Hindi niya nasabi ang mga salitang ‘yon noon, ngunit habang tinitingnan niyang nakatayo si Yiran sa gilid ng lapida ng kanyang tatay, natural lang niya itong nasabi.Para bang kaya niya lang sabihin ang mga ganitong bagay galing sakanyang puso kapag kasama niya si Yiran.“Siya nga pala, maraming nakilalang babae ang tatay ko noong kabataan niya at siguro mayroong mga magaganda. Isang kalokohan na sukuan niya ang lahat para sa isang babae na katulad niya.” Sabi ni Yi Jinli.“Hindi naman siguro nagustuhan ng tatay mo ang nanay mo dahil maganda siya. Minsan, hindi lang naman basehan ang itsura ng isang tao para magustuhan ito. Atsaka, magugustuhan nila ito kahit na mabuti sila o masama.” Sabi ni Ling Yiran.Napapakit nang kaunti si Yi Jinli at inayos ang kanyang tingin sa mukha ni Ling Yiran. “Siguro… katulad nang sinabi mo. Minsan, hindi lang naman basehan ang itsura ng isang tao para magustuhan ito…” sabi ni Jinli.Isa ‘yon sa mga dahilan kung paano niya nagustuhan si Yiran. Marami
“May problema ba?” naguguluhang tanong ni Ling Yiran habang huminto si Yi Jinli sa paglalakad.“Wala.” Walang ganang sumagot si Jinli habang nakayuko siya.“Bakit? Anong nararamdaman mo ngayon?” tanong ni Ling Yiran noong nakabalik na sila sa loob ng bahay.“Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon.” Sagot ni Jinli.“Kahit na dati pa yang sakit ng tyan mo, kailangan mo pa ring magpatingin sa doktor para gumaling na ‘yan kapag may libre ka nang oras.” Sabi ni Ling Yiran. “Yang mga ganyang sakit na hindi natin pinapansin kasi hindi naman malala, ay yung mga sakit na pwedeng lumala kapag hindi pa pinatingnan sa doktor.”“Bakit? Nag aalala ka ba sakin, Ate?” isang malaking ngiti ang nasa mukha ni Jinli habang sinasabi ito.Nasamid siya at agad na umakyat sa taas. Nahiya siya nang kaunti sa sinabi niya. Pero, biglang tinaas ni Jinli ang kanyang kamay at nilagay ito sa kanyang mga braso. “Sige, pinapangako ko sa’yo. Maghahanap ako ng oras para maghanap ng doktor para ipatingin na itong kata
Natapos na ang tawag at sinabi ni Ling Yiran, “Anong sabi ni Tita sa’yo? Parang inis na inis ka at nasabi mo pa ang pagluhod mo sa keyboard.”“Ano pa ba ang sasabihin niya? Edi gusto niya akong ipag-blind date.” Sabi ni Qin Lianyi habang siya ay umirap. “Sabi ng nanay ko okay daw tong lalaki na ‘to. Nakayanan niyang kuhain sa mga tita ko para ako ang mauna sa pila.”Wala nang nasabi si Qin Lianyi sa mga iniisip ng nanay niya.Para bang iniisip niya na kapag hindi pa siya nagpakasal sa susunod na dalawang taon, baka hindi na siya ikasal habang buhay.“Edi puntahan mo at kilalanin. Isipin mo nalang isa ‘tong oportunidad.” Sabi ni Ling Yiran pagkatapos isipin ito nang isang saglit.“Ayoko, ilang beses na ako nabigo. Baka mabaliw na ako kapag nakipag blind date pa ako ulit.” Gustong sumuka ni Qin Lianyi ng dugo kada naiisip niya kung paano siya kulitin ng nanay niya para makipag blind date.“Bakit? Mayroon pa bang iba?” tanong ni Ling Yiran.Tiningnan ni Qin Lianyi ang kanyang bestf
Pagkatapos nang lahat… Hindi naranasan ni Lianyi ang masamang ugali nito, hindi katulad ni Yiran na naranasan ang kasamaan sa loob ng kulungan na paminsan ay wala na siyang lakas para umiyak pa. “Mygosh!” nailuwa ni Qin Lianyi ang pudding na kinakain niya pero hindi niya pa nalulunok at mabilis na kumuha ng tissue para punasan ito. Tapos, sinabi niya kay Ling Yiran. “Magbiro ka naman kapag hindi ako kumakain, Yiran. Masyado mong sineseryoso yung biro.”“Seryoso ako dun.” Sabi ni Ling Yiran.Nagkatinginan silang dalawa nang matagal bago tumawa si Qin Lianyi at sinabing, “Hindi kami para sa isa’t isa kahit na sabihin niya pang mahal niya ako. Sa tingin mo, anong klaseng pamilya ang Bai family? Kung magkatuluyan man kami, buong buhay ko ay magiging isang laban sa loob ng isang mayamang pamilya. Sa kakayahan ko, inaasahan kong mabubugbog ako sa isang minuto lamang.” Dapat ay kalimutan nalang ito. Kapag nabayaran na niya ang ‘utang’ niya kay Bai Tingxin, makakalaya na siya.“Wag na n
