Hirap na hirap ng magsalita si Ling Yiran. “Oo.” Sagot ni Yi Jinli. Nangako siya at gusto niyang tuparin ito lalo na at tumupad si Ling Yiran sa usapan nila. Kinuha niya ang hawak na baso ni Ling Yiran at inubos ang laman nito. 'Siguro nga lasing na lasing na siya kasi kung hindi, hindi niya naman siguro ako tatawaging Jin. ' Hindi rin alam ni Yi Jinli kung bakit pero sobrang saya niya nung tinawag siya nitong 'Jin' lalo na at sobrang lambing pa ng tono ng boses nito. Hindi siya sigurado pero mukhang nangulilala siya sa boses ni Ling Yiran at sa tawag nitong 'Jin' sakanya. Muling ngumiti si Ling Yiran kay Yi Jinli at maya-maya pa ay.... bigla itong yumakap sakany. "Jin... Inaantok na ako. Sobraaaa... Tutumba na ata ako..." At noong oras din na yun, tuluyan ng natumba si Ling Yiran sa braso ni Yi Jinli. Masayang pinagmasdan ni Yi Jinli ang natutulog na mukha ni Ling Yiran. 'Kung nasa katinuan ka, sigurado akong hindi mo to gagawin kasi alam kong takot na takot ka sakin.
“Alam mo minsan mas okay ng wala ka masyadong pakielam sa paligid mo.” Tumingin sa kalsada si Gu Lichen at nagdrive. “Okay. Naiintindihan ko.” Sagot ni Ling Luoyin, na mukhang masunuring bata. Sa gusto niyang makilala talaga si Gu Lichen, sobrang dami niyang pinagtanungan sa kung anmo ba ang mga gusto at ayaw nito at napag alamanan niya ay gusto raw nito sa mga maamong babae at ayaw naman nito sa mga babaeng makulit at parang may laging pinapatunayan. Pero kahit na gusto niyang siya na talaga ang makatuluyan nito, ayaw niyang madaliin ang mga bagay-bagay at ang gusto niya lang sa ngayon ay ang makuha talaga ang loob ni Gu Lichen. “Lichen, maraming salamat pala sa kwintas na binigay mo sakin kanina. Sobrang nagustuhan ko. Pero sa tingin ko hindi ko rin naman masyadong magagamit ang ganung kamahal na kwintas...” Nalangiting sabi ni Ling Luoyin. Ang akala ni Ling Luoyin, siya ang kumukontrol sa relasyon nila, pero ang hindi niya alam ay para kay Gu Lichen, laro lang ang lahat.
"Sige na, makakauwi ka na." Utos ni Yi Jinli kay Gao Congmin, na nakabuntot sakanya. Gulat na gulat si Gao Congming pero kahit na gusto niya pa mang magtanong kung bakit, alam niya sa sarili niya na may mga bagay na hindi niya na dapat tinatanong. "Opo." Sagot ni Gao Congming at tahimik itong lumabas ng bahay. 'Dahil sinabi ni Young Master Yi na umuwi na ako, ibig sabihin..... dito siya matutulog? Noong sandaling yun, si Yi Jinli at Ling Yiran lang ang naiwan sa loob ng maliit na apatment. Tinanggal ni Yi Jinli ang mga sapatos ni Ling Yiran at kinumutan ito. Pagkatapos, kumuha siya ng upuan, at umupo sa tabi ng kama nito. Habang pinagmamasdan niya ang paligid ng apartment, narealize niya na wala na siyang makitang kahit anong bakas na naiwan niya. 'Tinapon niya na ba ang mga gamit ko?' Nang sumagi yun sa isip ni yun ni Yi Jinli, biglang kumirot ang puso niya. Pero sa kalagitnaan ng pagmumuni niya, si Ling Yiran na dapat ay mahimbing ng natutulog ay biglang dumilat at
"Sige na, makakauwi ka na." Utos ni Yi Jinli kay Gao Congmin, na nakabuntot sakanya. Gulat na gulat si Gao Congming pero kahit na gusto niya pa mang magtanong kung bakit, alam niya sa sarili niya na may mga bagay na hindi niya na dapat tinatanong. "Opo." Sagot ni Gao Congming at tahimik itong lumabas ng bahay. 'Dahil sinabi ni Young Master Yi na umuwi na ako, ibig sabihin..... dito siya matutulog? Noong sandaling yun, si Yi Jinli at Ling Yiran lang ang naiwan sa loob ng maliit na apatment. Tinanggal ni Yi Jinli ang mga sapatos ni Ling Yiran at kinumutan ito. Pagkatapos, kumuha siya ng upuan, at umupo sa tabi ng kama nito. Habang pinagmamasdan niya ang paligid ng apartment, narealize niya na wala na siyang makitang kahit anong bakas na naiwan niya. 'Tinapon niya na ba ang mga gamit ko?' Nang sumagi yun sa isip ni yun ni Yi Jinli, biglang kumirot ang puso niya. Pero sa kalagitnaan ng pagmumuni niya, si Ling Yiran na dapat ay mahimbing ng natutulog ay biglang dumilat at
Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ni Yi Jinli kaya bigla siyang bumaliktad at si Ling Yiran naman ang nasa ilalim niya. "Bakit ka tumigil? Bakit ka tumigil?" Bulong ni Yi Jinli habang hinihimas ang mukha ni Ling Yiran. Hindi niya maipaliwanag ang saya habang tinitigan siya nito ng diretso sa mga mata. Ang ngiti nito... Ang lambing ng boses nito kapag tinatawag siyang Jin... Ang pag yakap nito... Ang amoy nito.. At ang halik nito.... Sobrang namiss niya ang mga ito... "Binabawi ko na ang sinabi kong hindi ako nananamantala ng lasing na babae." Ito ang unang pagkakataon na naisip niyang bumawi ng sinabi niya. Yumuko siya at hinalikan ito ng madiin na madiin. Ramdam na ramdam niya na nagiinit ang buong katawan niya at kay Ling Yiran niya lang to naramdaman.... Na para bang naka disensyo lang ang katawan niya para rito... Hindi niya na namalayan kung gaano na sila katagal na naghalikan pero nang matapos sila, nakita niya nalang na natutulog na ito ng mahimbing... "Ano
"Hindi ka ba natatakot na baka gantihan ka nila kapag pinakawalan mo sila?" Hindi sumagot si Ling Yiran dahil naisip niya na rin ang sinabi ni Yi Jinli at hindi ito nagkakamali, lalo na at ugali talaga ng mga tito niya na imbes na magpasalamat ay manunumbat pa. "Wala akong pakielam sakanila. kaya kong matulog ng mahimbing kahit pa maraming galit sa akin." Kalmadong sagot ni Ling Yiran. Pero hindi nagustuhan ni Yi Jinli ang naging sagot ni Ling Yiran. "Eh paano naman ako?" Bigla niyang tanong. "Ano?" Sagot ni Ling Yiran na ilang segundo pa ang lumipas dahil wala siya sa sarili. Nilapit ni Yi Jinli ang mukha niya kay Ling Yiran at inulit ang tanong niya, "Ang sabi ko, paano naman ako? Hindi mo ba ako iniisip? Hindi ka ba nag-alala kung anong tingin ko sayo?" Hindi alam ni Ling Yiran kung paano siya sasagot. 'Kung ikiaw siguro si 'Jin', walang pagdadalawang isip kong sasabihing nag-aalala ako sayo, pero ikaw si Yi Jinli....' "Sa tingin ko wala ka talagang pakielam kung ini
Dali daling umalis si Ling Yiran sa kama niya. "Ma...maliligo ako." Hindi mapakaling sabi ni Ling Yiran, sabay takbo papunta sa CR. Samantalang si Yi Jinli ay tinignan sinundan lang ito ng tingin. - Sa loob ng CR, tinitigan ni Ling Yiran ang sarili niya sa salamin at napabuntong hininga nalang siya. Hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi sakanya ni Yi Jinli. 'Ako? pumatong sakanya at hinalikan siya? 'Paano naman mangyayari yun!' 'Pero... imposible ba talaga? Wala rin kasi akong maalala.... 'Paano kung totoo pala ang sinabi niya?' Hindi alam ni Ling Yiran kung paano papaniwalain ang sarili niya na hindi totoo ang sinabi ni Yi Jinli kung siya mismo ay walang maalala! Dali-dali siyang naligo at paglabas niya, nagulat siya na nasa apartment niya pa rin si Yi Jinli. Kasalukuyan itong nakaupo sa may dining table niya at umiinom ng tubig. Naka de-otso ang mga binti nito at sa sobrang gwapo ng mukha at ganda ng katawan nito, lahat ata ng makakakita dito ay mapapatulal
Para sa isang Yi Jinli, wala ng ibang gloves pang babagay kundi yung mga custom-made ng mga sikat na designer! "Isipin mo nalang na thank you gift mo yun sakin sa pagpapalaya ko sa nga kamag-anak mo." Hirit ni Yi Jinli. "Pero nawala o na yung sukat." Hiyang hiyang sabi ni Ling Yiran. Naalala niya na gumamit siya noon ng medida para makuha ang sukat nito, pero ngayon, nawala niya na ito. Lalo na at wala na rin naman talaga siyang planong tapusin ang gloves kaya tinapon niya na ang papel na pinagsulatan niya. "Kung nawala mo na yung sinukat mo noon, eh di sukatan mo nalang ako ulit." Malamang yun nga ang kailangan niyang gawin.... Kinuha ni Ling Yiran ang medida niya at umupo sa tabi ni Yi Jinli para kunin ang sukat ng kamay nito. At siyempre, hindi maiiwasang mahawakan niya ang mga kamay nito. Sa tuwing dadampi ang mga daliri niya sa palad nito, agad niyang iniiwas pero hanggat maari, ayaw niyang magpahalatang naiilang niya. Pero napansin pa rin ito ni Yi Jinli kaya nata