Atsaka, kung ang katulad niya ay mapapahamak, wala namang kaso kung luluhod siya o hindi.Kahit pa maputol yung legs niya sa kakaluhod, hindi ito makadudulot ng kabutihan sakanya.Ang katahimikan ni Yiran ay nagpalalim ng mga mata ni Jinli. Walang pasabi, pinaandar niya ang sasakyan at umalis na.Simula noon, walang naramdaman si Ling Yiran kung hindi katahimikan at pagpigil ng kotse.…Pumunta si Ling Yiran kay Qin Lianyi kinabukasan, nagpunta sila sa restaurant malapit sa bahay ni Qin Lianyi. Habang tinitingnan ang kanyang bestfriend na halatang may eyebags, naisip ni Ling Yiran na puyat ito kagabi.“Anong nangyari pagkatapos mo makauwi kagabi?” Tanong ni Ling Yiran.“Wag kang pumunta dun. Naghahanda na ng ransom yung mga magulang ko at muntik pa nila akong paluhurin sa washboard pagkauwi ko.” Sabi ni Qin Lianyi. Nagulat si Ling Yiran sa sinabi niya, “Bakit? Hindi mo ba sinabi sakanila yung tungkol kay Bai Tingxin?”“Uh…sinabi ko na meron akong kaibigan na matagal k
“Kung hindi mo ako matutulungan magsettle, sabihin mo lang at…”Natigilan si Ling Yiran dahil kay Qin Lianyi. “Ang dami mong tinulong sa akin kahapon, Yiran. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako ililigtas ni Yi Jinli. Ako ang nagsimula ng gulo kay Bai Tingxin. Hahayaan ko siyang gawin ang gusto niya sakin.”Sinabi niya yun nang mahinahon, pero nag aalala pa rin si Ling Yiran. Ganoon lang ba yun kasimple?“Uy…wag kang mag alala. Kahit na iniwan ko si Bai Tingxin na hindi nagpapaalam sakanya. Wala naman akong pinatay, ginawang masama sakanya, wala rin akong galit sakanya. One night stand lang yun… Sa tingin ko naman hindi niya ako sasaktan.” Sabi ni Qin Lianyi sa bestfriend niya.Kahit na, mahirap na rin ang pinagdaanan ng bestfriend niya para makipag deal kay Yi Jinli. Ayaw niya namang madagdagan ang mga iisipin nito.“Pero, kung magkaroon man ng problema, sabihan mo ako agad okay!” Sabi ni Ling Yiran. “Kahit na wala ako sa posisyon para tumulong, tatanungin ko si Yi Jinli, baka
“Sumakay ka.” Sabi ni Bai Tingxin.Nahirapan magdesisyon si Qin Lianyi. Mahalaga sakanya yung phone niya, pero ang presyo ng freedom niya ay mas mahal! Ayaw niya nang maulit yung nangyari sakanya kahapon, ayaw na niyang makulong sa kwarto ng apat na oras.Kung hindi kasama ni Yiran si Yi Jinli para kunin siya kahapon, hindi niya alam kung makakalabas pa siya.“Ah…sige salamat nalang. Magpapalit nalang ako ng phone. Hindi ko na kailangan yang luma.” Sabi ni Lianyi.“Hindi mo na kailangan yung mga litrato at yung mga internet accounts sa phone mo? Oo nga pala, sa tingin ko meron ding internal information yung company niyo dito.” Sabi ni Bai Tingxin. “Kung ayaw mo na nito, edi wag mo.”Ugh! Pagbabanta ito!Napangisi ang ngipin ni Lianyi, ‘Paano niya nabuksan yung phone ko eh may password yun? Binuksan niya kaya at nakita yung mga litrato at impormasyon na nakalagay doon?’‘Yung mga social media accounts ko…na-decrpyt niya kaya lahat?’“Paano mo nagawa yon?!” Galit niyang s
Napapikit si Qin Lianyi. ‘Hindi niya ba ibabalik yung phone ko?’ sabi niya sa isip niya.“Bigyan ko kaya siya ng pera?” Pagkatapos itanong ni Lianyi sa sarili niya yun ay napaisip siya na ang stupid niya. Sa current status ba naman ni Bai Tingxin, may pakialam pa ba yun sa pera?Panigurado, ngumisi siya at tiningnan na para bang hindi pinag isipan ni Lianyi yung sinabi niya.“Eh anong gusto mo?” Tanong niya, huminga siya ng malalim. Para bang wala siyang itinaya, kaya niyang itaya lahat. Inakala niyang ginamit yung phone niya para makaganti sakanya ng dahil sa ginawa niya mahigit tatlong taon na ang nakalipas.Hinayaan nalang niya si Bai Tingxin.“Nagkaroon ka ba ng jowa nitong nakaraang tatlong taon?” tanong ni Bai Tingxin.Umiling siya, nagtaka kung bakit niya tinanong yun.“Eh may nagustuhan ka bang lalaki?” tanong ulit ni Bai Tingxin.Marami siyang nagustuhan. Kapag pinag sama sama yung mga crush niyang celebrity at binilang sa kamay, hindi sapat yung sampung daliri
