Natapos na ang tawag at sinabi ni Ling Yiran, “Anong sabi ni Tita sa’yo? Parang inis na inis ka at nasabi mo pa ang pagluhod mo sa keyboard.”“Ano pa ba ang sasabihin niya? Edi gusto niya akong ipag-blind date.” Sabi ni Qin Lianyi habang siya ay umirap. “Sabi ng nanay ko okay daw tong lalaki na ‘to. Nakayanan niyang kuhain sa mga tita ko para ako ang mauna sa pila.”Wala nang nasabi si Qin Lianyi sa mga iniisip ng nanay niya.Para bang iniisip niya na kapag hindi pa siya nagpakasal sa susunod na dalawang taon, baka hindi na siya ikasal habang buhay.“Edi puntahan mo at kilalanin. Isipin mo nalang isa ‘tong oportunidad.” Sabi ni Ling Yiran pagkatapos isipin ito nang isang saglit.“Ayoko, ilang beses na ako nabigo. Baka mabaliw na ako kapag nakipag blind date pa ako ulit.” Gustong sumuka ni Qin Lianyi ng dugo kada naiisip niya kung paano siya kulitin ng nanay niya para makipag blind date.“Bakit? Mayroon pa bang iba?” tanong ni Ling Yiran.Tiningnan ni Qin Lianyi ang kanyang bestf
Pagkatapos nang lahat… Hindi naranasan ni Lianyi ang masamang ugali nito, hindi katulad ni Yiran na naranasan ang kasamaan sa loob ng kulungan na paminsan ay wala na siyang lakas para umiyak pa. “Mygosh!” nailuwa ni Qin Lianyi ang pudding na kinakain niya pero hindi niya pa nalulunok at mabilis na kumuha ng tissue para punasan ito. Tapos, sinabi niya kay Ling Yiran. “Magbiro ka naman kapag hindi ako kumakain, Yiran. Masyado mong sineseryoso yung biro.”“Seryoso ako dun.” Sabi ni Ling Yiran.Nagkatinginan silang dalawa nang matagal bago tumawa si Qin Lianyi at sinabing, “Hindi kami para sa isa’t isa kahit na sabihin niya pang mahal niya ako. Sa tingin mo, anong klaseng pamilya ang Bai family? Kung magkatuluyan man kami, buong buhay ko ay magiging isang laban sa loob ng isang mayamang pamilya. Sa kakayahan ko, inaasahan kong mabubugbog ako sa isang minuto lamang.” Dapat ay kalimutan nalang ito. Kapag nabayaran na niya ang ‘utang’ niya kay Bai Tingxin, makakalaya na siya.“Wag na n
Okay! Kumpirmado na ang lahat.Humakbang si Qin Lianyi at sinabing, “Ikaw ba si Mr. Zhang, Zhang Guangtian? Hello! Ako si Qin Lianyi.”“Hello!” sagot ni Mr. Zhang habang nakatingin sakanya.“Uhm…gusto ko lang sabihin sa’yo na...” Gustong humingi nang paumanhin ni Qin Lianyi sakanya. Kahit na, pumunta siya sa blind date nila ngayon nang walang pakialam. Gusto lang niyang pakitunguhan ang kanyang nanay. Lilibre nalang niya si Mr. Zhang ng hapunan mamaya at makipag kaibigan nalang sakanya pagkatapos.Bago niya matapos ang kanyang sinasabi, pinigilan na niya ito. “Bakit hindi tayo maglakad lakad? May nakita akong maliit na park katabi nitong supermarket. Bakit hindi tayo pumunta dun?”Ha? Sa park? Tabi ng supermarket?Sumulyap si Qin Lianyi sa madilim na langit at tiningnan ang oras. Mag aalas singko na nang hapon at malapit nang maghapunan. “Ayaw mo bang kumain muna tayo?” sabi ni Lianyi.Ang kanyang sinabi ay isang mabuting paalala. Pagkatapos nang lahat, ito ay isang masikip na l
“Sino ang lalaking ito, Miss Qin?” tanong ni Zhang Guangtian.“Oo nga, sabihin mo nga sakanya kung sino ako.” Sabi ni Bai Tingxin habang nakatingin siya kay Qin Lianyi.Sa isang iglap, ang dalawang lalaki na ito ay parehong nakatingin sakanya. Naramdaman ni Qin Lianyi na parang tinutusok siya nang mga tingin ng dalawang lalaking ito.Ang isa ay ang blind date na kinuha ng nanay niya habang ang isa naman ay ang kanyang bagong boyfriend na dumating para kolektahin ang kanyang utang. Hindi na niya kayang masaktan ang alinman sakanila!Pero, pagkatapos ikumpara ang dalawa, ang pipiliin niya ay yung hindi masakit sa ulo. Kung ikukumpara ito sakanyang nanay na nasa likod ng blind date na ito, naramdaman ni Qin Lianyi na hindi rin dapat masaktan si Bai Tingxin, kaya naman ngumiti nalang siya at sinabi kay Zhang Guangtian. “Muntik ko nang makalimutan, Mr. Zhang. Boyfriend ko ng apala. Uhm… Bai ang apelyido niya.”Pagkasabi ni Lianyi nito, nagulat si Zhang Guangtian. “Ha? Boyfriend? May bo
