“Sino ang lalaking ito, Miss Qin?” tanong ni Zhang Guangtian.“Oo nga, sabihin mo nga sakanya kung sino ako.” Sabi ni Bai Tingxin habang nakatingin siya kay Qin Lianyi.Sa isang iglap, ang dalawang lalaki na ito ay parehong nakatingin sakanya. Naramdaman ni Qin Lianyi na parang tinutusok siya nang mga tingin ng dalawang lalaking ito.Ang isa ay ang blind date na kinuha ng nanay niya habang ang isa naman ay ang kanyang bagong boyfriend na dumating para kolektahin ang kanyang utang. Hindi na niya kayang masaktan ang alinman sakanila!Pero, pagkatapos ikumpara ang dalawa, ang pipiliin niya ay yung hindi masakit sa ulo. Kung ikukumpara ito sakanyang nanay na nasa likod ng blind date na ito, naramdaman ni Qin Lianyi na hindi rin dapat masaktan si Bai Tingxin, kaya naman ngumiti nalang siya at sinabi kay Zhang Guangtian. “Muntik ko nang makalimutan, Mr. Zhang. Boyfriend ko ng apala. Uhm… Bai ang apelyido niya.”Pagkasabi ni Lianyi nito, nagulat si Zhang Guangtian. “Ha? Boyfriend? May bo
Muntik nang masamid si Qin Lianyi sa mga salitang sinabi ni Bai Tingxin. Sa isip ni Lianyi, ‘Ako? Mangloloko? Kaloka! Hindi ko kayang gawin yun no!’Gayunpaman, sa presensya ni Bai Tingxin, akala niya ay sa ilang saglit at nagpaliwanag, “Kasi… Pinilit ako ng nanay ko makipag blind date. Itatakwil niya ako kung hindi ko ito gagawin. Sinubukan kong sabihin sakanya na may boyfriend na ako pero ginambala ako.”Hindi nagsisinungaling si Lianyi tungkol dito.“Pinilit ka ng nanay mo makipag blind date?” tanong ni Bai Tingxin habang tumataas ang kilay niya.“Oo!” matamlay na ngumiti si Lianyi. Sa madaling salita, mapilit talaga ang nanay niya na makipag blind date siya sa mga lalaki. Siya yung tipo na gustong gusto ka niyang nahihirapan.“Hindi mo sinabi sa pamilya mo na may boyfriend ka na?” tanong ni Bai Tingxin.Biglang nakonsensya si Qin Lianyi. Sabihin sakanyang nanay at tatay? Paano niya ito masasabi sakanila? Sabihin palang siguro niya ang pangalan ni Bai Tingxin ay matatakot na a
Para siyang isang matakaw na baboy.Hindi sigurado si Bai Tingxin kung anong restaurant ang masarap kainan sa lugar na ‘yon pero hindi ito naging dahilan para tumigil si Qin Lianyi na dalhin si Bai Tingxin sa gusto niyang restaurant.“Mayroon silang mga special dishes dito sa restaurant na ‘to na hindi mo makikita sa ibang restaurants, dito lang meron.” Noong nasa loob na sila ng restaurant, kinuha ni Qin Lianyi ang menu at masayang nag order ng pagkain.Pinakita niya isa isa ang mga putahe habang siya ay nag oorder. Nang nasa kalagitnaan, nakita niya na tinitingnan siya ni Bai Tingxin.“Hmm… Sorry, ang dami kong sinasabi.” Sabi ni Lianyi.“Okay lang. Ituloy mo lang, makikinig lang ako.” Sabi ni Bai Tingxin.Hinawakan ni Qin Lianyi ang kanyang ilong at hindi na alam kung anong susunod niyang sasabihin. “Hmm.. bakit pala nandito ka ngayon sa lugar na ‘to?” tanong niya dahil hindi na nga niya alam ang kanyang sasabihin. Pero, gusto na niyang kagatin nalang ang dila niya nung sinabi
“Iniisip ko…” bigla siyang kinilig, ang kanyang mga mata ay diretsong nakatingin sa tao sa harapan niya. Kung iisipin mo, si Bai Tingxin ang patriyarka ng Bai Family. Syempre mayroon siyang mga bigating koneksyon sa industriya. Kung tutulungan siya ni Bai Tingxin sa kaso ni Yiran, mas mapapadali ang paghahanap ng impormasyon tungkol dito.Pagkatapos ay nagkaroon nang liwanag sakanyang mga mata. Tiningnan niya si Bai Tingxin na para bang bagong lutong pandesal.“Alam ko na may nagawa akong mali sa’yo at aaminin ko lahat nang sinabi mo. Pangako ko naman sa’yo na gagawin ko lahat ng gusto mo, pero… Pwede ba ako humingi ng pabor habang nagda-date tayo?” tiningnan siya ni Qin Lianyi nang hindi ito inaasahan.“Pabor? Anong pabor?” Nagulat si Bai Tingxin sa sinabi niya. “Anong ‘maliit’ na pabor naman yang gusto mong ipagawa sakin?” base sa panghuhusga sa itsura nito, hindi lang ito isang maliit na pabor.“Eh kasi yung bestfriend ko, si Yiran, yung tao na naghanap sa akin kasama si Yi Jinl
