Agad-agad naman silang nagmaniobra papunta sa ospital. Pagkarating ni Yi Jinli sa ospital, nirerevive pa rin ang Old Master kaya naghintay lang siya sa labas ng emergency room. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya kinabahan ng ganito... Ang buhay nga naman oh... Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, darating at darating din talaga ang panahon. Lumaki siya na iniisip na malakas pero masama ang ugali ng lolo niya, at ang nagiisang anak lang nito ang totoong minahal nito. Para dito, puppet lang ang ibang tao at oo... kasama siya dun, ang sarili nitong apo! Sa totoo lang, alam niya naman na ang tingin sakanya ng Old Master ay hindi bilang apo, kundi bilang nagiisang tagapag mana, na hindi na nito makontra. Pagkalipas ng dalawang oras, sa wakas nagbukas na ang pintuan ng emergency room. "Nailigtas na po namin siya. Pero masyado na pong matanda si Old Master Yi at ilang beses na rin po siyang naoperahan. Sa punto pong ito, mas maganda pong ihanda niyo na ang sarili niyo. Dalaw
Sa madaling salita, hindi pwedeng mainlove ang mga lalaki sa angkan ng Yi Family sa kahit sinong babae. "Ikaw..." Galit na galit ang Old Master, at hindi yun maganda para sa isang taong dalawang araw palang na nakaka ligtas sa muntik ng pagkamatay at kalalabas lang sa ICU. Pero parang walang pakielam si Yi Jinli at sinabi niya ng walang preno ang gusto niyang sabihin, "Lolo, dahil sa bibg mo na rin mismo nanggaling, ibig sabihin pwedeng pwede ko na siyang protektahan. Siya nga po pala, ang sabi ng doktor,pwede pa raw pong tumagal ang buhay niyo ng ilang taon kung aalagaan niyo ng mabuti ang sarili niyo. " "Ha ha ha ha! Sige, apo nga talaga kita. MUkhang patay na patay ka talaga dun sa babaeng yun ah. Nakalimutan mo na ba kung anong nangyari sa tatay mo? Gusto mo bang matulad sakanya?!" Pasinghal na sagot ng Old Master. "Kahit pa sabihin nating mahal ko nga yung babaeng yun, gusto ko lang pong sabihin sainyo na hindi ko siya hahayaang kontrolin ang buhay ko." "Ha ha ha ha! Gan
"Sabihin mo nga sa akin kung ano kayang iisipin ng Ling Yiran na yun kapag nalaman niya ang tungkol dito?" "Hindi niya po 'to malalaman." Nakangiti pero walang emosyong sagot ni Yi Jinli. Dahil ayaw pa ring magpatinag ni Yi Jinlli, lalo lang nanggigil ang Old Master. "Sa tingin mo ba posible yun?! Walang sikretong hindi nabubunyag at sigurado ako na darating ang araw na malalaman niya ang lahat at..." Pero hindi pa man din natatapos magsalita ang Old Master nang muli nanamang magsalita si Yi Jinli,"Hindi niya po malalaman, Lolo. Okay?" Mahina lang ang boses ni Yi Jinli, sapat lang para marinig nilang dalawa. Sa puntong 'to. bahagyang nasindak ang Old Master sa nanlilisik na mga mata ng kanyang apo. 'Titignan mo ako ng ganyan dahil lang sa isang babae?!!!' 'Ano? Kaya mo ba talagang panindigan na balang araw ay hindi ka makokontrol ng babaeng yun?' 'Mukhang mas malala ka pa sa tatay mo....' - Pagsapit ng Sabado, maagang bumyahe si Ling Yiran papunta sa ospital ng lola
'Tama nga ang kutob ko.... hindi naman nila ako papapuntahin dito ng wala lang.... Plinano nila na ako ang pagbayarin ng mga kailangang bayaran.....' Una palang naisip niya na talaga na hindi tipo ng mga kamag anak niyang kokontakin siya ng walang rason, dahil wala pa siyang naalalang pagkakataon na tinawagan ng mga ito ng walang dahilan. Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Lolo Lu, natatarantang nagsalita ang isang tito ni Ling Yiran, "Pa, wala kaming kapera-pera. Wala nga akong maibigay sa anak kong ikakasal oh. Hindi ako makakapag bigay kasi ayoko namang madamay pa ang kasal ng Minghui ko dahil lang dito. "Ako rin, Pa, walang wala ako ngayon!" Hirit ng isa pang tito ni Ling Yiran, sabay tingin ng masama kay Ling Yiran. "Yiran, kung hindi lang sana kami mahirap, hindi naman maiisip na ipakasal ka sa Feng Family. "Ah... Dahil mahirap kayo, okay lang na ipakasal niyo ako sa baliw. So may karapatan pala kayo na gawin ang lahat ng gusto niyong gawin dahil mahirap kayo?" Wal
