“Siya ang chairman ng Bai Feng Group, siya ang kasulukuyang namumuno ng Bai Family.” Sabi ni Yi JInli. Tiningnan niya nang kakaiba si Ling Yiran. “Hindi mo ba kilala kung sino siya?” Hindi ba siya nabanggit ni Qin Lianyi dati?”Umiling si Ling Yiran. Sigurado siyang hindi niya pa naririnig ang pangalan ni Bai Tingxin dati sa bestfriend niya.Pero, alam niyang hindi local enterprise ang Bai Feng Group. Marami silang corporasyon sa Shen City at kilala bilang isang sikat na shipping company.Napaisip si Ling Yiran, ‘Paano naugnay yung pangalan ng bestfriend ko kay Bai Tingxin?’ lalo siyang naguluhan nung sinabi na si Bai Tingxin mismo ang kumuha sa bestfriend niya.Ibig sabihin ba nito, si Bai Tingxin yung nakita niya sa Maybach kanina?Buong akala niya ay nakidnap ang bestfriend niya, pero ngayon nagtataka na siya na parang ibang kaso na ito.“Hahanapin ko ang bestfriend ko!” Sabi ni Ling Yiran pagkalingon niya, balak na sundin ang address na narinig niya para mahanap ang bes
Wala pera si Ling Yiran.Tungkol naman sa natutunan niya sa mga nagdaang taon, mas wala silang silbi kay Yi Jinli. Yung team ng mga lawyer sa Yi Group ay mas may experience kesa sakanya.Ang tanging meron lang siya ngayon ay ang sarili niya.Ang sarili niya na walang pera ang meron lang siya.Lumuhod si Ling Yiran kaya Yi Jinli at nagmakaawa, “Please! Yi Jinli, nagmamakaawa na ako. Dalhin mo na kay Bai Tingxin. Gusto kong makita si Lianyi.”Tinititigan siya ni Yi Jinli habang nakaluhod. Nagulat siya at nakaramdam ng galit.“Alam mo ba kung anong ginagawa mo?!” Tiningnan siya nito na may bigat sa dibdib.Alam ni Yi Jinli na meron pride si Ling Yiran sa mga bagay. Kahit na kinutya na siya, gusto niya pa rin manindigan sa sarili niya kahit kaunti.Kung hindi man, sana tinanggihan na niya si Yi Jinli nang paulit ulit.Pero ngayon, pumayag siya na ibaba ang kanyang sarili at lumuhod para sa bestfriend niyang si Qin Lianyi, ang ibig sabihin ba nito ay mas importante pa si Q
Nagseatbelt kaagad si Ling Yiran at pinanood si Yi Jinli magmaneho paalis ng Yi Residence. Nagmaneho siya papunta sa lugar kung nasaan si Bai Tingxin.Dadalhin niya ba si Ling Yiran doon?Hindi maipinta ang mukha ni Yi Jinli ngayon. Mahigpit na magkadikit ang kanyang mga labi, ang mga mata niya ay malalim, hindi siya nasisiyahan.May gusting sabihin si Ling Yiran pero natakot siya na kung may masabi man siya ngayon, mainis lang lalo si Yi Jinli. Mas magiging masama iyon.Sa huli, wala rin siyang nasabi.Ang pinaka importante bagay ay ang makita si Lianyi at alamin kung ano ang nangyayari.‘Kailangan kong hintayin mawala ang galit ni Yi Jinli…pasasalamat ko sakanya’ Sabi ni Ling Yiran sa isip niya.Noong nakarating na ang kotse nila sa Crescent Bay, may humarang sakanilang security.“Sabihin mo kay Bai Tingxin ay gusto siyang makita ni Yi Jinli. Tanungin mo siya kung makikipagkita siya samin.” Sabi ni Yi Jinli na walang pagdadalawang isip.May mga kaunting security gua
Walang kwenta! Syempre, kakabahan talaga siya, lalo na ngayon na hindi niya alam kung kalian siya papakawalan nito.“Ayokong mag alala yung mga kaibigan ko at yung mga magulang ko.” Sabi niya.Mukhang na-trigger siya ng kanyang mga salita. Naging malalim ang mga mat anito habang siya ay ngumisi. “Takot ka na mag alala sla, pero naisip mo rin bang mag aalala rin ako?”Nasamid si Qin Lianyi. Naguilty siya. “Ehhh…Nagkaroon ako ng emergency…”“Emergency?” natawa siya. “Yung emergency mo ay bumalik at tulungan yung kaibigan mo sa kaso niya? Hindi mo man lang ako sinabihan…Ginawa mo lang ba ako pampalipas oras sa simula palang?”Alam ni Qin Lianyi na kasalanan niya ito. Nag travel siya sa ibang bansa para bisitahin ang kanyang school na papasukan sa future nang nagkataon na nakilala niya siya.Noong mga oras na iyon, wala siyang kaalam alam kung anong mangyayari sakanila. Naging komportable sila sa isa’t isa. Para bang nakakakilala siya ng kababayan sa ibang bansa.Dinadala siy
