawaging Yiran.” Sabi ni Ling Yiran, at pagkatapos nun, tila ba natanggal ang dilim sakanyang mga mata.Tiningnan ni Zhuo Qianyun si Ling Yiran, masaya ang kanyang mga mata.Umalis na si Ling Yiran pagkatapos niyang sabihin ang kanyang pangalan at contact information. Isang babae na nasa edad na 50s ang lumapit kay Zhuo Qianyun. “Anong pinag uusapan ninyo nung babae na ‘yon?”“Nag apply siya sa atin para maging food delivery rider, at tinanggap ko siya para magsimula na ng trabaho bukas.” Sabi ni Zhuo Qianyun.“Isang babae na nasa ganoong edad? Mag aapply bilang rider natin? Imposible, siguro may mali sakanya. Hindi ba gusto ng mga babae ay yung mga trabaho sa opisina?” Mababa ang sahod sa ng mga rider, at ang natatanging mga nasa edad na 50s lang ang nagtatanong nito. Pero, nagalit sila sa mababang sahod at
Ang unang reaksyon ni Ling Yiran ay si Yi JInli ay susundan ang maliit na restaurant. Ang isang paparating na kompanya na sinasabi ng iba na may magandang kinabukasan ay kasalukuyang nag-aalinlangan at malamang na tatanggalin, hindi man sabihing isang maliit na restaurant lang ito. “Hindi ko…hindi ko naisip sa ganoong paraan,” bumulong si Yiran. Ayaw niya na may mangyaring masama sa maliit na restaurant ni Ate Zhuo nang dahil sakanya. Pagkatapos nang lahat, nakikita niyang isang mabuting tao si Ate Zhuo. Kahit mayroon siyang anak na walang pangdinig, maaari na siya ay nahihirapan.“Mabuti pang wag na. Dito ka nalang sa akin.” Nakangiting sinabi ni Yi Jinli.Pinagdikit ni Ling Yiran ang kany
Pero, sa halip na masunurin na bumalik sa braso ng kanyang nanay katulad kahapon, hinigpitan niya pa ang paghawak sa mga binti ni Ling Yiran.“Pasensya ka na, hindi naman ganito si Lil Yan. Parang gusto niya sa’yo.” Sabi ni Zhuo Qianyun.“Okay lang. Gusto ko rin si Lil Yan.” Sabi ni Ling Yiran, habang kinukuha niya ito.Ang maliit na bata ay hindi nagpumiglas at kapansin-pansin na masunurin. Siya rin ay ngumisi kay Ling Yiran matapos siyang kunin nito.Ang ngiti ng maliit na bata ay may bakas nang pagkamahiyain na nagpalungkot kay Ling Yiran. “Hello, Lil Yan.” Sabi ni Ling Yiran, tinaas niya ang kanyang kamay para hawakan ang ulo ng maliit na bata.Subalit, hindi marinig ng maliit na bata ang kanyang boses. Hindi niya alam kung ano ang gustong sabihin ni Yiran. Tiningnan lang niya nang may pagkalito.Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak at si Ling Yiran. Bigla nalang may isang iglap nang dilim sakanyang mga mata. Nagkamali ba si Lil Yan… kay Yiran para sa taong iyon? Iyon b
Atsaka, bilang isang boss, siya rin ang may hawak ng cashier, naghahain ng pagkain, naglilinis ng la mesa, at parang ginagawa niya ang lahat ng trabaho. Kapag busy ang business, wala na siyang time para sa sarili niya.Kahit na limitado lang ang kanyang abilidad, nabigyan niya pa rin ng magandang buhay ang kanyang anak.Noong mag a-alas tres na nang hapon, nakatanggap pa ng isang order ang restaurant, ang order ay pineapple buns at milktea.Noong nakita ni Ling Yiran ang address, siya ay naguluhan.“Bakit? May problema ba?” nag handa na ng pagkain si Zhuo Qianyun para ihatid ni Ling Yiran pero nakita niya ito na nakatitig lang sa resibo ng nag order.“Ah…wala, wala.” Sagot ni Ling Yiran, habang kinukuha ang pineapple buns at milktea.Malinaw na ang address na nakalagay sa resibo nang nag order ay kung saan siya nagtrabaho dati. Ngayon na maghahatid siya ng pagkain doon, makikita niya ang mga nakatrabaho niya dati.Noon, siya ay isang magaling na tao sa opisina, marahil sa isang