Dati, sa araw na ito, hindi iiwan ni Yi Jinli ang tirahan ni Yi kahit na sa gabi ito. Kahit na kung mayroong isang malaking kaganapan. Magpapalipas siya ng gabi sa espiritung tablet ng kanyang ama, paulit ulit na sinasabi sa sarili na huwag nang ulitin ang mga pagkakamali ng kanyang ama.Nagpatuloy ito taon-taon.Gayunman, ngayong gabi ay iba!...Ling Yiran ay pinangunahan sa labas ng ospital ni Yi Jinli.Isang itim na kotse ang pumarada sa harap ng ospital. Matapos sumakay sa kotse, parang nananaginip pa rin si Ling Yiran.Akala niya ngayong gabi ay magiging kanyang bangungot, ngunit hindi niya inaasahan na magpapakita siya."Natakot ka ba?" Tanong niya habang inilalagay ang kamay sa kanyang kamay, na nanginginig pa rin hanggang ngayon.Kinagat ni Ling Yiran ang ibabang labi at tumango ang ulo. Oo, paano naman siya hindi matatakot? Ito ay tulad ng kung ang kanyang kapalaran ay ganap na nasa kamay ng iba, at lahat ng pinagdaanan niya ay mapapasawala lang lahat..Ito ay tulad
'Wala siya sa kwarto.' 'Hindi kaya, bumaba siya?' 'Pero noong bumaba ako, wala naman siya doon.' 'Lumabas na rin siya ng bahay pero hindi niya talaga ito makita.' Masyadong malaki ang Yi Residence kaya medyo mahirap maghahap dahil masyadong maraming pasikot sikot. At kahit na medyo matagal na rin siyang nakatira sa Yi Residence, hindi niya pa ito masyadong nalilibot. Maghahating gabi na kaya wala na siya masyadong makita. Medyo mahangin sa labas kaya nililipad ang kwelyo ni Ling Yiran. At dahil dito, lalo lang siyang nagalala kay Yi Jinli. 'Hindi kaya may nangyaring masama sakanya?' 'Ano naman kayang pwedeng mangyari sakanya dito mismo sa mansyon niya?' Hindi maalis sa isip niya kung paano siya niligtas nito. Noong sandaling yun, may nakita siyang liwanag mula sa isang maliit na bahay. Naglakad siya papalapit dito at nakita niya ang nakasulat sa plaque sa tapat nhg bahay. 'Mourning Hall.' Dahil dito, naintriga siya kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. S
"Wala. Nakita ko lang kasi na pagkatapos mo akong ihatid sa kwarto ko, hindi ka dumiretso sa kwarto mo at bumaba ka. Inisip kolang kung saan ka nagpunta. Uh... osige mauna na ako...." Nahihiyang sagot ni Ling Yiran. Pagkatapos magsalita, dali-dali siyang tumalikod at naglakad papalayp. Pero may biglang humawak sa braso niya, "Nagaalala ka ba sa akin, ate?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ling Yiran at hindi niya alam kung paano siya sasagot. Nagaalala? Siya? Bakit namansiya magaalala? Sa totoo lang, hindi maintindihan ni Ling Yiran kung anong nararamdaman niya. Hindi kaya dahil niligtas siya nito at imbes na si Yi Jinli ang makita niya ay si Jin ang naramdaman niya? Ang sumunod na nangyari ay naagaw ang atensyon niya ng malalim nitong paghinga. Nang sndaling lumingon siya, nakita niya na sobrang putla na nito at ga-butil ang mga pawis nito sa noo habang nakahawak sa tiyan nito. Bigla siyang kinabahan dahil nakita niya na rin itong nagkaganun dati. "Masakit ulit a
"Pwedeng ibenta ang kitchenware at bedding sa second-hand shop mamaya kapag madaanan ko iyon. Tungkol naman sa mga damit at sapatos, pwede ko pa ring suotin ang mga iyon, kaya ibabalik ko ito." Tiningnan ni Yi Jinli ang mga damit at sapatos na nais ibalik ni Ling Yiran. Mga lumang damit ito. Bagaman maganda ang kalidad, luma na ang mga style at kupas na ang ilang mga kulay. Naintindihan ni Yi Jinli na ang mga damit na ito ay marahil mga pagmamay-ari niya bago pumasok sa bilangguan. Gayunpaman, wala siyang sinabi. Pagkatapos ng lahat, kahit na nais niyang bigyan siya ng pera para gastusin at sabihin sa kanya na bumili ng bagong damit, kailangan pa rin niyang gawin ito nang dahan-dahan. Natatakot siya na kung siya’y magmadali, baka matakot niya siya. Nagsisimula pa lamang siyang buksan ang kalooban niya para sa kanya. "Bakit hindi mo ako hintayin dito? Babalik ako agad," sabi Ling Yiran. Pagkatapos, kinuha niya ang mga kitchenware at bedding na kanyang inimpake para dalhin ang
