Kaya para matapos niya ito kaagad, dinala niya nalang ito sa Sanitation Service Center para magagawa niya ito kapag breaktime niya. Nang makita ni Manang Xu ang ginagawa ni Ling Yiran, hindi nito napigilang mangusisa. "Nagtatahi ka ng gloves mo? Bakit ang laki?" "Ahhh.... May pagbibigyan ka?" "Uh-huh," Sagot ni Ling Yiran. "Sabi ko na eh! Hindi naman ganyan kalaki ang kamay mo eh!" Pangungulit ni Manang Xu. Tumungo lang si Ling Yiran. "May boyfriend ka na ba?" Muling panguusisa ni Manang Xu. "Wala po." Dali-daling pagtanggi ni Ling Yiran. "Eh kung wala ka naman palang boyfriend, kanino mo ibibigay yan? At talagang dinala mo pa yan dito para matapos mo habang breaktime mo!" Pangungulit ni Manang Xu, na ayaw maniwala sa sinasabi ni Ling Yiran. Hindi na nakasagot si Ling Yiran dahil ano bang sasabihin niya kay Manang Xu? Na yung tinatahi niya ay para kay Yi Jinli ay kailangan niyang matapos agad-agad dahil ayaw niya ng magkaroon ng utang dito? Mas okay na sakanyang isi
"Pero kahit ilang beses pa akong mapromote, hindi mo pa rin ako magugustuhan diba?" Hindi alam ni Ling Yiran kung anong sasabihin niya kay Guo Xinli para gumaan ang pakiramdam nito. Natawa nalang si Guo Xinli, "Sa totoo lang, bago mo pa sabihin yun sakin naiisip ko na rin talagag maghanap ng ibang trabaho. Ilang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa Sanitation Service Center at nagsawa na ako. Gusto ko namang magkaroon ng mas challenging na trabaho kahit bago manlang ako mag trenta." "Challenging?" Kung papapiliin si Ling Yiran kung buhay na walang kasiguraduhan at puno ng mga pagsubok o yung buhay na boring siguro hinding hindi niya pipiliin yung una. Dahil sa lahat ng pinagdaanan niya, natutunan niyang makuntento kahit gaano pa kasimple ang mga nangyayari sakanya. Huminga ng malalim si Ling Yiran at sinabi, "Sa totoo lang, hindi mo dapat isipin yung mga sinabi ko sayo. Nagawa ko lang yun dahil ayoko ng mag aksaya ka ng oras para sakin. Didiretsuhin na kita, hindi kita gust
'Yun ba yung lalaking mahal niya?' Pero bandang huli, wala rin siyang lakas ng loob na magtanong. Dahil wala naman talaga siyang karapatan sa ngayon pero siguro balang araw kapag mas maayos na ang buhay niya, babalikan niya si Ling Yiran. Hindi na rin nagtagal si Guo Xinli at umalis na rin ito kaagad. Samantalang si Ling Yiran naman ay naglakad papasok sa apartment niya, pero laking gulat niya nang makitang nakabukas ang mga ilaw sa loob. Bago siya umalis, sinugurado niyang napatay niya ang mga ilaw. Hindi kaya... Kinilabutan si Ling Yiran. Hindi na siya nagpatumpik tumpik at binuksan niya kaagad ang pintuan, at ang sumalubong sakanya ay ang maliwanag niyang apartment at si Yi Jinli na naka upo sa sofa. "Ikaw-" Naglakad siya papasok sa apartment niya. "Gabing gabi na, bakit ka ba nandito?" "Ako nga ang dapat nagtatanong niyan sayo, ate. Hindi ka naman daw nag overtime ngayon at hindi ka rin night shift kaya bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Yi Jinli habang tinitignan
"Bakit? Dito naman ako nakatira noon ah? Nakalimutan mo na ba na palagi tayong magkasamang matulog noon?" Kalmadong sabi ni Yi Jinli. Ang mga salitang to.... ay sobrang nakakagulo ng isip! Napakagat ng labi si LIng Yiran. "Pero ngayon..." "Anong meron ngayon?" "Wala naakong extra na mahihigaan mo. Tinago ko yung ginagamit mo noon pero hindi ko pa lalabhan kaya malamang may amoy na yun ngayon." "Napaka simple lang ng sagot sa problema mo, ate." Kinuha ni Yi Jinli ang kanyang phone at nag type. Hindi nagtagal, may kumatok na sa pintuan. Pagkabukas ni Ling Yiran ng pintuan, sumalubong sakanya si Gao Congming at ang mga bodyguard ni Yi Jinli na nakita niya noon sa ospital at.... may dalang mga kumot, higaan at unan ang mga ito, na walang anu-anong pumasok sa loob ng apartment niya. Bawat papasok ay magsasabi sakanya ng "Miss Ling, pasensya na po sa istorbo." Napapangiti nalang si Ling Yiran. Ano bang dapat niyang sabihin bukod sa "Okay lang" o kaya "Sige lang"? Pagkat
