“Sumakay ka.” Sabi ni Bai Tingxin.Nahirapan magdesisyon si Qin Lianyi. Mahalaga sakanya yung phone niya, pero ang presyo ng freedom niya ay mas mahal! Ayaw niya nang maulit yung nangyari sakanya kahapon, ayaw na niyang makulong sa kwarto ng apat na oras.Kung hindi kasama ni Yiran si Yi Jinli para kunin siya kahapon, hindi niya alam kung makakalabas pa siya.“Ah…sige salamat nalang. Magpapalit nalang ako ng phone. Hindi ko na kailangan yang luma.” Sabi ni Lianyi.“Hindi mo na kailangan yung mga litrato at yung mga internet accounts sa phone mo? Oo nga pala, sa tingin ko meron ding internal information yung company niyo dito.” Sabi ni Bai Tingxin. “Kung ayaw mo na nito, edi wag mo.”Ugh! Pagbabanta ito!Napangisi ang ngipin ni Lianyi, ‘Paano niya nabuksan yung phone ko eh may password yun? Binuksan niya kaya at nakita yung mga litrato at impormasyon na nakalagay doon?’‘Yung mga social media accounts ko…na-decrpyt niya kaya lahat?’“Paano mo nagawa yon?!” Galit niyang s
Napapikit si Qin Lianyi. ‘Hindi niya ba ibabalik yung phone ko?’ sabi niya sa isip niya.“Bigyan ko kaya siya ng pera?” Pagkatapos itanong ni Lianyi sa sarili niya yun ay napaisip siya na ang stupid niya. Sa current status ba naman ni Bai Tingxin, may pakialam pa ba yun sa pera?Panigurado, ngumisi siya at tiningnan na para bang hindi pinag isipan ni Lianyi yung sinabi niya.“Eh anong gusto mo?” Tanong niya, huminga siya ng malalim. Para bang wala siyang itinaya, kaya niyang itaya lahat. Inakala niyang ginamit yung phone niya para makaganti sakanya ng dahil sa ginawa niya mahigit tatlong taon na ang nakalipas.Hinayaan nalang niya si Bai Tingxin.“Nagkaroon ka ba ng jowa nitong nakaraang tatlong taon?” tanong ni Bai Tingxin.Umiling siya, nagtaka kung bakit niya tinanong yun.“Eh may nagustuhan ka bang lalaki?” tanong ulit ni Bai Tingxin.Marami siyang nagustuhan. Kapag pinag sama sama yung mga crush niyang celebrity at binilang sa kamay, hindi sapat yung sampung daliri
Namula ang mukha ni Qin Lianyi. Nanginig ang kanyang mga labi, ang tanging nasasabi niya lang ay “Sorry…”Pagkatapos nang lahat, siya pa rin ang nagsabi ng mga salitang iyon, at siya rin ang hindi tumupad ng kanyang pangako.“Ginulo mo ang isip ko.” Sabi niya.Nagkaroon nanaman ng katahimikan sa kotse. Hindi niya alam kung gaano katagal bago tumigil yung kotse. Sinundan ni Qin Lianyi si Bai Tingxin palabas ng kotse, malaman laman niyang pareho ito ng mansion kung saan siya dinala nito kahapon.Hindi mapigilan ni Qin Lianyi na matakot pumasok dahil naalala niya na kinulong siya dito kagabi.“Bakit, takot ka bang pumasok sa loob?” Lumingon si Bai Tingxin at tumingin kay Qin Lianyi.Sinubukan niyang ngumiti. “Pwede naman tayong mag usap sa labas. Pareho lang naman yun.”Ngumiti nang bahagya si Bai Tingxin at sinabing, “Marami akong pwedeng gawin para lang hindi ka umalis sa tabi ko kung gusto ko, Qin Lianyi at sinisigurado ko sa iyo na hindi magiging madali ang pag ligtas sa
“Oo… sobrang sarap.” Napatahimik si Lianyi, yung bibig niya ay punong puno ng lasa ng cocktail.Dapat sana ay binagalan niya ang pag inom ng alak, pero ininom niya ito ng isang lagok lang. “Bai Tingxin, anong gusto mong gawin ko para pakawalan mo na ako? Sabihin mo!”Siguro yung baso ng alak ang nagbigay sakanya ng lakas ng loob para sabihin iyon nang malakas.Nagdilim ang paningin ni Bai Tingxin, “Kung ano man ang utang mo sakin, bayaran mo na ako ngayon.”Itinagilid niya ang ulo niya sa isang gilid, ang bilog niyang mga mat ana nakatitig sakanya na para bang may iniisip siyang bagay. “Kailangan ko lang bayaran kung ano yung utang ko sa iyo?”“Oo…” sabi niya.Tumayo si Lianyi at umiling. Siguro tinamaan na siya ng alak at nakaramdam na siya nang pagkahilo.Ang alak ay kasing tapang din nang dati.Pero, nang dahil dito, mas naging matapang siya at kaya niyang gawin ang mga bagay na hindi naman niya talaga nagagawa.Katulad nalang ng pag tanggal ng zipper ng coat niya
