Gayunpaman, tiningnan niya ang mukha ni Zhuo Qianyun, bumuntong hininga si Ling Yiran at nilagay na ang mga order sa electric bike.Kapag maraming orders, mas maraming pera ang makukuha ni Ate Zhuo para makuha si Lil Yan ng cochlear implant.Nang maisip niya si Lil Yan, parang may gumuhit sa puso ni Ling Yiran. Isang cute na bata na ay may kapansanan. Atsaka, hindi niya pa nakikita ang tatay ni Lil Yan kahit kalian.Katulad ni Lil Yan si Zhuo, kayang hulaan ang kahit ano. Siguro si Ate Zhuo ay mag isa kasama ang batang ito.Sa kasong ito, syempre, mas mahirap ito.Habang nakasakay sa electric bike, nakarating na si Ling Yiran sa entrance ng building ng Yi Group. Ang mga security guard ay kilala na si Ling Yiran. Nang makita nila si Ling Yiran na paparating, agad nilang nilabas ang trolley at nilagay ang mga pagkain dito, tinulungan din nilang itulak ito papasok ng building papunta sa elevator.Ang receptionist naman ay binati si Ling Yiran na may kasabay na ngiti at pagyuko na ma
Dinikit ni Ling Yiran ang kanyang mga labi at biglang hindi alam kung ano ang sasabihin, kaya binuksan niya ang kanyang baunan ng pananghalian at nagsimulang kumain.Ang mga mata ni Yi Jinli ay napako kay Ling Yiran. Tila unti-unting naging bawal habang sinusubukang panatilihin siya sa kanyang tabi nang paulit-ulit.Ayaw niyang umalis siya. Napaisip siya kung ano ang pwede niyang gawin upang kusa siyang manatili sa kanya.At kalian pa ang pagkain ng sabay tuwing tanghalian ay naging isang bagay na lagi na niyang inaasahan? Pwede siyang kumain katulad nito basta’t kasama siya. Masaya siya kahit tahimik lang silang kumakain.Isipin mo ‘to, ang kanyang mga pinakamasayang araw ay malamang na nagmula noong siya ay 'Jin'. Mabuti na rin at hindi bababa sa gusto niyang sumama sa kanya, tratuhin siya bilang isang ordinaryong tao, mahalin kahit sobrang tuyo ng kanyang buhok, at tawagin siyang 'Jin' nang paulit-ulit.Jin... Jin...Alam ba niya kung gaano niya nais marinig ang pagtawag nito
"Salamat," sabi ni Ling Yiran habang kinukuha ang libro."Ako ang dapat magpasalamat sa iyo," sabi ni Zhuo Qianyun. "Si Lil Yan ay nagkaroon ng kaunting komunikasyon lamang sa mga tagalabas. Bukod dito, hindi siya nakakarinig o nakakapagsalita, kaya't ang iba ay hindi gaanong handang makipag-usap sa kanya. Talagang masaya ako na handa kang matuto ng sign language upang makausap siya.""Si Lil Yan ay kaibig-ibig, at parang gusto niya rin ako. Sa tingin ko kapalaran talaga ito," sabi ni Ling Yiran.Kapalaran ... Ang mga labi ni Zhuo Qianyun ay gumalaw, ngunit sa huli, sinabi lamang niya, "Oo, marahil ... ito ang kapalaran.""Kailangan ko nang umalis, Sis Zhuo," sabi ni Ling Yiran."Sige, magkita tayo bukas." Naghintay si Zhuo Qianyun hanggang umalis si Ling Yiran bago isinara ang pinto ng restawran at pumasok sa maliit na silid sa likuran ng restawran. Napatingin siya sa kanyang anak na nakatulog na sa kama niya. Marahang tinapik siya ni Ginang Zhuo sa katawan."Tulog na ba siya?"
