Wala siyang ibang gusto na makita ni Ling Yiran kung hindi siya lang.“Kung gusto mo talagang malaman, maghintay ka lang dito kasama ako. Kapag nakita naman ng mga tao ko kung nasaan yung bestfriend mo na si Qin Lianyi, sasabihan naman nila ako agad.” Sabi ni Yi Jinli.Wala namang problema yung paghihintay kay Ling Yiran pero napaisip siya, ‘Teka! Saan ako maghihintay kasama siya?’ Pagkatapos ng limang minuto napaisip ulit siya.‘Sa kwarto ni Yi Jinli?!’Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya sa kwarto ni Yi Jinli. Pero, ito ang unang beses na pumasok siya sa front door ng kwarto niya. Noon kasi, pumapasok siya sa pintuan na nagdudugtong sa kwarto nila.Noong pumasok na sila, hinubad ni Yi Jinli ang kanyang coat at kinuha ang kanyang cellphone. Nilagay niya ang cellphone niya sa coffee table.Nagulat si Ling Yiran nung nakita niya yung phone. Katulad na katulad ito nung phone na binili niya sa special price na 1,500 dollars. Mas maraming average na tao ang may mas maga
‘Wala…wala siyang suot na pang itaas! Nakakaloka!’ sa isip-isip ni Ling Yiran.“Alam mo ikaw…” namumula na ang mukha ni Ling Yiran habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Hindi niya binalak buksan ito dahil natakot siya na baka may makita siyang hindi naman niya dapat makita.“Ayaw mo bang buksan yung mga mata mo, Ate?” sabi ni Yi Jinli na para bang nang aakit siya kasabay nang mabango niyang hininga na kasing amoy ng isang orchid. Hindi pa rin binuksan ni Ling Yiran ang kanyang mga mata, namumula na ang mukha niya sa kakapigil ng emosyon. “Magpalit ka na nga ng damit! Nakakaloka ka!” Sabi ni Ling Yiran. “Mas gusto kong tumingin ka sakin. Atsaka, tinulungan kita ngayong araw, Ate. Hindi mo ba ako titingnan?” sabi ni Yi Jinli.Hindi alam ni Ling Yiran ang gagawin niya, hindi niya namalayan na nakagat niya na pala yung mga labi niya. Napasigaw siya nang mahina at hinawakan ang parte na nakagat niya sa kanyang labi.Narinig niya ang mahinang pagtawa sa kanyang tenga at
Hindi pinakinggan ni Yi Jinli ang mga sinabi ni Ling Yiran. Tinitigan niya lang ito at sinabing, “Sasaktan mo ba ako, Ate?”Nanginig ang kanyang katawan at nakaramdam na para bang may nakabarang mga salita sa lalamunan niya.Nakatingin lang si Yi Jinli kay Ling Yiran na para bang makikita niya ang kaluluwa nito gamit lang ang kanyang mga mata.“Mahirap ba na tanong yun?” Pagkatapos nang mahabang katahimikan, bumulong siya, “Ayos lang naman kung ayaw mong sagutin, pero paalala ko lang sa’yo…”Yumuko siya nang dahan dahan habang nilalapit niya ang mga labi niya sa tenga ni Ling Yiran, bumulong siya, “Wag mo akong sasaktan, please?”Hangga’t sa hindi niya siya sasaktan, patuloy niyang mamahalin at poprotektahan, pasisiyahin at pananatilihing ligtas buong buhay niya si Ling Yiran. Hangga’t sa hindi niya siya sasaktan!Habang nasa isang malaking kwarto si Ling Yiran, hindi siya mapakali, bawat oras niya tinitingnan ang orasan sa kanyang phone at iniisip kung gaano katagal pa
“Siya ang chairman ng Bai Feng Group, siya ang kasulukuyang namumuno ng Bai Family.” Sabi ni Yi JInli. Tiningnan niya nang kakaiba si Ling Yiran. “Hindi mo ba kilala kung sino siya?” Hindi ba siya nabanggit ni Qin Lianyi dati?”Umiling si Ling Yiran. Sigurado siyang hindi niya pa naririnig ang pangalan ni Bai Tingxin dati sa bestfriend niya.Pero, alam niyang hindi local enterprise ang Bai Feng Group. Marami silang corporasyon sa Shen City at kilala bilang isang sikat na shipping company.Napaisip si Ling Yiran, ‘Paano naugnay yung pangalan ng bestfriend ko kay Bai Tingxin?’ lalo siyang naguluhan nung sinabi na si Bai Tingxin mismo ang kumuha sa bestfriend niya.Ibig sabihin ba nito, si Bai Tingxin yung nakita niya sa Maybach kanina?Buong akala niya ay nakidnap ang bestfriend niya, pero ngayon nagtataka na siya na parang ibang kaso na ito.“Hahanapin ko ang bestfriend ko!” Sabi ni Ling Yiran pagkalingon niya, balak na sundin ang address na narinig niya para mahanap ang bes
