Para sa isang taong kagaya ni Yi Jinli, malamang hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo. "Bakit ka pa pumayag na makipagkita ako? Para ipamukha sakin kung gaano kataas ang kapangyarihan mo at kahit anong pagmamakaawa ko, wala akong mapapala?" Pautal-utal na sabi ni Ling Yiran. Ngumiti si Yi Jinli, at inayos ang hibla ng buhok ni Ling Yiran na dumampi sa pisngi nito. "Sabi mo ayaw mo akong makasama at hindi mo ako kailangan? Akala ko ba hindi mo pagsisihan?" Sobrang kalmado ng boses ni Yi Jinli. Yumuko siya at nilapit ang mga labi niya sa tenga ni Ling Yiran. Habang nararamdaman ni Ling Yiran na dumadampi sa balat niya ang mainit nitong hininga, lalo siyang naninigas at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. "Kaya ako pumayag na makita mo ako para maipaintindi ko sayo na hindi ka dapat nagbibitaw ng mga salitang hindi mo naman kayang panindigan." Sabi ni Yi Jinli habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Ling Yiran. Nang sandaling yun, pakiramdam ni Ling Yiran ay n
Paano nga naman siya hindi magmumukhang pagod kung ilang araw na siyang hindi nakakatulog. Bukod sa mga nangyari sakanila ni Yi Jinli, sobrang nagaalala rin siya sa paglala ng kundisyon ng lola niya, kaya ngayon pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ere. Pero hindi pa man din siya nakakalayo, may nakasalubong siya na binangga siya kaya natumba siya sa kalsada. Pero buti nalang at makapal ang damit niya kaya hindi siya nasaktan. Nang patayo na siya, may narinig siya na mga yabag ng paa na para bang patakbo palapit sakanya, at lilingon palang sana siya nang bigla niyang naramdamang may umalalay sakanya sa pagtayo. Nang tignan niya kung sino ito, nagulat siya dahil si Guo Xinli ang nakita niya. "Bakit ka..." "Nasa malapit lang yung sasakyan ko. Halika na, ihahatid na kita." Oo, tumanggi na si Ling Yiran pero sobrang nag-aalal pa rin si Guo Xinli kaya sinundan niya ito. "Wag na. Kaya ko naman ang sarili ko." "Paano naman kita hahayaang umuwi ng mag-isa ngayong nakita kong n
Nang maramdaman ni Ling Yiran na medyo nakalayo na ito, bahagya siyang lumingon para silipin ang sasakyan nito na palayo ng palayo. 'Siguro hindi na ako makakahanap ng taong kasing bait niya at yung tipo ng taong hindi ako huhusgahan kahit pa ex-convict ako. Bukod sa wala talaga akong nararamdaman para sakanya, ayoko rin na madamay siya sa mga problema ko sa buhay.' Sinundan niya ng tingin ang sasakyan ni Guo Xinli hanggang sa tuluyan na itong nawala. Noong oras na yun, hindi niya namalayan na may nakaparadang itim na Bentley mula sa di kalayuan, at nag-aapoy na sa galit ang taong nakasakay doon. Pangisi-ngisi lang si Yi Jinli, pero sobrang kinakabahan si Gao Congming habang pinagmamasdan ito sa rearview mirror. 'Nako, kabisado ko ang mga ngiting yan.... yan ang palatandaan na sasabog na ang Young Master sa galit. Kaya sa isip ni Gao Congming, pinapagalitan niya si Ling Yiran: 'Kung uuwi ka kasi Ling Yiran, dumiretso ka na ng umuwi hindi yung magpapahatid ka pa sa ibang lala
Yumuko si Yi Jinli, na sobrang lapit na ng mga mukha nila ni Ling Yiran. Habang magkadikit ang mga mukha nila, dahan dahan niyang pinagkiskis ang mga pisngi nila. Walang bakas ng kahit anong pwersa ang kilos ni Yi Jinli, pero kinikilabutan si Ling Yiran sa presensya nito. "Wala na akong pakielam? Pero alam mo naman siguro na kaya kong gawin ang lahat ng gustuhin ko, diba? Hindi ka ba natatakiot na mangyari sakanya? Kasi kapag ginawa ko yun, dun ko malalaman kung gaano talaga siya kaimportante sayo...." Nanlilisik ang mga mata ni Ling Yiran na tinitigan si Yi Jinli. "Anong gagawin mo? Magkatrabaho lang talaga kami at walang namamagitan samin!" "Pero may gusto siya sayo, diba?" bulong ni Yi Jinli habang hinihimas ang mga labi ni Ling Yiran. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Ling Yiran na parang konti nalang ay titilapon na ito palabas. "Wag.... wag mo na siyang pakielamanan." Sabi ni Ling Yiran, na may nanginginig na mga labi ni habang nagsasalita. "Ibig bang sabihin ni