Noong sinabi niya na isa siyang anak sa labas, ngumiti ito. “Ano naman kung anak ka sa labas? Ikaw ay kung ano ka. Nag iisa ka lang sa mundong ito. Hindi naman nakabase ang kayang gawin ng isang tao kung anak man siya labas o hindi.“Sa tingin mo ba kahiya-hiya na pinanganak ako?” Sabi niya, “Sa tingin ko hindi responsable yung mga magulang mo tungkol sa kasal. Ngayon na may mga anak na sila, dapat silang ikasal. Kung hindi man sila pwedeng ikasal, dapat nanatili ang kanilang distansya o naging mas maingat. Hindi ba may kasabihan na kapag nasa isang relasyon ka na hindi mo iniisip ang kasal ay magiging isang sexual harassment?”Sa unang pagkakataon, may nagsabi nang ganun sa harap niya tungkol sa mga magulang niya.Hindi niya ba alam na minsan ang mga tao ay pumapasok sa isang relasyon kahit hindi iniisip ang pagpapakasal dahil marami pang dapat konsiderasyon dito?Ang pagpapakasal ay walang iba kung hindi ang pagpili ng babaeng makakasama nila habang buhay.“Pumapasok ka
Habang nakatingin siya sa natutulog niyang mukha, tinanggal niya ang isang kamay niya dito.Nahanap niya siya! Hindi na lamang siya isang memorya ngunit lumitaw na ito sa kanyang harapan.“Pumayag ka na ngayon. Hindi ako papayag na bawiin mo yung mga sinabi mo.” Mahina niyang sinabi pero narinig ito sa buong kwarto.Sinagot lamang siya ng hininga ng bawat isa.…Pagkatapos ng interview, bumalik si Ling Yiran sa Yi Residence. Nadalian lang siya sa pinuntahan niyang interview ngayon. Yung nag interview sakanya ay tiningnan lamang at kanyang health certificate at nagtanong ng mga basic na tanong.Noong tinanong kung bakit siya, isang matalinong law graduate, ay gustong maging food delivery rider, handa siyang sagutin ang mga katanungan na yon, pero kinabahan siya at kaya lang sabihin sa simpleng paraan na nakulong siya dahil sa traffic offense, kaya ang kanyang lisensya ay binawi.Wala nang iba pang tinanong sakanya pagkatapos noon. Sinabi lang nila na pwede na siyang umuwi
Nagulat si Ling YIran. “Anong sinabi mo?”“Hindi mo ba ako narinig?” Inulit ni Yi JInli na may kaunting pasensya sa kanyang mukha. “Sabi ko, dahil ayaw mo nung kompanya na yun, mas mabuti pang tanggalin ko na yung kompanya na yun.”Para bang nagsasalita siya tungkol sa napaka-ordinaryong bagay.Pero, tanggalin ang kompanya?!Naloka si Ling Yiran dahil sa sinabi ni Yi Jinli. Inisip niya kung hindi ba sila nagkaintindihan? Kakasimula palang nung kompanya na yun sa food delivery industry. Kahit na hindi sila kasing galing ng mga kilalang kompanya, naging maganda ang takbo ng sistema nila ngayon. Nabasa niya rin sa news reports na nagtaas ang kapital nito ng $1.7 billion.Paano niya matatanggal yung kompanya ng ganoon kabilis?Pero… kung si Yi JInli naman ang gagawa nun, ang imposible ay pwedeng pwede maging posible.“Nang dahil lang ayaw ko sakanila?” tanong niya, habang gulat siyang nakatingin kay Yi Jinli.Ngumiti si Yi Jinli. “Ayoko rin sa mga taong nanggagamit. Ang isang namum
‘Saan tong lugar na ito?’ sa isip ni Lianyi.Natigilan siya. Tapos, nagsimula na niyang maalala kung ano ang mga nangyari bago siya mapunta dito at umupo siya agad.Uminom nanaman siya at hindi lang iyon, nalasing pa siya!“Gising ka na ba?” May pumalibot na boses sa kwarto. Nanigas si Qin Lianyi at lumingon sa kabilang side.Siguradong sigurado, nakaupo si Bai Tingxin sa sofa na hindi nagkakalyo sa kama. Nakatingin siya kay Lianyi.“Oo…oo gising ako…” nautal siya at nagmadaling umalis sa kama. Tiningnan niya ang kanyang suot. Wala namang nagkulang dito, kaya inisip niya… na wala namang nangyari sakanilang dalawa.Sabi ni Qin Lianyi sa sarili niya, na kung sakali man, tinanong niya, “May ginawa ba akong kalokohan nung nalasing ako?”“Oo… marami kang ginawang kalokohan. Anong gusto mong unahin kong sabihin?” Tamad na pagkasabi ni Bai Tingxin.Napanganga nalang si Qin Lianyi sa mga sinabi ni Bai Tingxin.Maraming bagay…ano…Anong ginawa niya?! Gulong gulo na ang utak niya pagkatap