Biglang nagbago ang itsura ng lahat. "Anong ibig mong sabihin?!!!" "Ang ibig ko pong sabihin ay hindi ko kayo bibigyan ng 200,000 yuan!" Walang emosyong sagot ni Ling Yiran. "Wala akong kilalang mayaman. Ang akin lang ay nanay niyo si Lola kaya dapat lang na alagaan niyo siya. Hindi ba sampal sainyo na yung apo niya yung magbabayad ng lahat ng mga ginastos niyo mula sa pang ospital niya hanggang sa mga pamasahe niyo papunta dito?" "Yiran, hindi mo kami naiintindihhan. Kitang kita ng mga tito mo na buhat-buhat ka ng isang mayamang lalaki noong araw na yun. "Wala po akong alam sa sinasabi niyo, at ang malinaw lang po sa akin ay pinainom nila ako ng gamot." Kalmado ang pagkakasabi ni Ling Yiran pero ramdam na ramdam ang diin. "Pero siguro nga para sa akin din yung ginawa nila. Sadyang mahirap kasing paniwalaan na tataraydurin ng sariling tito ang pamangkin nito. Mga tito, bakit kaya hindi niyo pangalanan kung sino ang mayamang lalaking sinasabi niyong kakilala ko nang mapasalamatan
"Edi wala ng ospi-ospital! Iuwi nalang natin ang mama mo. Tignan natin kung hindi pa rin siya magbigay!" Galit na galit na sagot ni Lolo Lu. "Paano kung talagang kasuhan niya kami?" Nag-aalalang tanong ni isa niyang tito. Kinakabahan ring sumingit ang isa pang tito ni Ling Yiran, "Oo nga... magaling na abogado pa naman siya dati. Isa pa, kung talagang may mayamang bumaback up sakanya ngayon....malamang lalabas yung taong yun kapag kinasuhan niya tayo at kapag nangyari yun, imposibleng manalo tayo." Napakamot nalang ulo si Lolo Lu sa sobrang galit. "Edi pag hatian niyong tatlo yung 150,000 yuan!" "Gusto niyo pong kami ang magbayad?" Hindi mapalagay na tanong ng isang tita ni Ling Yiran. "Eh ano pa bang gagawin natin? Hintayin natin na kasuhan tayo ng batang yun?" Pulang pula na ang mukha ni Lolo Lu sa sobrang galit. "Kapag hindi kayo nag ambag, kalimutan niyo na ang makukuha niyo sa demolition!" Sa pagkakataong ito, hindi na sumagot ang tita ni Ling Yiran. May asawa at mga
"Wala naman. Dahil may mga bagay siyang ginawa na hindi dapat, syempre dapat lang na tanggapin niya ang parusa niya." Sagot ni Gu Lichen na parang maliit na bagay lang ang pinaguusapan nila. Pero nang marinig yun ni Ling Yiran, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. 'Ibig sabihin..... pinatahimik niya si Zhong Rongrong? Kung ganun... napatalsik siya sa show business? 'Ibig sabihin... mula ngayon, mawawala na sakanya ang lahat ng mga luho niya at magiging isang ordinaryong tao nalang din siya.... 'Sa mundong ito, ilang tao ba ang gustong mamuhay bilang isang ordinaryo lang? Lalo na yung mga taong nakaranas na ng sarap noon.' Natatakot si Ling Yiran na baka hindi kayanin ni Zhong Rongrong ang ganung klsase ng buhay. "Bakit? Naawa ka ba sakanya? Nakalimutan mo na ba na binastos ka ni Zhong Rongrong?" "Hindi ako naawa sakanya. At sa tingin ko, hindi niya rin naman magugustuhang maawa ako sakanya. Hindi mo na ako kailangang ilibre ulit. Mauna na ako, kailangan ko pang habulin yun
Hindi kaya natatakot siya na mawalan ng koneksyon kay Yi Jinli? Hindi niya makakalimutan na si Yi Jinli ang dahilan ng mga bangungot niya na hanggang ngayon ay ginugulo pa rin siya. Pero.... bakit ba kasi bigla niya nalang naisip kung ililigtas ba siya nito?! "Bakit ka nga pala nasa ospital?" Biglang tanong ni Gu Lichen. "May sakit kasi yung lola ko. Binisita ko lang." Sagot ni Ling Yiran. Kahit naman hindi siya magsabi ng totoo, malalaman at malalaman pa rin nito, sa dami ba naman nitong paraan. "Dito nakatira yung lola mo?" "Oo." "So... ikaw... dito ka rin nakatira noon?" Nag'aalangang tanong ni Gu Lichen. "Oo. Tumira ako dito noong bata ako pero sandali lang kasi bumalik na rin ako sa Shen City noong medyo lumaki na ako." "Ah ganun ba? Noong nandito ka ba noong bata ka, may naalala ka bang kakaibang nangyari?" Biglang napahawak ng mahigpit si Gu Lichen sa manibela habang tinatanong ito. "Paanong kakaiba? Sobrang bata ko pa nun, kaya baka nakalimutan ko na." Hindi n
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at