Pagkasakay nila sa sasakyan, sinabi ni Yi Jinli kay Gao Congming, "Sa Royal Court tayo." "Opo." Magalang na sagot ni Gao Congming habang sinisilip ang mga mukha nina Yi Jinli at Ling Yiran sa rearview mirror. Nakayuko si Ling Yiran kaya hindi niya makita kung anong reaksyon nito. Pero kung ang Young Master ang paguusapan, masasabi niyang mejo nahimasmasan na ito at wala na yung galit sa mukha nito di kagaya noong sila mag-usap ni Ling Yiran. Ang Royal Court Restaurant ang pinaka sikat na restaurant sa buong Shen City, pero bihira lang ang mga kumakain dito dahil karamihan sa mga sineserve dito ay mga pagkain na hinahanda talaga sa mga palasyo kaya sobrang mahal ng mga pagkain dito na malayong malayo sa kayang budget ng mga nasa middle class. Pagkarating ng sasakyan sa entrance ng Royal Court, muling hinila ni Yi Jinli ang kamay ni Ling Yiran at inalalayan niya itong bumaba. Gusto sanang alisin ni Ling Yiran ang kamay niya, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Yi Jinli
Para sakanya, sulit naman dahil nabibili niya pa rin ang mga gusto niyang bilhin. Mas mabuti nalang na maging sugar baby siya kaysa maging isang ordinaryong empleyado na walang kakayahang bumili ng mga luxury bags! Para kay Ling Yiran, bangungot yun! At ngayong nakita niya si Ling Yiran na nasa parehong restaurant, hindi niya matanggap na ang isang mababang tao na kagaya ni Ling Yiran ay makakatikim din ng mga pagkaing natitikman niya. At higit sa lahat, nakita pa siya nitong may kadate na matabang lalaki!!! "Mantian, kilala mo ba siya?" Tanong ng pandak at matabang lalaking kasama ni Zhao Mantian. "Oo. Ex-convict yan at ngayon isa siyang street sweeper!" Walang kapre-prenong sabi ni Zhao Mantian, sabay tingin sa manager. "Kailan pa pumayag ang Royal Court na magpapasok ng isang street sweeper?" Nakatalikod si Yi Jinli kay Zhao Mantian kaya hindi nito nakikita ang reaksyon niya. Pero kitang kita ng manager ang lahat! Kaya sobrang nanginginig ito sa takot at nangangati na
Mahina talaga ang utak ni Zhao Mantian, pero sa puntong yun, alam niyang may nagawa siyang mali. 'Kasama ba talaga ni Ling Yiran ang napaka gwapo at mukhang mayamang lalaking yan?' Pero imbes na konsesnya ay selos pa ang naramdaman ni Zhao Mantian. Tinitigan niya ng maigi ang lalaki, at habang tumatagal ay parang nagiging pamilyar ito. 'Saan ko nga siya ulit nakita noon?' Inisip niya ng inisip kung saan hanggang sa...."Tama! Ikaw nga yung gwapong lalaking kasama ni Ling Yiran noon sa bazaar, diba?!' Pagkatapos itong sabihin ni Zhao Mantian, pakiramdam ni Mr. Zheng ay mahihimatay na siya sa kinatatayuan niya at sobrang pinagsisihan niya na nakilala niya pa si Zhao Mantian. 'Sino sa Shen City ang maglalakas loob na sabihan yan kay Yi Jinli? Maliban nalang siguro kung nagpapakamatay ka!!' Ngumisi si Yi Jinli habang nakatingin ng masama kay Zhao Mantian. "Mantian, itikom mo na nga yang walang kwenta mong bibig! Hindi mo ba kilala kung sino yang kilalang nasa harapan mo?! Siy
Sobrang kiniliabutan ang manager ng restaurant samantalang si Mr. Zheng naman ay hindi na makahinga sa mga nangyayari. Alam ng lahat na hindi mahilig sa babae si Yi Jinli at kahit pa ang ex fiance nito na si Hao Meiyu ay walang napabalita na may nakakitang nagdedate ang dalawa. Pero ngayon, may kasama itong isang ordinaryong babae at talagang hindi ito nagdalawang isip na patulan ang nangangaway sa dito... Tulad ng gustong mangyari ni Yi Jinli, lumuhod si Zhao Mantian at pautal-utal na nagsalita, Yiran, a.... alam kong kasalanan ko. Hindi ko dapat sinabi yun sayo.... Hindi... hindi ko na uulitin.... Patawarin mo ako!" Nakatingin lang si Ling Yiran kay Zhao Mantian at wala siyang nararamdamang kahit katiting na awa. Siguro dahil hindi rin ito naawa noon sakanya... Hindi naman santo si Ling Yiran na pwedeng maawa sa lahat ng taong umaapi sakanya. Pero hindi niya gusto ang mga ganitong eksena. Kahit pa lumuhod si Zhao Mantian sa harapan niya ngayon, sigurado naman siya na ginaga