Gayunpaman, nakuha ni Yi Jinli ang kanyang braso. Sa ilang sandali, isang yakap ang sumalubong sakanya.Hindi niya namamalayang gusto niyang kumalas sa mga braso ni Yi Jinli, ngunit ang mga kamay nito ay mahigpit na nakasara at hinahawakan pa siya palapit.“Isang magandang gabi sa’yo, Ate!” bulong ni Yi Jinli habang ang labi niya ay malapit sakanyang tenga.Nanginig nang bahagya si Yiran, at naramdaman niya ang hininga nito sakanyang tenga. Para bang ang buong katawan niya ay sinakop ng hininga ni Yi Jinli.“Ikaw…bitawan mo ko.” Sabi ni Ling Yiran, namula ang kanyang mukha.“Bakit hindi mo muna ako kwentuhan tungkol sa unang araw mo sa trabaho?” tanong ni Jinli.“Wala naman…isang regular na trabaho na tigahatid ng pagkain. May mag oorder ng kung ano, at hinahatid ko lang ito sakanila.” Sabi niya, pakiramdam niya pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Kahit na ang pag-agos ng kanyang dugo ay mas mabilis.“Ah ganun ba? Nakakain ka ba ng masarap ngayong araw?” ang boses ni
Madaling araw na, nakatulog na si Ling Yiran sa kama, ang pintuan sa pagitan ng dalawang kwarto ay unti-unting nagbukas. Isang matangkad na lalaki ang pumasok.Ang normal na malamig at nakaiibig na mata ay nakatingin sa babae na nasa kama. Sa sandaling ito, ang kanyang titig ay para bang ayaw na niya mahiwalay sa babaeng ito.“Good night, Ate.” Isang mababa at eleganteng boses ang lumabas sakanyang bibig. Ang pagkabigkas nito ay para bang ayaw na niya mahiwalay sa taong ito at mayroon ding hindi masabi na desperasyon sa kanya.…Noong si Ling Yiran ay pumasok sa trabaho kinabukasan, ang maliit na restaurant ay nakatanggap ng maraming order na higit sa 30 orders noong hapon.Sa isang normal na araw, ang hinahatid niya lang na pagkain ay nasa 7 hanggang 8 orders lang. Ngunit sa isang iglap, ang order ay humigit na sa 30 orders. Ito na ang total ng mga orders na hinahatid ng maliit na restaurant sa isang buong hapon.Ihinanda na agad ni Zhuo Qianyun ang mga orders at sinabi kay Ling Y
Pagkatapos maglakad ni Ling Yiran papasok ng building dala ang trolley, binati siya ng receptionist, tinanong lang ang kanyang pangalan. Hindi na niya pinagregister ng pangalan si Yiran at nag alok pa ng tulong na pindutin ang button para sa elevator.Ang lahat ng ito ay humantong sa haka-haka ni Ling Yiran na napunta sa isang direksyon. Nang makarating siya sa address na nakalista sa order, isang matangkad na babae na nakasuot ng pormal na damit ang dumating. “Miss Ling? Ako yung nag order ng pagkain. Pwede mo nang iwan dyan, pakidala nalang nung dalawang ito sa opisina ng president.”Parang nahulog ang puso ni Ling Yiran sa sinabi ng babae at onti-onti siyang nalilinawan sa kanyang hinala kanina.Ang opisina ng president… Ang president ng Yi Group ay si Yi JInli. Ang dalawang pagkain ba na ito ay para sa opisina ni Yi Jinli?Kumuha ng dalawa si Ling Yiran at naglakad papunta sa opisina ni Yi JInli. Habangg nakatayo siya sa harapan ng isang maitim na kahoy na pintuan, huminga siya
Kinuha ni Ling Yiran ang lunch box at mabilis na nagsimulang kumain habang nakatungo. Ang gusto niya ay makaalis siya nang mabilis kaya binilisan niyang kumain.“Kaya ka ba kumakain nang mabilis kasi gusto mong makaalis agad?” ang boses ni Yi Jinli ay pumalibot sa buong opisina.“Ehem!” nabulunan si Ling Yiran, muntik na niyang mailuwa ang pagkain na nasa loob nang kanyang bibig. Ang tanging nagawa nalang niya ay hinawakan ang kanyang mga kamay at nahirapang umubo. Ilang sandali, ang mukha niyang ay pulang pula na.Sa wakas, tumigil na siyang umubo, pero ang palad ng kanyang kamay na ginamit niya pang takip nang kanyang bibig kanina ay may butil ng mga kanin. Sa gayon, kumuha siya ng tissue at pinunasan ang palad ng kanyang kamay.Subalit, bago siya makakuha ng tissue, ang daliri ni Yi Jinli ay kinuha ang mga kamay niya at inilagay papunta sakanya.Umikot ang kanyang pulso, hindi siya naging komportable pero hindi ito nabali. “Madumi ang kamay ko, kailangan kong punasan ito.” Sabi