Nakaramdam siya ng pagiging guilty nung gabi na yon. Sinisi niya ang sarili niya noong araw na iyon. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang inumin na alak at naisip niya naman na okay lang dahil wine lang ito. Sa huli, naparami ang inom niya kaya nagkaroon ng gulo.Nagising siya at pilit niyang inalala ang mga nangyari noong nalasing siya, ang pagtulak niya sa kama, pinilit ang sarili sakanya, at ang mga panglalanding lumabas sa bibig niya.Habang pinipilit niyang alalahanin, naramdaman ni Qin Lianyi na pareho ito sa mga nangyayari sa TV dramas! Yung mga linyahan, parang kinopya sa TV series na pinapanood niya dati.Napagpasyahan lamang niya na hindi mabuting manood ng mga ganoong klase ng romantic dramas. Kapag lasing ka, kayang kaya mong magsabi ng mga mabulaklak na salita.Sa huli, nagtagumpay siya! Nagtagumpay siya makasama ang isang gwapong lalaki na ma-appreciate niya at hindi babastusin.Minsan kapag naalala ni Qin Lianyi ang mga pangyayari, sa isip isip ni
“…Hindi,” Sabi ni Qin Lianyi, pero may kutob na siya kung bakit si Yi Jinli ang pumunta para makita siya. Dahil siguro sa bestfriend niyang si Yiran.“Kung hindi kayo magkakilala, bakit ka niya pupuntahan ng dis oras ng gabi?” Sabi ni Bai Tingxin. “Anong klaseng babae sa Shen City ang makakapagpapunta sakanya dito? O dahil ba sakanya kaya hindi moa ko hinanap noong mga lumipas na taon?”Merong halong pagseselos sa boses ni Bai Tingxin.Wala nang nasabi si Qin Lianyi. Sa isip niya, ‘Akala naman niya type ako ni Yi Jinli! Ang type ni Yi Jinli ay yung bestfriend ko! Okay?’“Wala yung kinalaman sakanya. Hindi lang talaga kita hinanap.” Sabi ni Qin Lianyi. Ang daming nangyari simula nung bumalik siya. Paano pa siya magkakaroon ng oras mag isip ng ibang bagay?”Atsaka, inisip lang niya na casual lang ang nangyari sakanila at hindi sinasadya nung gabi na yun. Nagplano na siya na gawin itong sikreto buong buhay niya. Hindi niya nga sinabi sa mga magulang niya at kay Yiran.Mas lalo
“Ikaw si Ling Yiran.” Hindi nagtatanong si Bai Tingxin, nanigurado siya at napatunayan na siya si Ling Yiran. Pagkatapos niyang makita si Qin Lianyi sa kalsada noon, inalam na niya ang lahat tungkol dito.Syempre, sa lahat nang makikita niya tungkol kay Qin Lianyi ay si Ling Yiran.Bestfriend siya ni Qin Lianyi. Dahil din kasi kailangang tulungan ni Qin Lianyi si Ling Yiran sa kanyang kaso kaya nagbook siya ng pinaka maaga na flight pabalik galling abroad. Marami siyang ginawa para lang matulungan si Ling Yiran makahanap ng lawyers at mga ebidensya.Sa madaling salita, dahil din kay Ling Yiran kaya iniwan ni Qin Lianyi si Bai Tingxin nang walang paalam.Hindi naging komportable ang puso ni Bai Tingxin noong naisip niya ito.Kung hindi babae si Ling Yiran, maaaring karibal na ang tingin sakanya ni Bai Tingxin.“Oo, ako nga si Ling Yiran.” Sabi niya habang itinaas ang kanyang baba.“Wala kang karapatan mangialam sa amin ni Qin Lianyi. Hindi mo dapat sinasali ang sarili mo s
Naglabas si Bai Tingxin ng lukot lukot na dilaw na papel galing sa bulsa sa dibdib niya.Nakasulat doon sa papel, “Sorry pero kailangan ko munang umalis.”Yun ang piraso ng papel na iniwan ni Lianyi noon. Palagi niyang dala-dala ito kahit saan man siya nagpupunta sa lumipas na mga taon hanggang ngayon.Maraming beses, sa galit niya, nilulukot niya ang papel at itatapon ito sa basurahan. Pero, binabalikan niya ito sa basurahan para kunin ulit.Itong piraso ng papel na ito ay parang tinik sa puso niya. Hindi niya kayang itapon at hindi niya talaga ito gustong gawin.Ito lang ang bagay na natirang alaala ni Lianyi sakanya. Kung wala iyon, wala siyang bagay na magpapaalala sakanya.Pero, ngayon… Ngayon, nahanap na niya siya!“Lianyi… Qin Lianyi…” Paulit ulit niyang sinasabi ang pangalan na ito, habang hinahalikan ang papel sa kanyang kamay. Parang bang hindi niya kayang mawala ito sakanya.…Sinundan ni Qin Lianyi si Ling Yiran sa kotse ni Yi Jinli at sinabing, “Maraming