Nagulat si Ling YIran. “Anong sinabi mo?”“Hindi mo ba ako narinig?” Inulit ni Yi JInli na may kaunting pasensya sa kanyang mukha. “Sabi ko, dahil ayaw mo nung kompanya na yun, mas mabuti pang tanggalin ko na yung kompanya na yun.”Para bang nagsasalita siya tungkol sa napaka-ordinaryong bagay.Pero, tanggalin ang kompanya?!Naloka si Ling Yiran dahil sa sinabi ni Yi Jinli. Inisip niya kung hindi ba sila nagkaintindihan? Kakasimula palang nung kompanya na yun sa food delivery industry. Kahit na hindi sila kasing galing ng mga kilalang kompanya, naging maganda ang takbo ng sistema nila ngayon. Nabasa niya rin sa news reports na nagtaas ang kapital nito ng $1.7 billion.Paano niya matatanggal yung kompanya ng ganoon kabilis?Pero… kung si Yi JInli naman ang gagawa nun, ang imposible ay pwedeng pwede maging posible.“Nang dahil lang ayaw ko sakanila?” tanong niya, habang gulat siyang nakatingin kay Yi Jinli.Ngumiti si Yi Jinli. “Ayoko rin sa mga taong nanggagamit. Ang isang namum
‘Saan tong lugar na ito?’ sa isip ni Lianyi.Natigilan siya. Tapos, nagsimula na niyang maalala kung ano ang mga nangyari bago siya mapunta dito at umupo siya agad.Uminom nanaman siya at hindi lang iyon, nalasing pa siya!“Gising ka na ba?” May pumalibot na boses sa kwarto. Nanigas si Qin Lianyi at lumingon sa kabilang side.Siguradong sigurado, nakaupo si Bai Tingxin sa sofa na hindi nagkakalyo sa kama. Nakatingin siya kay Lianyi.“Oo…oo gising ako…” nautal siya at nagmadaling umalis sa kama. Tiningnan niya ang kanyang suot. Wala namang nagkulang dito, kaya inisip niya… na wala namang nangyari sakanilang dalawa.Sabi ni Qin Lianyi sa sarili niya, na kung sakali man, tinanong niya, “May ginawa ba akong kalokohan nung nalasing ako?”“Oo… marami kang ginawang kalokohan. Anong gusto mong unahin kong sabihin?” Tamad na pagkasabi ni Bai Tingxin.Napanganga nalang si Qin Lianyi sa mga sinabi ni Bai Tingxin.Maraming bagay…ano…Anong ginawa niya?! Gulong gulo na ang utak niya pagkatap
“Okay sige, magdate tayo.” Sabi ni Qin Lianyi. Dahil pakiramdam niya ay paghihigantihan siya, naisip niya na dapat handa ang isip niya para dito. “At ikaw… Uh, pwede mo na ibalik yung phone ko ngayon na.”Hindi niya makalilimutan ang pinaka rason bakit sinundan niya ito sa mansyon ay dahil kukunin niya ang kanyang phone.Tinitigan niya ito ng ilang segundo, pagkatapos tinapon ang kanyang phone na nakalagay sa ibabaw ng coffee table pabalik kay Lianyi.“Ano ba!” sigaw ni Lianyi, habang sakto niyang sinalo ang phone niya sa tamang oras. Nagkakahalagang 10,000 dollars ang phone na ito. Lakas loob niya itong binili dahil sa presyo. Kung ito ay tumama sa sahig at nasira ang screen, dagdag gastos nanaman sa nagkakahalagang 2,000 dollars para ito maayos.Ang sakit isipin na gagastos ka ulit ng malaking pera pag nasira ito!Kapag nasira ito, hindi naman niya hiniling na bayaran niya ito!Binuksan ni Qin Lianyi ang kanyang phone at tininginan ang oras. Lagpas na ang 9pm at maraming ang hi
Bilang isang taong nahuhumaling sa itsura at gustong gusto ang idolo na ito ngayon at magmahal ng iba bukas, seryoso siya sa bawat isa sakanila!Isa siyang matapat na tagahanga kapag nababaliw siya sakanyang mga idolo at gumagastos talaga ng pera para makapunta sa mga concerts at autograph sessions ng mga ito.Minsan, kung kakayanin, pumupunta pa siya sa mga celebrity fan meetings.Syempre, karamihan sa mga ito ay nangyari bago ang insidente ni Ling Yiran. Pagkatapos ng insidente ni Yiran, hindi siya masyadong nabibighani sa mga ito. Bukod sa pagpunta sa trabaho, nakapokus lang ang lahat ng enerhiya niya sa pagtulong sakanyang bestfriend para mabaliktad ang kaso.Dahil dito, yung mga videos ng concerts, signings at fan meetings ay katumbas ng isang magandang alaala ng kanyang kabataan.Pero ngayon, lahat na ng alaala na ito ay…wala na?!“Anong nangyari sa mga videos ng events ng mga idolo ko?!” Sigaw ni Qin Lianyi, habang lumilingon ang kanyang ulo papunta kay Bai Tingxin at tinin