Naghatid pa siya ng mga natirang deliveries at sa oras na manananghalian na siya, alas dos na nang hapon pero hindi pa siya kumakain.“May problema ba? Ang kaunti lang ng kinain mo. Ayaw mo ba ng ulam ngayon?” Kapag oras na ng tanghalian sa tanghali, lahat sa maliit na restaurant ay susulitin ang kanilang libreng oras at makikusap sa chef na ipagluto sila ng iba’t ibang putahe para sabay sabay nila itong kainin.“Hindi, sa tingin ko marami na akong nakain bago ako pumasok sa trabaho nitong umaga.” Tumigin si Ling Yiran kay Lil Yan. “Bakit hindi ka kumakain? Pakainin ko nalang si Lil Yan ng prutas. Busog na rin naman ako.” Sabi ni Yiran.Kumuha ng mansanas si Ling Yiran at binalatan ito. Tapos, hiniwa niya ang mansanas sa maliliit na piraso at pinakain ito kay Lil Yan.Ang maliit na bata ay sinunod ang sinabi ni Yiran, binuksan niya ang kanyang bibig at sinubo ang mansanas, ngumiti siya kay Ling Yiran.Pagkatapos niyang pakainin ito ng prutas, inantok ang maliit na bata. Humikab it
“Siya nga pala, ang tagal mong hindi nakabalik sa opisina. Namimiss ka na ng mga katrabaho mo dati. Pero, okay na ngayon. Pwede na tayong magkita kahit kalian natin gusto.” Sabi ni Guan Lili habang hinila si Ling Yiran papasok ng opisina. “Dahil nandito ka na, bakit hindi mo puntahan ang mga katrabaho mo dati?”Tiningnan ni Ling Yiran si Guan Lili. Alam na niya kung ano ang binabalak nito.Sa kasong iyon, dapat ay harapin nalang niya ang mga ito. Kung siya ay aalis, tatawanan lang siya ng mga ito.“Sige, pupuntahan ko sila.” Sabi ni Ling Yiran na walang pag aalinlangan.Ang ugali niya, sa kabaligtaran, ay ikinagulat ni Guan Lili. Kung sabagay, hindi ito ang inaasahan niyang makita.Noong sila ay nasa loob na, pumalakpak si Guan Lili sa opisina at kinuha ang atensyon nang lahat. “Hali kayo at tingnan niyo kung sino ang nandito. Si Yiran, ang dati nating katrabaho, pumunta siya para makita tayo.”Sa isang iglap, ang mga tao sa opisina ay tumingin sa direksyon kung nasaan sila.Hab
Ang sumagot syempre ay si Guan Lili. SI Guan Lili ay tila sinadyang taasan ang kanyang boses. Nagsalita siya patungkol sa kung paano napunta si Ling Yiran sa kulungan dahil pinatay niya ang isang tao sa kanyang kotse habang lasing siya sa pagmamaneho…Ngumiti nang bahagya si Ling Yiran. Sinisiraan ba siya ni Guan Lili para makabawi sa mga pagkabigo na napigilan niya sa mga nagdaang taon? Sigurado, maaaring hindi mo makita sa isang tao kapag minahal ka nang mabuti. Gayunpaman, sa oras na ikaw ang naghihikahos, siguradong makikita mo sa pamamagitan ng mga ito.Noong nakalabas na si Ling Yiran sa firm, biglang may sumugod sakanya na mga yabag sa likuran niya. Isang boses ang sumigaw, “Yiran! Teka lang!”Lumingon si Ling Yiran at nakita ang isang lalaki na nagmamdali bago pa man siya tumigil sa harap nito. Nakatingin siya sakanya na hindi maikukubli.Isa itong gwapong lalaki na nasa edad na 30s. Medyo malaki ang katawa at nakasuot ng pormal katulad ng ibang mga mayayaman sakanilang siy
Tuwing hapunan sa opisina, siya lang ang taong kayang gawin ang lahat para lamang paaalalahanan ang mga katrabaho niya na laging umiinon ng alak na wag magmaneho nang nakainom at maghanap ng driver para ihatid sila.Paano nakayanan ng isang tulad niya ang uminom at magmaneho?SIguro ay napagtripan siya, yun ang naisip niya. Pero, bilang isang abogado, hindi man siya naglakas-loob tulungan siyang linisin ang kanyang pangalan.Natatakot siya na baka komplikado ang kanyang kaso at natatakot siya na baka kalabanin niya si Yi Jinli.Sinong tao sa Shen City ang gusto kumalaban kay Yi Jinli?Ang masasabi na niya lang ay hindi pinalad si Ling Yiran!…Noong tanghali, nag order nang marami ang secretary ni Yi Jinli. Si Ling Yiran ang maghahatid ng mga ito at patuloy na naging kalakaran na ito sa mga sumunod na araw.Tapos… gusto ni Yi Jinli na palagi siyang manatili para mananghalian.Alam na ni Ling Yiran na ito ang balak at gustong mangyari ni Yi Jinli, umaasang hindi na niya ito gag
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at