"Hindi ka ba natatakot na baka gantihan ka nila kapag pinakawalan mo sila?" Hindi sumagot si Ling Yiran dahil naisip niya na rin ang sinabi ni Yi Jinli at hindi ito nagkakamali, lalo na at ugali talaga ng mga tito niya na imbes na magpasalamat ay manunumbat pa. "Wala akong pakielam sakanila. kaya kong matulog ng mahimbing kahit pa maraming galit sa akin." Kalmadong sagot ni Ling Yiran. Pero hindi nagustuhan ni Yi Jinli ang naging sagot ni Ling Yiran. "Eh paano naman ako?" Bigla niyang tanong. "Ano?" Sagot ni Ling Yiran na ilang segundo pa ang lumipas dahil wala siya sa sarili. Nilapit ni Yi Jinli ang mukha niya kay Ling Yiran at inulit ang tanong niya, "Ang sabi ko, paano naman ako? Hindi mo ba ako iniisip? Hindi ka ba nag-alala kung anong tingin ko sayo?" Hindi alam ni Ling Yiran kung paano siya sasagot. 'Kung ikiaw siguro si 'Jin', walang pagdadalawang isip kong sasabihing nag-aalala ako sayo, pero ikaw si Yi Jinli....' "Sa tingin ko wala ka talagang pakielam kung ini
Dali daling umalis si Ling Yiran sa kama niya. "Ma...maliligo ako." Hindi mapakaling sabi ni Ling Yiran, sabay takbo papunta sa CR. Samantalang si Yi Jinli ay tinignan sinundan lang ito ng tingin. - Sa loob ng CR, tinitigan ni Ling Yiran ang sarili niya sa salamin at napabuntong hininga nalang siya. Hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi sakanya ni Yi Jinli. 'Ako? pumatong sakanya at hinalikan siya? 'Paano naman mangyayari yun!' 'Pero... imposible ba talaga? Wala rin kasi akong maalala.... 'Paano kung totoo pala ang sinabi niya?' Hindi alam ni Ling Yiran kung paano papaniwalain ang sarili niya na hindi totoo ang sinabi ni Yi Jinli kung siya mismo ay walang maalala! Dali-dali siyang naligo at paglabas niya, nagulat siya na nasa apartment niya pa rin si Yi Jinli. Kasalukuyan itong nakaupo sa may dining table niya at umiinom ng tubig. Naka de-otso ang mga binti nito at sa sobrang gwapo ng mukha at ganda ng katawan nito, lahat ata ng makakakita dito ay mapapatulal
Para sa isang Yi Jinli, wala ng ibang gloves pang babagay kundi yung mga custom-made ng mga sikat na designer! "Isipin mo nalang na thank you gift mo yun sakin sa pagpapalaya ko sa nga kamag-anak mo." Hirit ni Yi Jinli. "Pero nawala o na yung sukat." Hiyang hiyang sabi ni Ling Yiran. Naalala niya na gumamit siya noon ng medida para makuha ang sukat nito, pero ngayon, nawala niya na ito. Lalo na at wala na rin naman talaga siyang planong tapusin ang gloves kaya tinapon niya na ang papel na pinagsulatan niya. "Kung nawala mo na yung sinukat mo noon, eh di sukatan mo nalang ako ulit." Malamang yun nga ang kailangan niyang gawin.... Kinuha ni Ling Yiran ang medida niya at umupo sa tabi ni Yi Jinli para kunin ang sukat ng kamay nito. At siyempre, hindi maiiwasang mahawakan niya ang mga kamay nito. Sa tuwing dadampi ang mga daliri niya sa palad nito, agad niyang iniiwas pero hanggat maari, ayaw niyang magpahalatang naiilang niya. Pero napansin pa rin ito ni Yi Jinli kaya nata
Kaya para matapos niya ito kaagad, dinala niya nalang ito sa Sanitation Service Center para magagawa niya ito kapag breaktime niya. Nang makita ni Manang Xu ang ginagawa ni Ling Yiran, hindi nito napigilang mangusisa. "Nagtatahi ka ng gloves mo? Bakit ang laki?" "Ahhh.... May pagbibigyan ka?" "Uh-huh," Sagot ni Ling Yiran. "Sabi ko na eh! Hindi naman ganyan kalaki ang kamay mo eh!" Pangungulit ni Manang Xu. Tumungo lang si Ling Yiran. "May boyfriend ka na ba?" Muling panguusisa ni Manang Xu. "Wala po." Dali-daling pagtanggi ni Ling Yiran. "Eh kung wala ka naman palang boyfriend, kanino mo ibibigay yan? At talagang dinala mo pa yan dito para matapos mo habang breaktime mo!" Pangungulit ni Manang Xu, na ayaw maniwala sa sinasabi ni Ling Yiran. Hindi na nakasagot si Ling Yiran dahil ano bang sasabihin niya kay Manang Xu? Na yung tinatahi niya ay para kay Yi Jinli ay kailangan niyang matapos agad-agad dahil ayaw niya ng magkaroon ng utang dito? Mas okay na sakanyang isi