Wala pera si Ling Yiran.Tungkol naman sa natutunan niya sa mga nagdaang taon, mas wala silang silbi kay Yi Jinli. Yung team ng mga lawyer sa Yi Group ay mas may experience kesa sakanya.Ang tanging meron lang siya ngayon ay ang sarili niya.Ang sarili niya na walang pera ang meron lang siya.Lumuhod si Ling Yiran kaya Yi Jinli at nagmakaawa, “Please! Yi Jinli, nagmamakaawa na ako. Dalhin mo na kay Bai Tingxin. Gusto kong makita si Lianyi.”Tinititigan siya ni Yi Jinli habang nakaluhod. Nagulat siya at nakaramdam ng galit.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo?!” Tiningnan siya nito na may bigat sa dibdib.Alam ni Yi Jinli na meron pride si Ling Yiran sa mga bagay. Kahit na kinutya na siya, gusto niya pa rin manindigan sa sarili niya kahit kaunti.Kung hindi man, sana tinanggihan na niya si Yi Jinli nang paulit ulit.Pero ngayon, pumayag siya na ibaba ang kanyang sarili at lumuhod para sa bestfriend niyang si Qin Lianyi, ang ibig sabihin ba nito ay mas importante pa si Q
Nagseatbelt kaagad si Ling Yiran at pinanood si Yi Jinli magmaneho paalis ng Yi Residence. Nagmaneho siya papunta sa lugar kung nasaan si Bai Tingxin.Dadalhin niya ba si Ling Yiran doon?Hindi maipinta ang mukha ni Yi Jinli ngayon. Mahigpit na magkadikit ang kanyang mga labi, ang mga mata niya ay malalim, hindi siya nasisiyahan.May gusting sabihin si Ling Yiran pero natakot siya na kung may masabi man siya ngayon, mainis lang lalo si Yi Jinli. Mas magiging masama iyon.Sa huli, wala rin siyang nasabi.Ang pinaka importante bagay ay ang makita si Lianyi at alamin kung ano ang nangyayari.‘Kailangan kong hintayin mawala ang galit ni Yi Jinli…pasasalamat ko sakanya’ Sabi ni Ling Yiran sa isip niya.Noong nakarating na ang kotse nila sa Crescent Bay, may humarang sakanilang security.“Sabihin mo kay Bai Tingxin ay gusto siyang makita ni Yi Jinli. Tanungin mo siya kung makikipagkita siya samin.” Sabi ni Yi Jinli na walang pagdadalawang isip.May mga kaunting security gua
Walang kwenta! Syempre, kakabahan talaga siya, lalo na ngayon na hindi niya alam kung kalian siya papakawalan nito.“Ayokong mag alala yung mga kaibigan ko at yung mga magulang ko.” Sabi niya.Mukhang na-trigger siya ng kanyang mga salita. Naging malalim ang mga mat anito habang siya ay ngumisi. “Takot ka na mag alala sla, pero naisip mo rin bang mag aalala rin ako?”Nasamid si Qin Lianyi. Naguilty siya. “Ehhh…Nagkaroon ako ng emergency…”“Emergency?” natawa siya. “Yung emergency mo ay bumalik at tulungan yung kaibigan mo sa kaso niya? Hindi mo man lang ako sinabihan…Ginawa mo lang ba ako pampalipas oras sa simula palang?”Alam ni Qin Lianyi na kasalanan niya ito. Nag travel siya sa ibang bansa para bisitahin ang kanyang school na papasukan sa future nang nagkataon na nakilala niya siya.Noong mga oras na iyon, wala siyang kaalam alam kung anong mangyayari sakanila. Naging komportable sila sa isa’t isa. Para bang nakakakilala siya ng kababayan sa ibang bansa.Dinadala siy
Nakaramdam siya ng pagiging guilty nung gabi na yon. Sinisi niya ang sarili niya noong araw na iyon. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang inumin na alak at naisip niya naman na okay lang dahil wine lang ito. Sa huli, naparami ang inom niya kaya nagkaroon ng gulo.Nagising siya at pilit niyang inalala ang mga nangyari noong nalasing siya, ang pagtulak niya sa kama, pinilit ang sarili sakanya, at ang mga panglalanding lumabas sa bibig niya.Habang pinipilit niyang alalahanin, naramdaman ni Qin Lianyi na pareho ito sa mga nangyayari sa TV dramas! Yung mga linyahan, parang kinopya sa TV series na pinapanood niya dati.Napagpasyahan lamang niya na hindi mabuting manood ng mga ganoong klase ng romantic dramas. Kapag lasing ka, kayang kaya mong magsabi ng mga mabulaklak na salita.Sa huli, nagtagumpay siya! Nagtagumpay siya makasama ang isang gwapong lalaki na ma-appreciate niya at hindi babastusin.Minsan kapag naalala ni Qin Lianyi ang mga pangyayari, sa isip isip ni