Biglang natigilan si Yi Jinli sa paglalakad at nakatitig lang siya kay Ling Yiran. "Bakit?" Naguguluhang tanong ni Ling Yiran. "Paano kungkaya ko nga yung gawin?" Biglang tanong ni yi Jinli. Hindi inaasahan ni Ling Yiran ang tanong ni Yi Jinli, kaya biglang nawala ang ngiti niya at kumunot ang noo. Tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata at sinabi, "Jin, ang ayoko sa lahat ay yung may nagsisinungaling sa akin kasi para sa akin, sobrang importante sa isang relasyon ang pagsasabi ng totoo." Hindi sumagot si Yi Jinli pero nanatiloi siyang nakatitig kay Ling Yiran. "Kaya mo bang magsinungaling sa akin?" muling tanong ni Ling Yiran. Bigla siyang kinabahan at natatakot siyang marini ang salitang 'oo' mula kay Yi Jinli. Kung nabubuhay lang pala sila sa kasinungalingan, ano pang saysay para ipagpautuloy nila ang relasyong 'to? Hindi napansin ni ling Yiran na naka kuyumos ang mga kamay ni Yi Jinli. Pagkalipas ng ilang segundo, saka lang siya muling nagsalita. "Hindi." Nang m
Medyo niluwagan niya ang kanyang pagkakahawak ngunit patuloy na nakayakap sa kanya. "Sis, huwag na huwag mong sabihin sa akin na gusto mong makipag-breakup, okay?" Binaba niya ang kanyang ulo. Lumalaki ang pakiramdam ng pagkabalisa sa kanyang mga kumikinang na mata na hindi pa niya nakikita dati. Parang ang pagsabi sa kanya na gusto niyang makipag-breakup ay isang napakasaklap na bagay na mawawala siya sa katinuan. Siya ba... ay ganon kahalaga sa kanya? Napakahalaga na hindi niya matanggap kung sakali ang pangyayaring iyon? Pakiramdam ni Ling Yiran na parang may tinik sa kanyang puso. Hindi siya komportable. Hindi niya mapigilan ang sarili na yakapin siya pabalik. “Okay, Jin. hindi ako makikipag-breakup.” Nangako siya nang ganon-ganon lang. Sa sandaling ito, hindi na niya pinag-isipan pa ang ibig sabihin ng pangakong ito. Sa ngayon, ayaw lang niyang makita siyang ganoon. Malulungkot siya kapag nakita niya si Jin na ganoon.… Kinahapunan, bumalik sina Ling Yiran at Yi Je
Hindi niya nasabi ang mga salitang ‘yon noon, ngunit habang tinitingnan niyang nakatayo si Yiran sa gilid ng lapida ng kanyang tatay, natural lang niya itong nasabi.Para bang kaya niya lang sabihin ang mga ganitong bagay galing sakanyang puso kapag kasama niya si Yiran.“Siya nga pala, maraming nakilalang babae ang tatay ko noong kabataan niya at siguro mayroong mga magaganda. Isang kalokohan na sukuan niya ang lahat para sa isang babae na katulad niya.” Sabi ni Yi Jinli.“Hindi naman siguro nagustuhan ng tatay mo ang nanay mo dahil maganda siya. Minsan, hindi lang naman basehan ang itsura ng isang tao para magustuhan ito. Atsaka, magugustuhan nila ito kahit na mabuti sila o masama.” Sabi ni Ling Yiran.Napapakit nang kaunti si Yi Jinli at inayos ang kanyang tingin sa mukha ni Ling Yiran. “Siguro… katulad nang sinabi mo. Minsan, hindi lang naman basehan ang itsura ng isang tao para magustuhan ito…” sabi ni Jinli.Isa ‘yon sa mga dahilan kung paano niya nagustuhan si Yiran. Marami
“May problema ba?” naguguluhang tanong ni Ling Yiran habang huminto si Yi Jinli sa paglalakad.“Wala.” Walang ganang sumagot si Jinli habang nakayuko siya.“Bakit? Anong nararamdaman mo ngayon?” tanong ni Ling Yiran noong nakabalik na sila sa loob ng bahay.“Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon.” Sagot ni Jinli.“Kahit na dati pa yang sakit ng tyan mo, kailangan mo pa ring magpatingin sa doktor para gumaling na ‘yan kapag may libre ka nang oras.” Sabi ni Ling Yiran. “Yang mga ganyang sakit na hindi natin pinapansin kasi hindi naman malala, ay yung mga sakit na pwedeng lumala kapag hindi pa pinatingnan sa doktor.”“Bakit? Nag aalala ka ba sakin, Ate?” isang malaking ngiti ang nasa mukha ni Jinli habang sinasabi ito.Nasamid siya at agad na umakyat sa taas. Nahiya siya nang kaunti sa sinabi niya. Pero, biglang tinaas ni Jinli ang kanyang kamay at nilagay ito sa kanyang mga braso. “Sige, pinapangako ko sa’yo. Maghahanap ako ng oras para maghanap ng doktor para ipatingin na itong kata