Namula ang mukha ni Qin Lianyi. Nanginig ang kanyang mga labi, ang tanging nasasabi niya lang ay “Sorry…”Pagkatapos nang lahat, siya pa rin ang nagsabi ng mga salitang iyon, at siya rin ang hindi tumupad ng kanyang pangako.“Ginulo mo ang isip ko.” Sabi niya.Nagkaroon nanaman ng katahimikan sa kotse. Hindi niya alam kung gaano katagal bago tumigil yung kotse. Sinundan ni Qin Lianyi si Bai Tingxin palabas ng kotse, malaman laman niyang pareho ito ng mansion kung saan siya dinala nito kahapon.Hindi mapigilan ni Qin Lianyi na matakot pumasok dahil naalala niya na kinulong siya dito kagabi.“Bakit, takot ka bang pumasok sa loob?” Lumingon si Bai Tingxin at tumingin kay Qin Lianyi.Sinubukan niyang ngumiti. “Pwede naman tayong mag usap sa labas. Pareho lang naman yun.”Ngumiti nang bahagya si Bai Tingxin at sinabing, “Marami akong pwedeng gawin para lang hindi ka umalis sa tabi ko kung gusto ko, Qin Lianyi at sinisigurado ko sa iyo na hindi magiging madali ang pag ligtas sa
“Oo… sobrang sarap.” Napatahimik si Lianyi, yung bibig niya ay punong puno ng lasa ng cocktail.Dapat sana ay binagalan niya ang pag inom ng alak, pero ininom niya ito ng isang lagok lang. “Bai Tingxin, anong gusto mong gawin ko para pakawalan mo na ako? Sabihin mo!”Siguro yung baso ng alak ang nagbigay sakanya ng lakas ng loob para sabihin iyon nang malakas.Nagdilim ang paningin ni Bai Tingxin, “Kung ano man ang utang mo sakin, bayaran mo na ako ngayon.”Itinagilid niya ang ulo niya sa isang gilid, ang bilog niyang mga mat ana nakatitig sakanya na para bang may iniisip siyang bagay. “Kailangan ko lang bayaran kung ano yung utang ko sa iyo?”“Oo…” sabi niya.Tumayo si Lianyi at umiling. Siguro tinamaan na siya ng alak at nakaramdam na siya nang pagkahilo.Ang alak ay kasing tapang din nang dati.Pero, nang dahil dito, mas naging matapang siya at kaya niyang gawin ang mga bagay na hindi naman niya talaga nagagawa.Katulad nalang ng pag tanggal ng zipper ng coat niya
Noong sinabi niya na isa siyang anak sa labas, ngumiti ito. “Ano naman kung anak ka sa labas? Ikaw ay kung ano ka. Nag iisa ka lang sa mundong ito. Hindi naman nakabase ang kayang gawin ng isang tao kung anak man siya labas o hindi.“Sa tingin mo ba kahiya-hiya na pinanganak ako?” Sabi niya, “Sa tingin ko hindi responsable yung mga magulang mo tungkol sa kasal. Ngayon na may mga anak na sila, dapat silang ikasal. Kung hindi man sila pwedeng ikasal, dapat nanatili ang kanilang distansya o naging mas maingat. Hindi ba may kasabihan na kapag nasa isang relasyon ka na hindi mo iniisip ang kasal ay magiging isang sexual harassment?”Sa unang pagkakataon, may nagsabi nang ganun sa harap niya tungkol sa mga magulang niya.Hindi niya ba alam na minsan ang mga tao ay pumapasok sa isang relasyon kahit hindi iniisip ang pagpapakasal dahil marami pang dapat konsiderasyon dito?Ang pagpapakasal ay walang iba kung hindi ang pagpili ng babaeng makakasama nila habang buhay.“Pumapasok ka
Habang nakatingin siya sa natutulog niyang mukha, tinanggal niya ang isang kamay niya dito.Nahanap niya siya! Hindi na lamang siya isang memorya ngunit lumitaw na ito sa kanyang harapan.“Pumayag ka na ngayon. Hindi ako papayag na bawiin mo yung mga sinabi mo.” Mahina niyang sinabi pero narinig ito sa buong kwarto.Sinagot lamang siya ng hininga ng bawat isa.…Pagkatapos ng interview, bumalik si Ling Yiran sa Yi Residence. Nadalian lang siya sa pinuntahan niyang interview ngayon. Yung nag interview sakanya ay tiningnan lamang at kanyang health certificate at nagtanong ng mga basic na tanong.Noong tinanong kung bakit siya, isang matalinong law graduate, ay gustong maging food delivery rider, handa siyang sagutin ang mga katanungan na yon, pero kinabahan siya at kaya lang sabihin sa simpleng paraan na nakulong siya dahil sa traffic offense, kaya ang kanyang lisensya ay binawi.Wala nang iba pang tinanong sakanya pagkatapos noon. Sinabi lang nila na pwede na siyang umuwi