Gayunpaman, ngayon ang silid ay tahimik na walang gumagawa ng kahit anong tunog. Napansin ni Ling Yiran na tinignan siya ng maigi ng Matandang maestrong Yi, ngunit may pagkasuklam at pagkadismaya sa kanyang mga mata.Bukod sa isang nars, mayroon ding lalaki na nagdala sa kanya rito. Inangkin niya na siya ang pribadong kalihim ng matandang maestrong Yi."Alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" Sa wakas, pagkalipas ng ilang sandali, binasag ng tinig ni matandang maestrong Yi ang katahimikan."Opo," sagot ni Ling Yiran. "Dahil siguro kay Yi Jinli." Ito ay magiging kasinungalingan kung sabihin na hindi siya kinakabahan papunta dito. Gayunpaman, nang makarating siya rito, kahit papaano ay huminahon na siya pagkatapos tumingin sa mga naiinis na mata ni matandang maestrong Yi.Dumaan siya sa pinakamasamang kalagayan, kaya't gaano pa ito kasama ngayon?Ngumuso si matandang maestrong Yi. "Malalaman mo!""Ano ba ang gusto mong sabihin?" Diretsong tanong ni Ling Yiran. Marahil dahil sa pag
Gayunpaman, ngayon ang silid ay tahimik na walang gumagawa ng kahit anong tunog. Napansin ni Ling Yiran na tinignan siya ng maigi ng Matandang maestrong Yi, ngunit may pagkasuklam at pagkadismaya sa kanyang mga mata.Bukod sa isang nars, mayroon ding lalaki na nagdala sa kanya rito. Inangkin niya na siya ang pribadong kalihim ng matandang maestrong Yi."Alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" Sa wakas, pagkalipas ng ilang sandali, binasag ng tinig ni matandang maestrong Yi ang katahimikan."Opo," sagot ni Ling Yiran. "Dahil siguro kay Yi Jinli." Ito ay magiging kasinungalingan kung sabihin na hindi siya kinakabahan papunta dito. Gayunpaman, nang makarating siya rito, kahit papaano ay huminahon na siya pagkatapos tumingin sa mga naiinis na mata ni matandang maestrong Yi.Dumaan siya sa pinakamasamang kalagayan, kaya't gaano pa ito kasama ngayon?Ngumuso si matandang maestrong Yi. "Malalaman mo!""Ano ba ang gusto mong sabihin?" Diretsong tanong ni Ling Yiran. Marahil dahil sa pag
Dati, sa araw na ito, hindi iiwan ni Yi Jinli ang tirahan ni Yi kahit na sa gabi ito. Kahit na kung mayroong isang malaking kaganapan. Magpapalipas siya ng gabi sa espiritung tablet ng kanyang ama, paulit ulit na sinasabi sa sarili na huwag nang ulitin ang mga pagkakamali ng kanyang ama.Nagpatuloy ito taon-taon.Gayunman, ngayong gabi ay iba!...Ling Yiran ay pinangunahan sa labas ng ospital ni Yi Jinli.Isang itim na kotse ang pumarada sa harap ng ospital. Matapos sumakay sa kotse, parang nananaginip pa rin si Ling Yiran.Akala niya ngayong gabi ay magiging kanyang bangungot, ngunit hindi niya inaasahan na magpapakita siya."Natakot ka ba?" Tanong niya habang inilalagay ang kamay sa kanyang kamay, na nanginginig pa rin hanggang ngayon.Kinagat ni Ling Yiran ang ibabang labi at tumango ang ulo. Oo, paano naman siya hindi matatakot? Ito ay tulad ng kung ang kanyang kapalaran ay ganap na nasa kamay ng iba, at lahat ng pinagdaanan niya ay mapapasawala lang lahat..Ito ay tulad
'Wala siya sa kwarto.' 'Hindi kaya, bumaba siya?' 'Pero noong bumaba ako, wala naman siya doon.' 'Lumabas na rin siya ng bahay pero hindi niya talaga ito makita.' Masyadong malaki ang Yi Residence kaya medyo mahirap maghahap dahil masyadong maraming pasikot sikot. At kahit na medyo matagal na rin siyang nakatira sa Yi Residence, hindi niya pa ito masyadong nalilibot. Maghahating gabi na kaya wala na siya masyadong makita. Medyo mahangin sa labas kaya nililipad ang kwelyo ni Ling Yiran. At dahil dito, lalo lang siyang nagalala kay Yi Jinli. 'Hindi kaya may nangyaring masama sakanya?' 'Ano naman kayang pwedeng mangyari sakanya dito mismo sa mansyon niya?' Hindi maalis sa isip niya kung paano siya niligtas nito. Noong sandaling yun, may nakita siyang liwanag mula sa isang maliit na bahay. Naglakad siya papalapit dito at nakita niya ang nakasulat sa plaque sa tapat nhg bahay. 'Mourning Hall.' Dahil dito, naintriga siya kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. S
"Wala. Nakita ko lang kasi na pagkatapos mo akong ihatid sa kwarto ko, hindi ka dumiretso sa kwarto mo at bumaba ka. Inisip kolang kung saan ka nagpunta. Uh... osige mauna na ako...." Nahihiyang sagot ni Ling Yiran. Pagkatapos magsalita, dali-dali siyang tumalikod at naglakad papalayp. Pero may biglang humawak sa braso niya, "Nagaalala ka ba sa akin, ate?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ling Yiran at hindi niya alam kung paano siya sasagot. Nagaalala? Siya? Bakit namansiya magaalala? Sa totoo lang, hindi maintindihan ni Ling Yiran kung anong nararamdaman niya. Hindi kaya dahil niligtas siya nito at imbes na si Yi Jinli ang makita niya ay si Jin ang naramdaman niya? Ang sumunod na nangyari ay naagaw ang atensyon niya ng malalim nitong paghinga. Nang sndaling lumingon siya, nakita niya na sobrang putla na nito at ga-butil ang mga pawis nito sa noo habang nakahawak sa tiyan nito. Bigla siyang kinabahan dahil nakita niya na rin itong nagkaganun dati. "Masakit ulit a