Umuwi na si Qin Lianyi, siya ay nalilito pa rin nang bahagya. Sila na ba talaga ni Bai Tingxin? Nag isip siya nang marami pang posible na paraan para maghiganti sakanya na kaya niyang ipatupad, pero hindi niya naisip ang ganitong bagay!Wala siya masyadong karanasan sa pakikipagdate. Siya yung tipong sumusunod lang sa agos ng relasyon. Kung hindi man nagkatuluyan, marami namang siyang backup, ang kanyang mga iniidolo sa drama.Pero, ang problema ay… gusto niyang mahulog ang loob niya sakanya.Ang mahulog ang loob sakanya pagkatapos ay hihiwalayan niya ito? Hindi napigilang magkamot ng ulo si Qin Lianyi. Kung hindi man sila magkatuluyan, pwede naman siyang magkunwari na nahulog na ang kanyang loob dito pagkatapos ng ilang buwan nang pangliligaw at magpanggap na nasaktan siya kapag hiniwalayan siya? Para matapos na ang lahat nang ito.Lumalim ang paghinga ni Qin Lianyi sa pag iisip nito. Sinong mag aakala na ang una niyang relasyon ay sa ganito magsisimula?Subalit, mas maganda na i
Paglabas ng kompanya pagkatapos ng interview, hindi mapigilan ni Ling Yiran na maramdaman ang pagkabigo.Akala niya kaya niyang lampasan ito at handa pa ring magtrabaho bilang isang rider kahit walang basic na sahod na mayroon sa ibang kompanya, pero kahit ganun, hindi pa rin siya natanggap.Malapit nang magtanghali, nakakita ng maliit na restaurant si Ling Yiran sa gilid ng kalsada at bumili ng isang bowl ng noodles na nagkakahalagang $10. Eto na ang pinaka murang bowl ng noodles sa restaurant.Meron din lumang telebisyon sa tindahan. Pinalabas ang balita sa TV at eto ang replay ng balita kahapon. Nakinig si Ling Yiran sa una, para marinig niya ang pagbanggit ng isang pamilyar na kumpanya.Eto ang… ang kompanya na una siyang ininterview para sa rider job. Ito rin ang kanilang boss na tinawagan si Yi Jinli at sinabi ang tungkol sakanya noong ininterview ito.Nauna nang sinabi ni Yi JInli na nais niyang tanggalin ang kompanya.Ngayon, ang sabi ng balita ay ang kompanya ay may hi
“Ay..hindi naman po..hindi naman niya po ako iniistorbo. Ang cute nga po ng anak ninyo.” Sabi ni Ling Yiran. “Pero, sa tingin ko po ay gusto niya ng noodles. Kanina niya pa po ito tinititigan.”“Kapag binigyan mo siya ng noodles, maaari niyang kainin ito o hindi. Gusto niya lang ang maging masaya.” Sabi nung babae at sinimulan sensyasan ang bata gamit ang kanyang dalawang kamay.Natigilan si Ling Yiran at agad na napansin kung ano ang ginagawa ng babae. Sign Language!“Siya ay….” Sabi ni Ling Yiran.Sabi nung babae, “Hindi siya nakaririnig, pero may mga alam na siyang sign language, kaya nakakaintindi na siya ng mga simpleng sensyas.”Sabi ng babae at dahan dahang patuloy na sinabi na, “Humingi ka ng pasensya kay Ate.” Habang sumesenyas.Pagkatapos, nakita ni Ling Yiran ang munting lalaki na tumungo na parang pinaparating ang kanyang paghingi ng pasensya.Hindi mapigilan na haplusin ni Ling Yiran ang ulo ng munting bata. Napakabata pa nito, pero hindi na siya nakaririnig. Ang la
“Oo nga pala, ang pangalan ko ay Zhuo Qianyun. Pwede mo akong tawagin na Ate Zhuo. Ikaw, anong pangalan mo?” tanong ng boss.“Hi, Ate Zhuo! Ako po si Ling Yiran, pwede mo ako tawaging Yiran.” Sabi ni Ling Yiran, at pagkatapos nun, tila ba natanggal ang dilim sakanyang mga mata.Tiningnan ni Zhuo Qianyun si Ling Yiran, masaya ang kanyang mga mata.Umalis na si Ling Yiran pagkatapos niyang sabihin ang kanyang pangalan at contact information. Isang babae na nasa edad na 50s ang lumapit kay Zhuo Qianyun. “Anong pinag uusapan ninyo nung babae na ‘yon?”“Nag apply siya sa atin para maging food delivery rider, at tinanggap ko siya para magsimula na ng trabaho bukas.” Sabi ni Zhuo Qianyun.“Isang babae na nasa ganoong edad? Mag aapply bilang rider natin? Imposible, siguro may mali sakanya. Hindi ba gusto ng mga babae ay yung mga trabaho sa opisina?” Mababa ang sahod sa ng mga rider, at ang natatanging mga nasa edad na 50s lang ang nagtatanong nito. Pero, nagalit sila sa mababang sahod at
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at