"Pero kahit ilang beses pa akong mapromote, hindi mo pa rin ako magugustuhan diba?" Hindi alam ni Ling Yiran kung anong sasabihin niya kay Guo Xinli para gumaan ang pakiramdam nito. Natawa nalang si Guo Xinli, "Sa totoo lang, bago mo pa sabihin yun sakin naiisip ko na rin talagag maghanap ng ibang trabaho. Ilang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa Sanitation Service Center at nagsawa na ako. Gusto ko namang magkaroon ng mas challenging na trabaho kahit bago manlang ako mag trenta." "Challenging?" Kung papapiliin si Ling Yiran kung buhay na walang kasiguraduhan at puno ng mga pagsubok o yung buhay na boring siguro hinding hindi niya pipiliin yung una. Dahil sa lahat ng pinagdaanan niya, natutunan niyang makuntento kahit gaano pa kasimple ang mga nangyayari sakanya. Huminga ng malalim si Ling Yiran at sinabi, "Sa totoo lang, hindi mo dapat isipin yung mga sinabi ko sayo. Nagawa ko lang yun dahil ayoko ng mag aksaya ka ng oras para sakin. Didiretsuhin na kita, hindi kita gust
'Yun ba yung lalaking mahal niya?' Pero bandang huli, wala rin siyang lakas ng loob na magtanong. Dahil wala naman talaga siyang karapatan sa ngayon pero siguro balang araw kapag mas maayos na ang buhay niya, babalikan niya si Ling Yiran. Hindi na rin nagtagal si Guo Xinli at umalis na rin ito kaagad. Samantalang si Ling Yiran naman ay naglakad papasok sa apartment niya, pero laking gulat niya nang makitang nakabukas ang mga ilaw sa loob. Bago siya umalis, sinugurado niyang napatay niya ang mga ilaw. Hindi kaya... Kinilabutan si Ling Yiran. Hindi na siya nagpatumpik tumpik at binuksan niya kaagad ang pintuan, at ang sumalubong sakanya ay ang maliwanag niyang apartment at si Yi Jinli na naka upo sa sofa. "Ikaw-" Naglakad siya papasok sa apartment niya. "Gabing gabi na, bakit ka ba nandito?" "Ako nga ang dapat nagtatanong niyan sayo, ate. Hindi ka naman daw nag overtime ngayon at hindi ka rin night shift kaya bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Yi Jinli habang tinitignan
"Bakit? Dito naman ako nakatira noon ah? Nakalimutan mo na ba na palagi tayong magkasamang matulog noon?" Kalmadong sabi ni Yi Jinli. Ang mga salitang to.... ay sobrang nakakagulo ng isip! Napakagat ng labi si LIng Yiran. "Pero ngayon..." "Anong meron ngayon?" "Wala naakong extra na mahihigaan mo. Tinago ko yung ginagamit mo noon pero hindi ko pa lalabhan kaya malamang may amoy na yun ngayon." "Napaka simple lang ng sagot sa problema mo, ate." Kinuha ni Yi Jinli ang kanyang phone at nag type. Hindi nagtagal, may kumatok na sa pintuan. Pagkabukas ni Ling Yiran ng pintuan, sumalubong sakanya si Gao Congming at ang mga bodyguard ni Yi Jinli na nakita niya noon sa ospital at.... may dalang mga kumot, higaan at unan ang mga ito, na walang anu-anong pumasok sa loob ng apartment niya. Bawat papasok ay magsasabi sakanya ng "Miss Ling, pasensya na po sa istorbo." Napapangiti nalang si Ling Yiran. Ano bang dapat niyang sabihin bukod sa "Okay lang" o kaya "Sige lang"? Pagkat
Tandang tanda niya pa noon na palagi siyang nagrereklamo na kailangan niya ng mag diet dahil ayaw niyang tumaba at baka hindi na bumagay skaanya ang mga damit niya. Pero ngayon... hindi niya na kailangang mag-alala dahil sobrang payat niya na at wala na rin siyang pakielam sa mga sinusuot niya. Kung noon design ang tinitignan niya, pwes ngayon, tinitignan niya nalang ay kung kaya niya ba ang presyo nito. At kapag naalala niya yung mga ganung bagay, natatawa nalang siya. Kapag may gusto kang isang bagay, gagawin mo ang lahat para makuha yun, at kapag nakuha mo naman na yun, marerealize mo na hindi mo na pala yun gusto.... Kaya tinatawanan nalang ni Ling Yiran ang mga nangyari sakanya. Isa pang bumabagabag sa isip niya ay kung bakit tinatawag pa rin siya ni Yi Jinli na 'Ate', na para bang miss na miss nito yung mga panahong magkasama pa sila. 'May gusto ba siya sakin?' Minsan kasi hindi niya mapigilang magisip dahil kitang kita niya na iba ang trato nito sakanya kumpara sa ib