Muntik nang masamid si Qin Lianyi sa mga salitang sinabi ni Bai Tingxin. Sa isip ni Lianyi, ‘Ako? Mangloloko? Kaloka! Hindi ko kayang gawin yun no!’Gayunpaman, sa presensya ni Bai Tingxin, akala niya ay sa ilang saglit at nagpaliwanag, “Kasi… Pinilit ako ng nanay ko makipag blind date. Itatakwil niya ako kung hindi ko ito gagawin. Sinubukan kong sabihin sakanya na may boyfriend na ako pero ginambala ako.”Hindi nagsisinungaling si Lianyi tungkol dito.“Pinilit ka ng nanay mo makipag blind date?” tanong ni Bai Tingxin habang tumataas ang kilay niya.“Oo!” matamlay na ngumiti si Lianyi. Sa madaling salita, mapilit talaga ang nanay niya na makipag blind date siya sa mga lalaki. Siya yung tipo na gustong gusto ka niyang nahihirapan.“Hindi mo sinabi sa pamilya mo na may boyfriend ka na?” tanong ni Bai Tingxin.Biglang nakonsensya si Qin Lianyi. Sabihin sakanyang nanay at tatay? Paano niya ito masasabi sakanila? Sabihin palang siguro niya ang pangalan ni Bai Tingxin ay matatakot na a
Para siyang isang matakaw na baboy.Hindi sigurado si Bai Tingxin kung anong restaurant ang masarap kainan sa lugar na ‘yon pero hindi ito naging dahilan para tumigil si Qin Lianyi na dalhin si Bai Tingxin sa gusto niyang restaurant.“Mayroon silang mga special dishes dito sa restaurant na ‘to na hindi mo makikita sa ibang restaurants, dito lang meron.” Noong nasa loob na sila ng restaurant, kinuha ni Qin Lianyi ang menu at masayang nag order ng pagkain.Pinakita niya isa isa ang mga putahe habang siya ay nag oorder. Nang nasa kalagitnaan, nakita niya na tinitingnan siya ni Bai Tingxin.“Hmm… Sorry, ang dami kong sinasabi.” Sabi ni Lianyi.“Okay lang. Ituloy mo lang, makikinig lang ako.” Sabi ni Bai Tingxin.Hinawakan ni Qin Lianyi ang kanyang ilong at hindi na alam kung anong susunod niyang sasabihin. “Hmm.. bakit pala nandito ka ngayon sa lugar na ‘to?” tanong niya dahil hindi na nga niya alam ang kanyang sasabihin. Pero, gusto na niyang kagatin nalang ang dila niya nung sinabi
“Iniisip ko…” bigla siyang kinilig, ang kanyang mga mata ay diretsong nakatingin sa tao sa harapan niya. Kung iisipin mo, si Bai Tingxin ang patriyarka ng Bai Family. Syempre mayroon siyang mga bigating koneksyon sa industriya. Kung tutulungan siya ni Bai Tingxin sa kaso ni Yiran, mas mapapadali ang paghahanap ng impormasyon tungkol dito.Pagkatapos ay nagkaroon nang liwanag sakanyang mga mata. Tiningnan niya si Bai Tingxin na para bang bagong lutong pandesal.“Alam ko na may nagawa akong mali sa’yo at aaminin ko lahat nang sinabi mo. Pangako ko naman sa’yo na gagawin ko lahat ng gusto mo, pero… Pwede ba ako humingi ng pabor habang nagda-date tayo?” tiningnan siya ni Qin Lianyi nang hindi ito inaasahan.“Pabor? Anong pabor?” Nagulat si Bai Tingxin sa sinabi niya. “Anong ‘maliit’ na pabor naman yang gusto mong ipagawa sakin?” base sa panghuhusga sa itsura nito, hindi lang ito isang maliit na pabor.“Eh kasi yung bestfriend ko, si Yiran, yung tao na naghanap sa akin kasama si Yi Jinl
Tiningnan ni Bai Tingxin ang mga kamay ni Lianyi. Ngayon ay mahigpit na itong nakahawak sa kamay ni Bai Tingxin na para bang pinapakita nilang masaya sila.Tumingala si Bai Tingxin at nahuli ang masayang ngiti ni Lianyi. Bigla nalang siyang nakaramdam nang pagseselos dahil ang ngiti ni Lianyi ay hindi dahil sakanya kundi dahil kay Yiran.Malinaw naman na mas importante si Ling Yiran para kay Qin Lianyi kaysa kay Bai Tingxin!Sa loob ng kotse, sumandal si Gu Lichen sakanyang upuan at minasahe ang gilid ng kanyang ulo.Ang secretary, na nasa loob din ng kotse, sinabi agad kay Gu Lichen pagkatapos makatanggap ng tawag, “Mr. Gu, ang alahas na pinili ni Miss Ling ay nagkakahalagang 20 million dollars. Gusto mo bang kuhain ito ni Miss Ling?”Malaking halaga ng pera ang 20 million dollars, ang may-ari ng jewelry store ay tumawag para magtanong tungkol dito.“Dahil nakapili na siya, pwede na niya itong kuhain.” Sabi ni Gu Lichen."All right," replied the secretary. Then, he replied to th