Tiningnan ni Bai Tingxin ang mga kamay ni Lianyi. Ngayon ay mahigpit na itong nakahawak sa kamay ni Bai Tingxin na para bang pinapakita nilang masaya sila.Tumingala si Bai Tingxin at nahuli ang masayang ngiti ni Lianyi. Bigla nalang siyang nakaramdam nang pagseselos dahil ang ngiti ni Lianyi ay hindi dahil sakanya kundi dahil kay Yiran.Malinaw naman na mas importante si Ling Yiran para kay Qin Lianyi kaysa kay Bai Tingxin!Sa loob ng kotse, sumandal si Gu Lichen sakanyang upuan at minasahe ang gilid ng kanyang ulo.Ang secretary, na nasa loob din ng kotse, sinabi agad kay Gu Lichen pagkatapos makatanggap ng tawag, “Mr. Gu, ang alahas na pinili ni Miss Ling ay nagkakahalagang 20 million dollars. Gusto mo bang kuhain ito ni Miss Ling?”Malaking halaga ng pera ang 20 million dollars, ang may-ari ng jewelry store ay tumawag para magtanong tungkol dito.“Dahil nakapili na siya, pwede na niya itong kuhain.” Sabi ni Gu Lichen."All right," replied the secretary. Then, he replied to th
Kung iisipin mo, palagi niyang iniisip si Ling Luoyin ang bata na nakilala niya noong bata pa siya. Ang mga labi nito ay kapareho nung babae na naalala niya noong bata pa siya.Ngunit, dahan dahang nagbago ‘yon. Minsan kapag siya ay naguguluhan, parang nagiging kalmado siya sa pamamagitan lamang nang pakikinig sa mga kwento ni Ling Luoyin tungkol kay Ling Yiran.Malinaw na hindi si Ling Yiran ang maliit na batang babae na nagligtas sakanya noon.Siguro dahil kamukha ni Ling Yiran ang babaeng ito. Kaya ganon nalang ang pagtrato niya dito. Hindi niya mapigilan na mapalapit sakanya noong nakita niya ito.Gayunpaman, ginusto ni Jinli ang babae at hindi kinakailangan na masaktan niya si Jinli para sa isang babae. Pagkatapos nang lahat, hindi siya ang taong hinahanap niya.Nang umaandar na ang kotse, hindi napigilang tumingin ni Gu Lichen sa kalsada. Hindi niya napansin na tinitingnan na niya pala ang uniform ng mga sanitation worker.Trabaho ni Ling Yiran ang pagwawalis sa kalsadang i
…Si Ling Luoyin, ang babae na may suot ng kwintas na nagkakahalagang 20 million dollars ay mukhang masayang-masaya. Para bang pakiramdam niya na pareho sila ng halaga nung kwintas na suot niya. Hindi na niya nakikita ang sarili niya na isang ordinaryong tao ngayon.Siya ay nasa isang bagong film crew kung saan siya ang gaganap na bidang babae. Kahit na ang production crew at ang director ay hindi kasing galing nung dati, kapag tiningnan mo, hindi na rin naman ito masama. Siya naman ang gaganap na bidang babae kaya sa paggalang nito, nasiyahan si Ling Luoyin sa mga magpakukunang ibinigay sakanya ni Gu Lichen.Gayunpaman, hangga’t mahusay siyang sumisipsip kay Lichen, hindi niya kailangang matakot na walang mapagkukunan ng yaman sa hinaharap.Pero, sa pagkabigo niya, tuwing niyayaya siya ni Lichen lumabas, palagi niyang hinihiling na pag usapan nila at kwentuhan siya tungkol kay Ling Yiran. Sinabi na niya lahat ng nalalaman niya tungkol kay Ling Yiran.May mga oras na nararamdaman
Sa katunayan, ang mga babae na gustong sumubok na akitin ang pansin ni Gu Lichen ay nakatingin sa kwintas na nakasuot sa leeg ni Ling Luoyin. Pagkatapos nilang marinig ang sinabi nito, ang mga mata nila ay para bang kumislap sa selos at inggit. Sa huli, naglakad na sila palayo.Ngumiti si Ling Luoyin. Alam niyang nakuha niya ang gusto niyang mangyari.Sinabi ni Ling Luoyin sa isang malambing na boses pagkatapos nilang umalis, “Lichen, masisisi mo ba ako dahil gusto ko ng isang mahal na kwintas?” Para siyang marupok at mahinang babae. Kinakagat niya ang ilalim ng kanyang labi upang magmukha pa siyang nakakaawa at maliit.Bilang isang artista, alam niya kung paano niya gawin na ang itsura niya ay mas nakakaawa sa pamamagitan ng kanyang ekspresyon sa mukha. “Gusto ko lang naman na mas maging bagay ako sa’yo. Ayoko namang mapahiya ka kapag katabi mo ako.” Sabi ni Ling Luoyin.Tiningnan ni Gu Lichen ang babae. Bagay? Akala niya ba ay mas magiging bagay sila kapag sinuotan niya ang kataw