Okay! Kumpirmado na ang lahat.Humakbang si Qin Lianyi at sinabing, “Ikaw ba si Mr. Zhang, Zhang Guangtian? Hello! Ako si Qin Lianyi.”“Hello!” sagot ni Mr. Zhang habang nakatingin sakanya.“Uhm…gusto ko lang sabihin sa’yo na...” Gustong humingi nang paumanhin ni Qin Lianyi sakanya. Kahit na, pumunta siya sa blind date nila ngayon nang walang pakialam. Gusto lang niyang pakitunguhan ang kanyang nanay. Lilibre nalang niya si Mr. Zhang ng hapunan mamaya at makipag kaibigan nalang sakanya pagkatapos.Bago niya matapos ang kanyang sinasabi, pinigilan na niya ito. “Bakit hindi tayo maglakad lakad? May nakita akong maliit na park katabi nitong supermarket. Bakit hindi tayo pumunta dun?”Ha? Sa park? Tabi ng supermarket?Sumulyap si Qin Lianyi sa madilim na langit at tiningnan ang oras. Mag aalas singko na nang hapon at malapit nang maghapunan. “Ayaw mo bang kumain muna tayo?” sabi ni Lianyi.Ang kanyang sinabi ay isang mabuting paalala. Pagkatapos nang lahat, ito ay isang masikip na l
“Sino ang lalaking ito, Miss Qin?” tanong ni Zhang Guangtian.“Oo nga, sabihin mo nga sakanya kung sino ako.” Sabi ni Bai Tingxin habang nakatingin siya kay Qin Lianyi.Sa isang iglap, ang dalawang lalaki na ito ay parehong nakatingin sakanya. Naramdaman ni Qin Lianyi na parang tinutusok siya nang mga tingin ng dalawang lalaking ito.Ang isa ay ang blind date na kinuha ng nanay niya habang ang isa naman ay ang kanyang bagong boyfriend na dumating para kolektahin ang kanyang utang. Hindi na niya kayang masaktan ang alinman sakanila!Pero, pagkatapos ikumpara ang dalawa, ang pipiliin niya ay yung hindi masakit sa ulo. Kung ikukumpara ito sakanyang nanay na nasa likod ng blind date na ito, naramdaman ni Qin Lianyi na hindi rin dapat masaktan si Bai Tingxin, kaya naman ngumiti nalang siya at sinabi kay Zhang Guangtian. “Muntik ko nang makalimutan, Mr. Zhang. Boyfriend ko ng apala. Uhm… Bai ang apelyido niya.”Pagkasabi ni Lianyi nito, nagulat si Zhang Guangtian. “Ha? Boyfriend? May bo
Muntik nang masamid si Qin Lianyi sa mga salitang sinabi ni Bai Tingxin. Sa isip ni Lianyi, ‘Ako? Mangloloko? Kaloka! Hindi ko kayang gawin yun no!’Gayunpaman, sa presensya ni Bai Tingxin, akala niya ay sa ilang saglit at nagpaliwanag, “Kasi… Pinilit ako ng nanay ko makipag blind date. Itatakwil niya ako kung hindi ko ito gagawin. Sinubukan kong sabihin sakanya na may boyfriend na ako pero ginambala ako.”Hindi nagsisinungaling si Lianyi tungkol dito.“Pinilit ka ng nanay mo makipag blind date?” tanong ni Bai Tingxin habang tumataas ang kilay niya.“Oo!” matamlay na ngumiti si Lianyi. Sa madaling salita, mapilit talaga ang nanay niya na makipag blind date siya sa mga lalaki. Siya yung tipo na gustong gusto ka niyang nahihirapan.“Hindi mo sinabi sa pamilya mo na may boyfriend ka na?” tanong ni Bai Tingxin.Biglang nakonsensya si Qin Lianyi. Sabihin sakanyang nanay at tatay? Paano niya ito masasabi sakanila? Sabihin palang siguro niya ang pangalan ni Bai Tingxin ay matatakot na a
Para siyang isang matakaw na baboy.Hindi sigurado si Bai Tingxin kung anong restaurant ang masarap kainan sa lugar na ‘yon pero hindi ito naging dahilan para tumigil si Qin Lianyi na dalhin si Bai Tingxin sa gusto niyang restaurant.“Mayroon silang mga special dishes dito sa restaurant na ‘to na hindi mo makikita sa ibang restaurants, dito lang meron.” Noong nasa loob na sila ng restaurant, kinuha ni Qin Lianyi ang menu at masayang nag order ng pagkain.Pinakita niya isa isa ang mga putahe habang siya ay nag oorder. Nang nasa kalagitnaan, nakita niya na tinitingnan siya ni Bai Tingxin.“Hmm… Sorry, ang dami kong sinasabi.” Sabi ni Lianyi.“Okay lang. Ituloy mo lang, makikinig lang ako.” Sabi ni Bai Tingxin.Hinawakan ni Qin Lianyi ang kanyang ilong at hindi na alam kung anong susunod niyang sasabihin. “Hmm.. bakit pala nandito ka ngayon sa lugar na ‘to?” tanong niya dahil hindi na nga niya alam ang kanyang sasabihin. Pero, gusto na niyang kagatin nalang ang dila niya nung sinabi
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at