Tandang tanda niya pa noon na palagi siyang nagrereklamo na kailangan niya ng mag diet dahil ayaw niyang tumaba at baka hindi na bumagay skaanya ang mga damit niya. Pero ngayon... hindi niya na kailangang mag-alala dahil sobrang payat niya na at wala na rin siyang pakielam sa mga sinusuot niya. Kung noon design ang tinitignan niya, pwes ngayon, tinitignan niya nalang ay kung kaya niya ba ang presyo nito. At kapag naalala niya yung mga ganung bagay, natatawa nalang siya. Kapag may gusto kang isang bagay, gagawin mo ang lahat para makuha yun, at kapag nakuha mo naman na yun, marerealize mo na hindi mo na pala yun gusto.... Kaya tinatawanan nalang ni Ling Yiran ang mga nangyari sakanya. Isa pang bumabagabag sa isip niya ay kung bakit tinatawag pa rin siya ni Yi Jinli na 'Ate', na para bang miss na miss nito yung mga panahong magkasama pa sila. 'May gusto ba siya sakin?' Minsan kasi hindi niya mapigilang magisip dahil kitang kita niya na iba ang trato nito sakanya kumpara sa ib
Pero bago pa man makasagot si Ling Yiran ay nagpatuloy si Yi Jinli. "Ako meron. Galit na galit na galit ako sa taong yun at tinatak ko sa puso ko na kapag nagkita kami ulit, maghihiganti talaga ako sakanya sa mismong araw ng birthday niya. Hanggang ngayon ay nakatanim pa rin sakin yung galit na yun, at dito lang sa apartment mo ate ko nakakalimutan yun." Hindi umimik si Ling Yiran at nagpanggap na tulog. Sa totoo lang, hinihiling ni Yi Jinli na sana talaga ay tulog si Ling Yiran dahil ayaw niyang marinig nito ang mga sasabihin niya. "Siguro masasabi ko na pangarap ko rin talaga siyang makita para makaganti ako sakanya kaya kahit saan pa siya nagtatago, balang araw, mahahanap ko rin siya at ipaparamdam ko sakanya kung anong pakiramdam ng maloko at masaktan ng taong mahal niya. Tuloy-tuloy na nagsalita si Yi Jinli, na para bang gusto niyang ilabas ang lahat ng laman ng puso niya. Hindi makagalaw si Ling Yiran. 'Taong mahal.... hindi kaya yung taong sinasabi niyang galit siya a
Agad-agad naman silang nagmaniobra papunta sa ospital. Pagkarating ni Yi Jinli sa ospital, nirerevive pa rin ang Old Master kaya naghintay lang siya sa labas ng emergency room. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya kinabahan ng ganito... Ang buhay nga naman oh... Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, darating at darating din talaga ang panahon. Lumaki siya na iniisip na malakas pero masama ang ugali ng lolo niya, at ang nagiisang anak lang nito ang totoong minahal nito. Para dito, puppet lang ang ibang tao at oo... kasama siya dun, ang sarili nitong apo! Sa totoo lang, alam niya naman na ang tingin sakanya ng Old Master ay hindi bilang apo, kundi bilang nagiisang tagapag mana, na hindi na nito makontra. Pagkalipas ng dalawang oras, sa wakas nagbukas na ang pintuan ng emergency room. "Nailigtas na po namin siya. Pero masyado na pong matanda si Old Master Yi at ilang beses na rin po siyang naoperahan. Sa punto pong ito, mas maganda pong ihanda niyo na ang sarili niyo. Dalaw
Sa madaling salita, hindi pwedeng mainlove ang mga lalaki sa angkan ng Yi Family sa kahit sinong babae. "Ikaw..." Galit na galit ang Old Master, at hindi yun maganda para sa isang taong dalawang araw palang na nakaka ligtas sa muntik ng pagkamatay at kalalabas lang sa ICU. Pero parang walang pakielam si Yi Jinli at sinabi niya ng walang preno ang gusto niyang sabihin, "Lolo, dahil sa bibg mo na rin mismo nanggaling, ibig sabihin pwedeng pwede ko na siyang protektahan. Siya nga po pala, ang sabi ng doktor,pwede pa raw pong tumagal ang buhay niyo ng ilang taon kung aalagaan niyo ng mabuti ang sarili niyo. " "Ha ha ha ha! Sige, apo nga talaga kita. MUkhang patay na patay ka talaga dun sa babaeng yun ah. Nakalimutan mo na ba kung anong nangyari sa tatay mo? Gusto mo bang matulad sakanya?!" Pasinghal na sagot ng Old Master. "Kahit pa sabihin nating mahal ko nga yung babaeng yun, gusto ko lang pong sabihin sainyo na hindi ko siya hahayaang kontrolin ang buhay ko." "Ha ha ha ha! Gan